Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

11. Shook


Strings and Chains

Chapter 11


"P*tang*na!!!" Isang malakas kong sigaw. Sa sobrang pagkagulat ko ay napaupo ako sa lapag habang nakatingin pa rin sa kanya.

Masyado akong na-shock. Kailangan ko ilabas 'to. Kailangan ko pang isigaw. Kailangan ipakawala mga emotions ko. Nauulol na talaga ako! Tumingin ako sa gitna niya at umakyat ang tingin sa mukha niya.

"P*tang*na t-talaga! 'Yong—'Yong aso ko!" sigaw ko pa at halos maiyak na rin talaga kasi aso ko 'yon eh! Aso mo na alaga mo for years tapos ganito—ganito itong makikita mo? Nagtransform alaga ko at naging isang malaking tao na may malaking katawan, malaking saging, at may mga tattoo pa sa braso? Sinong naggagaguhan dito? Ako pati siya! Ginagago ako ng aso ko matagal na! At p*tang*na talaga!

Tinitira ako ng aso ko for pete's sake!

"Rai! A-anong—T*ng*na talaga!" sigaw ko ulit.

Narinig ko nang may kumatok sa pinto kaya agad akong tumingin doon.

"Maru?" Narinig ko ang boses ni Trojan. Bakit nandito 'to ngayon?

"Are you all right?" tanong pa nito habang kumakatok sa pinto.

Akmang tatayo na ako para sana buksan ang pinto nang maramdaman kong may humawak sa paa ko at hinatak ako palayo doon.

"Ahhh!!"

"Maru? Okay ka lang ba? Please open the door," wika pa ni Trojan.

Nang humarap ako sa aso ko na naging tao ay bigla niyang tinakpan ang bibig ko. Tumingin siya sa pinto at muling tumingin sa akin.

"Maru... Keep your mouth shut," utos niya kaya napalunok ako at nanginginig na tumango sa kanya.

"At paalisin mo 'yang manliligaw mo," dugtong pa niya kaya muli akong tumango.

"Makakaasa ba akong hindi ka sisigaw?" tanong pa niya kaya tumango na ako ng tumango.

"Good. Dahil kapag sumigaw ka ulit, ang susunod na isisigaw mo ay sa paraang alam ko," bulong niya sa tainga ko.

Pinakawalan niya ako kaya dahan-dahan akong lumayo sa kanya. Gumapang ako patayo. Humawak ako sa kama upang alalayan ang sarili ko dahil nanghihina ako sa mga nangyayari. Bago ko buksan ang pinto ay muli akong tumingin sa kanya. Nakita kong pumasok siya sa closet ko. Binuksan ko na lang 'yong pinto at hinarap si Trojan.

"We heard your scream downstairs. Are you okay, Maru?" tanong sa akin ni Trojan. Tumango ako sa kanya at muling tumingin sa may closet ko. Nakatingin sa akin si Rai habang nagbibihis siya ng damit. At bakit siya may damit dito? Paano 'yan nagkaroon ng damit dito?

"O-okay lang. Ang laki kasi ng ipis kaya napasigaw ako. Feeling butterfly at dyosa. Palipad-lipad dito sa kuwarto ko kaya hinabol ko at pinatay ko," pagsisinungaling ko kay Trojan.

"Ahh..." Napangiti sa akin si Trojan. "Akala ko kung ano na."

Nginitian ko na lamang siya pabalik. "Bumaba ka na. Hinihintay ka naming nila, Tita. Kakain na ng hapunan."

Tumango ako kay Trojan at muling ngumiti. "Sige, bababa na rin ako mayamaya."

Nang umalis si Trojan ay agad kong sinarado ang pinto at muling ni-lock 'to. Tumingin ako kay Rai na aso ko na naging tao na ngayon ay nakaupo sa kama habang binabasa ang mga na research na pinrint ko kanina. Nakasandal lang ako sa pinto. Hindi ako lalapit sa kanya. I swear mamatay man—

"Maru, come here."

At dahil ako'y natatakot ngayon, kusang naglakad ang mga paa ko papalapit sa kanya dahil kapag hindi ko sinunod ang gusto niya alam kong may mangyayaring iba. Kaya binabawi ko na ang sinabi ko.

Huminto ako sa harap niya.

"What did you learn about them?" tanong niya kaya napalunok ako.

"Incubus is a lusty demon creature who uhm... Ano—Uhh... They attack on their victims at night especially when they are asleep so they can have s-x with them," kinakabahan kong sagot.

"At kapag sumobra?" tanong niya ulit.

"The victim may die because of exhaustion."

Nakita ako ang dahan-dahang pagngiti ng kanyang labi. He's wearing a simple white t-shirt at maong na pants. I don't know how or where he got it. Hindi ko rin alam kung paano siya nagkaroon ng damit dito sa kuwarto ko pero mukhang matagal nang nandito 'yan, hindi ko lang talaga alam. Wala lang talaga akong kaalam-alam.

"What do you think of me, Maru?" tanong niya.

Umiwas ako ng tingin at tumingin sa kisame.

"Sa anong aspeto ba?" tanong ko pabalik.

"Everything," sagot niya.

"Uhm... Y-you're handsome?" hindi ko siguradong sagot.

"Why does it sound like you're not so sure?" panunukso niya sa akin.

Tumingin na ako sa kanya at lakas loob na sumagot.

"Dahil hindi ko alam isasagot ko. Okay? I just saw my dog turned into a human. I'm in shock!" sagot ko sa kanya.

Kumunotnoo ako at tinuro siya. "Nasaan na ang aso ko? Ilabas mo si Rai! Ilabas mo ang aso ko!"

"I am Rai. I am your dog."

Niyukom ko ang mga kamao ko at minantra sa isip ko na hindi ito totoo.

"Hindi 'to totoo. Nasa baba si Rai. Ang aso ko. Nasa baba. Hindi siya tao. Hindi siya i—ikaw!"

"Denying what you saw won't help you, Maru," wika niya kaya napakagatlabi na lang ako.

Oh my god! Naiiyak ako!

"W-wala na 'yong aso ko..."

"I am here, Maru."

"You're not my dog! You're not a dog!" sigaw ko pa.

"I was a dog earlier," sagot niya.

"Alam mo ikaw, hindi ka nakakatulong eh!" Sinabunutan ko na ang buhok ko at akmang aalis nang mahinto ako dahil nagsalita muli siya.

"Sinong nagsabing puwede kang umalis? May sinabi na ba ako? Balik," utos niya.

Hindi ko alam kung bakit sinusunod ko siya pero ako itong masunurin ay bumalik din sa kinatatayuan ko. Tumayo siya at lumapit sa akin. Nasa harap ko siya. Kaunti lamang ang pagitan naming dalawa. Inilapit niya ang mukha niya sa akin at halos ang mga labi namin ay magdidikit na. He looked me in my eyes. Naramdaman ko ang paghawak niya sa baywang ko.

"Mmm..." He smelled me. At f-ck! He's teasing me to kiss him!

"If you think I will kiss you my answer is no," bulong ko sa kanya.

"Mmm... Really?" He teased habang dinadama ang likod ko. At I swear he just unhook my bra.

"And if you think I'm going to have s-x with you, my answer again is no."

Lumayo ako sa kanya. "Hindi kita lalapitan. Hindi kita titingnan. Hindi kita kakausapin."

"Hanggat hindi naaalis sa utak ko na tinitira ako ng aso ako at nagpapatira naman ako pabalik!" sigaw ko sa kanya at dali-daling lumayas ng kuwarto.

Buti na lang at hindi na rin niya ako pinigilan. Inayos ko ang bra ko at agad-agad akong bumaba sa dining room dahil kanina pa naghihintay sina Mama. Nang makababa ako ay nakita ko ang mga magulang ko pati na rin si Trojan na nag-uusap. Nahinto sila nang makita ako.

"Maru, bakit ba ang tagal mong bumaba?" tanong ni Mama.

Ma, kung alam mo lang.

"Ano bang ginawa mo?" tanong naman ni Papa.

Muntik nang makipagtalik sa aso ko, Pa. Iyon lang naman po.

Pero syempre hindi ako gaga para isagot 'yan sa kanila. Ngumiti lang ako sa kanila at humingi ng paumanhin. Umupo na rin ako sa puwesto ko at sinamahan sila sa hapagkainan. Nagdasal muna ang lahat bago magsimulang kumain. Nang matapos 'yon ay kanya-kanyang kain na. At habang kumakain kami ay nag-uusap sina Trojan at ang mga magulang ko.

"How's your parents, Troj?" tanong ni Papa.

"They're busy, Tito," sagot ni Trojan saka ito tumingin kay Papa. Tiningnan ko lang sila habang nakatingin sila sa isa't isa. I've got a feeling na sa simpleng tinginan lang na 'yan, nagkakaintindihan na ang dalawa.

"Next time bibisita kami nila Maru doon," mungkahi naman ni Mama.

"What do you think, Maru?" tanong sa akin ni Mama kaya tumango na lang ako.

"Yeah, sure," sagot ko.

It's been a while since we last visited Tita Maria and Tito George. Ang naalala ko ay ang huling dalaw namin doon ay noong tumuntong ako ng kolehiyo. Freshmen year. Ang ayoko lang naman tuwing pupunta kami kila Trojan ay ang kalayuan nito sa siyudad. Mayroon silang business kung saan nag e-export sila ng mga mangga sa ibang bansa. Kaya ang bahay nila ay nakatayo sa mapunong lugar. Malayo sa mga tao, sa siyudad.

Hindi lamang sila Trojan ang nakatira sa hektaryang lupain nila. Malawak 'yon at doon din nakatayo ang mga bahay ng kamag-anak nila. Minsan ko na rin nakita ang mga pinsan niya noong dumalaw kami doon ng mga magulang ko noong bata pa ako. At hndi sila friendly, sa totoo lang. Lumalayo sila sa akin at ayaw nila akong kalaro. Hanggang ngayon pa rin naman. Dahil noong huli kong dalaw, kung makatingin sila sa akin ay akala mo kakatayin ako ng mga ito.

Wala naman akong ginawa sa kanila. Dumalaw lang ako.

"Ikamusta mo na lang kami kila Maria," wika naman ni Papa.

Habang kumakain, as usual, hindi napapagod sa kakatanong ang mga magulang ko kay Trojan. Kung kamusta na ba ang pag-aaral nito, anong balik nito kapag nakapagtapos ng kolehiyo, at syempre pati na rin ang kasal kuno na gusto nilang mangyari ay hindi mawala-wala sa usapan. Ngini-ngitian na lamang ni Trojan ang mga ito.

Nang matapos kami ay iniwan kaming dalawa ng mga magulang ko sa sala. Walang imikan noong una hanggang siya na ang nagsalita.

"Kamusta ka na, Maru?" tanong niya sa akin.

Hindi ako okay dahil nakidnap ako ng incubus at muntik na akong mahalay nito. Kakakita ko lang sa aso ko na naging tao slash bampira at hindi pa rin ako makapaniwala dito.

"Okay lang," sagot ko.

Ganito naman palagi. Kahit hindi ka okay, kahit ang daming nangyayari sa buhay mo, kapag may nagtanong sa 'yo kung okay ka lang ba, ngingiti ka lang at sasagot ng okay ka lang kahit hindi naman talaga.

Sana may mapagsabihan ako ng pinagdadaanan ko ngayon pero mukhang malabo 'yon. Sino namang maniniwala sa akin? Baka masabihan pa ako ng baliw dahil hindi kapani-paniwala itong mga nangyayari sa akin.

"Ikaw, kamusta?" tanong ko.

Ngumiti siya sa akin. "Ayos lang din. Busy sa bahay at busy sa pag-aaral."

"Buti napagsasabay mo," komento ko.

"Kaya naman. Kakayanin."

Napakagatlabi ako at huminga ng malalim. "Sorry nga pala no'ng nakaraan. Hindi ko naman gusto na sabihin 'yon pero kasi—"

"It's okay, Maru. I understand," sagot niya. Nakangiti pa rin siya sa akin. Ina-assure ako na okay lang talaga ang lahat para sa kanya kahit na nakikita kong hindi naman talaga. I don't want to break Tojan's heart. He's my childhood friend. Ayokong masakan siya pero maiiwasan ko ba talaga?

Bakit kasi ako pa, Trojan?

"I understand that you can't like me back. I completely understand, Maru. But it doesn't mean that I already gave up. I'm not giving up on you. I will wait. Kahit gaano pa katagal."

"If that can make you happy, Trojan, hindi kita pipigilan sa gusto mong gawin. Pero if it hurts too much, give up on me and find someone that can truly love you back," sagot ko.

Isang malungkot na ngiti ang ibinigay sa akin ni Trojan. And yes, that smile haunts me. Masakit din sa side ko na umaasa siya at patuloy na umaasa. Naghihintay sa wala. Pero kung iyan ang gusto niyang gawin, so be it. He will learn how to stop and he will realize when to stop.

Hinatid ko siya sa labas nang mapagdesiyunan nitong umuwi na. He flashes a smile before he gets in to his car. Nang makita kong umalis na siya ay pumasok na rin ako sa loob ng bahay. Habang naglalakad ako pabalik sa kuwarto ko ay hindi ko alam ang gagawin.

Nandyan pa rin kaya siya sa loob? If he is, anong mangyayari?

Kahit na ayokong pumasok sa kuwarto ko at matulog na lang sana sa guest room, I still want answers from him so that I can finally understand everything. Pumasok sa loob at nakita ko siyang nakaupo lamang sa upuan na nasa bintana. Tumingin siya sa akin pero hindi ko mabasa kung anong mood niya ngayon. He's too serious.

"Maru..." tawag niya sa akin kaya muli akong naalerto. Masyado akong napapatitig sa mukha niya.

"This body was the one you tasted and can still taste, not my other form and that is your dog," paliwanag niya.

"You're still a dog," sagot ko sa kanya.

"If I turn into that form, yes, I am. But take a look at me, right now, do I look like a dog?" tanong niya.

Umiling ako dahil wala naman sa kanya na mukhang aso. Sa totoo pa nga n'yan ay sobrang guwapo nito. Ngayon at mas lalo kong nakita ang mukha niya ng maliwanag at harapan, he's really handsome; young, yummy, and handsome.

"I don't understand," panimula ko dahil hindi ko talaga maintindihan.

"You're a vampire but you can turn into a dog? Puwede ba 'yon?" tanong ko sa kanya.

"Do you know what a shape shifter is?" tanong niya.

Tumango ako.

"What is it?" tanong niya muli.

"You can shift into whatever you like. Into a human or an animal," sagot ko.

"I am shape shifter. I can turn myself into a dog or a wolf," paliwanag niya.

Kumunotnoo ako. "Wolf? But you said you're a vampire."

"Folklores about vampires in different regions differ from each other but all of it has one similarity and that is vampires drink blood. No one can define what we really are, only us, vampires who are secretly inhabiting human world can explain," panimula ni Rai.

"Out of these different beliefs, one can explain what I am. What do you think, Maru? If I am a shape shifter that can only turn myself into a dog or a wolf and a vampire, what do you think am I?" tanong niya sa akin.

I know some supernatural creature salamat sa mga napapanood kong tv shows at nababasang stories. Isa ito sa pinaka sikat katulad ng mga bampira. Minsan pang nababanggit na mortal na kaaway nila.

"A werewolf?" hindi ko siguradong sagot.

Tumaas ang kilay niya at ngumisi sa akin. "Which one do you prefer? A werewolf or a vampire?" tanong niya muli sa akin.

"I don't think I can even choose between those two," sagot ko kaya't tuluyan na siyang ngumiti.

"A belief long time ago, vampires are dead bodies of witches, werewolf, and other demonic creature," paliwanag ni Rai.

"It is a belief that if you don't put a stake on the heart of a dead body, it will walk again and will cause plagues in towns," dugtong pa nito.

Napalunok ako sa mga sinasabi niya sa akin. "And you?" I asked.

"I luckily survive a stake from the people of my town," sagot niya.

"But you were a werewolf before you turned into a vampire?" naguguluhan kong tanong.

Tumango siya.

"And you're both now?" tanong ko.

Umiling siya. "I still have my powers to shift into my wolf form, but I am now a vampire."

"And you drink blood?"

"Yes, I drink blood."

"Human blood?" tanong ko at tumango siya.

"Yes."

"Are you going to drink my blood?" tanong ko at madaling tinakpan ang leeg ko.

Ngumiti siya. "If you offer some, I will."

Madali akong umiling. "No, no. Hindi 'yan mangyayari."

I blinked and when I opened my eyes he was gone. Saan siya napunta?

Narinig ko ang paglock ng pinto sa kuwarto ko kaya agad kong lumingon doon. Nakita ko siyang ni-lock ang pinto habang nakatingin sa akin.

"I will skip that for now. Sucking your blood," wika niya.

"But us, in your bed, I don't think I can even wait," dugtong pa niya saka niya pinatay ang ilaw sa kuwarto ko.

Kadiliman at maiinit na haplos sa katawan ko ang sunod kong nakita at naramdaman.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro