Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3

3. Nevah

Hindi ako nakatulog dahil sa napanood kong iyon. Napagtanto ko na lang na umaga na nang mapadako ang tingin ko sa bintana at madungaw ang barkada ni Atticus na pagewang-gewang sa daan.

Shit, just piece of shit. Nababagabag ako. Ako lang ba ang naka receive ng unlocked email? But that's weird. Bakit ako lang?

Mabuti na lang at Sabado ngayon, walang school. Walang lagim na bubungad. Pero sigurado ako na marami na ang nag-iimbestiga roon dahil sa video.

MIDNIGHT. Lumipas ang oras na puno ng katahimikan ang buong bahay. Tulog ang burarang si Atticus, natural na tahimik si Oreo, at bumalik naman muna si Aica sa bahay nina tita para ma-refresh ang utak. Samantala, may isa pa akong pinsan na sigurado naman akong nananahimik lang din.

Para malibang, pumunta ako sa kwarto ni Ignis.

"Ignis," walang anu-ano'y pinasok ko na ang madilim niyang kwarto. Agad ko naman siyang nakita sa tabi ng lampshade na nagbabasa.

Tinignan niya lang ako saglit at bumalik na sa pagbabasa.

Ignisiattea, ang nag-iisa kong pinsan na may pinakaweird na pangalan bukod kay Oreo na mistulang binuo lang ang pangalan dahil sa gutom. Well, weird name describes her personality too. Pero sa lahat ng pinsan ko, siya naman ang pinakamisteryoso.

"Anong binabasa mo?" pang-iistorbo ko sa kanya.

"Agastopia." malamig niyang sambit na hindi man lang ako pinapasadahan ng tingin.

Tumango na lang ako kahit na wala akong ideya kung ano ang Agastopia. Leche, pumunta ako dito para libangin ang sarili ko pero ngayon ko lang na-realize na mas maaalala ko ang napanuod ko dahil sa nakakatakot na kwarto ni Ignis.

"Harper, have you watched the video?" biglang bulalas ni Ignis dahilan para mapatingin ako sa kanya.

Oo nga pala, nasa iisang school lang kami kaya siguradong nakatanggap din sila ng email.

Dahan dahan akong tumango at muling nagtayuan ang balahibo ko.

She smirked. "That's cool, right?"

Napanganga ako. "W-what's cool with that?!" hindi ko mapigilang pagtaasan siya ng boses.

Bumalot sa akin ang kilabot nang tumingin sa akin si Ignis. "There's a killer in the school."

"P-paano mo naman nasabi?"

"That's obviously a murder, Harper. And who does a murder? Obviously a killer." malamig niya mulang tugon.

I can't believe Ignis could say something like that without any hesitation. I mean, parang hindi siya natatakot. But that doesn't make me suspense her, alam kong natural na 'to sa kanya.

Since Ignis is a weird one.

"By the way, don't think too much."

I frowned at her.

"I received the unlocked email too."

WINDANG ang dala sakin nang pumasok ako sa kwarto ni Ignis. Where on earth did I get the idea to go to her room anyway? When in fact, I know na mas nakakatakot ang mangyayari.

Pero nawala ang tinik at kilabot sa loob ko dahil sa sinabi niya. Siguro nga, hindi lang ako ang nakatanggap ng unlocked email. Why would I think na ako lang? I'm not related to the principal other than being a student. Marahil marami rin tulad ko ang nakatanggap n'on.

Pero bakit walang pumunta sa Principal's office kung ganoon?

Mas lalo akong napaisip. Baka naman, nagpunta sila pero naka locked? Pero hindi eh, kung nakatanggap sila ng video na tulad n'on, dapat isiniwalat nila agad. Imposibleng tumahimik lang sila sa isang tabi tulad ng ginawa ko, or Ignis.

Third person

Nakatulog na lamang sa sobrang pag-iisip si Harper nang sandaling iyon.

Pero ilang saglit lamang ay bumukas ang mga mata ni Harper at napatayo. Nagsimula siyang maglakad na tila puppet habang nagtutungo sa kusina.

"Harper, anong ginagawa mo at gising ka pa?" Gulat na saad ni Oreo nang makita si Harper na naglalakad sa direksyon niya. Subalit hindi ito sumagot.

Kunot-noong sinundan ng tingin ni Oreo si Harper habang binubutinting ang ilang utensils sa kusina. Nang mahawakan nito ang kutsilyo ay napaawang ang bibig ni Oreo.

"Oh, kukunin mo na naman yung kutsilyo!" bulalas nito at akmang aagawin ang kutsilyo kay Harper pero mabilis na tumakbo si Harper papunta sa silid.

Hahabulin pa sana ni Oreo ito ngunit narinig nito ang pag-click ng lock sa kwarto ni Harper.


"GOOD job, Harper." nakangiting sambit ng isang bata habang nakatingin sa kutsilyong hawak ni Harper.

"Now, have you seen my twin?"

Mabilis na umiling si Harper bilang tugon.

Tumawa ang bata. "Hindi?" inagaw nito ang kutsilyo kay Harper at matalim siyang tinitigan. "Then find her."

Itinutok ng bata ang dulo ng kutsilyo sa noo ni Harper. "I'll never leave you, Harper. Not unless you find my twin."

Wala sa sariling tumango si Harper. Ibinaba ng bata ang kutsilyo at umikot sa dalagang nakatitig sa kawalan. Ilang minuto siya nitong pinasadahan ng tingin hanggang sa magsalita muli ito.

"Find her in your school, Harper."

Awtomatikong tumango si Harper at nagtungo sa kanilang paaralan.

Harper

Sarado ang gate ng Montedro's High nang puntahan ko ito. Napatingin ako sa batang nasa likod ko na tila nag aabang sa susunod kong hakbang habang hawak hawak ang kutsilyong nakaturok sa likod ko.


"Talk to the gate," aniya na tila ba nababasa ang isip ko. "Banggitin mo ang pangalan ko at bubukas 'yan."

I gave her a dazzled look. "Nevah." nakangiti niyang sambit bago pa ako makapagsalita.


Ginawa ko ang sinabi niya. Sinabi ko ang pangalan niya at kusang bumukas ang gate. Diretso akong naglakad sa loob at nagtungo sa natatanging okupadong kwarto na may ilaw sa loob.


"Tanungin mo siya kung nasaan ang kambal ko." utos ni Nevah habang hindi pa nabubura ang ngiti sa kanyang labi.


Walang anu-ano'y pinasok ko ang opisina ng aming punongguro. Rumehistro sa kanyang mukha ang gulat at bahagyang napanganga nang makita akong naglalakad sa direksyon niya.


"That's good, Harper."


"A-anong ginagawa mo dito, miss?" nauutal na sambit ni Mr. De Vero.

"Nasaan ang kambal ni Nevah?" diretso kong tanong.


"N-nevah?"


"Have you seen my twin?" boses ni Nevah ang lumabas sa bibig ko. Kusang gumalaw ang mga kamay ko at kinalampag ang lamesa niya. Nabagsak ang ilang papeles at gamit sa baba subalit hindi ko iyon pinansin.


Nanlaki bigla ang mata ng principal.



"H-hindi! S-sino ka ba?!" tumaas ang boses niya. "Bakit ka biglang pumasok sa opisina ko?! Alam mo bang pwede kitang--"


Pinasakan ko ng lukot lukot na papel ang bunganga ni Mr. De Vero upang di siya magsalita. Halatang nabigla siya sa ginawa ko kaya't mas lalong lumaki ang mga mata niya na halos lumuwa na.



"Kill her, Harper!" bulalas ni Nevah. "Kill everyone who doesn't know my twin!"



Marahas kong sinampal ang kanang pisngi ni Mr. De Vero at agad na pinulupot ang dalawang kamay ko sa leeg niya. Pumatong ako at mas hinigpitan ang pagsakal hanggang sa mawalan siya ng hininga.



Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ang ginawa ko. Napatingin ako kay Nevah na kasalukuyang naghihintay sa susunod kong hakbang. Dahan dahan siyang naglakad palapit sa akin at inabot ang marker at packing tape na nasa ibabaw ng mesa.


Agad ko namang kinagat ang packing tape matapos kumuha ng mahaba. Inilapat ko ito sa bibig niyang may laman pang lukot na papel at sunod na tinurok ang marker sa kaliwa niyang mata.



Nakarinig ako ng palakpak. "Very good, Harper." umalingawngaw ang bungisngis ni Nevah sa buong kwarto.













Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro