Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 16

16. Who am I?

Nixon

"S-sino ka.." I uttered.

Harper's sleeping again. But to make an assurance, I tied her up in a chair. Baka paggising niya, atakihin niya ulit ako e.

Thoughts are still running inside my mind. Sino ba si Harper? And who is she, to know Sera?

"Nixon! Look, ayan na yung babaeng sinasabi ko sa'yo oh!" masiglang sabi ni Sera sa akin habang nginunguso ang freshman student na naglalakad mag-isa sa hallway.

I smiled while looking at Sera. Here she goes again, being childishly adored to a freshman she doesn't really know.

"Grabeee, ang cute cute niya! Para siyang anghel!" nagtatalon-talon niyang sabi when that freshman student disappeared in our view.

"Hindi ka ba naku-cute-an sa kanya, Nix?" she pouted. Natawa tuloy ako. Kailangan ba, macute-an din ako sa kanya?

"Not really..." I smirked. "Mas cute ka kasi doon."

I laughed out hard when I saw her blush.

"A-ano ba!" she covered her reddish face with her hands. Kinuha ko naman ang isang kamay niya and kissed it.

That made her blush more.

"Hahaha, totoo naman kasi." I winked at her.

Mukhang napikon na siya sa ginagawa kong pang-aasar (but she called this "teasing an innocent") kaya humalukipkip siya sa akin.

Iginala niya ang mga mata niya sa paligid namin, and I'm sure she's searching for the cute freshman student.

"Hala ayun siya! Nix!" natataranta niyang sabi.

I followed her gaze and saw the freshman. Natapunan siya ng orange juice ng babaeng nasa harapan niya, I think.

"Tulungan natin!" Sera alarmly said while holding my hand. Pero pinigilan ko siya. Knowing her, she's too warfreak. Malamang sabunutan niya yung babaeng nakatapon ng juice kay Sera.

"No, Sera. Do you want to meet Ms. Alcantara again?" I asked her. That hit her naman dahil nakita kong lumukot ang mukha niya.

But her face lit up suddenly. Napatingin ako sa tinitignan niya--a freshman guy walking. She looked at me smiling from ear to ear, passing a message through her eyes.

"Oy, anong balak mo? T-teka--"

"Kuya!" she exclaimed, waving her hand to the freshman. Uh oh, this is not cool.

"P-po?"

"Please give this to Harper." she handed a handkerchief to the freshman.

"H-harper?"

Tinuro ni Sera ang freshman cutie na kasalukuyang pinupunasan ang uniform niya.

"U-ugh.."

Nabalik ako sa realidad nang makitang gumagalaw na si Harper. She opened her eyes and stared at me blankly again, but unlike before, she looks innocent.

"Nixon?"

I nodded. "Sorry, I tied you up."

Hindi ako sigurado kung siya na nga ba ang kausap ko pero mukhang siya naman na ito. But of course, thoughts cannot escape from my mind thinking that whoever controls her body a while ago might be acting.

Binuksan ko ang laptop ko and start browsing.

"Ugh, alisin mo ako dito!" Pagpupumiglas niya. But I just shooked my head gradually.

Better to be sure.

I researched her scenario before. Pwede ngang sinapian siya. Iyon lang naman ang lumalabas sa research, but stuffs fight my mind over that. Parang hindi, and it's kinda weird.

Sabi dito, tie her up and talk, to find out kung siya na nga ba ang nakakausap ko ulit.

This might sound crazy freak but it's me, natatakot din ako pero iniisip ko na lang na panghawakan ang sinasabi niyang tutulungan niya ako. Moreover, the help came from her, Harper, the one who Sera adored so much before.

Pakiramdam ko, konektado si Sera sa nangyaring pagkikita namin ni Harper. Isa pa, nagkaroon na rin ako ng hinala noong sinabi ni Harper na hindi niya alam kung bakit siya napunta sa sementeryo.

Malakas ang kutob ko.

"How long would you tie me up in this chair?" napatingin ako sa kanya. Iritang-irita siya sa kanyang pwesto.

"Depends." I answered.

Wala akong mahanap na research kung ano ang gagawin ko sa mga sinapian. Ugh. Napagulo na lang ako sa buhok ko.

"Nixon, set me free. Kung sinasabi mo na kailangan kitang tulungan, oo. Papayag na ako. Just please, ang sakit na nito. May pasok tayo ngayon at may trabaho ako."

"Trabaho?" I eyed at her.

She nodded instantly. "May part time ako sa isang book store malapit sa school."

"What?"

She frowned.

"Bakit mo ba ako tinali dito?"

"How can I be sure na ikaw si Harper, at hindi ka sinasapian?"

Natahimik siya. She stared at me blankly kaya hinanda ko na ulit ang Stun Gun sa likod ko na ginamit ko sa kanya kanina para makatulog siya.

"S-sinasapian ako?"

Nagkibit-balikat ako. "I don't know."

"N-nixon, help me!" she exclaimed, sweating.

"Help?"

"Tama ka. Baka nga sinasapian ako," she closed her eyes and bit her lip. "P-pwede mo akong ipakulong after hearing this.."

She opened her eyes. "I killed them!"




Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro