Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

032

L I V

"Sure ka bang kaya mo na umuwi mag-isa?" tanong ni Ate Anjelika.


Of course, I wasn't, but I still refused to take their offer that I should join them. Even if I accepted it, we would only get lost, as I didn't know which way it was to our house.


Being bad at direction sucked.


I made my way outside of the school since the staff was already closing it. As I reached outside, I searched for people I could ask for directions with, only to be reminded of the fact I didn't know what street our house was. Way to go, Liv.


Sinubukan kong tandaan kung anong daan ang papunta kina Adi. As much as I didn't want to ask for her brother's help, I needed a ride. Ngunit nang maisip kong baka hindi pumayag ang kanyang kuya na ihatid ako sa 'ming bahay, hindi na ako nagpatuloy.


Nanatili akong nakatayo sa labas ng aming paaralan. Nilabas ko ang aking phone para tingnan sa Google Maps ang daan papunta sa 'ming subdivision. Alam ko naman ang pangalan nito. Maiisip man ng iba na sabihin ko na lang iyon sa mga tao pero hindi kasi siya gano'n kakilala.


I know I should've tried to ask despite having doubts, but my shyness got the best of me. Hindi ako makaimik sa tuwing lalapit ako sa mga tao. Parang nanuyo ang aking laway at ang hirap magsalita.


Fortunately, our subdivision showed up on the screen of my phone. I just needed to follow the way as stated by Google Maps.


Hindi ako nagkaproblema sa pagsunod ng daan na nakalagay sa app. Nadaanan ko rin ang mga gusaling pamilyar sa 'kin sa tuwing hinahatid ako papuntang paaralan. Ang naging problema ko lamang ay ang kaligtasan ko.


It was past six o' clock by the time I started to walk. Hindi man gano'n kaunti ang tao rito dahil marami ring nagsisiuwiang mga estudyante galing kolehiyo ngunit hindi ko pa rin maiwasang isipin na baka may mangyaring masama sa 'kin.


Bumilis ang lakad ko na tila tumatakbo, kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko. 


Everything was going smoothly until it wasn't. Hindi ko inaasahan ang pagkulog ng langit. Hindi rin naman ito nabalita na may posibilidad na uulan ngayong araw.


Sa pagtuloy ng aking lakad ay sumabay ang paghina ng signal. Sinubukan kong pumunta sa ibang lugar ngunit hindi pa rin ako makasagap. Tamang tama, nabura ko pa ang Google Maps sa screen ko. Ayaw tuloy mag-load! Kainis!


Hindi nagtagal ay lumakas ang kulog. Nang ialis ko ang aking mga mata sa screen ng aking phone, nasulyapan kong parang may tumutulo galing itaas.


That was the moment I knew this day was going to be my worst. Wala pa naman akong payong kung sakaling lalakas ang ulan.


Nagsimula akong maghanap ng maari kong masilungan. Lumalakas na ang ulan ngunit wala akong mahanap na waiting shed dito. Kahit isa! 


Ipinatong ko ang aking bag sa aking ulo para magsilbing proteksyon ko sa ulan. Waterproof naman ito kaya walang problema.


Dali-dali kong sinubukang tawagan ang aking ate kahit alam kong walang sasagot dahil sa hina ng signal. Baka sakaling may milagrong dumating.


Nang hindi ko marinig ang ring ay sunod kong tinawagan si Kuya Miles. As expected, the line was cut off.


Hindi ko sinukuang tawagan ang mga nasa contacts ko. Kahit sina manang sa bahay ay tinawagan ko pero wala talaga. Nabigo lang ako.


Nang naisipan kong tawagan si Adi, napansin kong bumabalik na ang signal, ngunit paunti unti lamang.


I tried to dial her number with the anticipation that she would answer. The only problem with her was that she liked to put her phone in silent mode, kaya ang hirap niya minsang tawagan.


Basang basa na ako ng ulan kakahintay ng sagot niya pero wala pa rin. Paniguradong naka-silent mode uli ang kanyang phone.


Isa na lamang sa contacts ko ang natitirang pwede kong tawagan. I scrolled down to see the name I saved him under.


kuya ni adi


It would have to take pigs to learn how to fly before he would answer. Alam kong hindi niya sasagutin ang tawag ko dahil iispin niya lamang na panggulo ako.


But it wouldn't hurt to try, would it?


I pressed the dial button, not expecting him to answer. How weird it was that I would rather not have him answer than pick up the phone. Maybe because I didn't want to owe him anything. Besides, if we're talking about being in debted, it would be him. Hindi pa rin ako nakakatanggap ng 'sorry' mula sa kanya.


Not-so-fortunately, he picked up.


"What do you want, kid?" he asked, irritation clear in his voice.


Huminga ako nang malalim. I sucked all the pride I have to ask him the favor.


"Uhm...Kuya, are you busy?"


"Why does it matter to you if I'm busy or not?"


I tried my best not to roll my eyes at his remark. He was making it harder for me to ask if he was being a jerk!


"It matters to me. A lot. I...I think I'm stranded."


"And you want me to care because?"


"Because I'm your sister's friend. And I hope your conscience will eat you at night, knowing you refused to help her friend who's stranded in the evening. Alone. And soaked in the rain."


I knew I was guilt-tripping him but that was the only resort I got. I knew how he had a soft spot for his sister.


I'm sorry, Adi. I feel like I used you.


A pause followed after my response. It seemed like he was thinking about whether to help me or not. Though, I guessed my guilt trip was a success when I heard him say, "Fine. Where are you?"


I described my surroundings in detail for him to easily find where I was. As soon as he got my location, he instantly ended the call.


Thinking that my phone would only be wet if I put it inside the pocket of my skirt, I decided to bring my bag closer to my chest and dropped my phone inside.


I was getting cold, shivers were running down my spine. Hindi ko mapigilang tumigil sa panginginig dahil sa lamig. Hindi ko naman mayakap ang aking sarili dahil hawak-hawak ko pa rin ang aking bag sa itaas ng aking ulo. 


Mga ilang minuto rin akong naghintay sa kanya. Hindi ko na rin namalayang ala-syete na pala ng gabi no'ng sinubukan kong tingnan ang waterproof kong relo. I had been standing under the rain for an hour now, waiting for help. Not until I saw a familiar black Mercedes car parked near me.


Hinintay ko munang may lumabas ng kotse para matiyak kung sa kanya nga iyon. Hindi ko rin naman saulo ang plate number ng kanyang kotse para pumasok na lang nang biglaan. 


Bumukas ang pinto ng driver seat at lumabas na si asungot. Lumingon siya kaliwa't kanan para hanapin kung nasaan ako. Para hindi na siya mahirapan, tinawag ko ang kanyang atensyon. 


"Kuya!" pagsigaw ko habang naglakad palapit sa kanya. 


Nang mahanap na niya ako, umikot siya sa likod ng kanyang kotse. "You stay there," he ordered as I was near him. Gusto niya ba akong mabasa pa sa ulan? 


Binuksan niya ang likod ng sasakyan at simulang naghalungkat. Matapos siyang maghanap ay tinapon niya ang twalya sa 'kin. 


"Use that to dry yourself before getting in my car."


Hello? Mas lalo akong mababasa kung hindi pa ako papapasukin! Wala ring use ang pagtuyo ko gamit ng twalyang ito-


Napatigil ang aking mga reklamo sa 'king isip nang maglabas siya ng payong at binuksan ito para may masilungan kami. It felt like time froze at that moment. I couldn't help but to stare at him.


He stood there, holding the umbrella as his face was turned away from me. Just as questions rapidly formed in my head, so was my heartbeat. Kaunti na lang ay mararamdaman ko na itong lumabas sa 'king dibdib.


Napansin niyang hindi ako gumagalaw kaya'y napatingin siya sa 'king direksyon. Kumunot ang kanyang noo at nagtanong, "Are you just going to stare at me?" Nang sabihin niya 'yon ay nabalik ako sa reyalidad. "I don't have all the time, kid. If you won't dry yourself off, iiwan kita rito," dagdag niya.


I rolled my eyes at him. I was irritated by his remark, but at the same time relieved as the Kuya I knew was back. Hindi ako sanay na tinutulungan niya ako, kahit alam kong si Adi ang dahilan kung bakit niya ginagawa ito. 


Pumasok na kami sa loob ng kanyang kotse matapos kong mabawasan ang basa sa aking damit at katawan. Binigyan niya rin ako ng isa pang twalya para ipalibot sa 'king katawan habang nakaupo ako sa rear seat. Nakakahiya naman kung sa tabi niya pa ako uupo. 


Masyado yata akong naging sensitibo sa lamig dahil kahit may takip na ang aking katawan ay giniginaw pa rin ako. Hindi ko pa rin mapigilan ang panginginig ng aking katawan, pati na rin ang aking baba. Sinusubukan ko tong ihinto dahil ayaw kong mapansin niyang nilalamig ako at baka mas lalo lang siyang mairita sa 'kin. 


I saw his eyes take a glance at the rear-view mirror in front of him. I wasn't sure if he was checking whether there were cars at the back or if he was checking up on me. I refused to believe it was the latter not until he lowered the temperature of the air conditioning of the car. 


Stop acting so nice, Kuya. I'm supposed to hate you.


Lumakas pa lalo ang ulan sa puntong hindi na namin makita ang daan. I heard him mutter a curse under his breath. Mga ilang minuto ang lumipas at napagdesisyunan niyang ihatid muna ako sa kanilang bahay dahil malapit na rin kami roon. Sinabihan niya rin ako na i-contact ang aking ate na nasa kanila ako para hindi sila mag-alala. 


Bumaba na kami ng sasakyan nang makarating kami. Mabuti na lang na hindi niya ako pinagbuksan pa ng pinto dahil baka sasabog na ang aking puso sa mga kabutihang ginawa niya ngayon. Nilagay ko sa 'king ulo ang twalyang nakapalibot sa 'king katawan kanina para gawing bubong sa ulan. 


Sa una, nahihiya akong pumasok sa kanilang bahay dahil pakiramdam kong nanghihimasok ako. Kahit na ilang beses na rin akong nakapunta sa kanilang bahay, hindi mawala sa 'king isipan na baka isang abala ako sa kanila. 


Nang makapasok kami ay binuksan ni Kuya ang ilaw sa kanilang sala. Pansin kong walang tao rito kaya inakala kong na sa loob ng kwarto si Adi. Hindi niya rin narinig ang pagbukas ng pinto ng kanilang bahay kasi hindi siya lumabas mula roon. 


Nanatili akong nakatayo malapit sa pintuan ng sala, hawak-hawak ang twalyang nakapalibot na sa aking katawan. Nagmukha akong nawawalang aso dahil hindi ko alam ang sunod kong gagawin.


Dumeretso si Kuya sa kwarto ni Adi. Sa tingin ko'y ginawa niya 'yon para gisingin siya at ipaalam na narito ako. Mabilis siyang lumabas ng kwarto, kasunod si Adi na halatang bagong gising. Ngunit nagising yata ang kanyang diwa nang makita ako.


"Hala! Sabi ko sayo balikan ka na namin, e!" she scolded me, but it didn't feel like the ones Mother used to give me. It was full of concern and not because of disappointment. How ironic it was that it felt nice to receive a scolding.


"Sorry..." maliit kong sabi.


Umiling si Adi at sinabing hindi ko kailangang mag-sorry. Hinila niya ang aking kamay papunta sa kanyang kwarto ngunit binawi ko ito. 


"Mababasa ko ang floor ninyo. Dito na lang ako," nag-aalala kong pagsabi. Knowing I would only be stubborn and refuse to enter her room, she let me be. Pumasok siya sa kanyang kwarto, mukhang naghahanap. Bumalik siya sa sala na may dalang damit at inabot ito sa 'kin.


"Ito muna suotin mo habang pinapatuyo namin 'yong uniform mo sa dryer. Maligo ka na rin baka magkasakit ka pa!" 


Bago ko sinunod ang utos ni Adi ay tinawagan ko muna ang aking Ate para ipaalam na ligtas ako. May signal na rin kasi sa loob ng kanilang bahay. As expected, pinagalitan ako. I could hear her worry on the other side of the phone. Sinabi niya na rin na siya na ang magsusundo sa 'kin dito.


Dumeretso na ako sa kanilang banyo matapos kaming mag-usap ni Ate. Hindi na ako nagtagal sa loob dahil ang lamig din ng tubig. Ang sabi ni Adi ay may heater sila ngunit nahihiya akong itanong kung paano ito buksan. 


Sa loob ako ng banyo nagpalit ng damit gamit ng pinahiram sa 'kin ni Adi. Lumabas na rin ako pagtapos. Sa aking paglabas ay nadatnan kong nakaupo ang kuya ni Adi sa kanilang sofa nang nakayuko at nakakrus ang mga braso. May twalyang nakalagay sa kanyang mga hita. He seemed sleepy as he had his eyes closed. 


Nang marinig niya ang aking paglakad palapit sa kanya ay binuksan na niya ang kanyang mga mata at tiningnan ako. 


"Sit," he ordered. Seryoso ang pagkasabi niya no'n kaya sinunod ko agad. Umupo ako sa sofa armchair na katabi ng kanyang inuupan. 


"Drink," utos niya uli nang ituro niya ang baso ng gatas na nakalagay sa lamesang nasa harap namin. Kinuha ko ang baso at natantong maligamgam ito, tamang tama sa panahon ngayon. Ang lamig kasi. 


Habang ako'y umiinom ay napansin kong wala si Adi sa labas. Hindi ko alam kung lumabas ba siya ng bahay o pumasok sa loob ng kanyang kwarto. Kung ang pangalawa ang kanyang ginawa, bakit niya ako hahayaang mag-isa kasama ang kuya niya? Ang awkward tuloy! 


"Adi and I had a talk," bigla niyang sambit ng hindi nakatingin sa 'kin. Napatigil ako sa pag-inom. Binaba ko ang basong hawak ko sa lamesa para makinig sa kanyang sasabihin. 


Nakahalukip pa rin ang kanyang mga braso nang bumaling siya sa kanyang kaliwa para tingnan ako. "I like to think that my judgements are always right dahil lagi namang ganoon buong buhay ko. I don't like it when people tell me I'm wrong. Sooner or later, I'll be the one who will tell them that when I have proven I'm right."


I snorted when I heard what he said. "Halata nga po," I mumbled. As I saw his eyes twitch and narrow, I apologized. "Sorry. Continue."


Umirap siya ngunit nagpatuloy rin agad. "As I was saying, I used to think like that until Adi gave me a handful of sermons saying you're different. I tried to look for a way to prove to her she was wrong but...I couldn't find any," he finally admitted.


Napaayos ako ng upo nang matanto ko kung saan papunta ang usapan namin.


He paused as if trying to find the right words to say. After what seemed like an eternity, he spoke. 


"I'm sorry."


Napahinga ako nang malalim nang marinig ko ang kanyang sorry. Hindi ko inasahang hihingi siya ng tawad dahil mukhang mataas ang kanyang pride. I figured it was his first time apologizing to someone.


"Sorry for what exactly?" giit kong tinanong. 


"You know what."


I shrugged my shoulders and mirrored the way his arms were positioned. "Oh, I don't know, Kuya. Bakit ka nga ba nags-sorry?"


Tiningnan niya lamang ako at bumuntong-hininga. "I'm sorry for saying you're spoiled. I'm sorry for hurting your feelings. And I'm sorry for judging you early on...You were right."


A smile formed on my lips as I received his apology. "See? It wasn't so hard, isn't it?" pangungulit ko. 


As he stood up and threw the towel that was on his lap onto my head, I shortly saw his ears tainted in red. "Shut up, kid. Dry your hair. Kanina pa tumutulo." It was only then I realized that he meant to give me the towel Adi forgot to give me earlier. 


Nagsimula siyang maglakad patungo sa kabilang kwarto habang ako'y nanatiling nakaupong may twalya sa 'king ulo. I wasn't sure what I was feeling at that moment. I would admit that I was glad he finally had the courage to apologize, but it seemed like there was something more to it than that. Something more that I couldn't decipher.


Was it the rekindling spark inside me after our talk? The realization that even in his rude demeanor lies something else that only I had seen and caused? Or the realization that even before he apologized, I had already forgiven him?


Hindi ko na alam kung ano ang nararamdaman ko ngunit panigurado akong may nagbabalik. 


Nang tanggalin ko ang twalyang nakapatong sa 'king ulo ay nakarinig ako ng pagbukas ng pinto. Akala ko'y kay Adi 'yon ngunit paglingon ko sa aking likod ay nakita kong lumabas si Kuya mula sa kanyang kwarto.


"I have to remind you, just because I apologized, doesn't mean we're friends, kid." 


Hindi na sana siya lumabas kung iyon lang ang sasabihin niya sa 'kin. Of course. Apologizing wouldn't mean a change in our relationship. It was simply moving past that quarrel.  


Isang tiyaw ang lumabas sa 'king bibig nang inirapan ko siya. "And you think I consider us friends? No thanks."


It felt like tasting poison as I replied because deep inside, I knew there was an underlying lie in it. Only a fool would answer that to a person she likes.


And I am that fool.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro