Chapter 14
14. Seek for justice
Harper
Argh.
Ang sakit ng ulo ko.
I just woke up from a deep sleep, I guess. Nakita ko si Atticus na nasa kwarto ko at naglalaro ng laptop ko.
Hinayaan ko na lang siya. I can't even move. Sobrang bigat ng pakiramdam ko, I can't even utter a word.
Mabuti na lang at napansin ako ni Atticus dahil napagawi siya ng tingin sa akin. Nang makita niyang medyo weak pa ako at namumutla ay nilapitan niya ako.
Hinawakan niya ang noo ko.
"Hala bibeh!" he exclaimed. "Ang taas ng lagnat mo! Doc, doc Oreo!" sabay labas niya.
I closed my eyes and sighed. Maya-maya pa'y dumating na si Oreo na may dalang thermometer at isang basin na may lamang tubig along with a face towel.
"Atticus pakitawag si Aica, sabihin mo magpa-order ng food. Hindi ako makakapagluto ngayon e." Oreo ordered.
"Aye aye, sir!"
Hinipo ni Oreo ang noo ko at napailing. "Tsk, anong nangyari sa'yo at ang taas taas ng lagnat mo?"
Kumuha siya ng upuan sa gilid ng kama ko at sinimulang basain at pigain ang face towel na hawak niya sabay punas nito sa braso ko.
Hindi ako makasagot. Nawalan din kasi ako ng lakas na magsalita. I don't know why, pero sobra, sobraaang bigat ng pakiramdam ko.
Nilagay niya ang thermometer sa bibig ko. Under my tongue to be exact.
"Atticus okay na?!" he shouted. And as if on cue, biglang pumasok si Ignis sa kwarto ko na may dala-dalang mangkok.
"May soup ako dito.." Ignis said. Naglakad siya papalapit sa amin at inilapag ang mangkok na dala niya sa table sa gilid ng kama ko dito.
Napatingin ako kay Ignis habang ginagawa niya 'yon. Mas lalong sumakit ang ulo ko dahil sa nag-pop out na pangyayari sa utak ko--naalala ko na naman kung ano ang nasa DSLR niya.
"Harper? Okay ka lang?" Oreo hissed.
I slowly nodded and returned the gaze to Ignis, walking out of my room while having the straight face--wait.
Is it me or I really saw her smirk?
"Kainin mo 'to." sabay subo sa akin ni Oreo that stopped me from my thoughts.
Ngumanga naman ako at isinubo ang soup na bigay ni Ignis sa akin.
"Masarap ba?"
I slowly nodded and Oreo smiled at me.
AFTER sleeping for few hours, muling nagising ang katawan ko. Nakarinig ako ng tunog ng ulan sa labas kaya medyo gumalaw ako at nakaramdam ng panlalamig sa aking pwesto.
And there, I saw Oreo sleeping at the side of my bed.
My lips formed into a slight smile. Inalagaan pala talaga ako nitong Oreo na 'to. Itong nagsasabi sa akin na weirdo ako, pero sobrang maalaga.
This is why I manage to live with my cousins even though I hate them with their flaws, sometimes. First, si Atticus na sobrang pakielamero sa kwarto ko, but he's really concern to me. Second, si Oreo na lagi akong sinasabihan ng weirdo at pinagsasabihan--or should I say--pinapagalitan? Pero sobrang maalaga, he did this to us everytime na may sakit ang isa sa amin. Si Aica na crybaby at mahilig magsumbong, madadal pero mabait at sweet naman sa akin, o sa amin na rin. Si Ignis na totally weird and creepy, pero may concern din sa akin. Oh, naalala ko na naman tuloy, nabagabag tuloy ulit ako.
But as if on cue, muling pumasok si Ignis sa kwarto ko. Napatingin tuloy ako sa kanya. Hindi siya kumatok, but well, I got used to that one, since they always do that.
"Harper," panimula niya habang naglalakad papasok. Tumaas naman ang dalawang kilay ko.
I can't help myself but shiver because of her. May dark aura na naman kasi si Ignis.
"Have you watched the video?" she said that...smiling?
"Ha? A-anong video?"
"You know what I mean, Harper."
Natahimik ako.
Her smile grew wider because of my sudden silence as she crossed her arms.
"Harper, what you saw is real, real." and with that, she left me dumbfounded.
Ilang minuto pa at nag sink-in na sa akin ang sinabi niya. Real?
I FOUND MYSELF running somewhere I don't know. Basta na lang ako dinala ng mga paa ko dito, and I'm cursing myself badly because it's raining and I'm only wearing a pajamas and wet slippers, and aside of that, I'm bringing nothing bt myself alone.
Nasaan ako?
I stopped walking and turned my gaze. If I'm not wrong...
I'm in the cemetery?
Muling nagtayuan ang balahibo ko. I guess it's afternoon, pero sobrang kulimlim dahil sa ulan kanina.
I continued walking hanggang sa mapadpad ako sa isang lapida. Crazy it is, but I stopped in front of the grave of a girl.
"Seraphina...?" I said as I read the name.
Lumuhod ako at inalis ang ilang putik na nagtatabon sa kanyang pangalan.
"Sino ka?"
"Ay palaka!"
I closed my mouth using my free hand. Napatingin ako sa likod ko kung saan nanggaling ang boses--to see...Nixon?
Is this Nixon Elixeo? The student council president?
"Anong ginagawa mo rito?"
Hindi ako nakasagot. Instead, I stared at him blankly, right in his eyes.
Nang ma-realize niya sigurong hindi ako sasagot ay umiling siya at sinaluhan ako ng payong, saying, "It's raining, miss."
Though I can't move because of my eyes examining him, nakita ko naman ang isang bouquet of white roses na nakalagay sa kanyang isang kamay, holding and gripping it tight.
Mukhang napansin niya rin na nakatitig ako sa hinahawakan niya kaya itinaas niya iyon. He frowned at me.
And there I realized, I looked weird, maybe.
Tumayo ako at napatingin sa grave stone again.
"Do you know her?" tanong niya ulit.
I'm not that sure if I would say yes, because the last name is erased. Siguro dahil na rin sa mga nakatabong kung anu-ano at kumupas na ito.
"Her last name is erased." I answered, in a tone stating a matter of fact.
He slightly smiled with my answer. I saw it based on my peripheral view.
He leaned on at nilapag ang bouquet kahit na umuulan pa.
"She's Seraphina..." he bit his lip.
"Seraphina?"
"Ikaw si Harper, diba?" nagulat ako sa tanong niyang iyon, but I nodded instantly.
Para siyang...ugh, remind me of Sera, who knows me when I don't even know her...
"I see. You don't know each other, pero bakit mo siya binisita?"
"I-I don't know."
He smirked.
"I-ikaw? Diba ikaw si Nixon? Y-yung SC pres..."
Napatingin siya sa akin saglit but he nodded then.
"Kaano-ano mo siya?"
"She's..." he stopped for a while. "m-my bestfriend."
I nodded although it's weird dahil nautal siya.
"I want a justice for her."
Nagulat ako sa sinabi niyang iyon. Justice?
Shivers ran down again.
"B-bakit?"
"She's killed. I want her justice, I want to give her that. But I can't..." I can feel the pain in his cracked voice.
"I-I can help you..." out of this world, I said, while looking at him intently.
Napalingon naman siya sa akin. "How?"
"H-hanapin--"
Before I could utter a word, everything went black.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro