3. Freak out
Strings and Chains
Chapter 3
Pagdating ko sa bahay agad ako'ng dumiretso sa kuwarto ko. Hindi na nga ako nakapagmano sa mga magulang ko. Pero baka tulog na rin 'yong mga 'yon. Hindi ko na na-check kung nasa loob ba si Rai dahil agad ako'ng dumiretso ng banyo. Amoy alak at usok ako dahil sa party. Maaga kong niyaya na umalis sina Ginger dahil natakot ako sa naging usapan namin ni King. At 'yong lalaking 'yon... ang creepy talaga! Nagshower ako at agad ding nagbihis. Nagpapatuyo ako ng buhok nang lumabas ako ng banyo. Tanging suot-suot ko lang ay isang malaking t-shirt at panty. Hindi na ako nagbra-bra kapag natutulog. Kailangan maging malaya ng malulusog na 'to kahit paminsan-minsan.
Naupo ako sa kama. Sakto namang naramdaman ko na sumampa si Rai. Nagtaka ako ng dahan-dahang lumapit sa akin ang alaga ko saka ko inamoy-amoy nito. Nagtaka pa ako lalo ng tumahol 'to ng tumahol sa 'kin.
"Ano'ng problema? Ang baho ko pa rin ba?" tanong ko saka inamoy kili-kili ko. Hindi naman na ako amoy alok o kaya usok. Kaliligo ko nga lang, eh.
"Bakit, Rai?" tanong ko pa at akmang hahawakan siya nang lumayo ito sa 'kin. Napapadalas na ata pagiging topakin nitong alaga ko. Hindi ko ma-gets kung ano'ng gusto at ayaw nito. Hindi naman 'to ganito dati.
"Tara na. Matulog na tayo," aya ko sa kanya.
Tinabi ko na ang tuwalya saka ako nahiga sa kama. Pumalakpak ako ng isang beses at kusa nang namatay ang ilaw sa kuwarto ko. Mulat pa rin ang mata ko pero parang nakapikit lang din ako kasi sobrang dilim dito sa kuwarto. Hindi pa rin mawala-wala sa isip ko 'yong sinabi ni King.
Wala naman ako'ng close na lalaki or kakilalang lalaki bukod kay Trojan at sa ex ko. Itim ang buhok nito, may sugat sa pisngi...
Sino?
Naramdaman ko ang pagsampa ni Rai sa kama saka ito tumabi sa akin. Ramdam ko pa ang balahibo niya sa katawan. Hinahagod-hagod ko lang 'yong likod niya hanggang sa feeling ko may nahahawakan na ako'ng balat ng isang tao. Napakunot-noo ako at agad na napaupo. Muli akong pumalakpak, kasabay no'n ng pagbukas ng ilaw, pero nakita ko lang si Rai na nakahiga sa tabi ko.
Dinama ko ang kamay ko. Sigurado ako'ng nakahawak ako ng balat ng tao.
O guni-guni ko lang?
Napa-iling na lang ako at nahiga. Hindi ko na pinatay ang ilaw at hinayaan na bumukas 'yon. Sobrang creepy na nitong nangyayari sa 'kin. Pinikit ko na lang ang mga mata ko at hinayaan na dalawin ako ng antok.
***
Umayos ako ng higa dahil feeling ko may mabigat na nakapasan sa 'kin. Umayos ako uli at tumagilid. Pero nagsalubong lang ang mga kilay ko nang makaramdam ako ng paghinga sa bandang noo ko. Dinilat ko mga mata ko pero laking gulat ko na kadiliman ang nagwelcome sa 'kin. Sa pagkakatanda ko, hindi ko pinatay 'yong ilaw.
"Rai..." bulong ko at akmang kakapain ang alaga ko nang iba nakapa ko sa baba.
Nanlaki ang mata ko. Nanigas sa puwesto ko. Napalunok.
"Hmm..." Nakarinig ako ng ungol sa harap ko kaya agad kong binitawan 'yong bagay na 'yon at agad na naupo sa kama ko. Pumalakpak ako at muling bumukas ang ilaw. Agad ako'ng napatingin sa tabi ko pero nakita ko lang ang alaga ko na taimtim na natutulog doon. Naka-ilang kurap pa ako. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Lumunok ako at sinuklay ang buhok ko gamit ang kamay ko. Huminga ako ng malalim dahil muntik na ako'ng magpanic.
Nagkakaroon na ba ako ng hallucinations? Ramdam ko, eh! May hininga. May a-ano, 'yong ano. Basta 'yon! Tapos may umungol. Hindi naman magagawa ng aso 'yon. Tsaka 'yong nahawakan ko talaga. Tsk! Nahiga ako sa kama at tumingin sa orasan sa tabi ng kama ko. Alas singko na ng madaling araw pero madilim pa rin sa labas.
"Nababaliw na ata ako," bulong ko sa sarili ko at muling napapikit. Hinayaan ko na lang ulit ang sarili ko na malunod sa antok. Hindi na ako nag-isip ng kung ano-ano. Tiyak tatakutin ko lang ang sarili ko. Mamaya, okay na ako!
***
Paggising ko ng umaga. Ginawa ko ang routine ko sa umaga. Kailangan kong magready para pumasok ulit. Dumiretso ako sa kusina, suot-suot pa rin ang damit ko pangtulog. Wala namang lalaki dito. Panigurado pumasok na sina Mama't Papa. Tinitikman ko 'yong lutong Caldereta ni Ate Tek nang pumasok siya.
"Gising ka na pala. Kumain ka na." Tumango na lang ako kay Ate Tek saka ako nagsandok ng makakain ko. Nagtungo ako sa dining area at nilapag ang plato ko sa lamesa. Naupo ako saka ko binuksan ang TV at sinimulang kumain. Nilapag ni Ate Tek ang kape na tinimpla niya para sa 'kin habang ako tutok na tutok pa rin sa TV. Umagang balita pero pagpatay na naman ang nakalagay dito. Kaya minsan ayoko ng manood ng balita, puro ganito na lang nakikita ko.
"Oh, kinagat ka ba ng lamok?" tanong sa akin ni Ate Tek saka niya hinawakan ang leeg ko. Napatingin ako sa leeg ko pero syempre hindi ko makita.
"Lamok? Naka-aircon ako, Ate. Ba't naman magkakalamok sa kuwarto ko?" sagot ko saka tumayo at nagtungo sa salamin na nakasabit dito sa kuwarto. Napakunot-noo ako nang makakita ako ng dalawang maliit na pantal sa leeg ko. Hala, saan ko 'to nakuha?
"Kinagat ni Rai?" tanong ko.
"Siya lang may pangil sa aming dalawa," sagot ko pa.
"Ba't ka naman kakagatin ng alaga mo. Sa leeg pa," wika naman ni Ate Tek.
"Baka na-scratch ko lang or something. Na-irritate," sagot ko.
Hindi ko na lang pinansin 'yong pantal sa leeg ko at muling kumain. Matapos kong kumain ay muli akong umakyat sa taas at agad na nag-ayos para sa pagpasok sa school.
As usual, ginawa ko ulit kung ano ang araw-araw na ginagawa ko sa school. Papasukan ang mga subject ko for this day saka makikipagkita sa dalawa para tumambay sa paborito naming pinagtatambayan. Nakaupo lang ako habang hinihintay sina Ginger at Ura nang mapansin kong may umupo sa harap ko. Pag-angat ko ng tingin, alam ko ng sira na ang araw ko.
"Hi, Maru."
Ngumiti ako ng pilit sa kanya. "Hello, Matt."
"Kamusta?" tanong pa niya.
"Ayos lang," matipid kong sagot at muling pinagtuunan ng pansin ang cellphone ko.
"Hmm. Busy sa studies? Hindi kita nakikitang may kasamang ka-date. Wala akong balita." Ngingiti-ngiti pa siya habang sinabi niya 'yon. Ano bang kailangan ng lalaking 'to?
"I don't have any time for another relationshit, that's why," sagot ko sa kanya saka ako ngumiti sa mokong na 'to.
"If that's the case, make time," sagot niya kaya napakunot-noo ako. Narinig ko ang notification sa phone ko kaya muli ako'ng tumingin doon. Nakita kong may nagtext sa akin na unknown number kaya nagtaka ako.
"Make time?" tanong ko kay Matt habang nakatingin pa rin ako sa phone ko. Binuksan ko 'yon at binasa ang text.
Don't go with him. He just wants to have sex with you.
Napataas ang kilay ko sa text na 'to.
"Are you free this sunday?" tanong pa ni Matt pero nakatingin pa rin ako sa phone ko. Nakita kong nagtext uli 'tong unknown number kaya agad kong tinignan 'yon.
You know, Maru. He can't forget that day.
That day?
You were so damn good. I know. I was your first.
First?
"Maru, hey, are you okay?" tanong pa sa 'kin ni Matt kaya tila nagising ako sa kung ano'ng bangungot na nangyari sa 'kin. Napalunok ako at pilit na ngumiti sa kanya.
"I-I'm okay," sagot ko pero hindi talaga. Sinong walanghiyang magte-text sa 'kin ng ganito? First? Wala ako'ng matandaan na nakipags-x ako bukod kay Matt. Sino 'to at paano niya nalaman number ko?
"So... this Sunday, can we hang out at my place?"
Narinig ko ulit ang notif sa phone ko. Nanginginig kong tinaas ang phone ko at tinignan ang text.
Let's meet on Sunday. Let's have another steamy night, Maru.
"Maru?"
"Look, Matt. Hindi ko alam kung ano na naman bang gusto mo pero hindi ako sasama sa 'yo. We're done. Maliwanag 'yon 'di ba?"
Nakita kong namula sa kahihiyan 'tong si Matt. Ang kapal ng mukha na ayain ako ulit. At saan pa kamo? Sa condo niya? Hang out my ass. Tumayo na ako at umalis do'n. Tinawagan ko si Ginger na pupunta ako sa coffee shop sa labas ng school. Maraming poison dito at gusto kong makahinga ng maluwag. Pagkalabas ko ng gate, narinig ko ang pagring ng phone ko. Sinagot ko 'yong without checking who's the caller. Akala ko si Ura or si Ginger. Pero ang bumungad sa 'kin ng boses... boses ng lalaki na hindi pamilyar sa 'kin.
"Hello? Sabi ko papunta ako sa coffee sho-"
"Ahh... Sa coffee shop."
Nahinto ako sa paglalakad. Bigla ako'ng kinutuban ng masama dito. Tinignan ko kung sino 'yong caller. Pero 'yong number na nagtext sa 'kin kanina ang nakita ko. Dahan-dahan kong binalik sa tainga ko ang phone para marinig kung ano pang sasabihin niya. Pinagtri-tripan lang ba ako nito? O may gusto sa 'king kumidanap dahil mayaman ang pamilya ko at gusto niya ng pera? Napaparanoid na ako kakaisip.
"Sino ka?" tanong ko sa kanya.
"You know me," sagot naman niya.
Napapikit ako ng mariin. Magtatanong pa ako kung kilala ko siya? Abnormal ba 'to?
"Sorry if I called you. I just really can't forget what you did last night," wika pa nito.
What the-Last night?
"I'm sorry? Pero mali ka ata ng tinext at tinawagan."
"Oh, Maru..." Narinig ko ang mahina niyang pagtawa kaya mas lalo ako'ng kinilabutan dito.
"Sa susunod, hindi ko na buburahin ala-ala mo para laging mong matandaan kung ano'ng itsura mo sa kama kasama ako," wika pa nito sa 'kin.
"Alam mo kung ano'ng kailangan mo? Psychiatrist. O kaya dumiretso ka na lang ng mental dahil d'yan sa kahibangan mo."
"O kung talagang hindi ka makapaghintay na makita ako, puwede namang ngayon na. Nandito lang ako sa kotse ko, tinitignan ka."
What the f-ck!
Agad ako'ng napatingin sa paligid ko. Sa mga kotseng nakaparada dito sa harap ng school namin. Ako ang nababaliw dito! Natatakot na ako! Are you f-cking kidding me?! Nandito siya? Sa labas ng school ko?! Sh-t talaga! Sh-t!
Kinalma ko ang sarili ko at muling sumagot sa kanya. "O baka ikaw ang hindi makapaghintay kaya kailangan pati sa school ko sundan mo ako."
"Very clever. Black car," sagot nito kaya napatingin ako sa mga kotseng kulay itim dito. Pero walanghiya, lahat ng kotse dito halos itim!
"Really, smart move. Lahat ng kotse dito itim. Pinagloloko mo ba ako?"
Narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya kaya napa-ismid na ako. Hindi ko alam kung dapat ba seryosohin ko 'tong nangyayari sa 'kin or hindi eh. Mukhang pinagtri-tripan lang ako nitong lalaking 'to.
"Lumabas ka ng kotse mo. Let me see your damn face," wika ko pa.
"That's very rude. Dapat kang turuan ng values, Maru," sagot naman niya.
"Do you think this is funny? Hindi! Mukha ba ako'ng natatawa dito? Hindi rin! Kaya kung wala kang magawa, sa iba na lang puwede? 'Wag ako! Busy ako!" sigaw ko sa kanya at akmang papatayin na ang phone ko nang napansin kong may bumaba ng kotse hindi kalayuan sa puwesto ko. Napakunot-noo ako habang nakatingin sa kanya pero tanging likod lang ang nakikita ko.
Naka t-shirt siyang itim. May suot-suot siyang kwintas. At kitang-kita ko ang tattoo niya sa leeg pababa sa kamay niyang nakapatong sa pintuan ng kotse niya ngayon.
Hindi ko masyadong maaninag. Hindi ko masyadong makita dahil medyo malayo rin siya sa 'kin. Nakita kong tinaas niya ang isa niya kamay at tila nakikipag-usap siya sa phone niya.
"Hello, Maru?"
Tila nagising ako sa pagda-daydream ko nang maring ko ang boses ng kausap ko sa phone. Tinaas ko ang phone ko at muli siyang pinakinggan. Nakatayo lang ako doon habang nakatingin sa lalaking lumabas ng sasakyan.
"Happy?" tanong pa niya.
"That's you?" tanong ko pabalik sa kanya.
"Yes," sagot niya.
"Harap," utos ko.
"Bakit ako haharap?" tanong niya.
"Gusto ko makita mukha mo."
Nakita ko siyang dahan-dahan na humarap sa 'kin habang hawak-hawak pa rin niya ang phone niya. Nagsalubong ang mga tingin namin. Tila ba naglock ang tingin namin sa isa't isa at walang nagtatangkang bumitaw. Nakita ko ang pagngisi niya na mas lalong nakapagbigay ng kilabot sa katawan ko.
Itim ang buhok. May sugat sa pisngi.
Katulad ng pagkakadescribe sa 'kin ni King. Itim ang buhok ng lalaking 'to at may sugat siya sa pisngi. Pero hindi ito naging dahilan para hindi magmukhang attractive ang lalaking 'to dahil kahit saan mo siya tignan tila ba lahat perkpeto. Isa lang ang tumatakbo sa isip ko. Bakit ang guwapo niya?
Ang ine-expect ko, hindi ganoon kagwapuhan. Mukhang goon. Mukhang unggoy.
Pero bakit...
I mean... Sino siya?
"Ano'ng kapalit nito, Maru?" tanong nito kaya nagulat ako.
"Kapalit? Bakit kailangan kita bigyan ng kapalit?"
"Ginawa ko ang gusto mo. Paano naman ako?" tanong pa nito. Kitang-kita ko ang paglinya ng ngiti sa labi niya at sinasabi ko ng hindi na talaga maganda 'tong nangyayari ngayon.
Hindi na ako nagdalawang isip na patayin 'yong tawag at agad na tumakbo papasok ng school. Agad kong tinanggal ang simcard sa phone ko at mabilis pa kay flash na pumunta kila Ginger at Ura. Naabutan ko silang naglalakad palabas kaya agad ko silang hinatak papasok sa loob.
"Walang lalabas! Dito lang tayo! Magpapasundo ako ngayon kaya ligtas tayo. Ligtas," wika ko habang hinihingal pa ako.
Nagtatakang nakatingin sa akin ang dalawa. "Ano'ng nangyari?" nag-aalalang tanong ni Ginger.
"May... May... May stalker ako sa labas!" sagot ko. Nagpapanic ako at hindi ko na alam ang gagawin ko.
"Mag ibang bansa muna kaya ako? Feeling ko hindi ako ligtas dito," wika ko pa. Pinaupo ako ni Ura at agad na naupo sa harap ko.
"Kalma, Maru. Kalma."
Paano kakalma sa sitwasyon ngayon? Sinabi niya siya 'yong first ko! Nagswipe ng v-card ko! Tapos 'yong eksaktong pagbigay ng detalye ni King na lagi ko raw kasama na lalaki, eksaktong-eksakton sa stalker ko. Paanong hindi ako mapaparanoid nito?
"No, no, no. Aalis muna talaga. Kailangan ko ata magpaalbularyo or something. This is f-cking scary! Kinikilabutan ako! Hindi tao 'yon! Hindi! Multo 'yon! O worst aswang!"
"Maru, nakikita mo 'to?" tanong sa akin ni Ginger habang nakataas ang dalawang daliri niya. Tumango ako.
"Ilan 'to?"
"Dalawa timang!" sagot ko sa kanya.
"Maayos pa naman pag-iisip mo. Ano ba 'yang pinagsasabi mo?" tanong pa ni Ginger.
"Kumalma ka muna, Maru. Kapag kalmado ka na, explain mo sa 'min kung ano'ng nangyari sa 'yo," wika naman ni Ura.
Ginawa ko ang sinabi ni Ura. Kinalma ko ang sarili ko. Huminga ako ng malalim at matagal-tagal ako'ng nanahimik. Pero tumatakbo pa rin sa utak ko ang mga nangyari kanina. At ito pa ang malala. 'Yong pagngiti, ngisi, at pati boses niya. Paulit-ulit na nagp-play sa utak ko. Na feeling ko kapag hindi ko pa ginawan ng paraan 'to, habambuhay ako nitong hindi patutulugin.
That freaking smile keeps haunting me and I f-cking don't know what to do!
What's worst? I felt like I was being watched all the time.
I felt like something sinister is going to happen and it's freaking me out!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro