022
Messenger
--------
Mom
June 17, 2019 AT 11:30 PM
Ma? Are you still awake?
--------
11:40 PM
halooo,,bkit nak..
Can I call po? I have
something to tell you
po kasi.
ah...sgi nak..
--------
Notification
--------
Calling...
Mom
Decline Accept
--------
"Hello? Nak, napano ka?"
"Ma..."
"Bakit anak? May
nangyari ba? May
masakit ba sayo?"
"Wala naman po, ma.
Kaso may problema
lang po ako."
"Matagal ko na rin
pong iniisip."
"Kailangan ko po ng
permission niyo."
"Oh, ano naman 'yon?
Sige lang, sabihin mo
lang."
"..."
"I want to stop po, Ma."
"Ha? Anong stop,
anak? Saan?"
"I don't want to become
an engineer, Ma. I'm sorry po.
I can't keep my promise."
"Kaya ko naman po ang Civil Engineering kaso hindi ko
po makita ang sarili ko
sa career path na 'yon."
"Hala ba't ngayon mo lang
nasabi kung kailan tapos
na ang 1st year mo, nak.
Mahihirapan ka
mag-shift niyan."
"Hindi po kayo galit?"
"Bakit naman ako
magagalit? Eh,
nahihirapan ang anak
ko dahil sa sinabi namin."
"Sorry nak kung
napa-promise ka ng
daddy mo na mag CE ka..."
"Don't say sorry po, ma.
CE is nice naman po
but it's not for me po."
"Oh anong kurso
naman kukunin mo?"
"Psychology po ma...
Dati ko na rin po siyang
pinag-iisipang kunin."
"Gusto mo maging doktor nak?"
"Yes po...Alam ko pong
mahal maging doktor, Ma.
Marami naman po akong
ipon. Ako na po bahala
sa mga bayarin."
"Ano ba yang pinagsasabi
mo, oo. Para ka namang
walang magulang na
magbabayad niyan."
"Kami ng bahala ng daddy
mo sa mga kailangan mo ha?
Subukan mo lang na
ikaw magbayad naku!
Mababatukan kita sige ka."
"Nakakahiya po..."
"Para namang hindi
kita anak, Van. Magulang
mo kami. Hayaan mo
kami ang mamahala
sa ganyan."
"You're only 19! Pag-aaral
mo dapat ang inuuna mo!"
"..."
"Thank you po, Ma.
Akala ko po hindi niyo
po ako papayagan
mag-shift."
"Ay naku! Walang
problema samin basta
masaya kayo sa
ginagawa niyo."
"Ano? Okay lang ba sa
iyo na umulit ka ng
first year?"
"Ang layo pa naman
ng civil engineering
sa psychology. Hindi ka
magiging irreg niyan."
"Opo, ma. Hindi naman
po problema na mahuhuli
ako ng isang taon."
"Oo, tama yan. Hindi
racing ang kolehiyo
anak, tandaan mo yan ha."
"Sa'n mo pala balak
mag-aral, nak? Diyan
pa rin ba sa UP Diliman?"
"Opo, ma. May BS Psych
naman po sila dito.
Titingnan ko na lang
po kung matanggap po ako."
"Tsaka po, may kaibigan
din po akong na BS Psych
po. Siya na lang po ang
tatanungan ko."
"Ay si Gab ba 'yan anak?"
"Yes po ma."
"Ah okay, sige.
Magkaibigan pa pala
kayo nun. Parang noon
lang ang kulit kulit ng
batang 'yan!"
"Hahaha, makulit pa rin
po hanggang ngayon, ma."
"Ay naku! Malapit na
kayo magbente, 'wag
na kamo siya magloloko ha!"
"Dati pa po 'yun, ma.
Dean's Lister na nga po
siya ngayon e."
"Wow, mabuti naman!
Pagbutihin niya pag-aaral
niya yan. Panigurado
proud ang papa niyan
sa langit."
"For sure po, Ma. Ang
laki rin po ng binago niya."
"Ay, ma, may ginagawa po
pala sa Dad? Para masabihan
ko rin po siya tungkol sa
pag-shift ko po."
"'Wag na nak. Andito siya
ngayon sa tabi ko.
Nakaloud speaker ka.
Rinig ka niya."
"Payag naman din
siya nak. 'Wag kang
mag-alala."
"Oh, okay po."
"Maraming salamat
po talaga."
"Walang anuman, nak.
Ano ka ba? Natural lang na suportahan ka namin no!"
"O siya sige na. Anong
oras na oh? Matulog ka
na ha?"
"Opo ma. Thank you po ulit."
"Mahal ko kayo nak.
Mag-iingat kayo lagi ni
Ading diyan ha."
"Yes po. Kayo rin po ma, ha?
'Wag po masyadong
magpapapagod."
"Ako dapat ang
magsabi niyan sayo
nako."
"O sige na! Ibababa
ko na to, ha?"
"Sige po. I love you po."
"Love you too nak!"
Call ended.
--------
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro