Cloe's POV
"Mommy! Daddy! Yayingggg!!!! Helppppppp, there's a cockroach in my closet
Plss remove it Yayinggg!!"
Nag susumigaw ako sa kanila sapagkat ako'y takot sa ipis
May naririnig akong yabag pa akyat sa kwarto ko
"Oh Cloe anong sinisigaw mo dyang Bata ka?" Sabi ng Yaying ko
"Yaying kasi po may ipis sa damitan ko eh." Sabay pout ( basta Yung nag papa cute sige imagine nyo nalang HAHAHAHAH)
"Hay nakong Bata ka talaga oh akala ko Kong ano ng tinatawag mo." Sabi ni Yaying Sabay kamot ng ulo nya.
Maya maya'y pumunta dun si Yaying sa damitan ko at nakarinig ako ng ibang tunog.
Biglang may kung anong bagay na kumalabog tila nabasag na isang vase, pero sa aking isipan at aking ipinagtataka ay wala namang vase sa aking closet na kung saan ay naroon si Yaying na pinapatay ang ipis na aking nakita doon kanina.
Ng lumabas si Yaying sa aking closet ay nakahinga ako ng maluwag ng sabihin nyang...
" Oh ayan Cloe Wala ng ipis sa damitan mo"
Ipinag sa walang bahala ko nalang ang aking narinig kanina baka guni guni ko lang iyon.
"Oh sya nga pala Cloe Wala pala dito Yung mga magulang kasi umalis sila ng maaga papunta sa company nyo Kaya Tayo nalang ditong tatlo ng driver. Bumaba kana pag tapos mong mag hilamos at mag bihis at kumain kana total kakatapos ko lant namn na mag luto." Sabi ni yaying
"Sige po Yaying salamat po labyo Yaying."
Sabi ko naman Kay yayIng
"Hay Wala na Naman Sina daddy at mommy dito sa bahay. Ako nanaman at sila Yaying ang kasama ko."
Saktong pag ka labas ni yaying sa aking kwarto ay biglang umihip ang malakas na hangin at nakita kong naka bukas ang aking bintana, naalala kong nakasara ito kanina, nag kibit balikat nalang ako na baka si Yaying ang nag bukas non.
Pumunta na ako ng Cr para mag hilamos at mag toothbrush... Ng matapos ako ay pumunta muna ako sa aking closet upang mag bihis ng damit ...
Ang closet ko nga pala ay may kalakihan ito at puno ng mga clothes, jewelries, shoes, sandals and etc.
Pagkapasok ko sa aking closet ay tila naagaw ang aking attention sa naka bukas na lalagyan ng aking mga jewelries. Ng puntahan ko ito'y may napansin akong umi-ilaw na isang kwintas na ginto at mayroong pendant na bilog na kulay asul at Yung pendant nayun Ang umi-ilaw may naka lagay na letrang "S" sa pendant... Sa isip isip ko ay sino kaya ang may ari ng kwentas na ito...
Tinago ko muna ito sa aking bulsa at tinungo na ang aking lalagyan ng damit upang ako'y makapag bihis na...
Pag ka baba ko ay nakita ko si Yaying na papunta na sa kwarto nina mommy at daddy para siguro simulan na ang paglilinis nito...
Pag punta ko sa kusina ay nadatnan kong may nakatakip siguro ay ito yung hinanda ni yaying sa akin. Binuksan ko ito at biglang nag ningning ang aking mata sa nakita
Pancake na may chocolate syrup, hmm alam na talaga ni yaying ang aking paboritong almusal... Kaya kaagad ko itong nilantakan...hmm ang sarap talaga ng pancake...yum yum yummy...
Pag ka tapos ng ilang minuto ay natapos na din akong kumain kaya dinala ko na sa hugasan ang aking pinagkainan... Bahala na si Yaying mag hugas doon...
"Hep, hep, hep, alam ko ang naiisip nyo. I'm not spoiled brat guys, okay? My both parents are rich but they always teach me a good manner unlike sa ibang mayayaman na Bata na spoiled brat like sa school ko(matamaan pangit) I'm not sociable sa school, Hindi din ako maingay tahimik lang ako ibang iba ang personality dito sa bahay at school...
Dumiretso ako sa aking kwarto at napag disisyonan ko nalang na mag Wattpad muna total Sabado naman ngayon at wala sila mommy dito sa bahay hihihi. Kasalanan ko bang addicted ako sa Wattpad? Hmm? Nakakailang pahina palang ako ng bigla akong dalawin ng antok at naka tulog...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro