Chapter 13
13. Rape survivor
Third Person
"Wake up, wake up babe.."
Unti-unting dumilat ang mga mata ni Harper. Tumambad sa kanya ang malalalim na kulay kayumangging mata ng kanyang boss. Napakalapit ng kanilang mukha sa isa't-isa na nabatid agad ni Harper kaya't dumistansya siya dito.
Iginala ni Harper ang paningin sa paligid. Nang mapansing hindi siya pamilyar dito ay ibinalik niya ang tingin niya sa kanyang boss--at nanlaki ang mga mata niya nang makitang basa ang katawan nito at nakatapis lamang ang ibabang parte ng katawan nito, at nakatambad pa ang abs nito!
"S-sir?" nauutal na tanong ni Harper habang pinipilit iiwas ang paningin sa katawan ng kanyang boss na kasalukuyang may malaking ngisi sa labi habang malalim siyang tinitignan.
"Just call me Allen.."
Bumilis ang tibok ng puso ni Harper nang mabilis na lumapit sa kanya ang kanyang boss. Walang anu-ano'y siniil nito ng halik sa labi si Harper.
"Hmpp--mpp!" impit na ungol ni Harper habang tinutulal ang boss. Subalit mas malakas ito kung kaya't hindi niya mapigilan o maitulak man lang ang kanyang boss na kasalukuyang hinahalikan ng madiin ang kanyang labi.
Ilang sandali pa ay pumatong na ito sa kanya. Tinanggal nito ang tuwalyang nagtatakip sa ibabang parte ng kanyang katawan habang idinidiin ang sarili kay Harper. Unti-unti, nanghihina na ang katawan ni Harper.
"S-sir--" she uttered between their deep kiss. Subalit mas lalo lang nitong diniinan ang halik sa kanya na halos magpadugo sa kanyang labi.
Lumikot ang kamay ng kanyang boss at tila ginala ito sa loob ng uniform na suot ni Harper. Sinusubukang lumaban ni Harper subalit tila nawalan siya ng lakas.
NAGISING na lamang si Harper na tila nanlalamig ang kanyang katawan. Nakita niyang nakapa-ibabaw siya sa katawan ng kanyang boss at siya mismo ang humahalik sa labi nito.
Nanlaki ang mga mata ni Harper, subalit unti-unting kumilos ang kanyang utak at iginala ang mata sa paligid--kung saan nakita niya si Nevah na nakangiti sa kanya.
Inaabot nito ang isang martilyo sa kanya.
"Ugh..Harper!" rinig niyang reklamo ng kanyang boss nang itigil nito ang halik bigla.
Doon lamang napagtanto ni Harper ang pangyayari--may balak sa kanya ang boss niya!
Bago pa man niya muling tapunan ng tingin si Nevah ay itinulak ng kanyang boss ang kanyang ulo upang halikan siya ng malalim sa labi. Doon kinuha ni Harper ang pagkakataon para kunin ang martilyo mula kay Nevah ng palihim mula sa mga kamay nito.
Namuo ang galit sa mukha ni Nevah. Kusa niyang itinaas ang martilyong hawak niya habang hinahalikan ang kanyang boss. Dahan-dahan, hanggang sa tuluyan nitong ipukpok ang martilyo sa ulo ng kanyang boss hanggang sa ilayo niya ang mukha dito at tuluy-tuloy na pinagpupokpok ito sa ulo nito.
Kagimbal-gimbal na itsura ang lumabas kay Harper nang muling tignan ang mukha ng kanina niyang kahalikan. Ito ang nagtangka sa kanya ng rape!
Napatayo siyang agad subalit doon niya lamang naramdaman ang panlalamig--wala siyang suot na damit! Pinulot niya iyon isa-isa sa sahig at nakaramdam ng sakit sa kanyang ibabang parte.
Bago niya pa lisanin ang lugar na iyon ay muli niyang pinasadahan ng tingin ang kanyang boss--subalit napadako rin ang tingin niya sa kama nito at sa bedsheet. May bahid ng dugo sa pwetan ng kanyang pwesto kanina..
Mas lalong nanggigil sa galit si Harper. Nakita niyang muling inabot sa kanya ni Nevah ang martilyo, tanda ng muling pagpapahirap dito sa kanyang boss.
Gan'on nga ang ginawa ni Harper. Malakas niyang hinampas ang martilyong muli dito na nagbunga ng pagkakahiwalay ng ilang bahagi nito na nagpasangsang sa amoy ng paligid.
Nang makuntento ay tila isang tinik ang kumawala sa loob ni Harper... para sa kanya, dapat lang 'yon dahil kinuha nito ang kanyang pagkababae.
NAPAGTANTO ni Harper na ang silid na iyon ay kadugtong lamang ng office ng kanyang boss. Paglabas niya'y kinalabit pa siya ni Nevah.
"Harper..." ani nito sabay ngisi kay Harper.
"Have you found my twin?"
Unti-unting namuo ang kunot sa noo ni Harper. Dahan-dahan siyang umiling dito.
"Then.." tumigil ito at iginala ang mata sa paligid. "set her free, for you to trouve la."
Tila rumehistro naman sa utak ni Harper ang sinambit ni Nevah at unti-unting naglakad patungo sa cash register. Pinindot nito ang ilang buttons at nang lumabas ang kahon na naglalaman ng pera ay kinuha niya iyon lahat.
"très bien!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro