12. Finding Trouble
Strings and Chains
Chapter 12
Naalimpungatan ako sa liwanag ng araw na tumama sa mga mata ko. Umayos ako ng higa at muling pumikit nang maramdaman kong may dumantay na paa sa legs ko. Agad akong tumingin sa likod at nakita doon ang alaga ko na version na tao. I mean, werewolf. Ay hindi, bampira pala. Tumingin ako sa oras at nakita kong mag-a-ala sais na ng umaga. Akmang tatayo ako nang bigla niyang hinarang ang ma-muscle muscle niyang braso at tinulak ako pahiga muli sa kama. Nakasiksik siya sa gilid ko at mukhang wala itong balak na umalis ng kama ko.
"Stay," tamad na tamad nitong bulong pero halos pautos na rin niyang binanggit ito.
"I need to get ready. May pasok ako sa school."
"Stay," wika niya ulit.
"Ma-F-FDA na ako ng tuluyan kapag hindi ako pumasok. Pangalawang araw na 'to kapag hindi pa ako ulit pumasok," paliwanag ko sa kanya.
"Stay."
Huminga ako ng malalim at buong lakas na tinulak ang kamay niya para makatayo na ako. Pero 'yong inaakala kong makakaalis ako sa kama ko ay mananatiling akala ko lang pala dahil ayaw niya akong paalisin dito.
"Bakit ba ayaw mo akong paalisin? Hindi puwedeng nandito lang ako sa bahay. May buhay din ako."
Sumilip ako sa kanya. Nakita ako ang pagtaas ng tingin niya sa akin.
"Those bastards won't stop unless they kill you," sagot ni Rai sa akin.
"Bastard? Who?" naguguluhan kong tanong sa kanya.
"Sex demons," maikli niyang sagot.
Pumikit ako ng mariin at bumuntong-hininga. Muntik nang mawala sa isip ko ang tungkol sa kanila. Masyado akong nagulat sa mga pangyayari kagabi. Ang makita ko ang aso ko na nagtransform sa katawan ng tao at ang lalaking stalker slash gumagapang sa akin gabi-gabi ang nambulaga sa payapa kong gabi.
Hindi ko aakalain na ako'y malalapitan ng mga masasamang entity. Bampira pa talaga. At dagdagan pa ng mga incubus na 'yan. Anong gagawin ko para bumalik ako sa dati kong pamumuhay? Ang tanong, makakabalik pa nga ba ako?
"Anong gagawin ko? Hindi naman puwedeng magstay lang ako dito sa bahay. Kuwe-kuwestiyonin ako ng mga magulang ko," sagot ko sa kanya.
Isa pa sa gumugulo ng utak ko ay ang narinig kong usapan ng mga magulang ko. Mukhang simula't sapul ay may kinalaman na ang pagkatao at ang pamilya ko sa mga bagay na hindi nalalaman ng isang ordinaryong tao. Ang dami kong katanungan. Sa sobrang dami ay hindi ko alam kung paano at saan ko sisimulan.
Sa ngayon, mukhang mas mabuting intindihin ko muna ang mga incubus na 'yon na mukhang hindi pa rin ako tatantanan.
"You still want to go there? They're all over the place."
Tumingin ako uli kay Rai. "All over the place? Saan?"
"Sa school mo," sagot niya.
"Sa school ko?" gulat na gulat kong tanong sa kaniya.
Tumango siya. "All of them are attending in your school. You can't differentiate them because they look like a normal human being."
I know they look like a normal human being. Pero they are sure gorgeous like Rai. Nangingibabaw pa rin sila sa ordinaryong tao sapagkat may kakaibang ganda ang mga nilalang na 'to. Kung totoo nga ang sinasabi ni Rai, na for sure ay totoo nga talaga, anong gagawin ko? Hindi ko naman puwedeng hayaan na lang na magpagala-gala sila sa school. Nandoon ang mga kaklase at kaibigan ko. Dalawa na ang namatay kong schoolmate.
Kailangang may kumilos na.
"Help me," wika ko sa kanya kaya't umupo na si Rai. Nagsalubong ang mga kilay nito sa akin.
"I don't like what's running in your head, Maru."
"Pero-"
"You'll get yourself into trouble."
Tinuro ko siya. "At the first place, I've already got myself into trouble and that is you. You're a big trouble for me."
Napangiti sa akin si Rai. "Then what do you want me to do?"
Huminga ako ng malalim. "Someone needs to take an action. Dalawa na ang namatay na estudyante sa school namin. Kailangan mahinto itong ginagawa nila."
Hindi umimik si Rai sa akin at sa halip ay nakatitig lamang siya sa akin.
"I like that," komento nito.
Kumunot-noo ako. "Like what?"
"You being feisty," sagot niya saka niya ginapang ang kamay niya sa batok ko at madaling inilapit ang mukha ko sa mukha niya. He kissed me like there's no tomorrow. I immediately kissed him back. Bumaba ang kamay niya sa baywang ko habang bumababa na rin ang mga halik niya sa leeg ko. Bumaba pa ito ng bumaba hanggang siya'y napunta sa dibdib ko. He unhooked my bra at ibinaba ang sandong suot-suot ko.
Napapikit ako ng mariin nang maramdaman ko ang pagkagat, pagdila, at pagsipsip niya sa dibdib ko. Kaumaga-umaga bakit ganito ang inaatupag namin?
"Mmm..." I moaned when I felt his tongue on my skin.
"Maru--" Nagulat ako sa biglang pagbukas ng pinto kaya gulat na gulat akong napatingin kay Mama. Kumunot-noo siya nang makita akong halos hubot hubad na ako dito sa kama.
"What are you doing-- with your dog?"
Agad akong napatingin kay Rai na mabilis na nakapagtransform sa pagiging aso. Dinidilaan nito ang dibdib ko kaya mabilis akong nagpaliwanag kay Mama.
"Ano--Ma-- K-kagigising ko lang. Nakikipagkulitan lang ako kay Rai. 'Di ba, Rai, baby?" palusot ko saka ko yinakap ang alaga kong aso.
Hindi agad umimik si Mama saka niya ito tiningnan nang mabuti si Rai. Muli siyang tumingin sa akin at nagsalita, "Next time matulog ka with your pajamas. Breakfast is ready. Kumain na tayo."
Tumango ako kay Mama. "I'll wash my face first. Sunod na lang po ako sa baba."
"Okay. Bilisan mo. You'll be late for your class.
"Yes, Mom," sagot ko agad.
Nawala ang tinik sa dibdib ko nang isara ni Mama 'yong pinto. Agad akong tumakbo papunta doon at ni-lock 'yon. Tumingin ako muli sa kama at nakitang nagkatawang tao na ulit itong si Rai.
"Next time, lock your door."
Tiningnan ko na lang siya nang masama. "We'll talk again later."
Tumakbo ako papunta sa banyo pero muli akong sumilip kay Rai. "Maghanda ka ng damit at gamit. Sasama ka sa 'kin sa school."
***
Katatapos ko lang kumain ng breakfast. Nang matapos akong magtooth brush ay agad akong tumakbo pababa dahil late na rin ako for school. Paalis na sana ako nang tawagin ako ni Mama kaya't nakipag one on one talk muna ako sa kanila sa sala. Nakaupo sila pareho sa harap ko samantalang tila ako naman ang bibigyan ng hatol ng mga magulang ko. Kinakabahan ako sa hindi malaman na dahilan.
Nakita kaya nila ako na may katabing lalaki sa kuwarto?
"Maru," tawag sa akin ni Mama kaya napalunok ako.
"Yes, Ma?"
"I need you to go home early starting today," anunsyo ni Mama kaya agad akong nagreact.
"Lagi naman akong school at bahay lang, Ma."
"I know but we want you to be more cautious. We recently found out that two of your schoolmates died. Gusto lang namin ng Dad mo na masigurong ligtas ka."
Tumango ako. "Sure, Ma. I'll be home after class."
"Limit yourself from talking to anyone. Lalo na sa mga hindi mo kilala. No'ng nakaraan may stalker ka. Mas maging maingat ka, Maru," paalala pa ni Mama.
"Yes po, Ma. I will."
"And don't talk to any boys at your school." Napangiti ako ng pilit kay Papa. Kahit kailan talaga. Napaka strikto nitong dalawa pero sanayan na lang talaga.
"I found out from Trojan that you broke up with your boyfriend, Matt. Is that true?" tanong pa ni Papa.
Tumango ako dahil totoo naman. At ito namang si Trojan napakadaldal talaga pagdating sa mga magulang ko.
"May manliligaw ka ba ngayon except from Trojan?" diretso at wala ng paligoy-ligoy na tanong ni Papa.
Muli akong tumango. "Yes, mayroon, Dad. Hindi naman po ako nawawalan."
Pagmamayabang ko pa. Ha!
"At may nagugustuhan ka sa manliligaw mo?" tanong pa ni Dad kaya't nagtataka na ako sa kaniya. Ni minsan hindi niya ako tinanong about sa mga suitors ko dahil nga botong-boto sila kay Trojan. Anong nakain ni Papa?
Tumingin ako sa kisame, sa upuan, at sa kung ano-anong bagay na nandito sa sala maiwasan lamang ang mga tingin nilang dalawa.
"Mayroon ba, Maru?" tanong pa ni Mama.
Tumango ako ulit. "Mayroon."
"Who is this boy?" tanong naman ni Dad.
"Well, I just met him a few days ago?" hindi ko siguradong sagot kay Papa.
"And you like him?" tanong naman ni Mama.
Tumingin ako sa dalawa. Ano bang pinupunto nila sa mga tanong na 'to?
"Saan ba mapupunta ang mga tanong niyo, Mom? Dad? Let's get to the point," sagot ko sa kanilang dalawa.
"If you like him, bago maging kayo, ipakilala mo sa amin. We need to check him."
Mas lalong nagsalubong ang kilay ko. "Check him?"
"It's a parent thing, Maru. Dalhin mo siya dito minsan sa bahay. I'll cook for dinner. Sabihin mo lang kung kailan."
Tumango-tango ako kay Mama.
"Sure..."
Nagtataka man ako sa biglang pagbabago ng parents ko ay hindi ko na pinansin pa iyon. Agad-agad akong umalis ng bahay at naglakad hanggang sa makapunta ako ng kanto ng street namin. Nakita ko si Rai na ang ganda ng datingan. Napangiti ako nang makitang may sense of fashion itong alaga ko. At yayamanin ang kotse. Mas mahal pa ata 'to kaysa sa kotse ni Papa.
"At saan mo nakuha ito?" tanong ko sabay turo sa damit niya. "At ito," turo ko naman sa kotse niya.
"I'm rich," simpleng sagot ni Rai saka niya ako pinagbuksan ng pinto.
"Paano? Eh halos nasa bahay ka lang namin palagi no'ng mga panahong aso ka."
"How old am I, Maru?" tanong niya kaya't bago ako sumakay ng kotse ay tumingin ako sa kanya.
"Twenty five? Twenty six to nine?" Nang hula na ako.
Napa-iling siya sa sagot ko. Tinulak niya ako papaupo sa shotgun seat saka niya tinulak ang ulo ko papasok sa loob ng kotse. Sinara niya ang pinto saka siya sumakay sa kabila.
"Ano nga?" pangungulit ko sa kanya.
"I was born during Middle Ages," sagot ni Rai kaya natulala ako sa kanya.
"Weh?"
Tumingin siya sa akin saka ngumisi. Habang ako ay binibilang na sa daliri ko kung ilang taon na ang lumipas. Pero 'di kaya na sa daliri lang kaya nagcompute na ako sa utak. Pero hindi rin kinakaya ng utak ko.
"Don't bother to count. I've also lost track on counting my age."
"I can't believe this," bulong ko saka ako sinuot ang seatbelt.
"Tumitira na nga ako ng aso, tumitira pa ako ng Lolo?" tanong ko sa sarili ko.
Sumasakit ata batok ko dito sa mga nalalaman ko. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Rai.
"Do I look like an old man?" tanong niya.
Umiling ako. "Then you're not having sex with an old man."
"You're still an old man."
"I am immortal."
"What's the difference?" tanong ko.
"You may look young but you're old. Like sobrang tanda. Sobrang-sobrang tanda na," dugtong ko pa.
"I stopped aging when I was twenty five years old, Maru," sagot niya kaya tiningnan ko siya.
"So this is you when you were twenty five?" tanong ko saka ko hinawakan ang pisngi niya.
"Yes," sagot niya saka niya kinuha ang kamay ko at hinalikan 'yon.
"Okay. I just have to think that you're not a dog and an old man, and then we're going to be fine."
Ngumisi sa akin si Rai saka ito humawak sa manibela at pinaandar ang kotse. Nagda-drive siya gamit ang kaliwa niyang kamay habang hawak-hawak naman niya ang kamay ko gamit ang kanan niyang kamay. I asked him if it's safe and he only answered yes. Why? He's been driving like a hundred years so masasabing expert na siya. At pinagkakatiwalaan ko naman siya.
He's a good driver.
He can multitask while driving. Dahil paminsan-minsan ay gumagapang ang kamay niya sa hita ko saka niya pinisil-pisil ito.
Thank god at nakarating ako kami sa school nang wala muling nangyaring milagro sa kaniyang kotse.
***
Nakataas ang kilay nina Ginger at Ura nang makita nila akong dumating sa school kasama si Rai. Nakipagbatian ako sa kanila pero simula no'n ay hindi na umimik ang dalawa. Sa halip ay pinagmamasdan lang ng mga 'to ang alaga ko. Nasa klase ako habang inaayos naman ni Rai 'yong pagpasok niya rito sa school. Mukhang magiging madali lang naman para sa kaniya dahil ang sabi niya ay may kakilala raw siya rito. Mamaya ko na chichikahin ang alaga ko tungkol doon.
Sa ngayon, magfo-focus muna ako sa klase. Mahalaga man ang pagpla-plano tungkol sa mga incubus na 'yan pero mas mahalaga ang matututunan ko rito sa school. At kailangan ko maghabol sa grades. Mayayari ako sa parents ko.
Busy ako sa pagsusulat nang maramdaman kong may tumabi sa magkabilang gilid ko.
"Hoy," sita sa akin ni Ura.
Kumunot-noo ako sa dalawa. Paano nakapasok 'tong mga 'to dito eh hindi ko naman mga kaklase 'to?
"Hoy, anong ginagawa niyo rito?" tanong ko.
"Bothered kami," sagot ni Ginger.
"Saan mo napulot 'yon?" tanong naman ni Ura.
"Sino?"
"'Yong lalaking kasama mo," sagot naman ni Ginger.
"Ah si Rai... Este-Oo. Si Rai nga."
Tumingin pareho ang dalawa sa akin.
"Rai? Na aso mo?" tanong ni Ura.
"Magkapangalan sila," pagdadahilan ko.
Tumaas muli ang kilay ng dalawa.
"Yummy," komento ni Ura.
"Bet ko 'yong muscles niya sa braso. Ang fit be," komento naman ni Ginger.
"Saka 'yong body built? T*ng*na, heaven!" komento muli ni Ura.
"Shhh!" Pinalo ko si Ura sa hita. "Huwag kang maingay. Marinig ka ni Ma'am."
"Girl galing ka bang Mt. Olympus? Mukhang Greek god 'yang si Rai," bulong ni Ginger.
"Like ko din 'yong jawline eh." Napakagat labi itong si Ura kaya umismid na ako.
"Gusto ko makita 'yong sa loob ng damit. May abs ba? Malaki ba?" tanong pa nito kaya napapikit na lamang ako.
Tumango ako sa dalawa. "May abs. At yes, sobrang laki."
"Iyan ba si seven inches?" tanong naman ni Ginger kaya't napatingin ako sa kaniya. Nag-apiran kami ni Ginger.
"Paano mo nadali?" tanong ko.
"Shet!" sigaw ni Ura kaya sabay kaming napatingin sa kaniya. Pati na rin ang mga kaklase ko rito sa loob ng classroom. At kahit ang prof ko ay napatingin sa amin.
"Si seven inches 'yon?" sigaw pa muli ni Ura kaya agad kong hinatak 'yong dulo ng t-shirt niya.
"'Yong nangwasak d'yan? Shet!" sigaw pa uli nito.
"Ura! Ura! Nasa room tayo, ano ka ba!" bulong nitong si Ginger. Doon lang na-realize muli ni Ura na nasa room kami.
Tumingin ako sa professor ko. Sinara nito ang librong hawak-hawak niya.
"Kayo na naman Ms. Ura at Ms. Ginger?" tanong nito.
Ngumiti sina Ginger at Ura kay Ma'am.
"Hello po, Ma'am," bati ng dalawa.
Ngumiti rin ito sa dalawa.
"Layas!" Isang malakas na sigaw nito kaya agad na kinuha ng dalawa ang gamit nila at kumaripas ng takbo palabas.
Tumingin muli sa akin si Ma'am at nagsalita, "At ikaw, Ms. Maru. Next time kung magkwe-kwentuhan kayo about sa seven inches na 'yan, baka puwedeng huwag dito sa klase ko?"
Nahiya ako sa sinabi ng prof ko lalo na nang marinig ko ang tawanan ng mga kaklase ko.
Tumikhim ako. "Yes po, Ma'am."
***
Naglalakad ako sa hallway dahil tapos na ang klase ko. Nang tumingin ako sa paligid ko ay napansin kong walang katao-tao rito. Dahil siguro ang iba ay nasa klase pa. Naglalakad lang ako nang mahinto ako dahil naramdaman ko ang pagyakap sa akin ng malamig na hangin. Tumingin ako sa labas at nakita kong nagsasayawan ang mga dahon sa puno sa lakas ng ihip ng hangin. Kiniskis ko ang palad ko sa braso ko dahil sa lamig.
Nang tumigin ako sa harap ko ay laking gulat ko nang makita si Jax sa harap ko. Kasama niya ang dalawang lalaki na kasama niya rin noon sa warehouse. Si Carl at 'yong lalaking nang kidnap sa akin.
Lumunok at napaatras. Nakita ko ang pagngisi ni Jax pati na rin no'ng Carl. Nanlaki ang mata ko nang makitang mas bumilis ang paglalakad nila patungo sa akin. Paatras ako ng paatras hanggang sa napagdesisyunan ko nang tumakbo. Ngunit paglingon ko ay mas nagulat ako nang bumunggo ako sa katawan ng isang tao.
Nanginig ako sa takot ng maramdaman ko ang paghawak nito sa braso ko.
"Relax, Maru."
Nang marinig ko ang boses na 'yon ay agad akong tumingala.
"Rai," tawag ko sa kaniya.
Hinawakan niya ang kamay kong nanlalamig sa takot.
"Relax," bulong niya muli sa akin.
Tumingin ako sa gawi nila Jax na ngayon ay nakahinto sa puwesto nila. Nawala ang mga ngisi sa kanilang labi at napalitan ito ng seryosong eskpresyon sa mukha. Matatalim na tingin ang ibinibigay nila kay Rai pero nang tumingin ako pabalik sa kaniya ay tila hindi nito alintana ang binabatong mga tingin nito sa kaniya.
Bumaba ang tingin niya sa akin.
"Do you want me to kill them?"
Hindi ako agad nakapagreact sa sinabi ni Rai dahil nang sabihin niya sa akin 'yon ay agad akong natakot at kinilabutan.
Wala sa isip kong pumatay ng tao pero bakit tila walang kahirap-hirap niyang sinabi 'yon sa akin?
Nagulat ako sa biglang pagbukas ng pinto dito sa hallway at sa mga sigawan ng mga ibang estudyante. Humawak sa dibdib ko at napapikit.
Tumingin muli ako sa kinatatayuan nila Jax kanina pero wala na sila doon. Nakahinga rin ako ng maluwag nang makitang may mga tao na rito sa hallway. Naririnig ko na ang mga ingay ng estudyante. At 'yon ang nakapagparelax sa 'kin.
Tumingin muli ako kay Rai. Taimtim lamang itong nakatingin sa akin. Huminga ako ng malalim saka ko siya hinatak palabas ng building.
"Hindi ka papatay at walang mamatay, Rai. Wala," sagot ko sa kaniya ngunit nanatiling tahimik si Rai.
Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip ni Rai pero mukhang iisa lamang ang nakikita niyang solusyon sa problemang 'to. At ito ay pumatay.
Hindi pumasok sa isip ko 'yan. Titiyakin kong walang gagawing katarantaduhan 'tong si Rai at titiyakin kong walang mapapahamak. Walang mamatay. Wala.
***
Have you seen SAC's newest cover? :) - LC
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro