Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 17

17. Help

Harper

"Sinong pinatay mo?"

Napayuko ako. "Ang principal, si Ms. Alcantara, si John, si Ms. Eula.."

"What?"

"I-I didn't know kung paano nangyari. Nakita ko sa video ng pinsan ko kung paano sila pinatay, at kung sino ang pumapatay sa kanila. T-The killer's wearing the same pajamas.. kaya sigurado akong ako 'yon."

I'm expecting him to freak out but he didn't. Nakarinig ako ng katahimikan.

"No."

Napatingin ako sa kanya.

"Kung ikaw ang killer, hindi ka basta-basta aamin." He said as if he's analyzing something.

Nagulat ako nang tumayo siya at lumapit sa akin.

"Ang kausap ko ngayon, si Harper." He said to himself saka inalis ang pagkakatali sa akin.

"Harper, I will help you. Tutulungan kitang hanapin kung sino ang kumokontrol sa'yo. We'll let whoever that person is, to set your soul free."

Unti-unting kumawala ang mga luha galing sa mga mata ko.

"For now, let's go and investigate."

I nodded. "B-but how?"

"I'll ask few questions about yourself. Pero for now, I guess you need to chill out. Kung stressed ka, mas lalong madaling kontrolin ang katawan mo."

NIXON led me to their Comfort Room, which is located near his room. Matapos kong maligo, binigyan ako ng damit ng kanilang katulong at sinabihan akong bumalik sa kwarto ni Nixon.

I found their gazes weird but I left them with that. Alam kong may naiisip sila sa amin ni Nixon but it's not true, and I don't give much damn care about that.

Medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil sa sinabi niyang hindi ako ang talagang pumapatay, at tanging may kumokontrol sa akin. Pero kahit baliktarin ko ang mundo, the outcome will always be me.

But who? Sino nga ba ang kumokontrol sa akin?

Nang makapasok na ako sa kwarto ni Nixon, nakita ko siyang nagre-research sa kanyang laptop. He told me to sit beside him at nakita ko naman ang website ng Crypticedro.

Then it reminds me from Sera.

"N-Nixon," I started. "About Sera.."

Tila nagpantig ang tenga niya at napatingin siya sa akin. "What about her?"

"I can see her...before."

Ikinuwento ko sa kanya ang lahat. How Sera approached me the day after the video was spread out through the link given in the email, how she called me, befriend me, be with me while visiting the...victims, and how she asked for justice for their death.

"Y-you mean, Sera showed up to you?" I nodded.

"She' s a good person, indeed." I stated. Nakakalungkot pa rin isipin na the first one who became my friend in Montedro happened to be a dead one.

"Anyway, may nakuha ka na ba?" I asked, referring to his research based sa Website. I chose to break the ice around dahil napansin ko ang pananahimik niya nang banggitin ko si Sera.

He just fixed his reading glasses and slightly shooked his head.

Because of the silence covered around, nagsimula na naman akong mag-isip ng mga bagay-bagay. I can't help but be pressured about it, dahil isang kababalaghan ang nangyayari sa akin, to think that someone's controlling me just to kill--bakit niya 'yon ginagawa? sino siya? Bakit ako pa?

"Chill, Harper." Nixon finally said. Kinuha niya ang remote control and turned on the their flatscreen television.

Napansin niya yata ang pag-iisip ko ng malalim kaya siya nagsalita. For additional, he told me to chill out dahil bawal ako ma-stress.

"Harper," napatingin ako sa kanya. "Have you done-"

"PATAY" yun ang narinig namin sa TV, sabay flash sa isang--bookstore?

"Dedo ang isang binata nang matagpuang basag ang bungo at duguan sa loob ng opisina sa naturang Bookstore sa White Traid Avenue, kaninang ala-sais ng umaga."

May sinabi pa ang reporter pero napatingin na agad ako kay Nixon. He looked at me back.

"I-ikaw?"

"Hindi ko alam!" Napahawak ako sa ulo ko dahil nararamdaman ko ang sakit nito. Agad naman siyang naalarma at mabilis na tumakbo palabas.

Pagbalik niya, dala niya na ang isang ice pack. Nilapag niya ang ilang yelo sa bimpo at inilagay iyon sa ulo ko.

Pumasok din ang katulong nila at dala-dala nito ang isang tray na may cake at gatas.

"Kumain ka muna. Wag ka masyadong mag-isip, Harper." Nixon said while holding the ices sa loob ng bimpo sa ibabaw ng ulo ko.

"You need to refresh, but you can't sleep."

"Ha?" Napatingin ako sa kanya.

"You are forbidden to sleep, Harper. I guess, hindi ka sinasapian. It's more than that. Someone's controlling your body when you are asleep, so prevent yourself from falling asleep." Binuhat niya ang isang soft chair malapit sa akin at tinap ang pang-upo doon.

Umupo ako roon at may in-on siyang switch. Nagsimulang gumalaw ang soft chair sa likod ko--isang massage machine.

Akala ko mas lalo akong makakatulog pero hindi--the massage machine is massaging my back painfully, it's hard to sleep.

Five minutes passed at inalis niya ako roon. He told me to eat the cake with my own hands. Walang kahit anong serving, fork, spoon or knife, kamayin ko na lang daw.

I did it. Pinalitan niya rin yung gatas ng kape.

"If ever you can't fight sleeping, I have nothing to do but tie you up again."

I noticed that the coffee is too strong, I can't really fall asleep with this.

Out of a sudden, biglang pumasok sa isip ko ang mga pinsan ko. Oh goodness! Paniguradong hinahanap na nila ako! I looked at the clock, and it's 9 in the evening already.

"Nixon, I have to go. Baka hinahanap na ako sa amin." I said, causing him to look at me instantly.

"Hindi ka pwedeng umuwi, kung ayaw mong sila ang mapahamak, Harper."

Then it hit me. Oo nga. Maaaring sila naman ang mapahamak kapag umuwi ako.

"T-then I'll call them, please?"

Nixon nodded and gave me his mobile. In-enter ko naman ang number ni Oreo doon.

"Cannot be reached." sabi ko saka ko ibinalik kay Nixon ang phone niya.

He shrugged his shoulders. "Harper, gusto mo bang puntahan ang Bookstore?"

"H-ha?"

"Baka sakaling matandaan mo ang nangyari, kapag nakapunta ka doon."

Marahan akong tumango.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro