14. Jealousy Kills Me
STRINGS AND CHAINS
CHAPTER 14
Nakapatong ang ulo ko sa braso ni Rai habang siya ay tahimik na nakayakap sa akin. Iniisip ko kung ano ang puwedeng gawin ko o namin kina Jax. I need to know the truth. I need to know why they killed Ana and Marian. Wait, are they even dead?
"I saw Ana and Marian." Pagbubukas ko ng topic kay Rai kaya't napatingin s'ya sa 'kin.
"I saw them. Doon sa warehouse nina Jax," dugtong ko pa.
"Won't you drop it already, Maru?" tanong sa akin nito kaya umupo na ako. Tumingin ako uli sa kaniya at umiling ako.
"No," matigas kong sagot.
Mabilis akong gumapang paalis ng kama. Kinuha ko 'yong bra't panty ko na nakakalat sa sahig. Madali kong sinuot 'yon habang nakikipagtitigan kay Rai. Pinapanood lamang niya ako habang nagbibihis. Sinunod ko ang pants at ang t-shirt ko. Nang matapos ako ay naglakad ako patungo sa banyo. Naghilamos ako at inayos ang buhok kong akala mo bird nest sa sobrang gulo.
Nakita kong nakabihis na rin si Rai nang lumabas ako. Nakaupo siya sa kama kaya't lumapit ako sa kaniya. Iginapang niya ang kamay niya sa baywang ko at yumakap sa akin.
"Will you please help me this time?" tanong ko sa kaniya.
"You're wasting your time," sagot niya.
"If I could save more lives, it will not be a waste of time."
Bumuntong-hininga si Rai. "Fine, if that's what you want."
Napangiti ako. "Kampante ako na pro-protektahan mo ako."
"Of course, I will. I won't let you get hurt nor a scratch," sagot niya.
"Really?" Natawa na ako. Nakita ko ang pagngiti niya sa akin saka ito tumango. He kissed my tummy habang ako ay tiningnan ang kabuuan nitong kuwarto niya.
"So, bahay mo 'to? How? Are you rich? Mas mayaman ka ba kaysa sa amin?" tanong ko pa. Lahat ng gamit niya dito ay hindi bababa ng may limang zero ang presyo. Ang lupa pa lang na kinatatayuan nitong bahay niya ay milyon-milyon na. Paano pa ang bahay at interior nito?
But come to think of it, he's been here since Middle Ages. Sapat na panahon na 'yon para maka-ipon siya ng bilyon o higit pa.
"What do you think?" sagot niya kaya bumaba ang tingin ko sa kaniya.
"You're obviously richer than us. You've been living here for a long time," sagot ko naman sa kaniya.
Humiwalay ako sa pagkakayakap niya. Bago ko makalimutan ang lahat. Naalala ko ang sinabi sa akin ng mga magulang ko. Ipakilala ko na kaya si Rai sa kanila? Is this a perfect timing? Kapag ginawa ko 'yon, mapupunta ba sa ibang level ang relasyon namin? At magugustuhan niya ba?
"What?" sita niya nang hindi ako umimik sa kaniya.
Umiling ako. "Nothing. Tara na at umuwi na tayo. Baka hinahanap na ako ng parents ko."
"Stay," utos niya kaya tumaas ang kilay ko sa kaniya.
"Stay here with me," dugtong pa niya.
Ngumiti ako. As much as I love to stay here, I can't. My parents are strict. Lalong-lalo na ngayon dahil sa mga sunod-sunod na nangyari sa school. Kailangan kong magpa-good shot sa kanila if I want to keep my liberty.
"You know my parents," sagot ko sa kaniya.
"You've been with me for-" Napahinto ako. He's been with me for three years. Simula noong kinuha ko siya sa shelter noon. Bakit nga ba siya nandoon kung bampira siya?
"Bakit ka nga pala nasa shelter kung bampira slash werewolf ka?" tanong ko sa kaniya.
"Ahh..." Nagbago ang timpa ng mukha ni Rai na tila may naalala itong hindi maganda.
"My master," panimula nito kaya lalong nagsalubong ang kilay ko. Master? He has a master? Uso pa ba 'yan sa kanila?
"She punished me that's why I ended up on that filthy shelter," sagot niya.
She? Tama ba ang rinig ko? She? A girl, woman, babae?
"She?" I crossed my hands. Mukhang kailangan niya ng mahabang explanation dito. I don't like the idea na may master siya at babae pa.
Nakita ko ang pagngisi niya sa akin. "Yes, a she."
"Your master is a woman?" Pati tono ng pananalita ko ay nag-iiba na. Selos? Threat? I don't know! God, Rai! Marami pa akong hindi nalalaman sa asong 'to! I need an explanation right now or else sasabog ako rito.
Tumango siya.
"Master mo pa rin siya hanggang ngayon?" tanong ko. Siguraduhin niyang maganda ang isasagot niya talaga dahil kapag hindi ko nagustuhan 'tong isasagot niya-Who knows what I'm going to do with him!
"Yes. I'm bound to serve her for the rest of my life," sagot muli ni Rai kaya napanganga ako.
Wow! For the rest of his life pa talaga?
"And me? Ano ako?" naguguluhan kong tanong. If he has a master, hindi ba dapat ituon na lang niya ang oras niya roon? Why is he wasting his time here with me? Play thing? Dogs like it. Am I like that?
"You're mine."
"But you're a property of someone else," sagot ko agad.
"Paano ka magiging akin?" tanong ko pa.
"Maru, relax."
Lumayo ako. Relax? Paano ako magre-relax? I know I'm jumping na agad sa mga conclusion na bumubuo sa isip ko. But can you blame me? He has a master and it's a freaking woman! Kung ano-anong mga scenario na ang tumatakbo sa utak ko. Oh my god.
Please tell me walang ganoon!
"Maru, will you stop thinking about that?" tanong niya kaya kumunot-noo ako.
"Can you read my mind?" paghihinala ko.
"No. I can't read minds. But I can read your expression and it tells me you're thinking that," sagot niya.
"That? Ano? Sige nga."
"I don't have that kind of relationship with my master. Please do not misunderstand," sagot niya kaya medyo na relax ako.
"Wala? As in? Walang touch? Walang kiss? Hug? Sex?" tanong ko pa.
He frowned. "She's married and has children, so there are no touch, kiss, and sex."
Doon ako nakahinga ng maluwag. Nawala ang pag-iisip ko na may threat. Nawala ang selos ko. Yes, I was jealous. I mean, still jealous. Kahit na may pamilya na ang master niya, she still spent most of her time with Rai. I still don't like that master and servant thingy. I'm a bit possessive sa kung ano ang akin. I don't like to share.
"Explain." Huminga ako ng malalim at tumingin diretso sa mga mata niya. "I need an explanation. 'Yong maganda at tiyak na maiintindihan ko."
"My master is part of our family. She's a Frey, like me."
"Frey?" nagtataka kong tanong.
"That's my surname. My whole name is Raiden Frey," sagot niya.
Raiden? Sakto sa pinangalan ko sa kaniya. Rai.
"Coincidence lang ba na pinangalanan kitang Rai?"
Tumango siya. "I was a bit shocked when you named me that."
Huminga ako ulit ng malalim at muling nagtanong, "So ano'ng mayroon d'yan sa pamilya niyo? Sa Frey?"
Hindi siya sumagot agad kaya nabalutan ang buong kuwarto ng katahimikan. Mayroong pag-aalinlangan sa mukha ni Rai. Mukhang hindi ko dapat 'to tinanong? Or mali atang tinanong ko siya about dito?
I was about to ask him something else when he answered. "Our family is the current head of the vampire race here in the human world."
Natahimik na rin ako. I was expecting something else. Hindi ko naman akalain na ganito kalaki ang papel ni Rai at ng pamilya niya sa mundong 'to. I am shocked. Hindi ako agad nakapagreact sa sinabi niya. Head of the vampire race? That's a big responsibility. Seriously, una incubus. Next, nalaman kong bampira slash ex-werewolf siya. Tapos ngayon malalaman ko namumuno sila sa lahat ng bampira? Lahat? Gaano ba kadami ang bampira sa mundo? Sa iba't ibang parte ng mundo?
Ano ba 'tong pinapasok ko...
"Okay... Then... What are you exactly doing here? Imbis na namumuno ka ngayon sa lahi ninyo? Bakit ka nandito?"
"I told you. I was punished."
"Why?"
Hindi agad siya sumagot. Feeling ko hindi na naman dapat ako nagtanong. Kapag hindi siya sumagot, okay I respect his privacy. I understand. But I'm still curious.
"I disobeyed some of my master's orders."
"Like?" tanong ko ulit. At hindi na naman siya nakasagot.
"Do I need to answer that?" tanong niya.
Tumingin ako sa kisame at sa ibang parte ng kuwarto. "Well... If you don't like, okay lang din naman pero curious pa rin ako."
Narinig ko ang malalim niyang paghinga kaya muli akong tumingin sa kaniya.
"You won't like my answer."
Lumunok ako. I have a bad feeling about d'yan.
"It's okay. I promise. Hindi ako magagalit." Hindi nga ba talaga?
"I f-cked a human. That's why I was punished."
Napanganga ako sa sinabi niya. He f-cking what? Oh-Holy-Sh-Pu-Tumingin na lang ako sa kisame.
"I f-cked her and drank her blood," diretsong sagot pa ni Rai kaya lumunok ulit ako.
Lakas loob akong tumingin sa kaniya kahit na may nanununtok dito sa dibdib ko.
"It's forbidden for us to drink human blood. Until now, I am being punished. My master doesn't have any idea that I escaped that filthy shelter. Thanks to you," wika pa niya.
All thanks goes to me. I am speechless. Tama nga at hindi ko na dapat tinanong pa. I forgot kung gaano ka-straight forward itong si Rai. I should thank him dahil naisipan niyang prumeno kanina at nagbigay pa ng babala. If someone gave you a warning, I suggest that you follow it and don't do any unnecessary actions like what I did.
Too much curiosity kills. I've been shot two times. If that was a real bullet, I already died.
"So bali nagtatago ka ngayon?" tanong ko.
Umiling siya. "I know my brother found me already. Thanks again to you."
Ako? Ako na naman?
"Bakit ako na naman?"
"You went to your friend's party. That's where you met my brother, King."
Kumunot-noo ako at inalala ang sinasabi niyang kapatid niya. King? May nakilala ba akong King? Ki-
I-hi mo na lang ako sa kaniya. Paki sabi, bisita siya minsan.
Ah! Naaala ko na! 'Yong lalaking nakasama ko sa home theatre nila Penelope. So, King is his brother? Paano? As in literal na kapatid?
"Kapatid mo siya? As in by blood?" tanong ko.
Tumango siya. "Unfortunately, my father f-cked seven women and we are the product."
Napanganga naman ako sa sinabi ni Rai. Puwede ko bang i-comment na parang it runs in the blood? Huwag na. Baka ma-offend. I hardly know his father. Who am I to judge?
"Is he still alive? Your father?" tanong ko.
Umiling siya. "No, my brother, Cael, killed him."
Natulala na ako this time. What the f-ck is wrong with their family?
"Ahh..."
Naglakad ako patungo sa upuan dito sa kuwarto niya at doon naupo. Nagkatinginan kami ni Rai. Nakita ko ang pagngisi niya. He knows hindi ako sanay sa patayan na ganiyan kaya agad siyang nagsalita.
"Don't worry. You won't meet my brothers aside King."
Cael... King... Looks like I need to put his brother, Cael, on my blacklist. Mga taong, I mean, bampirang dapat na iwasan.
"You won't meet any vampire. I hope I could prevent that," wika pa ni Rai.
Can he? I've met three incubi already. There is a possibility na makikita at makakilala pa ako ng kagaya niya. If I am to be with his side in the future, if there is a future of us, there's a possibility that I will meet someone like him, a vampire. There is only a ten percentage na hindi ako makakakilala ng katulad niya.
"Your mother?" tanong ko.
"She died a long time ago," sagot niya agad.
"So mga kapatid mo na lang ang natitira sa inyong pamilya."
He shrugged. "I don't know. Baka ang iba sa kanila namatay na."
"You don't care?" tanong ko ulit.
Umiling siya. "Malalaki na sila. I don't have to babysit them."
"Sa bagay," komento ko na agad na nasundan muli ng tanong.
"Lahat ba kayo ay master 'yong babaeng 'yon?"
I don't think I can drop this topic. I will keep asking him about this woman. I am still jealous. Kahit alam kong wala naman na talaga dahil may pamilya na 'to. I think mapapanatag lang ako kapag nakita ko siya, ang asawa niya, at ang mga anak niya. Magiging effective nga ba?
"Yes," sagot niya.
Oh my god. If King is so handsome, pati na rin si Rai, how about his other brothers? At gaano ka-swerte ang babaeng 'yon para magkaroon ng pitong alagad? Kasama pa si Rai? At hindi ba siya na akit sa lalaking nasa harapan ko? Rai is so hot, gorgeous, and yummy. Sino ang pinili ng babaeng 'yon kapalit ng pitong alagad niya na nakahain sa kaniya? She can grab them anytime she wants!
"Does she have any relationship with your brothers? Asawa ba niya kapatid mo?" tanong ko ulit.
"Wala siyang naging relasyon kahit isa sa amin, Maru."
Wala sa pito? Like how? Why? Paano nangyari 'yon?
"What's her name?" tanong ko ulit.
"Maru..." I know Rai doesn't want to talk about her pero curious na talaga ako sa kaniya.
"Her name?"
Bumuntong-hininga sya. "Lauren Frey."
"Lauren Frey-Walker," pagtatama niya.
Lauren... Bakit pati pangalan ang ganda? Sobrang ganda ba niya?
"Na-in love ka ba sa kaniya?" tanong ko pa.
"Damn it, Maru. Will you drop this already?" Tumayo siya at lumapit sa akin.
"Answer me."
"No."
"Really?"
"Hell no."
"Bakit? Hindi ba siya maganda? Dyosa?"
Huminga ulit ng malalim si Rai at sumagot sa akin. "She is beautiful. Okay? Let's end this and go home."
Ouch. He complimented her. She is beautiful. Then why?
"So bakit hindi ka nagkagusto sa kaniya kahit maganda naman pala ang master mo?"
Yumuko si Rai sa akin, tiningnan niya ako sa mata, at tinukod ang dalawang kamay niya sa upuan. Napaatras ako lalo nang mas lumapit pa s'ya. I am just curious. Really. And yes, jealous.
"Are you jealous, Maru?" tanong pa niya.
"Yes?" hindi ko siguradong tanong.
"You don't need to be jealous, Maru. There is a clear line. We didn't cross that. We're only her servants and we follow her orders. And luckily, she is a great woman, wife, and a mother. Alam niya kung ano relasyon namin sa isa't isa. Alam rin namin 'yon. Crystal clear, Maru. Everything is clear."
Huminga ako ng malalim.
"Can I meet her?"
He pursed his lips as he closed his eyes.
"Will that satisfy you? Will that soothe you?" tanong niya.
I guess.
"We can't meet her. If she sees me again, I'll be doomed. Do you want that?"
No. Agad akong umiling.
"I'm still uncomfortable," I honestly answered. Don't blame me. I'm paranoid pagdating sa ganito.
"Then let's meet her daughter," sagot niya.
"She goes to your school. She's here with my brother. How about that?" tanong niya.
Her daughter? Napalunok ako. I'm a bit nervous. Masa-satisfy nga ba ako kapag nakita ko na ang anak niya? Siguro. I'll try.
"Sure. Let's meet them." Nakangiti kong sagot.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro