Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6

6. Crypticedro

Harper

7:59pm

"Si Harper ba 'to?" tanong ng babaeng nasa kabilang linya.

"Yes." sagot ko. "Seraphina?"

"Wow! Natandaan mo pala boses ko."

Hindi ako sumagot.

"Uy, harper andyan ka pa?" tanong niya. "Oo nga pala, nakuha ko ang number mo kay Yuhan. Ka group mo siya sa English, kung hindi mo alam."

"So why did you call?" sinadya kong ipahalata sa boses ko ang pagka irita.

"Uhmm, nabalitaan mo ba yung nangyari kay Ms. Alcantara?"

Ms. Alcantara? The guidance councilor?

"What about her?"

"Alam ko nakakatawang tignan pero, hindi kaya pinaglalaruan tayo ng killer?"

"Alam mo, Sera," I sighed. "Kung tumawag ka para magkaroon ng kadaldalan, I'm sorry but I'm not available. At isa pa, hindi ako interesado. Walang killer, wala."

Ayoko sa mga feeling close. Tulad nga ng sinabi ko, wala akong interes sa pakikipag kaibigan kahit kanino sa Montedro, at walang exception doon.

Ibababa ko na sana ang call nang bigla siyang magsalita. "Wait, Harper! Nasa labas ako ng bahay niyo."

"What?"

"Oo, alam kong hindi ka interesado, pero ako? Oo. Please give me a chance Harper. Desperada na anong malaman kung sino ang killer."

I sighed.

Natagpuan ko na lang ang sarili kong bumababa sa hagdan ng nakabihis. Nakita ko naman si Sera na nasa baba. Mukhang pinapasok siya ng isa sa mga pinsan ko.

"So what about now?" bungad ko sa kanya.

She flashed a smile. "Sumama ka muna sa akin ngayon."

Kunot noo ko siyang tinignan. Sasama? Bakit?

Bago pa ako makapagtanong ay nagsalita na siya. "Pupunta tayo sa burol ni John."

John?

Wait, 'yon ba yung kaklase naming mataba? Si John Paul?

Mukhang nabasa niya ang iniisip ko kaya marahan siyang tumango. "Pagkatapos, sa burol ng adviser natin."

"Huh?" hindi ko mapigilang bulalas. "Saan mo nabalitaan 'yan?!"

Hindi siya sumagot. Sa halip, hinila niya ang kamay ko at tinungo naming dalawa ang papunta sa burol ni John.

UMALINGAWNGAW ang mga palahaw at hagulgol sa loob. Nakita ko ang nanay niya na nakaluhod sa harapan ng kabaong at ibang kamag-anak. Nang igala ko ang tingin ko ay nakita ko rin ang ilan sa mga taga Montedro na nakikiramay.

"Umupo tayo doon." ani Seraphina sabay upo sa sulok sa bandang likod. Nagtaka tuloy ako sa kilos niya. Bakit kaya dito niya pa gusto?

Nang maka upo na kami ay inilabas ni Sera ang kanyang cellphone mula sa bulsa. Tumingin siya sa akin. "Maniwala ka o hindi, Harper, pero hindi coincidence ang lahat. Alam kong merong rason...kung bakit nawala sila!"

Sandali siyang tumingin sa cellphone niya at mukhang may kung anong kinakalikot sa loob. Habang ginagawa niya 'yon ay idinako ko ang paningin ko sa kabaong ni John. Bakit ito saradong buo?

"Ito." muli akong napatingin kay Sera. "Merong hidden website ang Montedro, at dito nakalagay ang lahat ng mga updated news nila. Dito nagaganap ang mga ipinagbabawal, recruitments, fraternity, at meron namang good side na making friends. Dito nagkakaroon ng socialization ang site na ito."

"Halos lahat ng taga Montedro ay alam ito, syempre bukod sa mga teachers at mga may katungkulan. Pero alam kong hindi mo alam ang site na ito dahil hindi halata sa mukha mo." I frowned at her."Well anyway, the student council is counted sa mga nakakaalam ng hidden web. Sounds funny, right? But what sounds funny more, is ang president ng SC ang siyang isa sa operator ng website."

Nixon Elixeo. Ang SC President namin. Mayaman, matalino, anak ng may pinaka malaking share sa Montedro. Wala na akong masyadong alam sa kanya bukod doon.


Sera continued. "Dito nabalita ang sunud-sunod na pagkamatay nila. And you know what? Hindi ko iniisip na isa itong pure accident. Nangyari na ito sa principal. At halata naman siguro na sa pagkamatay niya ay hindi simpleng aksidente iyon."


Kinuha ko ang cellphone ko at binrowse ang link ng hidden website ng Montedro.

Crypticedro

"Crypticedro?" I murmured.

"Oo." sambit ni Sera. "Cryptic which means mysterious, na pinaghalo sa pangalan ng Montedro's High. Oo nga pala. Kung hindi ko pa nasasabi, one of the most visited side ng site na ito ay ang Bear's talking."

Bear's talking? Weird name. "Ano 'yon?"

"Parang Simsimi lang. Mga anonymous admins ang nago-operate nito. Chat and you will receive a reply in just a second. Ito yung sinasabi nilang nakakalibang sa Crypticedro that pushes others para mag daily visit."

Based sa sinabi ni Sera, isang misteryosong website ang Crypticedro. Bakit tago ito? Meron namang ibang website ng schools na hindi tago ah?

"Crypticedro has been disapproved by society. Illicit kumbaga, sa madaling salita, illegal."

Malapit ko na paghinalaan si Sera na mind reader, eh.

"Nababasa ko kasi sa mukha mo yung mga katanungan mo." she giggled for a moment. I smiled.

So nabasa niya rin na sinasabi kong para siyang mind reader?

"Sa ngayon, gusto ko malaman ang dahilan ng pagkamatay ni John." aniya kaya napatingin ulit ako sa kanya.

"Base sa nakasulat dito," she refers to the post sa Crypticedro. "Natagpuan ang lower part ng bungo niya malapit sa room ng Cooking. Samantalang ang taas naman ay nasa Comfort room ng mga lalaki. At ang katawan namanniya ay nakita kung saan nagsstay ang mga janitress at janitors ng School."


"That's creepy shit." I bursted out.

"Sinabi mo pa. Pero mas malala naman itong kay Ms. Eula, grabe." she whispered. She's referring to our class adviser.

Na curious ako kaya binasa ko na rin ang post tungkol doon.

Crypticedro posted 4 updates:

Eula Dimetrica, IV-D Class and Literary Club Adviser, found dead without tongue inside the girl's comfort room. See more...



"Basahin mo lang ang lead ng news, dahil puro kwento na lang ang nasa baba niyan." singit ni Sera sa akin.

"Oh, okay.."

"Si Ms. Alcantara ang hindi gaanong karumal-dumal ang pagkamatay unlike John and Ms. Eula. Pero brutal din iyon." napatingin akong sandali kay Sera dahil parang pumiyok siya.

Bago ko pa ma-scroll down ang post about kay Ms. Alcantara ay kusa na ikinuwento sa akin ni Sera ang dahilan nito.


"Nalunod siya sa bath tub sa Comfort Room sa loob ng Guidance. Kumukulong tubig ang laman na may kasamang Zonrox."

Bahagya akong napanganga.


That was brutal.


"Kaya hindi mo masasabing isang aksidente ang nangyari. Hindi rin pwedeng suicidal."

I guess she's right. If she wants to suicide, she can simply end her life by drowning herself in the bath tub. Not in a brutal way. Well, unless kung sadista siya.

"Pero bakit interesado kang malaman kung sino ang pumatay sa kanila?" I can't help but ask.

I mean, that's too dangerous! Baka siya pa ang isunod ng killer kung hahanapin niya ito. At nakakatakot naman kung pati ako madamay noh?


"Because I want to be a detective someday." she simply said without looking at me.

Pinigilan kong matawa. "You would risk your life just to have an experience in solving out a mystery? Sera, if there's really a killer, that would be too dangerous. Lalo na sa ating mga walang kaalam-alam sa pagi-imbestiga--"


"I know who did this!" she exclaimed.

Wait. Is she crying?

"Harper," hinawakan niya ang kamay ko. Goodness, her hands were cold. Too cold. "Just help me, please..."









Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro