036
"Uy, Tris!"
Mabilis kong tinapon sa gilid 'yung yosi at binuga ang usok na natitira sa loob ng bibig ko nang makita si April na lumabas na ng bahay nila. Pinigilan ko siya nang subukan n'ya akong yakapin, amoy yosi pa ako kaya ayaw ko.
"Kunin ko lang alcohol ko sa kotse." Sabi ko.
Tumawa siya bago tumango. Ganoon ang ginagawa ko kada magkikita kami. Ayaw ko muna siyang pinapalapit sa akin kapag katatapos ko magyosi. Kinuha ko lang saglit 'yung alcohol ko at nilagyan ang kamay bago ko naman kinuha 'yung pabango.
"Ayan, okay na. Yakap mo na ako, bebe!" Sabi ko nang matapos.
Umirap siya pero niyakap din naman ako. I laughed and kissed her cheeks.
"Okay ka lang ba? I saw your tweet." She said.
Hindi ko siya sinagot. Pinapasok ko na lang siya sa kotse at ganoon din ako. Tahimik akong nag-drive papunta sa café. Ito 'yung ayaw ko, e, tinatanong ako kung okay lang ako.
"Tris." Tumigil ako sa pagtanggal ng seatbelt nang tawagin n'ya ako.
Tumingin ako sa kan'ya at nakita siyang nakatingin sa akin, may pag-aalala sa mata.
"Hmm?"
"Are you okay?" She asked.
I chuckled nonchalantly. "Want an honest answer?" I sighed and smiled sadly. "I am not."
She pouted. "Why?" She asked.
Umiling ako saka siya pinasunod na sa caféteria. Sinalubong naman ako ni Miss Yvanilla at ni Acell, ilang hours ba 'to mag-du-duty?
"Nandito bebe mo kani—"
"Shut up." Putol ko sa sasabihin ni Acell.
"Ay, taray. May dalaw ka?" Pagbibiro n'ya.
Sinamaan ko siya ng tingin na ikinatawa n'ya lang. Siya ang nagpapunta sa 'kin kanina rito kasi nandito raw si Sia, e 'di ako naman na gusto siyang makita pagkatapos ng klase pumunta. 'Tapos, makikita ko lang siya na may kasamang iba. Ouch naman, Lord!
"Suki n'yo yata rito si Sia, e?" Tanong ni April.
Tumango ako. "Halos araw-araw, magmula nag-open kami." Sagot ko.
"May problema ka?" Tanong n'ya agad.
"Wala. Nalungkot lang ako," sagot ko. "Nakita ko siya may kasamang iba, ewan ba't ako nalungkot."
Tumawa siya. "Si Sia? Bobo, kaibigan n'ya 'yon!" Hinampas n'ya 'yung braso ko. "Saka, nalulungkot ka kasi nagseselos ka, ugok."
Nagsalubong ang kilay ko at umiling. "Hindi, 'no! Bobo, ba't ako magseselos, crush ko ba? Hindi!"
Ulol, Tristan. Crush mo nga, e.
"Sus, kakainin mo rin 'yang sinasabi mo."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro