Stuck in an Island
"Yowh, party people!" sigaw ni Audrey at nagsayaw kasabay ang mga naglalakasang tugtog
Nandito sila sa isang cruise ship na pagmamayari ni Alvin. Siya ang pinakamayaman sa barkada nila. Silang sampung magbabarkada lang ang nandito.
Dahil bakasyon, napagdesisyonan nilang magbabarkada na mag-outing.
Malakas ang tugtog sa loob at nagpa-party-party ang mga ito.
"Yowh naman. Ang sweet ng lovebirds natin." Puna ni Eleanor kila Exekiel at Lacey na nakaupo lang sa tabi at hindi sumasayaw kasunod nito ang malakas na hiyawan
"Oo nga Exe, tara mag-inuman tayo." Sabi ni Renz kay Exekiel
"Renz ba't ka nandito? Ikaw dapat nag-da-drive diba?" tanong ni Kyla
"Oo nga, dun ka na baka ma-aksidente pa tayo eh." Sabi ni Cassandra
Napagdesisyonan kasi nila na kada isang oras magpapalitan sila ng driver at sa oras na ito, si Renz nakatoka.
"Hayaan niyo na nga yan. Tara magparty tayo." Sabi ni Jennifer
"Oh guys, guys. Picture muna." Sabi ni Jason at nag-picture na nga silang sampu.
"Oh Exekiel ikaw na mag-da-drive. Paghiwalayin muna natin ang ating lovebirds." Audrey
Umalis na nga si Exekiel. Wala pang isang minuto ay agad itong nagtatatakbo papunta sa mga barkada.
"Guys, guys.." hingal na sambit ni Exekiel
"Oh ba't hingal na hingal ka?" Alvin
"Tsaka dun ka lang mag-drive. Maaksidente pa tayo eh." Cassandra
"Yun na nga e--" hindi niya natuloy ang sasabihin ng biglang sumigaw si Kyla at tumatakbo mula sa balcony
"Guys, lulubog yung barko." Sigaw ni Kyla "Tingnan niyo." Sabay takbo pabalik ng balcony
Nakita nila na unti unting lumulubog at pumapasok ang tubig sa barko.
"Ano ng gagawin natin?"
****
Lumubog na nga ang barko. Kapwa sila nasa tubig at nakasuot ng life vest.
"Audrey bilisan mo namang lumangoy." Sabi ni Cassandra "Andun sila oh."
"Teka lang naman Cassie, hindi naman ako marunong lumangoy eh." Reklamo ni Audrey
Hinawakan na lang ni Cassandra ang kamay ni Audrey at hinatak siya. Sa kanilang magbabarkada, si Cassandra ang pinakamagaling lumangoy.
"Cassandra ano yun?" tanong ni Audrey sabay nguso
Lumingon naman si Cassandra at "Parang.. para siyang.."
"Pating?" sabay nilang sabi "WAAAA!! MAY PATING!!" nataranta na sila
"Waaaa!! Cass bilisan mong lumangoy, papunta siya sa atin."
At iyon na nga ang ginawa ni Cassandra.
"AAAHHHH!!"
Sa kabilang panig, ang walong magbabarkada ay nag-a-alala na. Nakahanap sila ng isang islang parang walang katao-tao.
"Asan na yung dalawang yun? Kanina lang nakita ko sila eh." Sabi ni Eleanor na palakad-lakad samantalang naka-upo ang kanyang mga kasama
"Oh, ayun na ata siya." Turo ni Renz sabay tayo kaya ginaya na rin siya ng mga kasama
"Oh Cassandra anong nangyari sayo?" nag-a-alalang tanong ni Jennifer
"Tsaka nasan si Audrey?" tanong naman ni Lacey
"Guys, w-wala n-na s-siya." Napahagulgol na si Cassandra
"Ha? Anong ibig mong sabihin? Tsaka ano yang hawak mo?" tanong ni Jason sabay turo sa mga kamay ni Cassandra na parehong nasa likod
Lumingon naman si Cassandra at biglang sumigaw ang nagtatatalon.
Ang kamay ni Audrey.. Yung ang nasa likuran ni Cassandra.
"What the eff!? Putol na kamay!?" sigaw ni Exekiel
****
"So kinain ng pating si Audrey? So creepy." Sabi ni Jennifer
Malapit ng dumilim at gumawa sila ng dalawang maliit na kubo gamit ang mga malalaking dahon at mga bamboo sticks. Kumuha na rin sila ng mga bunga ng puno para kainin. Nakapagdala naman sila ng konting gamit mula sa lumubog na barko kanina kaya nakapagpalit na sila ng damit na tuyo.
"Hindi ka man lang malulungkot dahil nawalan tayo ng kaibigan?" malumanay na may halong lungkot na boses ni Lacey kay Jennifer
"Nalulungkot." Jennifer
"Eh ba't ka ganyan makapagsalita? May 'so creepy' ka pang sinasabi jan." Lacey
"Eh ano gusto mong gawin ko? Umiyak? Humagulgol? Magluksa?"
"Eh ano ba dapat?"
"Guys tama na yan." Awat ni Eleanor
"Eh pano--" hindi natuloy ang sasabihin ni Lacey
"Tama na nga diba?" awat ni Exekiel sa nobya
Ngunit di nagpatigil ang dalawa. Pinigilan na sila ng barkada pero ayaw pa rin.
"Alam niyo guys, Lacey, Jennifer, walang natutulong ang pag-aaway niyo. Wala ngang signal dito sa islang to tas mag-a-away pa kayo. Paano natin makokontak ang mga magulang natin, o kung sino man para maalis tayo dito sa lugar na 'to na wala na ngang wi-fi wala pang signal. Ba't di na lang kayo gumawa ng apoy para kung may helicopter na dumaan o barko man ay malalaman nilang may tao dito at mailigtas tayo? Or else kayo ang susunugin ko." Iritadong sabi ni Kyla na kanina pa hawak ang cellphone
"Woi, nag-i-isip ka din pala." Natatawang sabi ni Alvin
"Alvin, wala tayong oras para mag-joke. Tama ang sinabi ni Lacey." Eleanor
"Oy, hindi joke na nag-i-isip ako ah." Hirit ni Kyla
At iyon na nga ang ginawa. Silang mga lalaki ang nag-tulong-tulong sa paggawa ng apoy.
"Oh, saan pupunta yun?" tanong ni Kyla nang makitang tumayo si Jennifer
"Hayaan niyo siya. Nagpapalipas ng sama ng loob. Ganyan yan pag galit." Sabi ni Eleanor
Kalat na ang dilim sa buong isla. Napagpasyahan na nilang matulog na.
Kinabukasan..
"Guys," gising ni Jason sa tropa
"Guys!" paguulit niya
"Argh! Ano ba Jason? Ang aga aga eh." reklamo ni Alvin na nakaupo na at kinukusot kusot pa ang mata
Nagising na rin ang iba at inaantay ang susunod na sasabihin ni Jason.
"Guys, sundan niyo ako." sabi ni Jason at lumakad na
Kahit inaatok pa ang ilan ay pinilit nilang bumangon at pinagpag pa ang ilang buhangin na dumikit sa katawan nila habang natutulog sila.
Habang naglalakad ay may napansin si Eleanor "Wala pa rin si Jen?"
Dahilan kung bakit nagtaka rin ang ilan. Isinawalang bahala na lang nila at sinundan na lang si Jason na nakakalayo na sa kanila.
"Eto oh. Tingnan niyo. Ang ganda ng waterfalls. Pwede tayo jan maligo." bungad ni Jason nang marating na sila sa dapat nilang puntahan at tinuro pa ang nasa ibaba
"Wow. Ang ganda. Saang lupalop kaya tayo ng mundo? Well, we're in paradise." sabi ni Kyla
"At ang ganda ng mga halaman. So green and clean." sabi naman ni Lacey
"Ang daming foods." Cassandra
"At ang pino ng mga buhangin." Exekiel
"Maputi pa." Renz
"Tara bumaba na tayo para makaligo na tayo." Alvin
Bumaba na nga sila at ginawang hagdan ang mga bato sa paligid pababa.
Nang makarating na sila sa babaa'y tumalon na sila sa tubig. Nag-grupo grupo sila. Hiwalay ay babae sa lalaki. Malaki naman ang lugar na ito.
Masaya silang naligo at tila nakalimutan ang kanilang problema na hindi pa sila nakakauwi at hindi nila alam kung nasaang lugar sila. Idagdag mo pa ang nawala nilang kaibigang si Audrey.
Umahon na sila. Napagdesisyonan naman nila na ang magkasintahang Lacey at Exekiel ang kukuha ng mga pagkain sa mga halaman na bumabalot dito sa waterfall. Samantala ang iba ay nakaupo na lang sa bato sa gilid ng talon at ang iba'y naliligo pa rin.
Ilang sandali pa ay nakarinig sila ng tili.
Sinundan nila kung saan nanggaling ang tili at nakita ang magkasintahan. Nakayakap pa si Exekiel kay Lacey na umiiyak. Marahil ito ang tumili kani-kanilang lang. Sa paanan nila ang may kumpol ng mga pagkaing pinitas sa puno at sa harapan nila ay may bangkay.
Bangkay ni Jennifer na lasog lasog, duguan, at bali bali ang katawan. Marahil ay nilapa ito ng mabangis na hayop na gumagala sa islang ito.
"My ghad!" bulalas ni Cassandra at tumalikod na tinakpan pa ang mata
Si Alvin naman ay nasuka sa tabi. Gayun din Eleanor.
Umalis na muna sila sa mapunong lugar na iyon dala-dala ang pagkain at bumalik muna sa tabi ng waterfalls. Hanggang ngayon di pa rin sila nakapaniwala na dalawa na ang nawawala sa barkada nila. Pinapatahan pa rin ni Exekiel ang kanyang kasintahan.
"Lace, kain na oh." at binigay pa ang mangga na napitas nila
Kinuha naman ito ni Lacey pero gaya ng dati ay hindi pa rin ito kinakagatan.
"Hayaan mo na muna si Lacey. Kakain din yan. Tirhan mo na lang ng pagkain." sabi ni Eleanor
Matapos nilang kumain ay bumalik na sila sa ginawang kubo at magpahinga na muna.
Naglalakad na sila at malapit na sa kanilang kubo at..
"Wait guys." sabi ni Renz at tumigil sa paglalakad kaya tumigil rin ang iba
"Bakit?" Cassandra
"Shh." Renz at tumahimik na nga sila
Ilang sandali ay nagsalita na si Eleanor "Renz ano ba? Ituloy na nga natin ang paglalak--"
Hind na natuloy ni Eleanor ang kanyang sasabihin dahil..
"ROOOOAAARRR!!" mula sa isang leon na tumatakbo papunta sa kanila
"AAAAAAHHHHHHHHHHHH!!!!!!" kanya kanyang takbo na ang nangyari
Nagkahiwalay-hiwalay sila.
Si Jason naman ay nakakuha ng sanga ng puno na pwedeng pangpatay sa leon. Humahanap lang siya ng tamang tyempo. Nasa itaas siya ng puno na handang tumalon para umatake sa leon.
Samantalang sila Cassandra, Kyla, at Exekiel ang magkakasama at kasalukuyang nasa harapan nila ang leon. Dead end. Wala silang mapuntahan. Puno na ang nasa likuran nila ganun din sa kanan. May malaking bato sa kaliwa nila.
"Shemz, paktay na talaga." nasambit na lang ni Kyla at pinikit ang mata dahil nakitang tumalon na ang leon at handa ng kumain. Siya pa naman ang nasa gitna. Sa kaliwa niya si Cassandra at kanan si Exekiel.
Napadilat na lang siyang muli dahil sumigaw si Exekiel. Siya ang inatake ng leon. Kinagat siya sa paa at iniiling iling ang ulo dahilan kung bakit parang winawagayway si Exekiel.
"Tumakbo na kayoooo!!!!" sigaw ni Exekiel na kahit namimilipit na sasakit ay na isip pa ang kanyang kaibigan.
"P-pero p-aano ka?" Cassandra
"Manghingi na lang tayo ng tulong." sabi ni Kyla at hinatak na si Cassandra
Hanggang sa makasama na nila sina Lacey na umiiyak. Sina Jason at Renz naman tumakbo papunta kay Exekiel at itinusok ang sanga ng puno sa leeg ng leon. Ilang ulit pa nila itong sinaksak hanggang sa malagutan ng hiniga. Pero huli na rin ang lahat.
Tumakbo sila kay Exekiel na ngayo'y naghihingalo, duguan, at putol na ang kanang paa.
"E-exekiel," umiiyak na sabi ni Lacey na ngayo'y yakap yakap ang nobyo "W-wag mo a-akong iwan. Ma-hal n-na mahal k-kita."
"Mahal r-rin kita Lacey." sabi ni Exekiel na nakuha pang ngumiti sa kabila ng kondisyon
At sa huling pagkakataon ay hinalikan ni Exekiel si Lacey. Unti unti nang bumibitaw ng halik si Exekiel at nalagutan na ng hininga.
"EXEKIEEEEEEELLLLLLLLLL!!!!!!!!!!" palahaw ni Lacey
*****
Gabi na at nandito na sila sa ginawang kubo. Handa na para matulog.
At mga kalalakihan nama'y gumagawa ng apoy para may liwanag sa gabi at para na rin makita sila kung may dadaan mang sasakyang panghimpapawid ay makita sila.
"Okay, tapos na." sabi ni Alvin at pumasok na sa loob ng kubo nilang mga lalaki.
Sa kubo naman ng mga babae..
"Lacey, di ka pa rin ba kakain? May natira pa ditong mga prutas." nagaalalang tanong ni Eleanor kay Lacey.
"Ayoko. Wala akong gana. Matutulog na ako. Wag niyo na akong intindihin." walang kaemo-emosyong sabi ni Lacey at humiga na.
Nagkibit balikat na lang ang tatlong babae at humiga na rin.
*****
Isang malakas na tili ang nanggaling kay Kyla ang gumising sa kanila.
"Guys, guys, guys," hingal na hingal na sabi ni Kyla habang tumatakbo palapit sa mga kaibigan niyang nagising na sa kubo
"Oh, bakit ka tumatakbo? San ka ba galing?" sabi ni Eleanor at humikab pa
Umupo muna si Kyla at naghabol ng hininga. Malayo malayo rin ang tinakbo niya.
"Guys, si Lacey. Nagpakamatay." Kyla
"Huh? Anong ibig mong sabihin? Tsaka paano?" Cassandra
"Sundan niyo ako." Kyla
Nang makarating na sila ay nakita nila si Lacey na may saksak sa tyan na sanga ng puno.
*****
"Geez, anim na lang tayo." nalulungkot na sabi ni Cassandra
Nandito na sila sa tabi ng waterfall at kumakain ng mga prutas na bagong pitas nila.
"Hayys, ano bang meron sa lugar na to at unti-unti tayong nauubos?" tanong ni Alvin sabay kagat ng mangga
"I thought we're on paradise but behind those beautiful views here on the island," bumuntong hininga muna si Lacey bago ituloy ang sasabihin "We're really on hell. This place is cursed. Isa isa na tayong nawawala."
Katahimikan ang bumalot sa kanila hanggang sa..
"Uhmm, guys, try naman nating mangisda o manghuli man lang ng kung anong makakain. Alam niyo namang di ako kumakain ng prutas at gulay. Napipilitan lang ako kasi no choice." sabi ni Jason
"Oo nga noh. Mangisda tayo tas lutuin natin." Renz
"Sige mamaya." Eleanor
*****
Nandito na sila sa gilid ng isla pero wala namang isda silang nakikita. Kailangan pa nilang lumayo pero walang gustong sumisid.
"Ba't di na lang tayo magikot dito sa isla? Malay niyo diba nakahanap tayo ng waterfall edi baka may iba pang waterfall dito at swerte baka may isda. Sa laki ng islang to." suhesyon ni Renz na sinangayunan naman ng lahat
Nililibot na nila ang buong isla sa gitna ng initan.
"Homay, ang init." reklamo ni Kyla
Pawisan na sila ngayon habang naglalakad. Sa parte ng islang ito wala na silang puno na masisilungan at palayo na sila ng palayo sa kanilang kubong ginawa.
"Guys tingnan niyo!" turo ni Eleanor sa isang mapunong lugar
"Yes may masisilungan na tayo." sabi ni Alvin
Tumakbo na sila don. Mejo malayo pa sila pero dahil sa takbo nila ay lalo silang napapabilis duon.
Unang nakapunta si Jason. At pagtapak pa lang niya sa mga damo ay bigla na lang siyang napadausdos pababa. Dinig na dinig pa nila ang sigaw ni Jason na unti-unting humihina.
"Luh, anong nangyari?" tanong ni Cassandra nang nahimasmasan sa pagkakagulat
"Sundan natin." sabi ni Eleanor at naglakad papunta dun
Pipigilan pa sana nila ngunit huli na. Nahulog na din si Eleanor.
"Geez, sundan natin sila." Kyla
At iyon na nga ang ginawa nila.
Nang mahulog na silang lahat ay nakita nila ang naggagandahang mga bulaklak, mga malalagong puno, at malinaw na malinaw na lawa. At ang mga naninirahang mga buwaya.
Lahat sila ay may mga galos sa katawan dulot ng pagdausdos nila. Nagkabutas butas na rin ang kanilang mga damit.
"Uh-oh. Guys what to do? Eottokke?" nagtatarantang sabi ni Kyla nang mapansin ang limang buwayang naninirahan rito na papalapit sa kanilang anim
"Guys, kalma lang." bilin ni Eleanor habang dahan dahan silang umuurong sa papalapit na mga buwaya
"Geez, pano ako kakalma?" natatakot na sabi ni Kyla
Urong pa sila ng urong hanggang sa napasandal na sila pare-pareho sa tila bundok ng lupa na siyang kinahulugan nila kanina.
"G-guys, kalma lang." sabi ni Eleanor pero halata ang takot sa boses niya
"Kailangan nating lumaban." sabi ni Renz at nilabas na ang isang mahabang sanga ng puno
Sumang-ayon naman ang lahat at kumuha ng kanya kanyang pwedeng panlaban. Sinubukan nilang akyatin ang gabundok na lupa pero dumudulas sila.
Nag-simulang sunggabin ng buwaya si Alvin pero pinukol niya ito ng bato. Ilang beses niya pa itong binato hanggang sa nagdugo na ulo at di na gumagalaw. Kinuha niya muli ang mga bato upang magamit muli.
Si Cassandra naman gamit ang mahabang bamboo stick na napulot niya sa tabi ay sinaksak sa lalamunan ng buwaya.
Si Renz naman ay ibabaon sana ang sangang hawak niya ngunit kinagat ito ng buwaya't nabali.
Si Eleanor naman ay gaya rin ni Cassandra na may bamboo stick na paulit-ulit niyang pinipukpok sa buwayang kaharap niya.
Si Jason ay kasama si Kyla na kapwa walang panlaban at may buwaya na sa harap nila.
Samantala sila Alvin, Cassandra, Renz, at Eleanor at tinapos na sabay-sabay ang isang buwaya at agad na nilapitan ang natitirang buwaya na ngayo'y winawagayway ang kawawang si Kyla at kagat-kagat ang paa
"Ahhhh!!! Guys, tulong! Help! Juice colored! Jusmiyo marimar asawa ni sergio! Alvin! Cassandra! Eleanor! Jason! Renz! Guys!" sunod sunod niyang sigaw
Agad namang umatake si Alvin gamit ang bamboo stick at punukpok ang natitirang buwaya. Nang ilang ulit na pukpok ay nabitawan na ng buwaya si Kyla at nahulog sa lawa pero buhay pa rin ang buwaya. Si Kyla ay di makalangoy dahil di maigalaw ang duguan niyang kanang paa dahilan kung bakit unti unti siya lumulubog sa lawa.
Nang mapansin yung ng barkada ay tumakbo si Renz upang sagipin si Kyla pero laking gulat nila nang kinagat naman ng buwaya si Renz pero agad rin namang nakawala dahil nanghihina na nga ang buwaya. Pinagkaisahan na nilang barkada ang buwaya samantalang si Renz ay inihiga na si Kyla sa tabi ng ilog.
Nag CPR na rin nila pero wala na talaga. Nabawasan nanaman sila ng isa.
Malungkot silang umuwi sa kubo dala-dala ang mga pagkain na nakuha nila sa parteng iyon ng isla. Nagdala na rin sila ng ibang mga bagay na pwedeng maging armas nila pag nangyari uli iyon sa kanila. Kailangan nilang maging handa.
*****
Maaga silang gumising at naglibo't sa karagatan malapit sa isla gamit ang ginawa nilang parang bangka gamit ang mga bamboo sticks na pinagkabit-kabit nila upang mangisda.
Masaya silang umuwi sa kubo dala dala ang mga isdang nakuha nila na binalot nila sa tela.
Tinusok nila ang mga ito isa-isa sa sanga ng punong tinanggal nila at ngayo'y iniihaw nila isa-isa gamit ang ginawa nilang bonfire. Meron silang tig-dalawang isda.
Nang matapos nang maihaw yung isang isda ni Renz ay pumasok muna siya sa kubo dahil mainit na rin ang sikat ng araw at iniwan niya ang isa pa niya isda sa bonfire. Di niya namalayang nakatulog na pala siya.
Kumakain na rin ang lahat.
Nang maubos na ni Alvin ang dalawa niyang isda ay "Uy, may isa pang isda dun oh. Kahit sunog okay lang." sabay turo dun sa isda sa gilid bonfire
"May extra pala." sabi ni Jason at sabay silang tumakbo dun sa bonfire at nag-unahan
Naunang nakuha ni Jason ang isda.
Inagaw ito ni Alvin "Pre, ako nauna."
"Wala akin na ito." sagot ni Jason at inagaw kay Alvin
Nagagawan pa sila at hindi pinansin ang pagaawat nina Eleanor at Cassandra hanggang sa nabitawan nila ito at nahulog sa bonfire. Nagliyab na ang isda kasama ang nakasama stick.
"Sabi na kasing tumigil na kayo. Yan tuloy walang nakinabang." singhal ni Eleanor
"Pantay pantay lang tayo ng bilang ng isda. Kay Renz kasi yan. Nakatulog na siya sa kubo." sabi ni Cassandra
Pero di nagpatinag ang dalawa na nagsusukatan ng tingin. Hanggang sa nagsuntukan na ang mga ito matapos magpalitan ng matatalim na salita.
Agad na kinuha ni Alvin ang isang sanga na nagpapaliyab sa bonfire at tinutok ito kay Jason.
Kumuha rin si Jason ng sanga galing sa bonfire at naglalaban na ngayon ang dalawa gamit ang sangang kapwa'y nagaapoy.
Di na makalapit ang dalawang kanina pa pumipigil sa kanila dahil baka masunog sila ng buhay.
Sa di inaasahang paraan sa pagagaw ni Jason sa sangang hawak ni Alvin ay tumalsik ito sa kubo at nagliyab ito.
"Ghad! Nanjan si Renz!" sigaw ni Cassandra
Agad silang apat na lumapit sa kubo at pumasok sa loob. Naririnig na nilang sumisigaw at nanghihingi ng tulong si Renz pero wala na silang nagawa. Mabilis na natupok ang kubo.
"Kasalanan mo to kung bakit namatay si Renz!" sigaw ni Jason kay Alvin
"Anong ako!? Ikaw ang nauna!" pasigaw na sagot ni Alvin
At nagsimula na sila ulit mag-away. Napunta pa sila sa tabing dagat at kapwa nilulunod ang isa't isa. Sa isang iglap, nawalan na rin ng buhay si Alvin sa pagkakalubong ng ulo nito dahil sa pagkakahawak ni Jason.
Agad namang napatayo si Jason at paulit-ulit sinasabing "Wala akong kasalan! W-wala! Patawarin niyo ako! Di ko kasalan!"
"Jason! Kasalan mo lahat! Ikaw ang unang nakipagagawan kay Alvin sa isda. Ikaw ang nangagaw ng sanga na hawak ni Alvin kaya tumalsik sa kubo. Ikaw ang may kasalanan ng pagkamatay ng dalawa nating kaibigan!" sigaw ni Eleanor
"Tama na, Eli. May kasalanan din si Alvin dahil kinuha niya yung isda ni Renz." awat ni Cassandra "Pero mas malaki kasalanan mo, Jason."
"Hinde!" sigaw ni Jason at tila hindi na ito ang Jason na kilala nila
Agad kumuha ang dalawang babae ng sanga na galing sa bonfire nang lumapit si Jason sa kanila.
"Wala akong kasalanan diba? Eleanor, Cassandra, diba?" tanong niya at may tumulong luha sa kaliwang mata niya
"Cassandra tumakbo na tayo. Sundan mo ko." sabi ni Eleanor na yun na nga ang ginawa nila
Tumakbo sila sa bamboo stick na ginawa nilang bangka at pinalutang ito palayo sa isla.
Nilingon nila si Jason at nakitang pumapasok siya sa nasusunog na kubo.
"Magpapakamatay ba siya?" tanong ni Cassandra na halata naman ang sagot
"Nababaliw na siya." sabi ni Eleanor
Di pa sila masyadong nakakalayo ay may natanggal na isang bamboo stick sa sinasakyan nila.
Nagkatinginan ang dalawa "Itali natin agad." sabi ni Eleanor ngunit di pa nila natatali ay may natanggal nanaman dahilan kung bakit nahulog si Cassandra
Sinubukan siyang kunin ni Eleanor pero nahulog din siya. Huli na nang mapansin nila na sira sira na ang ginawa nilang munting bangka.
Wala silang lakas upang lumangoy pabalik sa islang pinanggalingan.
Hanggang sa nawalan na sila pareho hininga.
¯-_-¯-_-¯-_-¯-_-¯-_-¯-_-¯-_-¯-_-¯-_-¯-_-¯-_-¯-_-¯-_-¯-_-¯-_-¯-_-¯-_-¯-_-¯-_-¯-_-¯-_-¯-_-¯-_-¯-_-¯-_-¯-_-¯-_-¯-_-¯-_-¯-_-¯-_-¯-_-¯-_-¯-_-¯-_-¯-_-¯-_-¯-_-¯-_-¯-_-¯-_-¯-_-¯-_-¯-_-¯-_-¯-_-¯-_-¯-_-¯-_-¯-_-¯-_-¯-_-¯-_-¯-_-¯-_-¯-_-¯-_-¯-_-¯-_-¯-_-¯-_-¯-_-¯-_-¯-_-¯-_-¯-_-¯-_-¯
"O to the M to the G! This is the best short film we've ever made." sabi ni Lacey matapos panoorin ang ginawa nilang film na ang title ay 'Stuck in an Island'. Totoong pangalan nila ang ginamit nila sa maikling pelikula.
"How tragic the ending is." sabi naman ni Jennifer
Kasalukuyan silang nasa cruise ship pauwi pero di gaya ng ginawa nila sa maikling pelikula, may kasama sila. Yung mga crew at staff nitong barko. Nandito sila sa isang kwarto at pinapanood ang kanilang ginawa na kakatapos lang i-edit.
"Tumpak na mananalo tayo niyan." sabi ni Exekiel
Sumali kasi sila sa isang paligsahan na ang theme ay 'Summer with my barkada'.
"Ayoko ng pagkamatay ko. Kinain ng patingin, hmp." maarteng sabi ni Audrey kaya nagtawanan sila
"Gara nga nung akin eh. Nabaliw." natatawang sabi naman ni Jason kaya lalo silang nagtawanan
"Mas grabe naman yung akin, winagayway ng crocs tas sinipiar (CPR) pa ako ni fafa Renz." sabay naman ni Kyla
"Kilig ka lang eh." saad ni Jennifer
"Sagutin mo kasi." tukso ni Cassandra
"Ligawan kasi muna ni fafa Renz." si Jason
"Yiie, meron na tayong two couples. Ang LaXekiel at Ryla." si Jennifer
"Eh ang EleSon." Audrey
"Ako nga wag niyo kong madamay diyan Audrey ah. Ipalapa kita ulit sa pating." Eleanor
"Wews. Keleg ke leng ihh." Audrey
"Baka JaRey." Eleanor
"Nux. Haba ng hair ni fafa Jason oh." sabi ni Alvin
"Wag nga kayo. Kay fafa Exekiel ako." sabi ni Jason
"Taken na po siya." sabi ni Lacey
Natigil ang tawanan at kasiyahan nila nang may kumatok sa pinto.
"Come in!" sigaw ni Alvin, siya kasi ang amo rito
"Nux, English." Renz
"Ghad, dudugo na ba ilong ko?" Kyla
Pumasok na ang isa sa mga staff at takot na takot na sinabing "Sir Alvin, lulubog po yung cruise ship. Kailangan po nating maghanda."
==========================================================================================
Vote☆|Comment|Share|Follow
Facebook: CrishaneAen WP
IG: crishaneaen
Twitter: Jae_Day6sWifeu
YouTube: Christine Sy
Tumblr: ckrzztynn
Snapchat: chrisychokiller
05-27-16
©CrishaneAen❞
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro