5. No Escape
Strings and Chains
Chapter 5
Nagtext na lang ako kay mama na kila Ginger ako matutulog. Hindi na ako umuwi at kumuha pa ng damit. Kahit tumapak sa mismong pamamahay namin natatakot na ako. Bumuntong-hininga na lang ako. Bali dalawang bagay ang gumagambala sa isip ko. Una, 'yang multo o aswang na gumagapang sa 'kin gabi-gabi. Pangalawa, si Ana Liverton.
Ana Liverton...
Mistisa. Total package talaga katulad nang pinsan niya. Hindi ko pa nakikita si Marian sa totoong buhay. Sa pictures ko lang siya nakikita. Pero base sa pictures, you can say that Marian is a beauty. Nasa lahi na ata nila ang magaganda't guwapo. Ana Liverton. Hindi mawala-wala sa isip ko 'yang pagsama niya sa lalaking 'yon. Bakit hindi ako mababagabag? Kung ang huling nabasa ko sa chat ay 'yong tungkol sa pagkamatay ng pinsan niya.
Sabi ni Yules sa group chat, huli niyang nakita si Marian na may kasamang lalaki. Sabi naman ni Josh, na mas lalong nakapagpasama ng kutob ko ay huli niyang nakita si Marian na nakasakay sa kotse, kasama 'yong lalaki. Pulang kotse. Red f-cking car. At ang pakiramdam ko pa na may kinalaman 'yong lalaking 'yon sa pagkamatay ni Marian.
At malakas ang pakiramdam ko na 'yong lalaking kasama ni Ana ay 'yong lalaki rin na kasama ni Marian. Hindi ko alam kung bakit pinag-iisip ko 'tong mga 'to. Masama mamintang pero... iba talaga pakiramdam ko sa isang 'to.
"Lalim ata ng iniisip mo," sita sa akin ni Ura.
"Nakita ko kasi si Ana kanina. May kasama siyang lalaki. Sumakay sila sa pulang kotse," sagot ko naman. Napatingin sa akin si Ginger na kasalukuyang naka-upo sa lapag habang hawak-hawak ang isang bowl ng popcorn na niluto namin kanina.
"Tapos?" tanong naman niya.
"Nabasa ko kasi 'yong usapan ng kaklase ko sa group chat. Sabi nila huli raw na nakita si Marian na may kasamang lalaki, nakasakay sa pulang kotse."
Natahimik ang dalawa. "Coincidence lang ba?" tanong ko pa sa kanilang dalawa.
Ngumiti naman ng pilit si Ginger. "Maraming may kotseng pula, Maru. Hindi naman siguro."
Nagkabali-balikat lang ako. "I don't know. I'm having a strange feeling about this."
Nakatingin pa rin sa 'kin si Ura kaya naman napatingin na lang din ako sa kanya. "What?" sita ko pa.
"I'll message Joseph, papa-check ko si Ana," sagot naman niya kaya tumango ako. Hinayaan na namin si Ginger enjoy-in 'yong pinapanood niya. Habang ako naman, nilalabas na pagka-detective ko. Una kong chinat si Yules.
Me: Yules, what's up?
Yules: Maru, napa-chat ka. Do you need anything?
Me: About doon sa napag-usapan niyo kagabi.
Yules: What convo?
Me: Sa gc ntin.
Yules: About Marian? Y?
Me: Sabi mo huli mo syang nakita na may kasamang lalaki. Right?
Yules: Yes.
Me: Can u describe him?
Yules: Well... he's tall. Tanned-skin. JB hairdo.
Me: Oh, I see. Thanks!
Yules: Why did you ask?
Me: Just checking coz I saw her too with a guy.
Palusot ko.
Yules: Is it the same?
Me: No, I think she's with other guy when I saw her.
Yules: Alright.
Me: Thanks!
Yules: No prob, gorgeous J
So tama nga hula ko. Iisang lalaki. Kasama ni Ana 'yong lalaking huling nakasama ni Marian. Agad kong chinat si Josh para naman alamin 'yong kotse. Sana coincidence lang ang lahat ng 'to dahil pagnagktaon, hindi ko alam ang gagawin ko. Murder 'to. Mabigat. Nakakatakot.
Me: Josh, u saw Marian in a red car with that stranger, right?
Josh: Yeah
Me: Did u remember what car is it?
Josh: Honda civic.
Me: Do u remember the plate number?
Josh: Not quite, but I remember the numbers.
Me: What's the number?
Josh: 438
Natulala ako sa cellphone ko. Sht.
"Ura, ano'ng sabi ng pinsan niya?" tanong ko kay Ura na nakatutok na rin sa cellphone niya.
"Wala pa raw sa bahay, e," sagot naman ni Ura.
"Tinawagan na ba nila?" tanong ko pa.
"Tumawag daw si Ana na makikitulog sa kaibigan niya."
"Sinong kaibigan?" tanong ko ulit.
"Wait, I'll text him again."
Nakatingin sa akin si Ginger na may pag-alala sa mukha niya. Pinause na rin niya 'yong pinapanood niyang movie. "What's wrong, Maru?"
Huminga ako ng malalim. "Minsan talaga ayokong ilabas pagka-detective ko kasi kung ano-ano na lang natutuklasan ko, e."
"Bakit? Ano'ng nalaman mo?" tanong sa akin ni Ura.
Muli akong tumingin sa messenger ko. Sa chat ko kila Yules at Josh. "I just confirmed na 'yong huling kasama ni Marian sa The Box ay 'yong lalaki rin na nakita kong kasama ni Ana."
Naka-ilang kurap pa si Ginger at tila hindi niya ma-sink-in sa utak niya ang mga sinabi ko. Hindi agad naka-imik si Ura sapagkat ibang usapan na 'to. Kahit ako, kinikilabutan sa mga nalalaman ko. Pero alam kong hindi lang ako sa kuwartong 'to ang nakakaisip na may kinalaman 'yong lalaking 'yon sa pagkamatay ni Marian.
"Wait, how did you know?" tanong sa akin ni Ginger at tila hindi pa makapaniwala sa new discovery ko.
"I told you, I saw her earlier. Sa parking lot ng school. Ang sweet pa nila no'ng guy, e. Kitang-kita ng mata ko na sumakay siya do'n sa pulang kotse na 'yon. Tinandaan ko plate number para sigurado. Naalala ko ka kasi 'yong usapan sa gc," paliwanag ko kay Ginger.
"What's this? May kinalaman si Ana dito?" tanong pa ni Ginger.
"We're still not sure about that. Kahit 'yong lalaki, malay ba natin na hook up lang 'yon ni Marian that night. Unless we have evidence..." sagot naman ni Ura.
Natahimik ako sa puwesto ko. "Or..."
Muling napatingin sa akin 'yong dalawa. "Ana is the next victim."
Walang umimik. Walang nagsalita. Nag-excuse na lang si Ura na tatawagan niya si Joseph para ipahanap na si Ana. Sana... sana mahanap siya. Dahil hindi na naman ako makakatulog ngayong gabi sa kakaisip sa babaeng 'yon. Ligtas ba siya? Napapikit na lang ako ng mariin. Sana... sana ligtas siya. Sana wala nga talagang kinalaman 'yong lalaking 'yon sa pagpatay kay Marian.
***
Ang sarap-sarap ng tulog ko nang maramdaman kong may sumampa ng kamay sa katawan ko. Gumapag 'to sa baywang ko saka ako hinapit papalapit sa kanya at yinakap ng mahigpit.
"Ano ba, Ura. Makayakap ka, lumayo ka nga." Tinulak ko si Ura papalayo pero aba yumakap pa rin. Hindi ko na lang pinansin at hinayaan na lang. Tinry ko ulit matulog, pero anak ng punye—
"Ano ba, Ura! Pati dede ko, may dede ka naman!" sigaw ko na kaya narinig kong bumangon si Ura.
"Ano bang sinisigaw-sigaw mo d'yan, nakikita mo bang ang layo ng agwat natin dito sa kama?!" sigaw pabalik sa akin ni Ura kaya napadilat na ako at tumingin sa kanya. Nang makita kong may malaking space sa gitna at nang makita kong nasa dulo ng kama si Ura ay napalunok na lang ako. Not again...
Padabog na nahiga si Ura sa kama saka ito bumalik sa pagtulog. Nakita kong ang himbing ng tulog ni Ginger sa sofa. Mukhang doon na inabutan.
Dahil inaantok pa ako ay bumalik na lang din ako ulit sa pagtulog. Nang maramdaman kong okay na, binaba ko na shield ko at hinayaan ang sarili ko na malunod sa antok. Ilang oras din ang lumipas bago ko maramdaman na sumampa si Ginger sa kama at nahiga sa gitna namin ni Ura. Naramdaman ko na naman 'yang maala ahas na kamay na gumapang sa baywang ko. Nakaramdam pa ako ng paghinga sa leeg ko. Akala ko si Ginger lang dahil ganyan matulog 'yong babaeng 'yon.
Pero nang makarinig na ako ng boses... at boses lalaki pa. Doon na dumilat ang mga mata ko.
"Who says you can run away from me, Maru?" bulong sa akin ng kung sino mang nilalang na nasa likod ko.
Oh my god, oh my god! I felt his hands on my back, slowly reaching to my freaking ass and f-cking groped it. "Kahit saang kama ka pa magpunta, Maru. Masusundan, mahahawakan, at magagalaw kita..."
Nanlaki na lang ang mata ko nang maramdaman ko ang kamay niya na pumasok sa panty ko at napunta sa gitna ng hita ko at sht...
"A-ahhh..." I f-cking moaned! I moaned! Sht! Sht! Sht! Naramdaman ko ang paghalik niya sa leeg ko, sa likod ko, sa pwetan ko, hanggang sa maramdaman ko siya sa pinaka gitna ko.
"Ura! Ginger!" malakas kong sigaw kaya agad na bumangon si Ura sa kama pati na rin si Ginger. Napatingin sa akin 'yong dalawa. Gulat na gulat silang dalawa na makitang nakababa na ang damit ko, wala na sa hook 'yong bra ko, nakababa na rin ang shorts at panty ko.
Agad na binato sa 'kin ni Ura 'yong kumot para matakpan ako.
"What the hell... Ano'ng nangyari sa 'yo?" nagtatakang tanong sa 'kin ni Ginger.
Huminga na lang ako ng malalim saka inayos ang sarili ko. Kahit sa bahay ng kaibigan ko, nasusundan pa rin ako. Hindi pa rin ako ligtas. Walang kama na makakapagligtas sa 'kin.
"Mukhang hindi ako matutulog ngayong gabi..." sagot ko na lang sa dalawa habang sinusuot ulit ang panty't short ko.
***
Buong magdamag, simula alas tres ng madaling araw, hanggang ngayong alas otso ng umaga. Wala ako'ng ibang ginawa kung hindi laklakin ang wine ni Ginger. Alam kong may tama na ako. Malakas na ang tama ng alak sa 'kin. Kung ito lang ang paraan para makatulog ako ng mahimbing, nang walang nararamdaman, gagawin ko na. Halos maubos ko na sa totoo lang. Kaunti na lang at mauubos ko na 'tong isang bote.
"Hindi ko alam kung ano'ng dapat kong sabihin sa sitwasyon mo ngayon... Maru... Pero talagang uubusin mo 'yang wine? Usapan uuwi ka ngayon sa bahay niyo," wika ni Ginger.
Tumango-tango na lang ako. Kaya ko naman. Kaya ko pa naman sarili ko. Alam ko pa ginagawa ko, alam ko pa mga sinasabi ko.
"Hatid niyo na lang ako. Ubusin ko lang 'to." Hindi na umimik sila Ginger at Ura sa 'kin. Sigurado rin ako'ng hindi mawala sa isip nila 'yong nangyari kagabi. Siguro naman, maniniwala na sila sa 'kin ngayon? Hinilamos ko na lang ang kamay ko sa mukha ko at inubos na 'tong natitirang wine.
Pagkatapos kong maubos 'yon, hinatid na din ako nila Ura sa bahay hanggang sa kuwarto ko. Nahiga na lang ako at pinikit ang mga mata ko.
"Magiging okay ka lang ba?" tanong sa 'kin ni Ura pero hindi ko na siya nasagot dahil gumagapang na ang alak sa ulo ko. Gusto ko na lang matulog.
"Okay lang ba na dito natin dinala 'tong si Maru? Paano kapag... kapag nangyari na naman 'yon?" tanong ni Ginger.
"Umaga pa naman. Tuwing gabi lang siguro lumalabas 'yon? Besides, nandito si Rai. Rai, protektahan mo si Maru sa monster na gumagapang sa kanya gabi-gabi ah."
Narinig ko na lang ang pagsara ng pinto kaya ako ninamnam na ang mga unan at lambot ng kama ko. Tuluyan na ako'ng nakatulog at nagpahatak sa alak.
"Maru..."
Someone's trying to wake me up pero sobrang bigat na ng pakiramdam ko.
"Maru..."
That voice... His voice... whoever he is... his voice sounds so heavenly...
"Maru..."
"Mmm..."
"Try to sit for just a minute. Pupunasan kita," wika pa sa 'kin ng lalaking 'yon.
"Can you? Come here." Naramdaman ko ang kamay niya sa balikat ko at sa likod. Inalalayan niya akong maupo pero sobrang sakit na ng ulo ko at ng katawan ko. Naramdaman ko ang malamig na pamunas sa mukha ko pababa sa leeg ko.
"You reek of alcohol but you're still sexy and I still want to kiss you, Maru."
Tinaas niya ang kamay ko. Tinanggal ang damit ko. Pati na rin ang bra ko. Naramdaman ko ang malamig na pamunas sa katawan ko. Hanggang sa makaramdaman ako ulit na may suot-suot na ako'ng damit. Gusto ko nang mahiga pero may pinapainom pa siya sa 'kin.
"Inumin mo 'tong gamot para mawala sakit ng ulo mo." He tried to put it in my mouth pero umaayaw ako. Gusto ko na lang matulog ano ba.
"Ang kulit. Tsk." Narinig ko ang mahina niyang pagdabog. Hanggang sa maramdaman kong hinawakan niya ako sa panga. I felt his lips on my lips. He opened my mouth and I felt his tongue. Nang malasahan ko 'yong pait sa dila ko tinry ko na lumayo pero mas diniinan lang niya ang paghalik sa 'kin. Hanggang sa may nalunok na lang ako at doon na siya humiwalay.
"Pahirapan ka pa painumin ng gamot." Narinig kong sabi niya pero sumalampak na ako pahiga.
Yakap-yakap ko na ang hotdog kong unan nang maramdaman kong may sumusuklay ng buhok ko gamit ang kamay niya.
"Sleep tight, my Maru..." bulong ng kung sino mang tao na naglinis at nag-alaga sa 'kin.
Kung nand'yan ka pa kapag nagising ako. Gusto sana kitang makita, makilala, at mapasalamatan.
I... really would like to see your face...
"Sleep tight..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro