Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2

2. What's inside

Pagkatapos ng klase ay dumaan muna ako sa Bookstore na pinag-iisipan ko kung paga-applyan ko. Isa itong common shop na hindi gaanong sikat pero nagbibigay naman ng satisfying na sweldo.

In the end, hanggang daan lang ako roon. Bukas pa kasi ang job interview at kikilatisin ko pa ang infos kung sakaling pwede magapply ang estudyante. Night shift sana ang pipiliin ko kaso naalala kong hanggang 4am nga pala ang sarado ng shop.

Pasakay  na sana ako ng jeep pauwi nang makarinig ako ng hikbi mula sa di kalayuan.

Natanaw ko naman agad ang isang batang babae na nakatitig sa akin habang patuloy sa pag-iyak.

Goosebumps.

Bakit nakatingin sakin 'tong batang ire?

Hindi ko na lang siya pinansin at nag abang muli ng jeep. Dapat pala sinakyan ko na ang kanina para hindi ako kinikilabutan dito. Ang konti pa naman ng tao. Puro shops na mailaw pero  soundproof. Tanging kotse lang ang dagdag ingay sa lugar.

"A-ate.."

Napatalon ako sa gulat at iniwas ang pagmumura sa pagtakip ng kamay ko. Fudge, how come this girl reached me? Sampung lakad pa yata ang distansya namin kanina. Gumapang kaya 'to?

Hinila niya ang laylayan ng palda ko kaya agad akong umusog. Calm down, Harper. Bata lang 'yan, don't use your bitch mode to an innocent kid.

"A-anong kailangan mo?" I flashed an awkward smile to her. Goodness, nagtatayuan ang balahibo ko sa kanya!

"Ate..." pag-uulit niya.

Imbis na sumagot ay hindi ko na siya pinansin at nagwish na sana ay may dumating na tao maski basurero mula sa mga shops para maibsan ang takot.

"Ate.."

Namuo na ang pag-asa sa akin nang maabot tanaw ko na ang isang ilaw mula sa jeep. Agad ko itong pinara at halos tumalon makasakay lang agad.

Bago humarurot ang jeep ay muli akong napalingon sa bata. Nandun pa rin siya at umiiyak. Sinusundan ako ng titig na hindi ko alam kung kikilabutan ba ako o maaawa.

7:59pm

"TARA shot mga bibeh!" Umalingawngaw ang boses ni Atticus sa loob ng bahay. Rinig na rinig ko ang halatang wala sa katinuan niyang boses kaya napailing na lang ako bago buksan ang pintuan.

"Uy Harper bibeh! Napadalaw ka dito?!" tatawa-tawang sambit ni Atticus habang kumakaway sa akin na para bang bagong kita niya lang ako dito.

Hindi ko na lang siya pinansin. Una sa lahat, ayokong kinakausap si Atticus dahil may malaking percentage na mapatay ko siya out of my will. Pangalawa, ayokong ipahiya siya sa harap ng barkada niya na halos araw-araw umiinom sa bahay.

This is what I dislike about being with your cousins in one house. Wala kang karapatang magreklamo dahil lahat kayo may will at no rules ang loob.

Pumasok na lamang ako sa kwarto ko na hindi inaalintana ang mga hiyawan at sigawan nina Atticus sa baba. Pero hindi ko pa nasasarado ang pinto nang marinig ko ang boses ni Oreo sa likuran ko.

What is he doing here? Napaka comfy nilang sobra at hindi na nahiya pang magpaalam sa pagpasok.

Tatanungin ko na sana siya nang maunahan niya ako. "Harper, pwede bang bumili ka na lang ng sarili mong kutsilyo? This knife is for our kitchen supplies, buy your own." aniya at umiling sa akin.

"Wait--" napanganga ako. "Are you accusing me na nagtago ako ng kutsilyo?" gusto kong magpakawala ng isang sarcastic na tawa but I remained serious.

"Well, oo."

"At anong gagawin ko dyan? Can't you see na kararating ko lang sa bahay? Nakainom ka rin ba tulad ni Atticus?" I rolled my eyes and heaved a sigh.

"Don't be such a liar, Harper. I saw you before" diretso niyang sambit niya at pumanik sa kwarto ko.

I saw you before?

Nakainom nga siguro si Oreo.

I LET OUT a deep sigh at nag scroll down sa facebook. It's four o'clock in the morning already, but I can't sleep. Hanggang ngayon kasi ay maingay pa rin ang barkada ni Atticus.

"Ate Harper?" narinig kong may kumatok. "Gising ka pa ba?"

Dali-dali akong tumayo at pinagbuksan ang kumakatok.

"Aica? Bakit?" bungad ko sa kanya.

Hindi ko alam kung sadyang maputi lang ba si Aica, o namumutla siya. But when she immediately hugged me, na-confirm ang iniisip ko.

"A-ate Harper, I'm scared. Can I sleep with you?"

Nanlambot ang tuhod ko sa boses ni Aica, she sounds afraid. I just hugged her back and let her in.

Angelica is my younger cousin. Lima kaming magpipinsan na nakatira dito. Si Angelica ang itinuturing kong nakababatang kapatid since she's kinda innocent at everything. Ako ang nagga-guide sa kanya sa mga bagay bagay at ako rin ang takbuhan niya sa mga problema niya.

"What pushes you here, Aica?" tanong ko while patting her back. Masasapak ko lang talaga si Atticus kung sakaling sila ang rason ng pag iyak niya.

"T-the video..." mahinang sambit niya and her tears began to fill out her eyes.

Video?

Biglang rumehistro sa utak ko ang napanuod ko kaninang video. Napatingin ako sa orasan. 4:05am, oo nga.

By this time siguro lahat ay gising na gising ang diwa. Is this what the principal wants? I guess due to curiosity ay halos lahat, active sa panunuod. I just moved closer to Aica and hugged her.

"Scared about the ghost, Aica?" I slightly laughed. Well, alam kong shocking naman talaga dahil maski ako muntik na mabato ang phone.

"N-no," nagulat ako nang mapatingin sa kawalan si Aica at nanginig. Dahan dahan siyang lumingon sa akin.

"Have you watched the video?"

Tumango ako.

"Then why aren't you scared?!" mas lalo akong nabigla sa pagtaas ng tono niya.

"Aica, that was a ghost prank--"

"NO!" she began to tremble so bad. "C-check it again!"

Tumango agad ako. What's about the video? Ano ang laman n'on?

Hinayaan ko munang makatulog si Aica bago ako muling humarap sa laptop ko. Kinakabahan man ay muli kong binuksan ang email.

Same link pasted sa email. Inalis ko ang volume at pinlay ang videong iyon. Hindi na ako nabigla sa pagbulaga ng nakakatakot na pigura sa monitor.

Muli akong napatingin kay Aica na kasalukuyang mahimbing ang tulog.

Nang ibalik ko ang tingin ko sa monitor ay halos lumuwa ang mga mata ko. The principal!

Nakatali siya gamit ang alambre sa upuan at naka-packing tape naman ang bibig niya. May marker na nakaturok sa kaliwang mata.

Hindi ko na maatim pang tignan pa ang sumunod kaya't agad kong inalis ang tab at napahilamos sa mukha. What the actual shit.

The principal...

Biglang nanlaki ang mata ko.

Kung kanina ko pa tinignan ang video, hindi kaya'y buhay pa ang principal?

Napalunok ako at nanginginig na pinindot ang isang tab at muling in-enter ang link.

"Fuck."

The video was live.

6:57am


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro