Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

2. Good Girls



Strings and Chains

Chapter 2

Naupo ako sa sofa at dumikwatro. Nakatingin lang ako kay Jan na hanggang ngayon ang tamis-tamis pa rin ng ngiti sa akin. Guwapo si Jan. Galing sa mayaman na pamilya katulad ko. Pero syempre, mas mayaman pa rin kami. Kababata ko siya. Sabay kaming lumaki dahil magkakilala ang mga parents namin. Lagi silang dumadalaw sa bahay noon kaya naman siya palagi ang kalaro ko. Mabait si Jan. Sobrang bait. At sa kabaitan niya, wala siyang pakialam kahit may ka-relasyon ako kahit na fiancée ko na siya. At talagang ginawa kong makipagrelasyon dahil una sa lahat, ayoko nitong ginawang desisyon ng mga magulang ko.

Hindi ako ang babaeng nararapat kay Jan. Hanggang magkaibigan lang kami. Hanggang childhood friends lang, period, no erase. Wala ng kasunod. Hindi na aangat pa. D'yan lamang ang label. Friendzoned sa madaling salita.

Pero siya... ewan ko ba. Tuwang-tuwa siya na fiancée niya ako. Alam ko naman na matagal na akong crush ni Jan pero... pusa naman, hindi ko aakalain na ang magiging peg naming dalawa ay mababaon habangbuhay sa fixed marriage. And I'm not really happy about this. Sinong matutuwa sa puntong pinagkait sa akin na maghanap ng lalaking mamahalin ko at papakasalan ko?

"Trojan... napadalaw ka..." Tumingin ako sa oras at alas nuebe na ng gabi. "Ng alas nuebe ng gabi? Mukhang emergency?" tanong ko pa.

"Ah... yeah, I was just checking you."

Sumingit si Ate Tek at nilagay ang juice sa lamesa. "Ate Tek, paki linis pala 'yong lapag sa taas. Nagkalat na naman kasi si Rai," bilin ko.

"Okay po." Umalis si Ate Tek. Muli akong napatingin kay Jan. Tumango-tango na lang ako.

"Ahh..." Saka ko na-realize na nakarating na agad sa kanya ang balita. Wow, sobrang bilis.

"Are you okay?" tanong pa niya.

Tumango lang ako at pilit na ngumiti sa kanya. "Yes, I'm okay," sagot ko which is true. Hindi naman ako hirap mag move-on. Well, okay medyo masakit. Three years din 'yon. Pero kaya ko 'to. I'm a strong independent woman! Char.

"Kung 'yan lang ang pinunta mo rito, umuwi ka na at gabi na rin." Tumayo na ako at paakyat na sana nang magsalita siya.

"Is it okay if I..." Lumingon ako kay Jan at bumuntong-hininga.

"Jan..." tawag ko sa kanya. "Alam mo naman na kaibigan lang ang tingin ko sa 'yo 'di ba? Kaya please... 'wag na nating ipilit 'to."

Nawala ang ngiti sa mga labi niya nang sabihin ko 'yon. Ilang beses ko na siyang pinrangka about dito pero siya pa rin talaga ang matigas ang ulo. Knowing him for almost years, siya ang tipo ng tao na hindi madaling sumuko. If he likes something, he'll do anything just to get it. Ayoko naman talagang maging rude sa kanya at maging ganito ang asta kasi kaibigan ko siya pero... dahil nga kilala ko 'tong lalaking 'to, kailangan ng malakas na sampal ang gawin para matauhan 'to.

"Umuwi ka na. Pagod na ako, at tiyak pagod ka rin galing school." Tuluyan na akong umakyat sa kuwarto ko at hindi lumingon kahit isang beses kay Jan. Dahil kapag ginawa ko 'yon, magdadagdagan na naman ang pursyento na aasa siyang mapapansin ko rin siya.

Dahan-dahan kong isinara ang pinto at muling bumuntong-hininga. Pumikit na lang ako at napahilamos sa mukha.

"Aahhh... Hindi ko talaga kayang makita ganoon mukha ni Jan pero... kailangan na niyang tumigil." Nang idilat ko ang mga mata ko, nakita ko si Rai na nandoon sa mini sofa ko habang nakatingin sa labas ng bintana. Dahil ako itong na-curious din kung anong tinitignan niya ay tumingin din ako sa labas. Doon nakita ko si Jan na ang layo ng tingin habang nakatayo lamang. Hindi siya umiimik at tila ang lalim ng iniisip.

Muli na naman akong bumuntong-hininga. Hinawi ko ang kurtina para hindi na tumingin si Rai sa labas. Napatingin sa akin ang alaga ko. Naupo na lang ako sa sofa saka kinuha si Rai at kinalong sa hita ko.

"Ano Rai? Ano sa tingin mo? Tutal wala na rin akong boyfriend. At tiyak si Jan tatanggapin ko kahit hindi ako virgin. Bigyan ko na kaya ng chance si Jan?" tanong ko sa alaga ko pero ang ginawa nito ay tinahulan lang ako ng malakas saka ako nito tinulak ng mahina ang noo ko.

Naka-ilang kurap ako sa ginawa niya. Pero mayamaya rin ay na-amaze ako. "Ikaw talaga! Minsan napapaisip ako kung tao ka ba o ano e. Ang cute cute cute talaga ni Rai!"

Nakipagkulitan lang ako kay Rai hanggang sa makaramdam ako ng antok. Binaba ko siya sa lapag at ako naman ay gumapang na sa kama ko. Pagod na pagod ako sa school. Dagdag pa 'yang walang kamatayan na chimis. Anyway, paki ko ba. Basta ako matutulog na. Nahiga ako sa kama. Pero dahil naiirita ako sa shorts at bra ko, muli akong naupo saka ko tinanggal ang shorts ko. Sinunod ko naman ang bra ko saka ko hinagis kung saan.

Narinig kong tumahol si Rai kaya naman napatingin ako sa kanya. Natawa na lang ako nang makita kong sa mukha niya pala dumiretso ang bra ko.

"Rai, akin na 'yan." Akmang kukunin ko na 'yong bra ko nang tumakbo siya palayo sa 'kin. Agad na nagsalubong ang kilay ko sa ginawa ng alaga ko. Aba, ayaw ibigay sa 'kin.

"Ano tuwang-tuwa ka sa bra ko? Sige, sa 'yo na. Jusko." Napa-iling na lang ako at muling nahiga sa kama. Pumalakpak ako ng isang beses kaya't kusang namatay ang ilaw. Kinapa ko si Rai sa tabi ko pero wala pa rin. Dahil wala akong makita sa dilim, tinawag ko na lang siya.

"Rai, punta na dito sa kama. Matutulog na tayo."

Walang sumagot. Asan ba 'yung makulit na 'yon?

"Rai, bahala ka. Hindi kita patatabihin sa 'kin. Tara na dito."

Naramdaman ko na lang ang pagpasan niya sa kama kaya't napapikit na ako. Sobrang antok na ako kaya hindi ko na pinansin si Rai na tumabi sa akin habang dinidiliaan 'yong leeg ko. Ganyan naman siya palagi. Hanggang sa makatulog ako, naramdaman ko na lang na may dumagan sa 'kin na mabigat.

Malamang sa malamang ay si Rai na naman 'yon. Dapat bang i-diet ko na 'tong alaga ko? Bakit ang bigat-bigat?


***


Nakaupo kaming tatlo nila Ura at Ginger dito sa grounds ng campus. Nasa tapat namin ang malawak na soccer field. Nakaupo kami sa isa sa mga batong upuan dito. Nakakalat ang mga libro at pagkain sa lamesa. Tumingin ako sa dalawa kong kasama. Bumuntong-hininga na lang ako. Minsan napapaisip ako kung bakit naging kaibigan ko 'tong mga bruhang 'to eh.

Tumingin ako kay Ginger. Nakasuot ito ng eyeglasses habang busy ito sa pagbabasa ng kanyang libro sa political science dahil may quiz daw sila mamaya sa terror niyang professor na si Sir Manuel. Naging professor ko siya last year dahil kinuha ko rin 'yang subject na 'yan at surprise talaga magbigay ng quiz si Sir. Buti na lang ready ako palagi.

Tumingin ako sa suot-suot niya. Hindi naman kasi required na magkaroon ng uniform dito sa school kaya palaging naka-porma 'tong dalawa. For today, nakasuot siya ng ripped shorts at naka cropped top na pang itaas. Habang ang sapatos naman niya ay ang bagong labas ngayon ng Nike. Well, pwede na.

Tumingin naman ako kay Ura. Nakasuot naman 'to ng high waist na pants at kulay navy blue na v-neck. Lagi naman siyang naka-v neck kapag naka-tshirt dahil gustong-gusto niya ipakita cleavage niya. May papakita naman kasi ang lusog-lusog ng hinaharap ng kaibigan ko. Well, actually, lahat naman kami may itatalbog. At syempre, hindi papahuli ang pak na pak niyang 5 inches na heels. Bumuntong-hininga ako ulit. Minsan nag-aalala ako para kay Ura pero simula nang makita ko siyang tumakbo habang suot-suot ang mga heels niya, doon ko napagtantong may halimaw ata na muscle sa legs niya.

Habang ako? Fitted na maong pants, t-shirt na itim, at stilettos. Simple.

Tumingin ako ulit kay Ginger. Ang pinakagusto sa babaeng 'to ay ang napakacute niyang dimples. Magkabilaan pa. Kaya sarap-sarap pisilin ng pisngi n'yan, eh. Naka-pony tail ang brown niyang buhok, which is isa pa kinaiinggitan ko sa babaeng 'to kasi natural ang kulay ng buhok niya. Ang haba-haba ng pilik mata, ang ganda pa ng kulay ng mata. Light brown. Kaya naman kumikinang 'to si Ginger kapag nasisikatan ng araw. Ang puti-puti pa.

Tumingin ako kay Ura. Morena naman 'tong gagang 'to. Laging nag g-gym kaya sobrang ganda ng katawan. Matambok ang pwet, malusog ang hinaharap, at may abs. Check na check. Kulay itim ang buhok niya pero taon-taon nagpapakulay 'to. Ngayon nagblonde ang gaga. Pero bagay sa kanya. Mas pumuti siya tignan sa kulay ng buhok niya ngayon. Lagi rin 'tong nagpapakulot ng buhok sa dulo. Kaya naman kapag aalis kami, kailangan isang oras ang ibibigay mo sa kanya para makapag-ayos.

Ako? Ang dalagang hindi ata nasikatan ng araw sa sobrang puti. Kulay itim ang buhok ko na hanggang baywang. Diretso lang 'to. Straight. Ito naman ang kinaiinggitan ng dalawang bruhilda sa harap ko. Never ko kasing pinagalaw 'tong buhok ko. Kaya virgin pa 'yan. Mukha akong inosente. Mukha akong anghel. Mukha akong lalampa-lampa. At mukha akong maamong tupa na sobrang bait.

"Tignan mo 'yang tatlo oh. Ang sipag-sipag talaga. Nag-aaral mabuti. Ang gaganda pa. Kaya laging hinahabol ng mga lalaki, eh. Balita ko palagi raw may manliligaw 'yang mga 'yan."

Napangisi ako sa narinig kong bulungan ng dalawang babae na dumaan sa may table namin.

Mukha man kaming mga masunurin na bata. Mga anghel. Mga mababait. Mga inosente.

Pero kabaliktaran lahat ng inaakala nila. Katulad na lang ngayon. Mukha kaming nag-aaral, pero ang totoo n'yan? Iba ang pinagtutuunan namin ng pansin.

"Girl," sita sa akin ni Ginger habang nakatingin sa pinaka captain ball ng soccer team na si Josiah.

"Tignan mo puwet ni Josiah. Ang tambok 'no. Ang sarap lamutakin," dugtong pa ni Ginger. Tumango-tango na lang ako habang naghahanap pa ng mas matambok na puwet sa mga players na naglalaro sa soccer field.

"Pero mas gusto ko si Kiko," singit naman ni Ura habang kagat-kagat nito ang ballpen niya.

"Moreno. Sobrang tambok ng puwet. At sheeeet! Nakita mo 'yong abs?" Napahiyaw ito ng itaas ni Kiko ang damit niya para doon magpunas ng pawis. Nakita tuloy ang so heavenly abs nito.

Tumango ako. "Bet ko rin si Kiko."

"Ah, basta kay Josiah pa rin ako."

Napangiti na lang ako. Mukha man kaming nag-aaral mabuti dito sa puwesto namin. Pero ang totoo n'yan, dito kami tumatambay tuwing Friday para mapanood ang training ng soccer team ng school. Heaven kasi dito ang malulusog nila puwet at syempre... abs.

"By the way..." singit ko sa usapan namin.

"After months na walang paramdam, nagpakita sa 'kin si Jan kagabi," wika ko kaya naman ay napatingin sa akin ang dalawa.

"Bilis ng info. Nakarating agad sa kanya?" tanong pa ni Ginger.

Tumango naman ako. "Hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang loko."

Napataas ang kilay ni Ura sa sinabi ko. "Ano bang ayaw mo kay Trojan?"

"Ang awkward kasi kababata ko siya. At hindi ko talaga siya type," sagot ko naman.

"Sayang. Pogi naman si Trojan. Saka ang ganda-ganda ng katawan. Masarap kaya sa ka-" Agad kong binatukan 'tong babaeng 'to.

"Kung gusto mo sa 'yo na lang," alok ko pa.

"Talaga? Set ka ng araw. Kakainin ko 'yan." Napa-iling na lang si Ginger. Kahit ako napa-iling na lang sa babaeng 'to.

"Ayaw mo? Bakit ayaw mo?" pangungulit pa nito sa akin.

"Ikaw kumausap, bruha ka. Ayoko nga maka-usap 'yon. Mamaya umasa na naman."

"Hard," komento ni Ginger. Nagshrug lang ako saka tumingin muli sa soccer field. Unfortunately, mukhang break nila. At damn, nakatingin sila sa gawi namin. Mabilis akong umiwas ng tingin.

"Anyway, may party mamaya sa bahay ni Penelope. Punta tayo?" aya ni Ura.

"Asa namang makapunta ako 'di ba?" sagot ko sa kanya.

"Papaalam kita kay Tita. Birthday party lang naman," sagot ni Ura saka ito kumindat sa 'kin.

Napangiti na lang ako. Mukhang oras na para magpakasaya at lumalyo. "Sure."


***


Dahil si Ura ang nagpaalam kila Mama, pinayagan akong gumala ngayon. Sumakay ako sa kotse ni Ginger at tumingin kay Mama na nasa pinto. Kumaway ako sa alaga ko na si Rai na tahimik na nakaupo sa tabi ni Mama habang nakatingin sa akin. Minsan napapaisip talaga ako d'yan sa alaga ko eh, hindi siya katulad ng ibang aso. Kung ibang aso 'yan baka hinabol na ako. May lahi bang pusa si Rai? Bakit ang kalmado palagi ng alaga ko?

"Ang weird talaga ng alaga mo, Maru," sita sa akin ni Ura habang nakatingin din kay Rai.

Pinaandar na ni Ginger ang kotse at ngumiti na lang ako kay Rai saka muling kumaway bago kami tuluyang umalis.

"Ano'ng weird kay Rai?" tanong ko naman. Ano kayang view ng kaibigan ko sa alaga ko? Kahit ako na we-weirduhan din pero sanay na ako.

"Aso ba talaga 'yan? Baka pusa naman 'yang alaga mo?" tanong pa sa akin ni Ura.

"Mukha namang aso di 'ba, Ura?" sarkastisko kong sagot.

"Eh, bakit ganoon?" sagot sa akin ni Ura.

"Bakit ang kalmado? 'Di ka man lang hinahabol habang nasa loob ka ng bahay. Pati no'ng umalis ka, hindi ka rin hinabol o kaya tinahulan man lang. Kahit kami 'pag pumupunta d'yan sa bahay niyo, hindi kami tinatahulan."

Napatigil ako saglit. Oo nga 'no. Kahit minsan 'di ko pa nakitang tinahulan ni Rai sina Ura at Ginger. Isang beses ko lang siya nakitang magwala talaga ng bongga. 'Yon ay noong dumalaw sa akin si Trojan. Kulang na lang sakmalin niya 'yong tao at palayasin sa bahay. Kung makatahol kala mo wala ng bukas. Kahit sa ibang bisita, hindi siya nananahol, nangungulit, o kaya nagpapapansin. Sa 'kin lang siya ganoon.

"Dapat siguro magtanong-tanong na ako about sa mga aso. I mean, about sa behavior nila. Nagtataka rin ako d'yan kay Rai pero ganoon talaga siya, eh. Tanggapin na lang natin."

Case closed na ang usapan tungkol kay Rai at nalipat sa usapan tungkol sa party na pupuntahan namin. Pupunta kami sa isa sa mga rest house ng pamilya ni Penelope. Birthday niya kaya expected na bongga 'yan. Bonggang wild party na naman. Syempre, Penelope ang usapan. Isa sa mga sikat na babae sa campus.

Nang makarating kami sa rest house nila ay agad na nagpark si Ginger. Naglakad kami papasok at dito pa lang sa gate rinig na rinig ko na ang malakas na tugtugan. Nakita namin si Penelope na nasa terrace, sakto ring nakita niya kami kaya madali siyang kumaway sa 'min.

"Ura, Ginger, Maru!" sigaw niya saka siya madaling lumapit sa amin.

"Welcome!"

"Happy Birthday, Penelope!" sabay-sabay namin bati sa kanya.

"Aww! Thank you so much! Let's go inside!" aya niya kaya naman sumunod kami sa kanya.

Pagpasok namin sa loob ay ang gulo-gulo na. May nagsasayawan sa sala. Nag be-beer pong sa dining area. May nagcha-chandelier pa. Kaloka. Puro inuman at sayawan. Dinala kami sa kusina ni Penelope. Walang katao-tao rito dahil busying-busy ang iba sa kakalaro sa labas. Binuksan ni Penelope ang isa sa mga champagne niya at kumuha ng tatlong baso.

"I know you guys can't handle this kind of party, so I really bought this just for you three."

"Thanks, Pen, but exclude Ura. I bet she can beat those guys when it comes to drinking," sagot naman ni Ginger. Tumango na lang ako because it is true. Malakas uminom si Ura. Hindi ko alam kung ilang bote ng alak ang kailangan niya bago matumba.

Natawa si Pen sa sinabi ni Ginger. "I agree. We see each other often at the bar. Regular customer, I guess?"

"Mahilig lang talaga ako magbar. Minsan sasama ko 'tong dalawa ng makawala naman sa comfort zone nila," sagot ni Ura.

Napa-iling na lang ako. "No thanks."

To be honest, I am not a fan of alcohol. Ayokong uminom dahil ayoko ng lasa nito. Napaka-pait. Kaya nagtataka ako minsan sa iba kung ano'ng nagustuhan nila sa alak.

"Sundin niyo ang payo ni Ura, tiyak mag-e-enjoy kayo," sagot naman ni Penelope.

Nagtaka kami nang biglang magsigawan sa may sala kaya naman lahat kami napalingon sa gawi doon.

"Nand'yan na ata ang pinsan ko. Paano? Enjoy yourselves, ladies. Out muna ako. I'll just check my cousin, be right back."

Nang makaalis si Penelope, naupo kami sa stool saka kinuha ang kanya-kanya naming inumin. Agad na tumingin si Ura sa may sala. Nandito kami sa kusina, ang kitchen counter sa gitna ang nagsisilbi naming lamesa habang naka-upo kami sa stool. May malaking butas sa gilid, ang nagsisilbing pintuan patungo dito sa loob, habang ang wall naman sa gilid ng daan ay glass, kaya't nakikita namin ang nangyayari sa sala.

"Lalaki?" tanong ni Ura kaya napangisi na lang ako. Bilis talaga nito.

"Mukha," sagot ko habang nakatingin sa mga babaeng hanggang ngayon ay nakatingin pa rin sa mga tao na nakapalibot sa bagong dating.

"Sayang 'di natin makita. Gusto mo silipin?" tanong naman ni Ginger.

Umiling ako. Hindi na namin pinansin pa ang nangyayari sa labas at gumawa na kami ng sarili naming mundo dito sa kusina. As usual, hindi na naman kami naubusan ng mauusapan. Hanggang sa mapunta sa usapan tungkol sa alien at kung anu-ano pa.

"Twilight!" sagot ni Ginger dahil napunta ang usapan namin sa bampira.

"Vampire Academy," sagot naman ni Ura.

Napa-iling na lang ako, "Underworld, the best pa rin."

"Agree," sagot ni Ginger.

"Me too," sagot ni Ura.

"Just what if. What if vampires are true? What if they exist?" tanong ni Ginger. Here we go again with our bizarre conversations. I don't exactly know kung paano kami napupunta sa usapan na ganito. Like for example, we're just talking about clothes and some girly stuff earlier and now... again, weird stuff.

"Then they exist," sagot ko naman.

"Seriously, paano?" tanong uli ni Ura.

"Edi totoo sila. As long as hindi naman ako connected or somehow nahatak sa ganyang bagay, okay lang sa 'kin," sagot ko.

"Eh, paano naman sa ibang tao? I think it's pretty dangerous knowing that there are some monsters lurking in the streets and waiting to find a perfect victim. Scary," komento ni Ura.

"We, humans, are already monsters in our own way. I think hindi na rin nalalayo tayong mga tao sa kanila lalo na't sunod-sunod na mga pagpatay na nangyayari sa bansa natin ngayon," sagot naman ni Ginger.

"Bakit ba natin pinag-uusapan 'to?" tanong ko sa kanila.

"It's Ginger's fault."

"I just asked. What if lang naman, eh. Anyways!" wika ni Ginger saka ito tumayo at nilagay ang baso niya sa lababo.

"I think we need to enjoy this party, sayang pinunta natin dito. I'm out!" sigaw pa nito saka lumabas ng kusina at malay namin kung saang lupalok na nagpunta.

"What's your plan, Maru?" tanong sa akin ni Ura.

"May mini-theater ba rito? I guess, I'll just watch a movie?" sagot ko kaya naman napangiti sa akin si Ginger.

"You're boring, Maru. Pero ganyan ka talaga kaya sige, do your thing. Dito lang ako sala makikipagkulitan sa ibang batchmates natin."

Tumango na lang ako sa kanya. Lumabas na rin si Ura kaya ako na lang natira mag-isa. Sabi ko pa naman magpapakasaya ako ngayon. Ayoko naman sumali sa mga beer games sa labas. Hindi ko nga kayang uminom ng beer. Lumabas na lang din ako at hinanap ang entertainment room dito, kung mayroon man. Sana.

Umakyat ako sa second floor, pero wala akong nakita. Umakyat ako sa third floor, doon nakita ko ang malaki nilang entertaintment room sa unang pinto. Pumasok ako sa loob. Bumungad sa akin agad ay ang napakalaking couch sa gitna. Puwede na ako'ng humiga. May mini ref sa gilid kaya agad ko 'yong chineck. Kumuha ako ng isang maiinom at niligay sa lamesa. Kinuha ko ang remote nitong malaking screen sa harap ko at binuksan 'to. Agad akong namili ng movie na papanoorin ko at ang napili ko... Napangiti na lang ako - Underworld.

Sumandal ako para mas ma-relax ako ng bongga dito. Tahimik akong nanonood at ninanamnam ang bawat scene sa pelikula. Sobrang cool at ang ganda ni Selene. Nasa climax na ako ng pelikula kung saan naglalaban na si Selene at ibang Lycans nang biglang bumukas ang pinto at sumara ito ng malakas.

Gulat na gulat akong napatingin sa lalaki na pumasok na ngayon ay nakatingin sa akin habang naghahabol ng hininga.

"Sorry. Nagulat ka ba?" tanong niya.

Napalunok ako at kumurap-kurap. Sinong hindi magugulat kung ang nasa utak ko hinahabol din ako ng mga Lycan.

"M-medyo. Akala ko kasi may nakapasok na Lycan- este oo, nagulat ako."

Natahimik ako sa sinabi ko. Pambihira. Nakatingin lang siya sa akin dahil sa nasabi ko pero ngumiti rin naman siya kaya napangiti na lang din ako.

"Okay lang ba kung dito muna ako? Ang gulo kasi sa baba saka ang daming linta na dumidikit sa 'kin. Alam mo na."

Natawa naman ako sa sinabi niya. Linta talaga?

"Sure. Nanonood ako ng Underworld. Okay lang ba sa 'yo 'to?" tanong ko.

Lumapit siya sa akin at naupo sa tabi ko. Pero syempre, may space pa rin. Layo siya, baka masapak ko siya ng wala sa oras kapag may gawin siyang wrong move.

"Yes, all good," sagot niya kaya naman napangiti ako. Ayos, magkakasunod kami sa movie na 'to.

Tumingin na lang ako ulit sa screen at hinayaan ang sarili ko na magpalunod sa movie. Napatingin ako sa gawi niya pero nahuli ko lang na nakatingin siya sa akin kaya agad siyang umiwas ng tingin. Hindi ko na lang pinansin at nanood uli. Pero buong pelikula, nararamdaman ko lang ang tingin niya sa akin at sobrang awkward para sa 'kin na titigan ng ganoon katagal.

Nang matapos ang movie ay tumingin ako sa kanya.

"May dumi ba sa mukha ko o may mali ba? Kasi nakatingin ka sa 'kin the whole time. Hindi naman sa nag-a-assume ako pero talagang nakatingin ka."

Bigla siyang natawa sa sinabi ko. "Sorry."

"King nga pala," pagpapakilala niya.

"Maru," pagpapakilala ko naman.

"Sorry kung nakatingin ako sa 'yo. Hindi ko lang kasi maalala, e. Pero parang nakita na kita kasama 'yong kabarkada ko."

Napakunot-noo ako. "Ako?" Dalawa lang ang lalaking kakilala ko. Si Trojan at ang ex kong gago. Or baka classmate ko? Kamag-anak?

"Talaga? Saan? Saka sinong kabarkada mo? Anong pangalan niya?" tanong ko.

Ngumiti lang siya sa 'kin ulit at nag-iwan ng sobrang weird ng description ng taong kabarkada niya kuno. "Hmm... Matangkad siya. Itim ang kulay ng buhok niya. Kulay gray ang mata niya, pero itim kapag tao siya. Ano pa ba? Ah! May sugat siya sa pisngi. Naalala mo na?"

Mas lalong nagsalubong ang kilay ko sa mga sinasabi ni King sa 'kin.

"Sorry pero maniwala ka, dalawang lalaki lang ang kakilala ko. 'Yong kababata ko at 'yong gago kong ex. Wala akong natatandaan na may nakasama ako or may kilala akong ganyan ang facial features."

Napakunot-noo siya. "Sorry. Nagkamali lang ata ako. Pero kamukha mo kasi 'yong babae saka naamoy ko amoy niya sa 'yo."

O...kay. This is fucking creepy.

"Amoy?" tanong ko sa kanya.

Ngumiti lang siya sa 'kin. "Syempre, joke lang. Akala ko tatawa ka. Baka nga nagkamali lang ako."

Tiningnan niya ang oras sa relo niya at muling tumingin sa akin. "Sorry, kahit gusto ko pang tumabi sa 'yo dito at manood uli ng movie kasama ka, kailangan ko ng umalis."

Tumango na lang ako sa kanya. "Sige, mag-iingat ka."

"Nice to meet you, Maru."

"Nice to meet you too, King."

Ngumiti siya sa akin, "I-hi mo na lang ako sa kanya. Paki sabi, bisita siya minsan."

Ang weird ng lalaking 'to. "Kanino?" tanong ko pero ngumiti lang siya sa akin na para bang sinasabi na 'ano ka ba, alam mo na 'yon'.

Tinignan ko siya hanggang sa lumabas siya ng pinto. Ilang segundo rin akong nakatulala do'n. Iniisip kung sinong tinutukoy niya. Hanggang sa ako rin ang sumuko. Ewan! Baka weirdo lang talaga 'yong lalaking 'yon.

Sumandal na lang ako ulit at muling naghanap ng susunod kong papanoorin.

Pero anak ng tipaklong, hindi mawala-wala sa isip ko 'yong mga sinabi niya. Lalo na 'yong itim kapag tao siya. Naamoy ko kasi 'yong amoy niya sa 'yo. I-hi mo na lang ako sa kanya. Paki sabi, bisita siya minsan.

Pinatay ko na ang screen saka bumaba. That's it! it's creepy. Ayoko na. Uuwi na ako.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro