Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6

╰┈➤ ❝ [huwag nang tanggihan pa]

Third Person POV











#F5RanHaitaniIsMissing!


Kumakalat sa internet ang hashtag at balita na nawawala raw si Ran, at agad naman nag panic ang mga fans ng F5 at ni Ran sa mga social media platforms.


At siyempre... ang may pakana na nagkalat nito ay sina Rindou at Sanzu.


"Nawawala si kuya! RAWRARWAR!" Sigaw ni Rindou at Sanzu habang nasa LIVE in Instagram, nag broadcast pa talaga sa buong mundo na nawawala si Ran.


"Donation po tumatanggap ko kami ng donat—" Diskarte ni Sanzu, pero binatukan naman ito ni Rindou.


"Tangina ma-pera talaga eh. Sino ka, si Pepito My Friend?" Reply ni Rindou, "Si Sanzu bilang Tommy, tapos si Koko ay si Pepito."


"Kanina guys, sa sobrang panic ni Rindou nung hindi niya nahanap si Ran, umikot ikot siya sa bahay nila para hanapin. Sumisigaw pa siya ng 'SI KUYAAA GAGO NAWAWALA!' Tapos ang bobo, hinanap sa buong bahay, sa kusina, sa kisame, puta pati sa inidoro?! Ba't naman magtatago si Ran doon?"




99+ people commented in the LIVE





F5fanpage1: ANO PO NANGYARI KAY RAN




"Nawawala po, tumatanggap po kami ng donasyon upang maresolba ang pagkawala ng aming kaibigan—" Dagdag ni Sanzu, galawang scammer.


"Um, sorry for the unnecessary information from my friends, but I'll just explain it thoroughly." Kakucho cleared his throat.


Dahil din sa pagkawala raw ni Ran, nagsama ang F5 sa bahay ng Haitanis para pagusapan ito.


"Luh, anong unnecessary? Importante kaya yun, diba Rindou hehe." Bulong ni Sanzu habang nagtatawanan naman sina Rindou at Sanzu sa likod ni Kakucho na matinong nag e-explain sa LIVE.


Si Koko naman ay seryoso rin sa likod, tumatawag ng investigators at trackers from his father's company para sa pagkawala ni Ran.




gagoewan183_: halaa stay safe ran :(


lexingtoni<3: noo bb ran 🥺♥️


Tubolt_1: condolence po

oten69 replied: gago hindi siya patay


tatieee;)): omg what?!?! Nawawala ang isang member ng f5? Wtf nooo ran pls stay safe


anonymousF5fan0: praying for ran 🙏❣️


shiba_hakkabitch: HALA BEH SI RAN HALA ANONG NANGYARI OMGSISHSHDUOHB HINDI TO PWEDE.


Makoto8==D: Inamo hakkai ulol manahimik ka


shiba_hakkabitch: o bakit ka nandito sa live ng f5? iniistalk mo ako noh 🙄


shiba_hakkabitch: AND EWW ANG BASTOS NG USER MO


Makoto8==D: Lakampake


Itz_yamagussyyy: pati ba naman dito naglalandian kayo #MakoKai #Kokak #Palaka




"And yeah, after ng training namin. Ran just... disappeared? I dunno man, we already contacted the guards and stuff." Kakucho just continued explaining on LIVE.




yuuzshiba: hello, I heard na nawawala si ran, but I just want to tell na nawawala rin si y/n :) she's not answering in our gc then we received the news that ran is also missing, so we contacted her parents and coincidentally, it's the same situation with ran


AkaneIsHot: PAKKK ENGLISH 😜😜


YumiIsCute: whatttt omg stay safe to y/n and ran! <3


HakkaiIsSexy: ok nagpalit din ako ng username



*3 minutes later*



YuzuhaIsPretty: they forced me




Bumalik naman ang atensyon ng F5 sa comsec ng live after they made contacts and calls.


"We already called the admins," Sabi ni Koko nang siya ang bumungad sa camera. They checked the time and it's already 20:34.


"We will go to school at this hour to find Ran and (Y/N)... we won't end the LIVE."










Your head keeps on turning while laying on Ran's chest, and it's already late kaya't ramdam na ramdam mo ang pagkagutom mo, dagdagan mo pa na may sinat ka at sumali rin ang sakit ng ulo mo. You can only feel exhaustion and fatigue at this rate.


Hanggang ngayon, hindi parin kayo nakakalabas, at nakasandal lang kayo sa corner ng classroom habang magkayakapan dahil sa lamig and also since you have a fever.


The thunders continue to roar and resonate outside, it's loud that even your own hands aren't enough to completely suppress the thunder's horrid sound.


"Hmm..." Ran groggily opened his eyes as he slowly stirred awake from his deep sleep. Hindi siya nag dalawang isip at agad siyang tumingin sayo as he shifted your head on a more comfortable position on his chest.


Napansin niya na you're struggling to snuggle yourself to sleep and your hands are now even shaking from hardly covering your ears from the loud thunders, even the jackets and jersey na pinagpatong niya sayo are starting to slip off.


Ran used both of his hands to cover your ears from the loud thunderstorm.


"Go back to sleep," Bulong niya, "Ako na bahala."


Nang hindi alam nina Ran at (Y/N), may pumasok pala sa school at this hour... what they also don't know is that F5 is coming to find them.


"Hello, vlog! LIVE! Video! Ewan. So today, we will now enter our campus! And shyeeeet! Sobrang dilim guys, like you can barely walk through the hallways without a flashlight." Sabi ni Sanzu sa LIVE habang naglalakad ang F5 sa school kasama ang mga guards.


"Hello! Channel to my subscribe!" Kaway pa nito.


"Gago! HAHAHA!" Nag echo naman ang mga tawa nila sa hallway, at halos taasan sila ng balahibo dahil sa sobrang dilim at eerie ng feeling. You know, those types of school horror movies daw.


"Uy... Sanzu..." Bulong ni Rindou nang tinakot niya ito, "Sino yung nasa likod mo...?"


"Huh? AHHHH!" Napatalon naman si Sanzu at muntikan nang mabitawan ang phone, speaker, power bank, ring light, at iba pang gadgets para sa vlogs nila... at syempre, lahat ng ito ay kay—


"Watch out, if those will break. I swear, y'all will pay for it." Koko scolded.


"Ano ba! Nananakot eh, parang tanga. Tinatanggal mo angas ko sa mga viewers natin eh." Sanzu grunted, at bumalik ang atensyon sa LIVE nila.


"Anyway, paakyat na kami sa floor kung saan yung classroom namin, so uhh, maybe just a small school tour?" Sanzu told.


"So ito yung c.r. at basura, ewan ko kung bakit ko yan pinapakita pero sige."


"Tapos ito yung hagdan, siyempre bumaba ka diyan tapos umaakyat." Dagdag ni Rindou.


"O mindset ba mindset."


And there, they reached their destination, ang classroom ng Section B.


"Imagine bumungad sa atin multo."


Ang mga guards ang naunang buksan ang lock ng pinto.


The door slowly opened, showing the classroom, and nagulat ang lahat sa bumungad sakanila.


"Uy! Uy! Uy!"


Ran and (Y/N) sleeping on the floor while hugging each other, and Ran's hands are covering her ears from the thunder. Nakabalot din ang mga jerseys at jacket ni Ran sa katawan ni (Y/N).


"Diba... may sinabi si Ran sa atin na kahit kanino ay hindi niya ipapahiram mga jerseys niya?" Bulong nina Rindou.


Napaawang din ang mga bibig nina Koko at Kakucho, habang si Sanzu naman ay, "S-sigurado kayong si Ran at (Y/N) yan...?! BARKO NA BA?!"


Sa sobrang gulat ng F5 at guards, hindi nila napansin na nasa LIVE parin sila.


The comments started to flood. Tweets, newsfeed, stories, my day, messages, and more notification starts to pop up.



Comments:


Omg! Sino yung kayakap ni ran?!?!?


isn't that (Y/N) from section b?


WHAAAAT I cant believe this lol


Seryoso?!?!?! Omg idk what to feel about this.


ANONG GINAGAWA NILA BAKIT SILA MAGKASAMA




Trending Tweets:

#F5RanHaitanIsFound   #ButWithAGirl   #(L/N)(Y/N)FromSectionB   #RanAnd(Y/N)Dating?




Sa ingay, biglang nagising si Ran, at halos tumalon naman siya sa gulat nang nasilayan niya ang F5 sa labas ng classroom at ibang mga guards. May mga nakatutok din na flashlights sakanila at camera na akala mo nang iimbestiga.


"Huy! End mo muna yung LIVE." Bulong ng F5 nang nilapitan kayong dalawa ni Ran.


"Anong LIVE?" Ran yawned.


"You can leave na po, kami na po ang bahala sa kaibigan namin. Agad naman ho kaming lalabas." Mahinhin na sabi ni Kakucho sa mga guards, at umalis na rin ang mga 'to.


"L-LIVE? Wala." Nautal naman ang F5 nang tinago ang phone.


Ran only rolled his eyes at them, kung ano ano nanaman ang ginagawa nila, but hinayaan nalang niya ito.


"Ano pala, paano kayo napunta riyan ni (Y/N)? Nalock kayo?" Tanong ni Sanzu.


"Yeah, hindi ko rin alam kung bakit." Sagot ni Ran habang inaadjust pa ang mata since kakagising lang.


"Ehem ehem, uy kuya. Mukhang may ayaw ka yatang bitawan ah, ang higpit kasi ng yakap mo kay (Y/N) eh." Asar nina Rindou at ng F5.


"H-huh?!" Ran's eyes widened at narealize ito.


Pero ayaw gumalaw ni Ran, he can't do it because you're sleeping comfortably on his chest.


"Tch, wala," Nag ikot naman ng mata si Ran, "May sakit kasi, of course inalagaan ko. It's what a decent person would do."


"Sus," Sanzu scoffed, "Ulol!


"You're not that type of person, Ran. Huwag kami, kilalang kilala ka namin." Dagdag ni Koko.


"Ano na pala lagay ni (Y/N)? Mataas parin sinat hanggang ngayon?" Tanong ng isa sa F5 as they knelt on the floor to check your sleeping form and temperature on Ran's arms.


"Oo, kailangan niya ng gamot," Sabi ni Ran, "Wala akong dala."


"Ano gagawin natin kay (Y/N)? Neither of us has contacts with her parents. Plus, isn't it kind of weird? Tanginang yan, mga lalaki mag uuwi ng walang malay na babae. Baka kung ano pa isipin ng parents ni (Y/N), and some people might see us. Kumalat nanaman yung mga issues and fake news."


"I mean, there's nothing wrong with posting a statement to clear up the issues if there's no malicious thinking with her parents." Kakucho told.


"Luh, nag English. Eto nalang para madali, mag panggap ka nalang na babae Koko tapos ikaw mag uwi kay (Y/N)." Sabi ni Sanzu.


"Peutawnginah mow?" Mura ni Koko in Tagalog with that conyo accent.


"Ako nalang mag uuwi kay (Y/N)." Biglang sabi ni Ran, at napatingin ang mga kaibigan niya sakaniya.


"Edi saan siya matutulog? Ano, sa kwarto ko?! Akin lang yung kwarto ko noh!" Agad na angal ni Rindou na akala mo bata na pinagdadamot ang candy.


"Sa kwarto ko." Reply ni Ran.


Napaubo naman sina Sanzu habang umiinom ng tubig.


"Ano ba iniisip niyo, ha?" Ran's brows furrowed, "I'll sleep on the couch or on the floor."


"Rindou, tawagin mo rin si Aunt Mari and other servants. Sabihin mo mag dala siya ng mga gamot and ihanda yung kwarto," Utos ni Ran, "Anyway, where's mom? Is she in the house?"


"Kasama niya si dad sa condo, out of town," Rindou told, "Bakit?"


"Huwag mo sabihin kay mom na nag uwi ako ng babae sa bahay." Ran coldly told as he stood up from the floor, at agad ka naman niyang binuhat in bridal style while his jacket and jerseys are still covering you.


"I don't want mom to think that I'm being serious in a relationship with someone. She might jump to conclusions."










"TUGS! TUGS! TUGS!"


Nasa isang sasakyan ang F5 at kasama na si (Y/N) which is naka upo sa front seat nang tulog, habang si Ran ang nagd-drive. Sa sobrang lutang daw ni Sanzu kanina, nakalimutan niyang magdala ng extra na kotse, kaya't ngayon, siksikan sila sa kotse ni Ran, at papunta sila sa bahay ng Haitani brothers.


"Hoy! Ang sikip! Inamo Sanzu nagdidisco ka pa riyan." Reklamo ni Rindou na naka sandal sa pinto.


"Edi kandong ako sayo." Sagot ni Sanzu at umupo sa lap ni Rindou.


"Hoy! Tangina mo! Alis!" Tinulak naman ni Rindou si Sanzu at lumipad siya kay Koko na mapayapang natutulog.


"Huh?" Koko woke up, at para bang jumpscare dahil magkalapit ang mukha nila ni Sanzu, "AHHH!"


"Bruh, all of you. Shut the fuck up," Si Ran naman ay napalingon sa backseat, "(Y/N) will wake up."


"Yieeee osus concerned!" Asar nina Rindou.


"No?" Ran rolled his eyes.


Si Kakucho naman ay nakatitig lang sa labas ng bintana habang naka cross ang arms, may cotton din sa tainga niya dahil onti nalang mababasag na ang ear drums sa ingay ng mga tropa niya.


"Malapit na ba tayo? Gutom na ako." Sanzu whined.


"Tangina road to hell yata 'to eh." Reklamo ni Koko, o nag Tagalog na sa inis. Ginulo kasi yung tulog.


Ikaw naman ay natutulog parin nang mahimbing, at medjo bumaba na rin ang fever mo pero ramdam mo parin ang sakit ng ulo mo, kaya't halos hindi ka magising dahil kailangan mo ng pahinga. Nakabalot parin ang mga jersey at jacket ni Ran sayo.


"By the way, kuya." Tawag ni Rindou.


"Ano?"


"Akala ko ba hindi mo ipapahiram yung jersey mo kahit kanino?"


Ran went silent, at napatingin ito sa rearview mirror.


"Bakit mo natanong?" After a few seconds, nag salita na rin.


"Wala lang naman, I mean because (Y/N) is wearing it, ya know."


"Of course may sakit yung tao—"


"Seryoso ka na ba talaga kay (Y/N)?" Tanong ng F5 kay Ran.


Hindi sumagot si Ran at tuloy lang ang pagd-drive nito, his gaze fixed on the road as he just sighed.


"Silence means yes." Asar ng mga barkada niya.


"Naka focus ako sa daan, gusto mo maaksidente tayo?" Agad na sagot ni Ran.


Ran contemplated for a bit as he thought deeply.


"Me? Seryoso kay (Y/N)? As if," He scoffed as he laughed sarcastically, "A target can be simply disposed of once you've gotten it. Yet despite this, she remains the number one target, I don't care."


"Keep telling that to yourself, Ran."










"Welcome home, Sir Haitani Ran and Rindou."


Bati ng mga servants pagka uwi nina Rindou at Ran, pumasok sila sa mansion nila at nauna nang umuwi ang F5.


But... halos bumulwak ang mga mata ng mga kasambahay nang nakita nilang may buhat na babae si Ran!


"Sir Ran—"


"I'll take care of her, Rindou will explain everything that happened." Simpleng sagot ni Ran at dumeretso sa hagdan para umakyat sa kwarto niya.


"Luh? Ba't ako?" Napakamot ang ulo ni Rindou.


"So anyway, ano po kasi uhh, si kuya yung buhat niya girl friend niya— ay este classmate tapos nalock sila sa classroom diba love story tapos ayun nagkasakit daw si (Y/N) ewan tapos boom bratatat inaalagaan ni kuya tapos nakalimutan ko na basta." Kwento nito.


Nakinig nalang ang mga servants kay Rindou na akala mo batang nagsasabi ng bedtime stories.


Nakaakyat naman na sa kwarto si Ran habang buhat ka in bridal style, at sinara ang pinto. He placed you on his bed as he called one of the servanst.


As mentioned previously, Ran doesn't like pampering someone, kaya't nanlaki ang mga mata ng mga yaya sa sinabi at ginagawa ni Ran... he never brought anyone to his room, let alone a girl!


"Sir Ran Haitani." Katok ng mga katulong sa pintuan nito. Ran opened the door at kinuha ang mga gamot.


"Thank you po." Simpleng sagot ni Ran at sinara ang pinto.


Umalis na ang dalawang katulong, pero napahinto sila saglit nang nag sink in sa utak nila ang sinabi ng binata.


"Nanaginip ba tayo, mars?" Tanong ng isa.


"Teka... sinabi ba ni Sir Ran... 'thank you'?" Napaawang ang bibig ng mga katulong.


"Nanaginip lang yata tayo, sampalin mo nga ako kung oo— ARAY!" Pero sinampal nga, "Ang lakas ha, aray ha."


"Luh sabi mo eh."


But then, napalingon sila sa hallway nang bumukas ulit ang pintuan ng kwarto ni Ran.


"Excuse me? May you two come here for a bit? Kailangan ko po ng tulong para bihisan classmate ko, can you do it instead?" Ran told.


"O-opo sir." Agad naman sumunod ang dalawa at pumasok sa kwarto.


Nang pumasok ang dalawang katulong, they picked out some clothes, but obviously, there's nothing since you didn't bring any extras, "Sir, wala pong extrang damit si Ma'am (Y/N)?" Tanong ng isa.


But then, nagulat ulit ang dalawa nang inoffer ni Ran ang isa sa mga jerseys niya, at lumabas ulit ng kwarto.


"D-diba... never papayag si Sir Ran na ipahiram ang mga jerseys niya?! ANO?!" Gulat ng dalawa, onti nalang talaga mawawala na sila sa sarili nila. Parang nababaliw na sila.


But then, napagising ka, but you're not fully conscious, kaya't parang lasing ka dahil sa sinat mo at ramdam mo parin ang sakit ng ulo mo.


"Hello po, ma'am! My name is Yaya Leah! And this is Yaya Thea! Here to serve you!"


"Saleslady ka teh?" Napatingin si Thea.


"Hello po, Ma'am (Y/N)." Through your blurry sight, you caught a glimpse of two people waving, sobrang liwanag ng kwarto at malaki pa. This is unfamiliar, and this isn't your room. May mga posters pa, basketball racks, PC setup, LED lights, trophies, and more. 


"Bibihisan ka lang po namin kung gusto niyo, umm yung kaklase niyo po na si Sir Ran Haitani ay inuwi kayo sa bahay para uhh—" Sinubukang iexplain ni Thea, "Ano ba! Leah, ikaw na nga lang mag explain! Mukhang Englishera 'tong dalaga na 'to eh."


"Hello Ma'am, u-uhh, your classmate Ran Haitani tell us to bihis bihis you because you sick sick from school!"


"O-oh," You mumbled as you blinked, "Okay..."


"Okay po—" Ngiti ng dalawa at kinuha ang damit at towel, pero nung pagkalingon nila... tulog ka ulit.


"Inantok yata sa English natin beh." Bulong nina Leah at Thea.


"Ewan, basta bihisan mo nalang. Sa jersey pa ni Sir Ran, o dahan dahan ka baka madumihan at mapunit yung damit, naku! Alam mo naman kung gaano ka strict si Sir Ran pag dating sa mga gamit niya sa basketball! Lalo na sa mga jersey!"


And there, binihisan ka na ng dalawa, at hinilamos ka na rin. Sa labas naman ng kwarto, si Ran ay nakasandal sa pader habang nakatitig lang sa hangin, naghihintay.


Hindi na rin alam ni Ran kung ano ang iniisip niya, ba't ba gulong gulo siya pag dating sayo. Wala na rin siyang choice kundi mag mukmok sa gilid at kalimutan ang nangyari ngayong buong araw, a lot happened, and it's impossible for him to forget.


"Sir Ran, tapos na po." Lumabas naman sina Thea at Leah sa kwarto at nakita nila ang anak ng amo nilang nakasandal sa pader, nakatulala, "Hello? Sir Ran? Hello?"


"Natutulog ba 'to nang nakamulat ang mata?" Bulong ni Leah, "Hello po, sir? Matulog na po kayo sa loob ng kwarto niyo, huwag sa pader. Hinanda na rin po namin ang higaan."


Ran shook his head as he blinked, "A-ah, thanks," He told then went back inside the room.


"O! Nag thank you ulit!" Napaawang ang bibig ng dalawa, "Beh, baka doppelganger yan ni sir ah, jusko! Nakakatakot!"


"Tara na nga!" At bumaba na rin ang dalawa at bumalik sakanilang mga kwarto since it's also already late at night.


Ran's brows furrowed as he saw the prepared sheets, pero sa kama, at katabi mo pa. Nanlaki naman ang mga mata ni Ran, "Those two expect me to sleep beside (Y/N)?"


Kinuha ni Ran ang extrang kumot at unan. Naglakad ito papuntang couch at doon humiga.


Nakatitig lang si Ran sa ceiling, expecting to quickly fall asleep, pero hindi siya dinatnan ng antok. Kahit anong turn niya, hindi parin talaga makatulog.


He felt uncomfortable sleeping sa couch because his feet is sticking out, at maliit ang couch para sa katawan niya, "Kapag nga naman matangkad."


Kahit mag tumbling o gumulong pa siya, hindi parin talaga makatulog, kaya't tumingon ulit siya sa kama niya where you're sleeping.


He stood up from the couch as he walked to his bed kung saan ka natutulog para kumuha pa ng extrang unan, pero napahinto ito when he accidentally natamaan your head and some strands of hair fell.


Kaya't dito, napatingin siya sayo and saw your resting features. He moved some hair strands behind your ear since it was getting on your cheeks, and he pulled the blankets on top of you.


"Ang cute mo sana, ang aggressive mo lang nga. Ikaw na yata yung bully eh." 


"Aggressive dog! HAHAHA!" Napatawa si Ran sa naisip niya.


Pero napahinto ito nang biglang bumukas ang mga mata mo na akala mo multo at tinitigan siya ng masama, "Anong sinabi mo?!"


"Nagising na nga," Ran snorted, "Wala, matulog ka na."


"Tinawagan mo akong aso? Sampalin pa kita eh..." Bulong mo, and you feel your eyes slowly closing again.


"Matulog ka na nga." Utos niya sayo at kinuha na ang mga unan bago bumalik sa couch niya, pero napahinto ito para tumingin muli sayo.


Mabilis ka naman na tulog ulit, at mukhang pagod.


"Pft, sleepyhead," He chuckled, "Get well soon."


"(Y/N)?" He called, checking if you were really asleep or not, "Hello? Weh." He waved a hand in front of you.


He leaned down as he poked your cheeks with his finger, at nagpout naman ang lips mo automatically dahil sa pisil niya as your brows furrowed while sleeping. Hindi na mapigilan ni Ran ang tawa at ngiti niya, "Puta ang cute— I mean."


Pero nagising ka ulit, at napansin ang daliri niya, "Ayaw akong tigilan ha, puta." Kaya kinagat mo ito, at napasigaw naman siya.


"Aray!" Napaupo siya sa sahig at hinawakan ang daliri niyang kinagat mo.


"Agressive dog nga, nangangagat pa." Asar pa into.


At nang pagkatingin niya ulit sayo, agad ka nanaman na tulog!


"So the dog really fell asleep." Ran laughed. 


"Goodnight, sleep well." He whispered before walking off.


Napangiti naman ito, pero agad niya itong binalik at naglakad pabalik sa hinihigaan niya. He slumped down on the couch as he lazily lied down on it, napahawak nalang ito sa ulo niya habang nangisay sa kilig.


"Tangina! What the fuck! Ew!" Pinigilan ni Ran ang sarili niya at binalutan ang sarili ng kumot, onti nalang ma s-suffocate.


And there, nakatulog si Ran nang may ngiti sa mukha.










"Mga beh! Haunted house yata itong mansion! May doppelganger si Sir Ran!"


Umaga na, at sa kusina naman ng mansion nila, nagkumpulan ang mga kasambahay para sa isang mainit init na chismis.


"HA?!" Napaawang naman ang mga bibig nila.


"E-ewan ko! Pero sigurado ba kayo na si Sir Ran yun? Baka na kidnap yung totoong Ran! Nakita niyo naman kung paano niya tinrato yung inuwi niyang classmate kagabi diba? Yung babae!"


"HUWHAAAAT?! Nag uwi ng babae si Sir Ran?!"


"Oo! Pero how?! Kung alagain niya kagabi parang girl friend niya! Siguro girl friend niya nga! Ay naku! Nagbibinata na ang alaga natin!"


"Hala nakakatakot naman, baka doppelganger siya!"


"Actually... may kwento kami ni Thea." Bulong ni Leah sa mga kasama niya na kasambahay.


"Diba kasi kagabi, binihisan namin yung kasama ni Sir Ran, yung (Y/N)! Tapos gulat lang kami kasi pinaalagaaan niya sa amin at mukhang he cares a lot sa babaeng iyon... si Ran ba talaga yun?! Tapos... nang pagkalabas namin sa kwarto... nakita namin nakasandal lang siya sa pader... hindi gumagalaw! Hindi nagsasalita! Hanggang sa tinawag namin!"


"Confirmed! Haunted house nga itong Haitani household! #HHH! Haunted Haitani Household! AHHHH!"


"AHHH—!" Napasigaw ang mga katulong, pero napasigaw ulit sila nang may pumasok sa kusina! "AHHH!"


"What's happening in here?"


Ran spoke in his deep morning voice nang pumasok siya sa kusina, and his hair is messy due to his morning look, at kakagising niya lang din kaya't naka tank top at grey sweatpants lang ito.


"A-ah, sorry po, Sir Ran. Ano ho gusto niyong ipag luto namin for breakfast—?"


"No need, I'll cook."


Napaubo naman ang mga katulong, "HA?! D-doppelganger nga..."


"Po?" Ran raised his brow.


"W-wala po, aalis na po kami." The servants bowed as they hurriedly walked out of the kitchen.


"W-wait. Sir Ran, marunong po ba kayong mag luto?" Bumalik naman sila sa kusina ulit.


Ran blushed in embarrassment at agad itong tumalikod sa mga katulong, "O-oo noh! I-I know how to cook...! Are you doubting my skills?"


"Hindi po, sir. Nasa labas lang po kami ng kusina kung kailangan niyo po ng tulong." And they completely went out.


Si Ran naman ay naglakad papuntang stove, at akala mo bata dahil sa sobrang clueless. He looked at the various pans, containers, ingredients, and more things inside the kitchen cabinet, "How the hell do I work this?"


"Uhh," Ran puts the pan on the electric range stove as he lit it up. Nilagyan niya muna ng oil ang pan before he lits the stove up, pero nagulat ito nang napalakas at tumalsik ang oil! Kaya't agad naman niya itong pinatay at napasandal sa counter, "Putangina, dito yata ako mamamatay."


"Sir Ran? Okay lang po ba kayo diyan?" Napasilip ang mga katulong sa kusina.


"Yeah, I'm fine." Sagot nito, at bumalik sa pagluluto.


After a few minutes of trying...


"Okay, nevermind." Ran groaned.


"Ran?" Pumasok naman ang isang katulong, his Yaya Aunt Mari. Siya ang may pinakamataas na posisyon sa mga kasambahay, at medjo may edad na rin ito.


"Po?" Sagot ni Ran, at siya ang pinaka close na yaya sakaniya dahil since baby palang sina Ran at Rindou, siya na ang nag aalaga sakanila.


"Anong niluluto mo?" Tanong ni Aunt Mari.


"I kind of need help." Ran scratched his head.


Napabugtong hininga si Aunt Mari, "Alam mo anak, dapat kahit lalaki ka, matuto kang mag luto, gumawa ng gawaing bahay." Sabi nito sabay inayos ang mga pinaglulutuan, kumuha na rin siya ng mga ingredients at tinulungan si Ran.


"Kasi sa relasyon, hindi puro ang babae ang gagawa ng gawaing bahay. Paano na niyang kung nag asawa ka na? At ikaw ang magsusustento sa pamilya niyo?"


"Teka, huh? How did we get into this conversation?" Isip ni Ran.


"Naku! Baka pag nalaman ng girl friend mo na hindi ka marunong mag luto, baka iwanan ka nun." Dagdag nito.


"My girlfriend? Who?" Ran's brows furrowed in confusion.


"Yung babae na inuwi mo kagabi? Hindi mo ba girlfriend yun? Yung (Y/N)? Napasabi tuloy ako na, nagbibinata ka!" Napapalakpak naman si Aunt Mari sa tuwa.


Umiling si Ran, "She's... she's not my girlfriend."


Napangisi si Aunt Mari, "Sa ngayon... malay mo, sa susunod na araw. Malay mo, bukas."


"S-sorry but, Auntie, parang nagmamadali ka yata, haha..." Nerbyos na tawa ni Ran.


"Tanong ko nga sayo, nak," Napaubo si Aunt Mari, at hinarap ang binata.


"Seryoso ka ba kay (Y/N), nak?"


Ran's eyes widened as his heart suddenly beats rapidly, "Huh? Hindi, no." But his heartbeat says otherwise.


"Paalala iho, kapag tumungtong ka na sa edad ko? Naku, maraming responsibilidad. Yung relasyon relasyon na yan? Panandaliang saya lang yan, lalo na sainyong mga bata. Mga binata na kayong dalawa ni Rindou, parang dati lang pinapaliguan ko pa kayo, pinapakain, pinapalit ang diapers. Pero ngayun, hays, ang lalaki niyo na. Kaya't huwag mong sayangin ang oras mo, sulitin mo ang mga araw mo habang binata ka pa, ang sinasabi ko ay huwag mong gamitin ang oras mo sa pang bababae!"


"Ran, pag nalaman ko na nambababae kayo ni Rindou? At nagpaiyak kayo ng babae? Baka ibalik ko kayo ulit sa diapers, sige!" Sabi nito na may kasamang hampas ng kaldero sa ulo ni Ran. 


"Hindi naman po ako gano'n! Aray!" Iniilag nalang ni Ran ang kaldero.


Nagpatuloy lang ang pagk-kwento ng yaya, and Ran feels his heart swell dahil ngayon lang ulit nag usap nang ganito ang yaya niya't siya. If he remembers, the last actual convo that they had is noong twelve years old palang si Ran. Adding up to that, the words that Yaya Mari tells him really hits home.


"Paano na yan? Kung may sakit ang asawa mo? Sino ang magluluto?!" Dagdag ni Aunt Mari.


Tumibok ang puso ni Ran... bakit si (Y/N) ang naisip niya nung sinabing "asawa"?


"Ran?" Yaya Mari called his attention dahil nakatulala lang si Ran, "Iho?"


"O-oh, sorry," Ran blinked as he clicked back to reality, "I zoned out, a-and yeah. I understand, salamat po."


"O ayan, luto na ang pagkain," Laking ngiti ni Mari, "Ihanda mo na ang hapag kainan at tawagin mo na si (Y/N) sa kwarto para kumain na kayo."


Napatango si Ran at kinuha ang tray, at sumisilip naman ang mga ibang katulong sa bintana ng kusina... halos hindi sila makapaniwala na si Ran ang nagaayos at naghahanda sa hapag kainan, tumulong din siyang magluto... anong nangyayari?!


"Ano kayang sinabi ni Aling Mari kay Sir Ran?" Bulong ng mga katulong.


"Aakyat na po ako." Sabi ni Ran para tawagin ka, pero tinawagan ulit siya ni Yaya Mari.


"Ran."


Tawag ni Mari, at nanlaki nalang ang mga mata ni Ran sa sinabi nito.


"Kung sakaling seryoso ka sa dalagang iyon ay... huwag mong sasaktan iho ha?"











"(Y/N)—"


Binuksan ni Ran ang pinto sa kwarto niya para tawagin ka, pero nanlaki ang mga mata nito nang nakita kang kakalabas lang ng banyo at nagbibihis ka! Napatingin ka sa pinto at nakita si Ran na nakatayo, agad mo naman kinuha ang towel para balutin ang sarili mo, "AHH!"


Si Ran naman ay hindi alam ang gagawin dahil sa panic at napa freeze lang, pero agad itong namulatan at agad na sinara ang pinto at lumabas ng kwarto.


"What the fuck..." Napahingal naman si Ran dahil sa gulat. Paano ka na niyan na makakausap, let alone mahaharap, talagang magkakahiyaan ang dalawa.


After a few minutes, lumabas ka na ng kwarto niya para dumeretso sa dining hall, at pagkapasok mo, para kang mala prinsesa dahil sa mga servants na nakapaligid dito, with golden and white calcite marble interior walls, and a large diamond glass chandelier sa pinakagitna ng mahabang dining table.


"Ms. (L/N) (Y/N), please sit down. The servants will show some various—"


Napansin mo na wala parin si Ran and he's probably still preparing and changing for school. Sa bahay ka na rin niya nagbihis since the servants prepared some extra uniforms from school for you, and in exchange, sabay kayo ni Ran pumasok at ihahatid ka nila papunta roon.


"Aunt—" Napatingin ka naman sa gilid mo at nasilayan si Ran na bumababa sa hagdan habang inaayos ang uniform blazer niya.


Nagkatinginan kayong dalawa ni Ran, at nanlaki ang mga mata niyo. Agad niyo naman inalis ang tingin niyo at tumingin sa iba, tinago niyo rin ang blush na kumakalat sa mukha niyo, "Ba't kasi hindi muna kumatok yung unggoy na yun!" Isip mo habang kumakain.


"Ran, iho! Halika rito, sabay na kayo kumain ni (Y/N)!" Tawag ni Aunt Marie.


Hindi na rin makatanggi si Ran, kaya't umupo na rin sa dining table. Naka upo siya sa pinaka dulo, the opposite seat from yours at magkaharap kayo, ang humaharang lang ay ang mga flower vase at other miscellaneous sa gitna ng table.


"Maiwan ko na muna kayo, Ran at (Y/N)." Sabi ni Aunt Mira, at tinawag naman niya ang mga servants para umalis.


"Huh?! Tita!" Tawag ni Ran, pero hindi ito sinagot.


"U-um, tita!" Tawag mo rin, pero hindi ka rin sinagot at iniwan talaga kayo ng mga servants sa dining hall.


Huminga ka nalang nang malalim at pilit na ngumiti habang kumakain, ignoring the thick palpable awkward atmosphere with the man in front of you.


Habang kumakain, nakatingin si Ran sa gilid niya at si (Y/N) ay nakatingin sa taas... oo, ayaw talaga magkatinginan.


"Sooo..." Ran cleared his throat.


"Tangina, ang awkward!" Isip niyong sabay.


"Tuloy lang kumain, just focus on your plate, (Y/N)." Sabi mo sa sarili mo, kaunti nalang didikit na yung mata mo sa plato.


"Wow ano 'to, ba't ang tigas ng plato." At gano'n din si Ran, ma g-glue na rin ang mata sa plato.


"What?" You finally replied.


"I'll drive you to school." Sabi ni Ran, at mabilis ang pagkasabi nito.


"K."


Another silence... only the sounds of the utensils clanking and ticking of the clock can be heard.


"Oh, right," You cleared your throat, "Thanks for taking care of me last night."


"Aunt Mari did, not me." Pagkukunwari niya.


"Oh." You stopped for a moment.


"K." You coldly replied.


"But I wasn't doubtful that you were the one who took care of me when we were stuck in the classroom." Dagdag mo... Ran can't deny that now.


"You're hallucin— whatever." Ran rolled his eyes.


"Tanggapin mo nalang kaya yung thank you ko, noh?" Pagsusungit mo.


"Paano pag ayaw ko?" Sagot niya.


"O, talaga? Taas ng pride mo eh, unggoy!" Sagot mo rin na may kasama pang dila.


"Anong sabi mo?!" Angal nito.


"Wala ka bang tainga?!"


"Ang gulo mo kasi mag salita! Parang ikaw!"


"Magulo ka lang mag isip!"


"Nerd!"


"Unggoy!"


"Aso!"


"Bayawak!"


"Kamukha mo yung asawa ni Jollibee! Ewan basta yung Hetty!"


"Kamukha mo si Mr. Bean! Inamo, baldie! Onti nalang magiging panot ka na sa buhok mo eh!" Sigaw mo at pinakyuhan mo ito.


"Ano?!"


"Wala, ang sabi ko, Pineapple head!"


"Hetty buhok na binudburan ng harina!"


"Mr. Bean x Pineapple head! Akala mo ikaw lang yung may pa x x ha! Pangit!"


"Cuti— puta. Nerdtie pero walang cutie! Pangit!"


"Ah talagang sinusubukan mo ako ha?!" Napatayo ka naman sa upuan mo at naglakad papunta sakaniya habang dala dala ang fork.


"Hey!" Napatayo rin si Ran, "O ano ano ano."


"O ano ano ano."


"Ano ano."


"O ano laban laban."


"Mahina ano ano."


"Ran? (Y/N)?" Napahinto kayo ni Ran nang narinig niyo ang boses ni Aunt Mari na papuntang dining hall.


Agad naman kayong bumalik sa upuan niyo ni Ran nang tahimik na para bang walang nangyari.


"Okay lang ba kayo diyan? Naka handa na ang kotse, Ran. Isakay mo na si (Y/N), nalagay ko na ang mga gamit niyo roon."


"Ah, ako na ang maglalagay ng iba kong bags. Salamat po." You bowed to Aunt Mari as you smiled welcomingly.


Si Ran naman ay napatingin sayo for a few seconds before he hesitantly walked off the dining hall.










Nakarating na rin kayo sa school, at sinundo rin kayo ng driver ng Haitani brothers.


Nagpark ang kotse sa may entrance ramp ng school, at napatingin ang mga estudyante sa familiar na sasakanya, it's the Haitanis.


But then, nagulat din sila nang may lumabas na babae sa kotse, kasama si Ran.


"W-wait... Isn't that the girl from the LIVE last night?! Yung trending na (Y/N)?! Yung kayakap ni Ran at nastuck sa classroom?!" Chismis ng mga tao.


"I'll go now, thanks for the ride." Agad mong sinabi at kinuha ang bags mo nang mabilisan, halos manghina ka rin dahil maraming nakatitig sayo.


"I'll walk you to our classroom." Sabi ni Ran as he grabbed your hand na parang boyfriend mo na sinusundo ka.


"What?!" Napaawang naman ang mga bibig ng mga estudyante sa nakita nila, they felt mixed emotions in their chest! "A-ano..."


Naglakad na rin kayo ni Ran papasok ng campus habang hawak hawak niya ang kamay mo, at ang F5 ay nasa likod niyo rin.


"Hiiiii!" Bati ng mga fans ng F5 sa mga lockers at hallway, pero napahinto sila nang nakita nila na may ka holding hands si Ran, "Huh..."


Finally, naka abot na kayo sa classroom, at syempre, nagulat din ang mga kaklase niyo.


"Hoy! Ran Haitani and (L/N) (Y/N) are found!"


"Tanga, kagabi pa sila nahanap. Na stuck daw sa classroom." Sabi ng iba.


"Ayooo, kalma muna kayo," Sanzu scoffed, "Maraming chismis ang nagaganap ngayon, tignan niyo trending nga yung hashtags nina Ran sa twitter."


"Oy! Oy! Yung LIVE niyo kahapon! Nakita namin na magkayakap sina Ran at (Y/N) sa classroom!"


"HUH?!" Nanlaki naman ang mga mata niyong dalawa ni Ran.


"U-uh, ehem." Agad naman bumalik sa upuan sina Rindou at Sanzu nang tumakbo.


"What happened last night?" Ran opened his phone to check his social media and everything... and halos sumabog ang phone niya sa sobrang daming notifications.


Tags, mentions, tweets, hashtags, messages, requests, lahat na!


"Good morning class!" Then, pumasok na si Ms. Vina sa classroom at bumalik ang Section B sa mga upuan nila.


"So for your long quiz that you all did in every subject, we teachers already checked the rankings based on the scores." Ms. Vina told as she took out a folder and stood in front of the class.


"But... I'll be announcing the students who ranked first in every subject."


English Language... Ms. (L/N) (Y/N)


Mathematics... Ms. (L/N) (Y/N)


Social Studies... Ms. (L/N) (Y/N)


At nagtuloy tuloy lang ang mga subjects... at ikaw ang pinakauna sa lahat, until that one subject was announced.


MAPEH... Mr. Haitani Ran


You feel your stomach drop as your brows furrowed, "Huh?! No, this can't be."


Napatingin ka naman sakaniya and he had a cocky smirk on his lips, and his eyes met with yours. Sobrang inis ang naramdaman mo, you didn't know if you're just being competitive, needs academic validation, worried, or just... just inis na inis ka lang talaga sa Ran Haitani na yan!


"Better luck next time." Ran mouthed at you, and effortlessly leaned back at the chair then faced his friends, the F5 na nagtatawanan and kwentuhan lang sa gilid ng classroom.


"Bwisit... bwisit..." You gritted your teeth, at halos masira mo naman ang ballpen mo.


"Ms. (L/N)? May I talk to you?" Tawag naman ng teacher sayo, and you stood up from your chair to walk to her desk.


As you were walking, you can feel Ran's gaze at you. Tumingin ka sakaniya to see him waving at you, pero inirapan mo lang siya.


"(Y/N), talking about your grades in MAPEH, Ms. Valdez, your teacher in that subject told me that you were the third last in the long quiz rankings, sakanyang subject ka lang sobrang baba, this might affect your honor and general average. I know you're worried, but pwede kang makabawi sa mga written works in that subject, but..." Napabugtong hiningi muna si Ms. Vina before speaking, and what she said made your chest feel heavy... siguradong mananalo talaga si Ran dito.


"Sports and dance kayo ngayon for MAPEH, Physical Education."












Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro