Chapter 6
Gabi na at wala pa din si yaying. Wala din ang mga magulang ko, well ano pa nga ba ang inaasahan ko kila mommy at daddy. Once in a blue moon lang yata kami mag sabay sabay sa hapag kainan.
Napag disisyonan ko na lumabas na ng aking kwarto para mag luto na lang ng kung anong pweding lutuin dahil kanina pang wala si yaying dito. Di ko alam pero parang kinakabahan ako dahil kanina pang hapon wala si yaying. Sabi naman ni manong driver kanina eh hindi na nya nakita si yaying noong sinundo nya ako sa school ko.
Nandito na ako sa kusina at tiningnan ko yung ref namin dahil nag hahanap ako ng pedeng lutuin at madali lang kasi wala naman akong alam sa pag luluto na ito. Pag bukas ko ay nakita kong may itlog at hotdog, ayos na siguro ito kesa naman gutumin ko sarili ko kaka isip sa mga nang-yayari sa akin at sa paligid.
Nag simula na akong mag luto at inuna ko muna yung hotdog, well madali naman pala kaya madali akong natapos. Next is the egg omaygosh aanhin ko to? Boiled egg ? Nahh priprituhin ko nalang nyemas naman oh saan ba Kasi si yaying Sana Naman safe sya. Nag pa init uli ako nang mantika at linagay na Ang itlog. "Tanguna ang sakit" tumalsik kasi ang mantika kaya napa mura ako ng malutong hayup na matika to oh nag hahamon pa ng away. Naka rinig ako ng mahinang tawa, kaya liningon ko kung saan nanggaling 'yun.
Si Ken lang pala I mean kuya Ken, magalang ako kasi nakaka bastos naman siguro pag hindi ako gumalang. Di padin sya natatapos sa mahinang pag tawa nya sa akin. He's enjoying my poor state.
"Can you please stop smiling like an idiot there?" Asik ko sa kanya. Kaya tumigil na sya sa pag tawa nya.
"Sorry, I can't stop laughing at your state. Seriously, Cloe? Minumura mo yung mantika?" Ani nya sa akin.
"Paki mo ba ha kuya Ken, eh sa hindi ako marunong mag luto eh. Kasi naman hindi ako pinapa tulong ni yaying pag nag luluto sya kaya heto Wwala akong alam dito."
"Asan ba si Yaying mo?" Napa tahimik ako ng ilang segundo bago sumagot.
"H-hindi ko alam kuya, kasi noong umuwi ako dito wala sya. Kanina ko pa hinahanap pero wala padin. Tinanong ko din yung driver namin, pero wala din syang alam. Hanggang gumabi na wala pa din sya, nagutom na ako kaya napag isipan ko na bumaba na sa kwarto ko at mag luto nalang ng madaling lutuin." Lintaya ko sa kanya.
"Baka naman may pinuntahan lang Cloe kaya di pa umu-uwi." Pag a-ano nya sa akin.
"Baka nga kuya, pero di kasi ganito si yaying eh. Pag umaalis yun nag sasabi sya sa akin or sa driver kung saan sya pupunta at uuwi din yun kaagad kasi pag hahandaan nya pa ako ng pag kain ko."
Naka amoy ako na tila nasusunog. "Omaygosh yung niluluto ko kuya nasusunog na!!!!" Tanguna Naman oh gutom na ako tas ganto pa😭 saksakin nyo nalang ako pero chour lang.
"Shit, shit, patayin mo Yung stove Cloe." Nag kukumahog nya ding sabi.
"May hotdog ka pa naman kaya pede na Yan. Di ka naman siguro matakaw kumain diba?" Tanong nga sa akin. Kaya napa kunot ako ng nuo at nag pout sa kanya.
"Sa katawan kong ito kuya Ken na buto't balat sa tingin mo malakas akong kumain?" Pamimilosopo ko sa kanyang sagot.
"Huy joke lang ano ka ba."
"Sige na kuya Ken kakain na ako muna."
"Sige babalik ako maya-maya pag katapos mong kumain. May pupuntahan lang muna ako. Eat well kapatid." At doon nag laho na sya, nag teleport ba sya? Paano yun? At ano daw kapatid? Really? I like the idea about calling me kapatid. Dati wish ko talaga na may kuya or ate ako para may karamay ako sa lahat ng bagay. Seeing a Ghost,soul or something like him is not a bad idea.
Ng matapos na akong kumain ay nag hugas na din ako ng aking pinag kainan, ng ilalagay ko na sana ang huling pinggan ay bigla ko nalang natabig ang baso sa may kanan ko kaya nabasag ito at lumikha ng nabasag na ingay. Bigla akong kinabahan kasi sabi nila if may nabasag daw na baso may mamamatay daw or may mang yayaring hindi maganda.
Pumunta ako sa aking kwarto dahil hindi padin nakaka balik si kuya Ken. Ang sabi nya sa akin ay may pupuntahan lang daw sya. Kaya nag online nalang ako upang I chat si Jerome. Ng I search ko ang kanyang account ay friend na pala kami kaya di ko na kaylangan na mag friend request pa sa kanya.
Nag chat na ako sa kanya.
Jerome pede ba tayong mag Kita bukas ng umaga sa Soltea shop?
Na seen na nya at nakita kong may tatlong umaalon alon Kaya alam Kong nag tytype na sya ng isasagot nya sakin.
"Sige may sasabihin din ako sa iyong importante at may ipapakilala na din sa iyo. Pwede syang maka tulong sa atin. May alam sya about sa kwintas na ito at kung bakit may dalawang kwintas gayong Isa lang dapat. Kaya mag Kita Tayo doon, mga alas 9:00am nalang siguro total Wala naman tayong pasok." Reply nya sa akin. Ang haba ah pero okay na din.
Sige Jerome may ipapa kilala din pala ako sayo. Kaya kita kits nalang bukas. Btw Sino ba Yan, kilala ko ba?
Hmm Sino kaya ang ipapakilala nya sa akin. Sineen nya lang kasi ako eh. Kaya mag hihintay nalang ako na mag Umaga para makilala ko kung Sino Ang ipapa kilala nya sa akin. Hayst Wala pa si yaying. Wala akong balita kung nasaan sya kasi Wala naman Ang mga parents ko. Hindi sila umuwi.
Paano ko nalaman na di sila umuwi? Simple lang di ako natulog para bantayan Ang pag dating nila. Pero Sayang lang kasi wala sila at hindi talaga sila umuwi para naman matanong ko kung nasaan si yaying. Matutulog nalang ako para mabawi ko Ang kulang na tulog. At dinalaw na ako ng antok....
: Heyowww wasup I changed the title instead of that soul become my savior eh naging Stray spirit na sya guys. And thank you sa cover yohoo ginawa Yan ng boybest ko ackk thank you so much🥺 supportado talaga nya ako sa lahat ng bagay na gagawin ko. Thank you so much Yan🥺💖 wabyo Yan😚
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro