Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

19. Answers I Need


STRINGS AND CHAINS

CHAPTER 19


Okay... I'm speechless.

Wala akong plano pumasok ngayon dahil nagbabalak ako mag-imbistiga sa pamilya ng Liverton. Balak ko ring hanapin si Joseph. Pero na sermonan ako ng mama ko. At balik na naman ako sa pagkakaroon ng bodyguards. Now I have to be more cautious. Hindi ko alam kung paano ako makakatakas. Pati ngayon ay naghihinala na ako na mga hunters itong nakabantay sa akin at hindi basta-bastang mga bodyguards lang.

Makikita ko lang si Rai dito sa kuwarto at sa loob ng school. Paano ako mag-iimbestiga kung bantay sarado ako?

Nang makarating kami sa school ay agad akong bumaba. Dire-diretso ako sa paglalakad hanggang sa makalayo ako ng kaunti. Nang silipin ko 'yong mga bodyguards ay napakunot-noo ako. Bakit nand'yan pa sila? Bakit hindi sila umaalis? Nanlaki ang mata ko sa gulat nang makitang tumingin sa gawi ko 'yong isa. Agad akong tumakbo papalayo.

"Putang-" Napahawak ako sa dibdib ko at tumingin sa taong biglang umakbay sa 'kin.

Kumuno-noo si Ura. "Anong nangyari sa 'yo?" tanong niya.

Tumingin ako agad sa paligid. "N-nagulat lang ako."

Napalunok ako at huminga ng malalim. So far tatlo lamang ang namumukhaan ko sa mga incubi. Hindi ako sure kung ilan sila. Pero natitiyak kong madami pa sila. At ang ikinatatakot ko ay baka pinalilibutan na pala ako ng mga incubi pero wala akong ideya kasi mukha rin silang tao.

"Tara, late na tayo for first class," aya ni Ura.

Maraming kuwento sa akin si Ura habang naglalakad kami sa hallway. I can't focus sa mga sinasabi niya dahil kinakabahan ako. Last time I was here hinabol ako nila Jax. Buti na lang at nandito si Rai kung hindi ay baka bumalik na naman ako sa warehouse na 'yon kung nasaan sila Marian at Ana. And speaking of those two, are they still alive? I saw them pero may mga bangkay na nailabas. Hindi ko alam kung ano ba ang totoo sa dalawa.

Kailangan makausap ko si Rai. Nasaan na ba 'yon? Paggising ko kaninang umaga wala na ang loko-loko. After niyang sabihin na I broke the code for you chenes kagabi wala naman pala akong aabutan ngayong umaga. Napa-irap ako ng wala sa oras.

I still tried to keep up with every lesson na nagdaan ngayong araw. I stayed in the room at hindi nagtangkang lumabas. Nakikisama rin ako sa mga mataong lugar at hindi ko hinayaan na maiwanan ako mag-isa. Nang tumungtong ang lunch time ay nakasama ko sila Ginger at Ura. Missing in action pa rin si Rai.

"Hindi mo ata kasama si Raiden. No'ng nakaraan hindi kayo mapaghiwalay, eh," sita ni Ginger.

Bumuntong-hininga ako saka ako kumagat sa hotdog na kinakain ko.

"LQ pa rin kayo?" tanong ni Ginger.

"No, we're fine," sagot ko.

"Bakit wala siya?"

Hindi ko alam, Ginger. Nanay niya ba ako? May sarili ding mga paa at kamay 'yon kaya hayaan natin s'ya sa gusto niyang gawin. Punyeta. Bakit ba naiinis na ako?

"Baka may ginagawa lang."

Nasaan nga ba 'yon at anong ginagawa ng asong 'yon ngayon? Umiling ako at bumuntong-hininga. Kailangan ko makapag-imbestiga as soon as possible. I need hints. I need clues. I need to know kung ano ano ba 'tong nangyayari. At kung gaano nga ba talaga kalala ko 'tong nangyayari sa bayan namin. Two lives were lost. Joseph is missing. Maghihintay pa ba kami ng susunod?

"If you're going to investigate, for example, mayroon kang nawawalang kaibigan. Saan ka magsisimula?" tanong ko sa dalawa kong kaibigan.

"Bakit, Maru Holmes, ano naman ang iimbestigahan mo?" tanong ni Ginger na may pag-alala sa mukha.

The last time I was like this was when we found out who was the killer of Marian and Ana Liverton. We only have a lead na mayroong pulang sasakyan ang lalaking 'yon at apparently he's targeting pretty ladies. That's what Ura and Ginger knows. But I know the suspect is an incubus. At 'yon ang lalaking kumidnap sa akin. These two did not even know that I was kidnapped. Pero wala na akong plano na ipaalam pa iyon sa kanila. Ayokong madamay sa gulong 'to ang dalawang kaibigan ko.

"Wala. Nagtatanong lang." I shrugged. Okay, I lied. But it is for their safety. Minsan hindi gumagana ng maayos ang utak ko kaya kailangan kong magtanong ng ganito. Questions na hindi halata.

"Kung nawawala ka, tatanungin ko muna 'yong huling taong nakasama mo. Anong ginawa niyo last or kung saan kayo huling nagpunta," sagot ni Ginger.

Tumango naman si Ura. "I will also ask your family if you have enemies or if you're acting suspicious."

Tumahimik ako at nag-isip. Joseph was in the hospital last time. Pinuntahan ko siya pero pagdating ko doon ay wala na siya. According sa huling nakita namin ni Rai, nakabukas ang bintana. Ang hula ay tumalon sa bintana si Joseph at tumakas. Tumakas sa kung ano mang humahabol sa kanya. And for sure ang mga incubi 'yon.

If I am going to ask his relatives, where I am going to start?

"Saan nakatira ang mga Liverton?" tanong ko.

Hindi sumagot ang dalawa at tumingin ng nagtataka sa akin.

"So this is all about them, isn't it?" tanong ni Ginger. Magsasalita pa sana ako ng sumagot naman si Ura.

"You know this is dangerous, aren't you? We're dealing with a psychopath here who already killed two girls," dugtong pa nito.

First, mali ako sa mga tanong dahil sobrang halata na ang mga tanong na ko ay tungkol sa mga Liverton. Second, paano ko maiiba ang usapan?

"I know. Hindi lang talaga ako tinatantanan ng konsensya ko. Maybe kung nasabi ko o natawag ko 'yong nakita ko, baka sana buhay pa si Ana ngayon," sagot ko. This is not the truth but this is not also a lie. It's true that I am somehow guilty. Maybe If I'd informed someone, maybe the Livertons or the police, about what I saw maybe Ana is still alive. Maybe.

"We did not even know na psycho pala 'yong lalaking kasama niya. It's not your fault," sabi ni Ura.

Tumango ako. "I know. Pero kung mapuntahan ko 'yong bahay nila or may makausap akong kamag-anak nila, baka mawala rin 'tong mabigat na feeling sa dibdib ko."

"Will that really help you?" tanong ni Ginger. Tumango ako agad.

"Liverton... Hmm... I know they are living at Sunshine Village," wika ni Ura.

"They? The whole Liverton family?" tanong ko.

Tumango si Ginger. "They are a big family. Halos lahat ata sila ay nakatira doon. They owned like seven to eight houses?"

"Ganoon kadami?" Hindi ako makapaniwala. Seven to eight houses?

"Livertons has a long long list of their generations and some, miraculously, are still alive. Like their grand grandparents. Alam ko buhay pa ang nanay ng lola nina Marian. She's like 100 years of age. Or more than that," paliwanag ni Ginger.

I am amazed. Is this should what I expect of the family of witches? That they really lived for a long time?

"So where is this Sunshine Village?" tanong ko.

"Outskirt of the town. Malapit sa hacienda ng mga Roscoe," sagot ni Ura.

Kumunot-noo ako agad. Roscoe? As in kila Trojan?

"Malapit kila Jan?"

Tumango ang dalawa.

"Yes. Mga dalawang kanto lang ang layo and then you can see the village sa dulo," sagot muli ni Ura.

"Gusto mo bang samahan ka namin?" tanong ni Ginger.

Umiling ako agad. "Madami pa kayong gagawin. Lalo ka na Ginger. Kaya ako na lang ang pupunta mag-isa."

"Are you sure?" tanong naman ni Ura.

Tumango ako ulit at ngumiti. "Sure na sure."

Now I just have to plan my escape from my bodyguards.



***



Are they an ordinary people or are they hunters? Iyan ang kanina ko pang tinatanong sa sarili ko. Should I try? If they can catch me, then may mga skills ang mga ito. From what I observed, 'yong iba ay bodyguards ko pa rin noon. Mayroon lang mga nadagdag na bago. Katulad nitong kalbo na isa. Naka-shades ito at mayroong tattoo sa ulo. Mayroon ding babae na maikli ang buhok habang tinadtad ng hikaw ang mga tainga niya.

Should I just do it? Pero saan?

Dito pa rin sa school? Maybe no. Nandito pa rin sila Jax at puwede nila akong makuha anytime lalo na't wala si Rai dito.

And speaking of Rai, bakit ba iniwan niya ako rito kasama ang mga bodyguards ko? Sa tingin niya ba malalakas 'tong mga 'to na kayang magpatumba ng mga incubi?

Pero paano ako makakatakas sa mga bodyguards ko?

Sumakay ako sasakyan habang nag-iisip pa rin kung paano ako tatakas. Bahay - school lang ako ngayon. Nang makita kong may nadaanan kaming mall ay agad akong nagkunwaring naiihi.

"Hinto muna tayo. Naiihi na ako."

Nagkatinginan kami ng driver sa rear-view mirror.

"Please?"

Ipinasok ng guard 'yong sasakyan sa mall at nagpark. Agad akong lumabas at tumakbo papasok para makaihi. At dahil may babae akong guard ay tiyak masusundan ako no'n hanggang sa loob ng restroom. Before they can even catch up ay tumakbo na ako. Dumiretso ako sa center ng mall kung saan maraming tao dahil mayroong event. Nakipagsiksikan ako hanggang sa makapunta ako sa kabilang part ng mall. Tumingin ako sa paligid ko to make sure na hindi nila ako nasundan. Agad akong dumiretso palabas at nagpara ng taxi.

"Sunshine Village po," sabi ko sa driver.

Isang mahaba-habang biyahe ang nangyari sa akin buong maghapon. Wala namang traffic ngayon. Medyo malayo nga lang itong Sunshine Village dahil nasa dulo na 'to ng buong bayan. Dumaan ako sa Roscoe Hacienda na pagmamay-ari ng pamilya ni Trojan. Katulad ng Liverton, halos lahat ng kamag-anak ni Jan ay d'yan nakatira. Sa lawak at laki ng lupa nila halos madalang din sila magkita-kita. Minsan na akong nakapasok sa loob, sa bahay mismo ng pamilya ni Trojan. I can still remember the look that they'd gave to me.

I can't figure out kung bakit ganoon na lang sila makatingin sa akin na para bang isang malaking kasalanan na umapak ako sa lupa nila.

Nakita kong papasok na kami ng village. Huminto kami sa guard para makapagtanong ako.

"Saan po ang bahay ng Liverton dito?"

"Ahh, Ma'am. Siyam po ang bahay ng Liverton sa loob ng village. Sino po ba sa kanila?"

"Kila Ana Liverton," sagot ko agad.

Siyam? Siyam na bahay?

"Ano pong sadya nila Ma'am?"

"Ahh... Mangangamusta lang po sa pamilya nila."

Nagsalubong ang kilay ko sa sagot ko. Mangangamusta? My god, Maru. Wala ka na bang ibang maisip na dahilan?

"Sa panglimang kanto po. 'Yong kulay orange na malaking bahay."

Ngumiti ako kay Kuyang guard, "Thank you po."

Hinanap namin ni Kuyang taxi driver 'yong panglimang kanto at 'yong kulay orange na bahay. Pagsilip ko pa lang sa street ng panglimang kanto ay kitang-kita ko na 'yong bahay ng Liverton. Sobrang laki at sobrang ganda ng bahay nila.

Pumasok kami sa street at huminto sa tapat ng bahay mismo. Nagbayad ako kay Manong saka ako tumingin muli sa bahay. Mapapa-wow ka na lang sa sobrang laki at sa ganda ng design ng bahay nila. Lumapit ako sa gate at nagdoorbell. Nakailang pindot ako ng doorbell pero walang sumasagot na ipinagtaka ko na.

Tumingin ako sa bintana ng bahay at doon nakitang mayroong nakasilip. Isang matandang babae. Mga nasa edad na trenta pataas.

Nagulat ako nang makitang bumukas nang kusa 'yong pinto. Tumingin ako ulit sa bintana pero wala na doon 'yong babae.

Napalunok ako. Papasok ba ako o hindi? Mapagkakatiwalaan ba ang mga Liverton o hindi?

Nandito na ako. Bakit pa ako aatras kung nasa harap ko na ang sagot sa lahat ng katanungan ko?

Lakas loob akong pumasok sa loob. Nagulat ako sa lakas ng pagkakasara ng gate sa likod ko. Muling akong napalunok. Naglakad ako papunta sa pintuan at kumatok. Hinawakan ko ang doorknob at ipinihit 'yon. Hindi naka-lock ang pinto kaya dumiretso na ako sa pagpasok. Madilim sa loob ng bahay dahil nakaharang ang mga kurtina sa malalaki nilang bintana.

Mas lalo akong kinilabutan nang biglang sumara ulit ang pintuan.

Tama ba 'tong ginagawa ko? Tama ba 'tong pumunta ako dito sa bahay nila Ana?

"Anong ginagawa mo rito, Maru Pavlov?" Isang tinig ng babae ang narinig ko. Mula sa madilim na parte ng bahay ay dahan-dahan na naglakad palabas ang babaeng nakita ko kanina sa bintana.

"Hindi ka ba natatakot na nandito ka sa teritoryo ng Liverton?" tanong pa nito.

Kitang-kita ko ang pangingitim ng ilalim ng kanyang mata. Halatang ilang araw na itong hindi nakakatulog. Pati ang magulo nitong buhok na halatang matagal na nang huling masuklay. Kitang-kita niya ang pagdudusa nito. Pero bakit?

"Ganito ba katapang ang anak ng mga hunters upang mag-isang pumasok sa teritoryo namin?" tanong pa niya sa akin habang hindi niya binibitawan ang maalerto nitong mga mata.

"Anak man ako ng isang hunter pero hindi ako pinalaki ng mga magulang ko upang maging katulad nila. Isa lang akong normal na dalaga na nandito sa harap mo," sagot ko.

Nakita ko ang pagngiti niya. Ngunit hindi ito umabot sa kanyang mga mata. Ngiting napapagod...

"Natural. Kung ika'y ipinalaki ng mga magulang mo upang kumitil ng katulad namin ay natitiyak kong hindi ka tatapak sa lugar namin ng mag-isa at walang dalang mga armas. Kung ganoon, anong kailangan mo?"

Lumunok ako at huminga ng malalim.

"Alam ko kung anong nangyari kina Marian at Ana," sagot ko.

Nakita niya ang pagngisi ng babae. "Isang bagay na hindi mo na dapat pakialaman. At ano ngayon kung alam mo ang nangyari sa anak ko at pamangkin ko?"

Anak? Anak niya si Ana? Kaya ba ganito ang itsura niya ngayon? Hindi siya makatulog dahil sa nangyari sa anak niya? At kay Marian? At bakit mag-isa lang siya rito? Paano kapag umatake dito ang mga incubi? Sinong magpro-protekta sa kanya?

"Walang magandang maidudulat ang panghihimasok mo. Umuwi ka na."

"Hindi ako nanghihimasok dahil nadamay na rin ako sa gulong 'to kahit hindi naman dapat."

Tumingin muli sa akin ang babae.

"Katulad nina Ana at Marian, ako ang isa sa mga kinuha ng mga incubi na 'yon. N-nakaligtas ako kaya-n-nandito ako ngayon."

Umiwas ng tingin ang babae sa akin. "At kinakalaban na rin nila ang mga hunters? Mga walang takot ang mga demonyong 'yon."

"Nakita ko sina Ana at Marian," wika ko pa kaya't napahinto ang babae.

"Hindi ko alam kung buhay sila o hindi dahil naguguluhan ako. Mayroong mga bangkay na natagpuan pero kitang-kita ko silang dalawa sa warehouse," dugtong ko pa.

Nakita ko ang dahan-dahang pagtulo ng luha mula sa mga mata niya kaya nagpanic ako. Anong gagawin ko?

"At ang nakita mo?" tanong nito.

Anong isasagot ko? Na nakita ko sina Ana na nakatali sa mga torture chamber at paulit-ulit na nira-rape ng mga incubus?

Natahimik na lamang ako.

"They're torturing them," sagot ng babae saka nito pinunasan ang kanyang pisngi.

"Paulit-ulit na tino-torture hanggang sa magsabi sila ng mga nalalaman nila tungkol sa pamilya," wika pa nito.

Hindi ko maintindihan kung bakit. Tungkol ba ito sa cursed weapon na hawak-hawak nila? Na matagal nang nasa kamay ng mga Liverton? Kung ganoon, bakit kailangan 'to ng mga incubi? At bakit pati ako nadamay sa gulong 'to?

"Bakit... wala kayong gawin para maligtas sila?" Lakas loob akong nagtanong.

"Iyon ang utos ng nakatataas. Walang magtatangkang magligtas sa dalawa. Wala ng buhay na isasakripisyo. Tama na ang dalawa."

"At si Joseph? Nawawala si Joseph. Ipagsasangtabi niyo na rin ba 'to?"

"Wala akong magagawa. Hanggat utos ito ng nakatataas. Walang kikilos at walang gagawa."

Isang kirot ang namuo sa dibdib ko. Naalala ko ang mga sigaw ni Marian at Ana. Ang kalagayan nila at ang mga mata nilang wala ng kabuhay-buhay. Kung buhay pa sila, wala bang magtatangkang magligtas sa kanila? At bakit nakakayanan ng Liverton na tumalikod sa pamilya nila? Para saan?

"Anong kailangan ng mga incubi sa inyo?"

Hindi sumagot ang babae sa akin.

"Bakit handa kayong magsakripisyo para lang maprotektahan ang tinatago niyo?"

Hindi ito muling sumagot.

At bakit pati ako ay nadamay sa gulong 'to? Away sa pagitan ng Liverton at grupo ng incubi. Bakit pati ako ay nadawit dito?

"Anong cursed weapon ang itinatago niyo?" tanong ko.

Agad na tumingin ng matulis sa akin ang babae. Sa isang iglap ay nasa harap ko na siya at hawak-hawak na niya ang leeg ko.

"Marami kang nalalaman. Kanino mo nakuha ang impormasyon na 'to?"

"H-hindi-Hindi a-ako ang kalaban niyo rito!" sigaw ko. Binitawan niya ako at hinagis sa sahig. Sobrang sakit ng pagkakabagsak ko. Iika-ika akong umupo at tumingin ng masama sa kanya. Kailangan ba talang ihagis ako sa sahig?!

"Mukha bang ako ang kalaban niyo rito? Biktima lang din ako ng mga incubi na 'yon. Gusto kong malaman kung bakit pati ako ay kinidnap ng mga gagong 'yon! Nandito ako para makahanap ng sagot. Hindi para masakal sa leeg at maihagis sa sahig!"

"Kung ganoon mali ka ng lugar na pinuntahan. Una sa lahat, nakakalimutan mong pugad ito ng mangkukulam. Kahit saan ka tumingin, kahit saan ka magpunta, ang buong village na 'to ay teritoryo namin. Naghahanap ka ng sagot? Bakit hindi mo tanungin ang mga magulang mo? Hindi ba sila dawit sa mga incubi na 'yon? Bakit dito ka naghahanap ng kasagutan?"

Hindi ako nakasagot. Bakit ba inisip ko agad na sasagutin nila ang mga tanong ko?

"Umalis ka na hanggat wala pa rito ang iba. Kalimutan mo ang mga nalaman mo. Ang pamilyang 'to, ang sikreto tungkol sa bagay na 'yon, ang mga demonyong 'yon, at itong pag-uusap namin. Kapag hindi ka tumigil sa paghahanap ng kasagutan, ikaw rin ang magsisisi sa huli dahil ang normal at ordinaryo mong pamumuhay ang nakasalalay dito. Kung gusto mong bumalik sa dati mong pamumuhay, tumigil ka na."

Tumayo ako at inis na inis na tumingin sa kanya.

"Una sa lahat, kahit anong gawin ko, kahit magpanggap akong normal o ordinaryo, ang mga nangyari sa akin at ang mga nasaksihan ko ay hindi na mawawala o mababawi ko pa. At pangalawa, kung hindi niyo kayang iligtas ang dalawang 'yon na patuloy na nagdudusa alang-alang dito sa pamilyang 'to, puwes ako ang gagawa. Hindi ko maintindihan kung bakit tinawag niyo pa ang pamamahay na 'to na pamilya kung kaya niyong tiisin ang ginagawa sa kanila. At pangatlo, hindi ako titigil. Hindi ako titigl hanggang sa malaman ko ang lahat at kung ano ba ang pinagmumulan ng gulong 'to at bakit pati ako ay dinamay ng mga gagong 'yon," sagot ko at agad na pinagpagan ang sarili ko.

Agad akong tumakbo palabas. Tumakbo ng tumakbo hanggang sa makarating ako sa entrance ng village. Nagpara ako ng taxi at agad na nagpahatid patungo sa hacienda nila Jan. Kailangan kong makausap si Jan tungkol dito. Kailangan kong malaman 'yang cursed weapon na hawak ng mga Liverton at bakit ganoon na lamang nila protektahan ang bagay na 'yon?

Huminga ako ng malalim at tumingin sa labas ng bintana.

It was okay before. I was a normal and ordinary girl na walang ibang ginawa kung hindi intindihin kung paano makaka-score sa ex ko at kung ano-ano pang kaartehan sa buhay. But now after all what happened, do they expect me to just sit and wait until they target me again? Hell no.

It was a mistake.

It was their mistake.

It was their damn mistake when they got me involved in this mess.

I will make them regret this.


At nasaan ba si Rai?!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro