Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

16. Are we clear?


STRINGS AND CHAINS

CHAPTER 16


Nakahiga kami sa kama ni Rai. Nakapatong ang ulo ko sa balikat niya habang hawak-hawak niya naman ang kamay ko. Tahimik lamang ako at hindi umimik. Ganoon din siya. Mukhang malalim ang iniisip naming dalawa. Sa iba nga lumilipad ang isipan ko ngayon. Hindi pa rin nawawala ang pangangamba ko sa puwedeng gawin nila Jax. Hindi puwedeng hayaan ko na lang na magpagala-gala 'yon dito pagkatapos ng nangyari kay Ana at Marian.

At isa pa...

'Yong narinig ko sa usapan nina Mama at Papa.

Umupo ako at tumingin kay Rai.

"Okay ka na?" tanong niya. Tumango ako sa kaniya.

"Kukuha lang ako ng maiinom sa baba."

Tumango siya sa akin. Lumabas ako ng kuwarto. Pababa na sana ako nang marinig kong may kausap sila Mama sa sala. Hindi pa nga pala ako nakakabati sa kanila. Hindi nila alam na kakauwi ko lang. Didiretso sana ako sa sala para bumati pero napahinto ako.

"Anong sabi ng papa mo tungkol dito, Trojan?" tanong ni Mama.

Trojan? Bakit nandito 'to?

Kahit alam kong mali na makinig sa usapan ng iba ay umupo ako sa hagdan at nakinig sa kanila. I'm pretty sure tungkol na naman 'to sa kasal naming dalawa ni Trojan.

"We've been observing the area. So far, ang Liverton pa lang ang inaatake nila."

Kumunot-noo ako at mas lalong nakinig sa usapan nila. Ano 'tong pinagsasasabi ni Trojan?

"Ilan ang incubi na umatake sa magkapatid?" tanong ng Papa ko.

Napalunok ako. Bakit nila alam 'to?

"Three incubi," sagot ni Trojan.

Narinig ko ang malalim na pagbuntong-hininga ni Papa.

"Kailangan maayos natin 'to sa lalong madaling panahon. Ayokong pati ang mga bampira at ang iba pang mga lahi ay sumali sa gulong 'to."

Natulala ako sa kawalan nang marinig ko ang salitang bampira mula sa bibig ng tatay ko. Bakit alam nila ang mga bagay na 'to? Bakit pati si Trojan alam 'to?

"I do have a feeling na pati ang bampira ay damay na sa gulong 'to," sagot ni Trojan kaya't mas lalo akong napakunot-noo.

"Lately I saw Maru-"

Agad akong bumaba at nagsalita bago pa man may masabi itong si Trojan sa mga magulang ko.

"Ma? Pa?"

Huminto sila sa pag-uusap at tumingin sa akin. Umarte akong nagulat nang makita ko si Trojan.

"Oh, Trojan, napadalaw ka," sita ko sa kaniya saka siya tiningnan ng mabuti.

Ngumiti siya sa akin.

"Nakauwi ka na pala. Kumain ka na ba?" tanong sa akin ni Mama. Umiling ako agad.

"Hindi pa, Ma. Gutom na nga ako eh," pagmamaktol ko kunwari.

"Oh siya, pupunta muna ako ng kusina nang makapaghanda na ng pagkain. Trojan, dito ka na rin maghapunan," wika ni Mama.

Ngumiti si Trojan at sumagot, "Sige po."

"Mag-usap tayo sa opisina," anunsyo ni Papa saka ito tumayo at naunang pumunta sa kaniyang opisina. Tumayo naman si Trojan at sumunod kay Papa. Tiningnan ko siyang maigi hanggang sa makapasok siya ng tuluyan opisina ni Papa.

Ang bigat sa pakiramdam. Naiiyak ako sa inis. Naiiyak ako sa nalaman ko, sa mga narinig ko. Ang malaman na may alam at sangkot ang sarili mong pamilya sa gulong 'to ay nakakapanghina. Akala ko coincidence lang ang lahat. Akala ko 'yong pangki-kidnap na nangyari sa akin ay isang malaking kamalasan dahil ikaw ang napagdiskitahan ng mga incubus na 'yon.

Tama ang hula ko no'ng marinig ko ang usapan nila Mama sa kuwarto nila. Damay kami sa gulong nangyayari rito. Ano pa bang mga kailangan kong malaman? Sa susunod baka malaman ko na lang na hindi pala ako normal na tao. Na ang pamilya ko ay lahi pala ng halimaw.

At itong tarantadong Trojan na 'to...

May nalalaman 'to na hindi niya dapat masabi kina Mama at Papa.

At natitiyak ko rin na alam niya ang sikreto ko.

Alam niyang may tinatago ako sa kuwarto ko na hindi tao.


***


Naghintay ako sa gilid ng pintuan ng opisina ni Papa. Kailangan kong makausap si Trojan. Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Nakita ko siyang lumabas. Alam niya rin na nasa gilid niya lang ako kaya't agad din siyang tumingin sa gawi ko.

"Maru," tawag niya sa akin saka siya ngumiti.

I spent my childhood days with Trojan. I can't believe na kahit sabay kaming lumaki ng ungas na 'to ay may hind pa rin ako nalalaman tungkol sa kaniya. Nga naman, kailan ba ako naging interesado?

"We need to talk," wika ko sa kaniya saka ako naglakad palabas sa garden.

Huminto siya sa tabi ko.

"Great timing," pagsisimula niya.

"Muntik ko na maibalita kina Tito ang tungkol sa nangyari sa 'yo," dugtong pa niya.

Tumingin ako sa kaniya. "You knew all about what happened to me? Kina Ana at Marian?" hindi ko makapaniwalang tanong sa kaniya.

Tumango siya. "Alam ko ring na kidnap ka at may sumagip sa 'yo."

Napalunok ako.

"Alam ko rin kung ano ang tinatago mo sa kuwarto mo," dugtong pa niya.

Ngumiti siya. "Don't worry. Hindi ko sasabihin kina Tito."

Kinagat ko ang labi ko. Natatakot ako sa puwedeng mangyari. Sa mga susunod na mangyayari. Natatakot ako dahil hindi ko alam kung ano ang mga totoong kulay ng taong nakapalibot sa akin. Bakit nila alam 'to? Bakit nila alam ang tungkol sa mga incubus at bampira? Bakit alam rin ni Trojan ang tungkol sa amin ni Rai?

Alam rin ba 'to ni Rai?

Mabilis na nagsalubong ang magkabila kong kilay.

Ano pang hindi ko nalalaman tungkol sa pamamahay na 'to? Sa sarili kong dugo? Sa sarili kong pamilya?

"Kapag sinabi ko na may tinatago kang alaga d'yan sa kuwarto mo, Maru, Tita and Tito will make sure na mawawala sa mundong 'to ang pinaka-iingatan mo."

Ngumiti si Trojan. "I don't want to see you cry. So I will keep this secret."

Lumunok ako ulit.

"Bakit-Bakit alam niyo ang lahat ng 'to?"

Nakita ko ang pagseryoso ng mukha ni Trojan. Huminga siya ng malalim at sumagot sa akin, "I can't answer that, Maru."

"Why?"

"We don't want you to get involved in this," sago niya sa akin.

Ngumisi ako. "I was kidnapped by an incubus, Trojan. Muntik na akong maging sex slave ng mga hinayupak na 'yon!" sigaw ko sa kaniya.

"Now you're saying na ayaw niyong ma-involved ako rito?" Mas lalo akong natawa.

"Goodness, Trojan! Let me inform you that I have a vampire in my room and I am f-cking him!" sigaw ko sa kaniya.

"And yes! Siya pa ang nagligtas sa akin for pete's sake!"

Tumingin ako ng masama sa kaniya. "That's the lamest answer that I've ever heard, Trojan. You and my parents are involved in this. Ano sa tingin niyo? Na hindi ako madadamay sa gulong pinasok ninyo? Na hindi ako pag-iisipang target-in ng mga kalaban ninyo? Anong klaseng pag-iisip 'yan?"

Hindi siya umimik sa mga sinabi ko. Huminga ako ng malalim.

"I'm still not telling it to you, Maru. I promised your parents that I won't say a thing," sagot niya.

Ngumiti ako. "And? Do you think na kapag hindi mo sinabi sa akin ang totoo ay mapro-protektahan ninyo ako?"

Napa-iling ako.

"Fine," anunsyo ko sa kaniya.

"Don't tell me anything. Huwag kang magulat na the next day, bangkay ko na ang susunod niyong makikita."

Nagwalk out ako at agad na pumasok sa loob. Nakita ko si Mama na lumabas ng dining area.

"Maru, handa na ang hapunan."

Napahinto ako. Naiiyak ako pero pingilan kong maiyak. Humarap ako kay Mama at ngumiti.

"Mauna na kayong kumain, Ma. May nakalimutan lang akong tapusin sa taas."

Tumango sa akin si Mama at ngumiti. "Sure."

Ngumiti ako sa kaniya at agad na umakyat ng hagdan. Umismid muli ang mukha ko hanggang sa makabalik ako ng kuwarto. Nakita ko si Rai na nakatayo malapit sa bintana. Tumingin siya sa akin.

"You weren't supposed to hear that," wika niya.

Bumuntong-hininga ako at humiga sa kama.

"Para ano?"

"Para mapagpatuloy mo ang normal mong buhay."

Ngumisi ako. "Normal ba 'to? I was kidnapped by an incubus and I'm f-cking my pet slash you na isang bampira slash werewolf. Normal sa 'yo 'to?"

Naramdaman ko ang pag-upo niya sa kama. Pumatong siya sa akin at humalik sa labi ko.

"May alam ka ba?" tanong ko sa kaniya.

"Alam mo ba kung anong klaseng pamilya ang meron ako?" tanong ko ulit.

Tumango siya sa akin saka muling humalik. Lumapit siya sa tainga ko at bumulong, "Mmm... I know what they can do."

"Can they kill you?" tanong ko.

Hinalikan niya ako sa leeg at muling bumulong, "They know how to kill vampires. But no..."

Lumayo siya sa akin at tumingin diretso sa mga mata ko. "No one can kill me, Maru."

"At kapag nalaman nilang tinatago kita dito sa kuwarto ko?" tanong ko.

"They will do anything just to get you away from me," sagot niya.

Lumunok ako. Hindi ko sinasabi sa kaniya. Hindi ko kayang sabihin sa kaniya. Rai knows that I'm not stupid. Naisip ko na. Mula sa mga sinabi nila. Napag-isipan ko na mabuti. Kung ano ba ang pamilya ko at kung ano ba ang ginagawa nila sa mga nilalang na katulad ni Rai. Our situation is so f-cked up. Pero bakit kahit alam ni Rai ang tungkol sa pamilya ko, bakit nagdecide pa rin siyang magtagal dito?

"You know you're close to your death. For three years, hindi nila nalaman?" tanong ko.

Umiling siya. "I'm very careful, Maru, and powerful."

"Am I... going to be like them?" tanong ko.

Hinawakan niya ako sa pisngi at hinimas ito.

"It's your choice whether you want to be like them or not."

My choice...

"Or..." Tumingin ako kay Rai nang magsalita siya ulit.

"You can run away with me..."

Matagal akong nakatitig sa kaniya. Hindi ako agad sumagot. Ang ganitong bagay ay kailangang pag-isipang mabuti. I can't leave my parents. I love them. I really do. Kahit nagtago sila ng sikreto sa 'kin, I understand. It's for my own sake. To run away with Rai? That's really tempting. But no matter much I like Rai and what we are right now, I would say no.

I am still not sure kung ano ba kaming dalawa. Kung nasaang level at status na ba kaming dalawa.

If he suggested something like this, does this mean he is serious about us?

"Seryoso ba 'yan?" tanong ko.

Tumango siya.

"My suggestion is open anytime you want. Sabihin mo lang at ilalayo kita rito," sagot niya.

"Why?" tanong ko ulit.

"Why..." salita niya saka siya huminga ng malalim.

"You're still asking about that? What do you think is my reason, Maru?" tanong niya.

I shrugged. "I don't know, Rai. I don't really know. We're too vague. You know what's clear? You enjoy my company. Besides here-" Tinuro ko ang kama.

"And here." Tinuro ang katawan ko.

Tinuro ko ang kaliwang dibdib niya.

"Ito ba klaro?" tanong ko ulit sa kaniya.

And he couldn't answer. I guess we are clear about this too. Silence is an enough answer for me to confirm it.

Ngumiti ako sa kaniya, "Don't worry..."

Tinulak ko siya palayo at umupo. Huminga ako ng malalim at tumingin sa kaniya.

"You're still welcome in my bed."




***

A short update for a comeback. Naks. How are you guys doing? Do you miss Rai? Me too. Char. Enjoy reading!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro