Chapter 18
18. Unexpected
Third person
Madilim na ang kalangitan subalit napagdesisyunan pa rin ni Harper at Nixon na mag-imbestiga. Tinungo nila ang book store.
Nandoon pa rin ang mga pulis.Kasalukuyang iniimbestigahan ang mga pangyayari subalit nakatuon ang pansin nilang dalawa sa babaeng humahagulgol habang nagwawala.
"Do you know her?" tanong ni Nixon kay Harper. Napansin kasi nito ang pagkatulala niya.
Tumango naman si Harper. Ito ang babaeng nakita niyang kinaladkad ng kanyang boss noong gabing maga-apply siya dito ng trabaho.
Papasok sana sila sa loob subalit agad silang hinarangan ng mga pulis at binalaan. Wala silang magawa kundi umisip ng plano kung paano makakapasok nang hindi napapansin gayong marami ang nagbabantay sa kanila.
"Mukhang hindi talaga tayo makakapasok." ani Nixon dahil halos hindi na rin magkanda-ugaga ang mga pulis at imbestigador doon.
"Paano 'yan?"
Nagkibit-balikat lamang si Nixon.Dumako ang tingin ni Harper sa babaeng ngayon ay unti-unting kumakalma subalit umiiyak pa rin.
Nagtama ang mga mata nila at bahagya pa itong nanlaki nang makita si Harper. Tila apoy na nag-alab ang mga mata nito at mabilis na tumayo upang sumugod.
"You! Ikaw! Ikaw ang pumatay sa boyfriend ko!"
Nanlaki ang mata ni Harper. Agad siyang inilayo ni Nixon mula dito at agad ding pinigilan ng mga pulis ang babae.
Wala silang nagawa nang paalisin sila ng mga pulis doon. Kapwa silang bigong umalis dahil sa nangyari.
"Paano niya nalaman?" takang tanong ni Harper nang matigil sila sa isang 24/7 shop.
"Mukhang may alam siya tungkol sa'yo." ininom ni Nixon ang kape na nabili niya sa loob. "Paano mo ba siya nakilala?"
"W-well, hindi sa ganung kilala. Noong nag-apply kasi ako ng trabaho doon, nakita ko siya na kinakaladkad ng boss ko."
Marahang tumango si Nixon. "I see."
"Baka dahil ikaw ang tao roon nang naganap 'yon?"
Umiling si Harper. "May kasama pa akong isa sa trabaho, at parehas kami ng oras na pumapasok at umaalis. Bakit ako agad ang paghihinalaan niya, 'diba?"
"Wait..."
Inilapag ni Nixon ang coffee in a can niya sa lamesa."Kailangan nating makausap ang kasama mo sa trabaho."
Harper
Pero saan?
"Nandoon ba siya kanina?" Nixon asked. Napailing naman ako. Hindi ko siya nakita kanina.
Napahawak ako sa sentido ko. We have to find Ruben, pero...saan?
"Harper, wala bang CCTV doon?"
Wait! Oo nga! CCTV!
"Oo, Nixon!"
"Shit."
Nagulat ako nang hilain niya ako palabas. Mabilis kaming tumakbo hanggang sa makabalik kami sa kanila.
"B-bakit?" tanong ko nang nasa gate na nila ako.
Hindi siya sumagot, sa halip, binuksan niya agad ang gate nila at hinila ako papasok sa kwarto niya.
"Nixon, what's happening--"
"Nakita ka ng mga pulis kanina pero hindi ka nila hinuli. Mukhang wala pa silang nachecheck sa CCTV"
Naguluhan ako sa sinabi niyang iyon.
Binuksan niya ang isa niyang computer."Marunong ako mag-hack ng ibang CCTV. Kabisado mo ba ang address?"
Tumango ako at sinabi sa kanya ang address ng Book store.
Pinanuod ko lang siya habang kinakalikot niya ang computer niya. Ano ba kasing nangyayari? Wala na naman akong alam, wala na naman akong idea! Argh!
"Harper, lumapit ka dito, bilis."
Hinarap ko ang monitor ng kanyang computer. Nakita ko nga doon ang kuha ng CCTV, same time kung saan ako naroroon.
Nakatingin ako sa isang...bata?
"Why are you staring at her?"
"Nagulat ako sa kanya eh. Kumatok kasi siya nung time na 'yan."
Maya-maya lang ay lumakad na ako. Hindi nahagilap sa CCTV kung saan ako pumunta pero kung alam mo ang loob, makikita mong dumiretso ako sa office ng aking boss.
"Wala ng ibang CCTV bukod sa cashier. And I guess, nakatutok lang talaga 'yon sa'yo."
Napatingin ako kay Nixon. "What do you mean?"
"Mukhang iniimbestigahan ka ng boss mo." ngumisi siya sa akin. "Ang ipinagtataka ko lang, kung kanina pa sila nag-iimbestiga, bakit hindi nila nakita ang kuha n'on? Edi dapat, iniimbestigahan ka na rin nila ngayon."
Doon lang na-klaro ang tanong sa isip ko kanina. Kaya niya pala ako hinila.
"Good thing hindi ka pa nila iniimbestigahan. Kailangan kitang imbestigahan e. Only me." he smirked.
Sasagot pa sana ako sa sinabi niya nang mag-ring ang cellphone ni Nixon.
"Unregistered?" tanong niya habang tinitignan ang screen. Tinignan ko rin ang screen niya.
Binasa ko ang number--number iyon ni Oreo. Agad kong inagaw sa kanya ang phone niya at pinindot ang answer button.
"Hello? Oreo?"
"..."
"Oreo? Si Harper 'to--" the call ended.
"Anong sabi?"
"Binaba agad eh." Napasimangot ako. "Baka nagalit kasi hindi pa ako umuuwi?"
Nixon looked at me seriously, "Harper, speaking of sa tanong ko kanina..."
Kanina? Magtatanong pa sana ako kung may tinanong ba siya kanina nang naalala ko na nang binuksan ko nga pala ang TV ay may balak siyang itanong sa akin.
"Ano 'yon?"
"May weird doings ka ba sa bahay niyo?"
That made me think. And speaking of Oreo..."Oo."
He looked at me--tingin na tila naghihintay pa sa susunod kong sasabihin.
"Si Oreo, siya! Lagi niya akong pinagbibintangan na kinuha ko raw yung kutsilyo sa kusina. Nakita niya kasi sa kwarto ko yung kutsilyo. But that's not true--Baka si Atticus, oo, pwede pa. Yun naman ang laging nagkakalat sa kwarto ko eh. Atsaka, paano ako magkaka-interes sa kutsilyo, 'diba?" tuluy-tuloy kong sabi.
But few seconds later, it hit me.
"You do things out of your will." Nixon gasped. He stared at me. "Kelan 'yon nangyayari? Time?"
Napaisip ako. "The first time is, paggising ko. Second, pag-uwi ko." naalala ko ang scenariong iyon. "Sobrang nabadtrip talaga ako sa kanya! Ang sarap sarap ng tulog ko nun, tapos after bumungad sa akin ng barkada ni Atticus, sinundan pa niya!"
"What?"
"Galing ako sa book store that time eh. Tapos sa pagod na rin, nakatulog ako sa jeep. When I woke up, bumungad sakin yung lasing na barkada ni Atticus, tapos pagdating ko sa kwarto ko, ayun! There he was, holding the knife and accusing me na kinuha ko daw 'yon. Sabi niya pa nga, nakita niya raw ako!"
I'm expecting him to be serious but he slightly laughed, which made me frown.
"Nakakatawa ka magkwento kasi." tapos nag-serious mode na ulit siya."By the way, I want to talk to him, baka may malaman pa tayo."
My eyes sparkled a bit. "Pupunta tayo sa amin?"
He nodded. Pi-nat niya ang ulo ko. "Ngayon na. Pack up ka na."
Sa wakas, makakauwi na rin ako. I missed them so much. Kamusta na kaya sila?
Kahit anong inis ko sa kanila, I still love them, syempre. Pinsan ko eh. Kahit pa may problema ako, makita ko lang sila, masaya na ako. Kahit pa gulong-gulo na ang isip ko...they're the only way out of my pain and suffering. Uh, cheesy na.
"Kung makangiti, parang walang problema ah?" I laughed at myself while facing the mirror.
Pinagpag ko na ang damit na pinahiram sa akin ni Nixon. Isang loose shirt at maong, tinali ko na lang din ang buhok ko.
"Let's go."
Tumango ako at lumabas na kami. Akala ko maglalakad kami, pero dumiretso kami sa kanilang Parking Lot.
Habang nagdadrive siya, hindi ko mapigilang makaramdam na ulit ng antok. His driving is smooth, malamig pa at wala pa siyang pinapatugtog na kahit ano. Nang marinig niya akong humikab, saka siya nag-pipindot sa radio at nagpatugtog ng malakas na music doon.
"Still sleepy?"
I laughed a bit and shooked my head.
Maya-maya lang din ay nakarating na kami sa tapat ng bahay namin. Nakapagtataka pa kasi hindi maingay, lalo pa't syempre maingay ang barkada nina Atticus.
Kumatok na kami sa front door ng bahay. Excited ako--at the same time, kinakabahan ako. Ano kaya ang reaksyon nila? Papagalitan kaya ako ni Oreo? Aasarin ba ako ni Atticus? Iiyak ba si Aica? O iirapan ako ni Ignis?
Thoughts came out from my mind nang bumukas ang front door. One step done and one mouth wide opened.
I'm expecting to see Atticus...
Pero isang nakabigting Atticus ang nakita ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro