Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 19

19. Scared to death

Third person

"A-Atticus..." naluluhang sambit ni Harper habang nakaluhod sa sahig.

"Shit." Nixon cussed. Kitang-kita ng dalawang pares ng kanilang mga mata ang nangyari kay Atticus.

Nakabigti ito.

"Atticus...sinong gumawa nito sa'yo?!" napapaos na sigaw ni Harper. Hindi niya kayang idilat ang kanyang mata sa kadahilanang bagay ito na pumapatay sa kanya--ang makita ang kanyang pinsan na nakabigti.

Hinawakan ni Nixon ang dalawang balikat ni Harper. Nang maramdaman niya ang paninigas nito ay binuhat niya na ito.

"Harper, please calm down."

"Calm down?" tila nagdilim ang paningin ni Harper kay Nixon dahil sa sinabi nito. "How can I, Nixon?!"

Tinakpan ni Nixon ang bibig ni Harper. "The killer is around." bulong niya sa tenga nito.

Gulung-gulo na ang isip ni Harper. Sino nga ba talaga ang pumapatay? Siya? O may iba pa?

Pero imposible namang siya dahil nasa diwa ang kanyang katawan buong araw.

"Nasaan ang kitchen niyo?" tanong ni Nixon. Ibinaba niya na si Harper nang tumahimik ito.

"Bakit?"

"We can't fight the killer using our own hands. We need weapons."

Tinungo nila ang kusina. Subalit malapit pa lamang ay muli silang nakaamoy ng masangsang kaya tinakpan nila ang kanilang mga ilong.

Muling umalab ang kaba sa puso ni Harper.

Oreo..

*BLAG!*

"Oreo!"

Tuluyang umagos ang sunud-sunod na luha ni Harper nang makita si Oreo.

"Shit!" Nixon cussed again. Dali-dali siyang tumakbo sa kusina at nakita ang isang lalaking duguan.

Sumunod si Harper--at hindi siya nagkamali, si Oreo nga ang binatilyo.

"No!" Harper exclaimed. Muling bumigay ang tuhod nito.

"Hindi pa siya patay," Nixon said. "Duguan lang siya dahil sa knife na nakatarak sa braso niya. Mukhang kinalat lang din ang ilang dugo sa mukha at iba't-ibang parte ng katawan niya para magmukhang patay na ang pinsan mo."


Napatigil sa pag-luha si Harper. Idinilat niya ang kanyang mga mata at nakita ang kanyang pinsan--tama si Nixon, sa braso nakaturok ang maliit na kutsilyo nito.


"L-let's call the ambulance, Nixon..."

Nixon nodded and opened his phone. Ida-dial niya na sana ang number ng hospital na paga-ari ng kanilang pamilya nang may unregistered number muling tumawag dito.

Nanlamig siya nang mapagtanto ang unregistered number--ito ang kaninang number na tumatawag sa kanila.

"B-bakit?" Harper asked. "Call the ambulance!--"

"Harper.." pinakita ni Nixon ang number ng tumatawag.

Nanlamig din ang katawan ni Harper dahil sa nabasa. Tila malamig na hanging dumapo sa kanyang balat ang takot at kaba.


Harper gulped. Napadako ang tingin niya sa duguang katawan ng kanyang pinsan.

Kailangan niyang tatagan ang kanyang loob. Biglang pumasok sa kanyang isipan ang dalawa niya pang pinsan.

"Hello?" walang anu-ano'y sinabi nito matapos hablutin ang gamit ni Nixon.

"..."

"S-sino ka?! Sumagot ka!"

"Hi, Harper."

Bumilis ang tibok ng puso ni Harper dahil sa boses nito. Walang kasing-tinis na boses--masakit sa kanyang pandinig!

"Anong kailangan mo?! Nasaan ka? Sino ka?!"

"I am with your two cousins..."

Harper almost cussed--hawak nga nito ang kanyang mga pinsan!

Naririnig niya pa ang hiyaw ng mga ito na tila nagpupumiglas at nahihirapan. Mas lalong lumambot ang kanyang tuhod nang marinig ang palahaw ni Aica at ang halakhak ng dalaga.

"Hayop ka! Bakit mo 'to ginagawa?!" She broked her voice.

Tila mas lalong natuwa ang dalaga sa kabilang linya dahil narinig niya ang malakas na halakhak nito.

Kinuha ni Nixon ang phone niya at ini-set ang loudspeaker dito.

"Because it's my birthday!" tumigil ito sa paghalakhak. "Want to surprise me?"

"Fuck you!"

"Meet me, Harper. You'll know where I am by looking at your cousins."


"A-ano?! Wait!" Ibinaba na ng caller ang tawag nito.

"N-nixon.." napaupo si Harper sa sahig.

Tanging awa lamang ang ibinigay ni Nixon dito.

"Gagawa tayo ng paraan." He bravely said. Kinuha niya ang kutsilyong nakaturok kay Oreo.

"No more weapons." aniya nang igala ang paningin sa kusina. Marahil planado na ito ng killer, ani ng kanyang isip.

"Paano natin malalaman kung nasaan siya?" tanong ni Nixon habang hinihila ang kamay nito.

"By looking at your cousins?" tila robot na ani ni Harper.

Sabay nilang sinipat ang dalawang binatilyo.

Ilang minutong nanatili ang katahimikan sa kanilang lugar.

*BLAG!*

"AAAH!"

"Ano 'yon?!"

Kapwa silang napatingin sa kusina.


"O-Oreo..."

Wala na ang walang malay na katawan ng binatilyo sa kinaroronan nito kanina.

Alam na ni Nixon ang muling gagawin ni Harper kaya agad nitong tinakpan ang bibig nito. "Please don't cry, the killer loves seeing it's enemy's weakness."

"Endure the pain, face the danger, please...be brave." naramdaman niya ang pag-piyok nito.

Tila flashback na umikot ang utak ni Harper. Naalala niya ang mga panahong kasa-kasama niya ang kanyang mga pinsan. Maliit pa lamang sila nang pasukin niya ang tirahang ito. Dala siya ng kanyang lolo noon.

"Dadsie, what are we doing here?" tanong ng maliit na batang babae habang kalong ng isang lalaking may edad.

"Sandali lamang apo ko, dito ka muna. May kukunin lang ang dadsie." sagot naman nito sa bata.

Agad na umiling ang batang babae sa sinabi ng matanda. "No! I don't want dadsie! Sasama ako! I will go too!"

Magpapaliwanag pa sana ang matanda nang bumukas ang pintuan ng bahay na kaharap nila. Bumungad sa kanila ang isang batang babaeng nakasimangot.

"Ang ingay."

"Ignis!" Biglang pumasok ang isang batang lalaki na mas malaki dito. Kumakain ito ng biscuit na bilog na kasama pa ang ilang kalat sa mukha nito. Puro dungis ang magkabila nitong pisngi.

"What?"


"Bisita natin sila, don't be rude!" inirapan lamang siya ng batang babae at umalis na.

"Hi lolo! Sorry po kay Ignis-"

"Hi mga bibeeeeh!"

"Huwaaaaaaah!"

Napahawak sa magkabilang tenga ang batang lalaki at ang batang babae na kalong ng matanda. Natawa naman ang matanda dito.

"Atticus! Shh! Natatakot si Aica!"
Muli nitong nilingon ang mga bisita. "Sorry po talaga, by the way, ako nga po pala si Oreo."

Ngumiti ang matanda at ibinaba ang batang kalong-kalong nito. "What will you say, apo?"

Sumimangot ang bata. "Harper."


"Hi Harper!" masiglang bati ni Oreo dito. "Pasok ka, ipapakilala kita sa mga pinsan natin. Pinsan mo rin ako hehe"


"Dadsie!"


"Apo, d'yan ka lang muna saglit sa mga pinsan mo. Upang makilala mo na rin sila, apo. May importante lang akong pupuntahan."


"Halika na! Ingat po kayo lolo!" ani Oreo sabay hatak sa braso ni Harper.

Simula rin ng araw na iyon, hindi na bumalik pa ang lolo ni Harper. Walang rason siyang nakuha mula rito, pero araw-araw siyang napapaisip kung nasaan na nga ba ang kanyang lolo, at kung bakit siya nito iniwan.


Nakasama niya ang kanyang mga pinsan. Dito na siya tumira, at makalipas din ang ilang araw ay dumating ang mga damit at gamit niya rito.

Ilang taon niyang nakasama ang mga ito. Ilang taon niyang nakasalamuha ito. Sila ang kumupkop at nagmahal sa kanya at hindi siya iniwan. Wala man siyang kilala na ibang kamag-anak bukod sa kanila, kuntento na siya sa mga ito.

Nixon's hand gripped her arm tightly.

"Alam ko na kung nasaan siya." Harper exclaimed, looking intently at Atticus's hanging body.

Nixon stared at her, waiting for the answer.


"Attic, attic room."




Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro