033
Katatapos lang ng ilang subject ko kaya late na ako nag-break time. Marami kaming dinuscuss na importante dahil malapit na mid terms namin. Habang lumilipas ang araw, pahirap nang pahirap ang mga lessons namin. Pero, keri lang. At least malapit na akong matapos. 2 more years, and I'm done with it.
"Hi, Miss library! Wala ho si Tristan ngayon, kaya ako na lang kukuha ng order mo." Acell said when I already got a seat for myself.
I placed my bag on the empty chair that's on my table, and my books on top of the table.
"My usual order po." I said.
Tumango siya at umalis na. I sighed and rested my head on my arms that is stretched on the table. Ah, my head hurts.
"Hi, Miss. I am Yvanilla, the owner." Umayos ako ng upo nang sumulpot sa harap ko ang may-ari ng coffee shop.
"Oh, hello po. I am Sia." Pakilala ko rin at nakipag-shake hands.
Umupo siya sa tapat ko na ikinabigla ko. "I just want to say thank you, because you're always here." She said sincerely. "May I know the reason, if you don't mind."
I chuckled and rested my back on the chair. "Well, your coffee shop makes me comfortable. It gives me peace whenever I'm here, and all your foods here are good. Masarap siya. Hoping for your coffee shop to be famous." I answered.
She smiled at me sweetly. "Thank you, Miss L. I appreciate what you've said." She said.
Nagkuwentuhan pa kami bago siya bumalik sa may counter. Kinausap pa siya ni Acell at sabay silang sumulyap sa 'kin.
Weird.
Bumalik ako sa pag-aaral hanggang sa dumilim na. Inayos ko ang mga gamit ko saka ako pumunta sa counter para magbayad. Acell is smiling at me, as if he's not tired.
"Thank you, Miss. Come back again."
"Sana all may comeback," I uttered.
He chuckled and shooked his head. Babaryahan pa sana n'ya ako nang pigilan ko siya. Nagpaalam na ako sa kan'ya at nag-abang ng taxi sa tapat ng coffee shop.
"Hi, Miss! Wanna ride?"
I stopped typing on my phone when I heard a familiar voice.
"Koen?!" Gulat na tanong ko.
He smirked. "The one and only." He said.
Tumawa ako at pumasok na sa kotse n'ya. I hugged him tightly and kissed him on the cheeks.
"Na-miss kita!" Sabi ko.
"Missed you, too!"
Umalis na kami roon sa tapat ng coffee shop, hindi pa lang kami nakakalayo ay nakita ko si Tristan, nakangiti nang malungkot habang nakatingin sa kalawakan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro