Chapter 5
╰┈➤ ❝ [a thing like a cinder]
Third Person POV
"Hoy! May training daw varsities ngayon?! Nood tayo!"
Sigaw ni Hakkai, and dismissal time na rin kaya't ang mga estudyante, even from other sections and levels ay pumunta sa mga extracurricular activities or clubs nila.
"At bakit?" Yuzuha raised her brow.
"Makakakita tayo ng mga pandesal— ay ano syempre laro." Rason ni Hakkai.
"What's pandesal?" Yumi asked while drinking Chuckie.
"Ang inosente mo naman beh, ano yun umm."
"Abs... abs yung tinutukoy ni malanding Hakkai." Sagot ni Akane.
"Shuta ka beh!" Nagsabunutan nanaman ang dalawa.
"Pssst! (Y/N)!" Then, napalingon ka nang narinig mo na tinatawag ka ng mga babae.
"Hello beh, when you doing?" Bati sayo ni Hakkai.
"What?"
"Kaya ayoko makipag usap sa mga englishera eh," Napakamot nalang si Hakkai sa ulo niya.
"Oh, I can understand Tagalog."
"HA! Ahh, okay I spoke in English is the enough." Sabi pa nito, at binatukan nalang siya ni Akane.
"Ang bobo mo!" Nagsabunutan naman ang dalawa.
"Anyway, Hakkai is asking kung sasama ka raw sa amin, manonood ng basketball training. Diba nandoon si Ran, ayaw mo panoorin?" Tanong ni Yuzuha sayo.
"No, I'm fine." You refused.
"HA? Sama ka na, bilissss." Pagpipilit sayo ni Hakkai na onti nalang magwawala, luluhod, at gugulong sa sahig, "Beh ayaw mo ba makakita ng exclusive pandesal?!"
"Hoy! Hakkai! Manahimik ka nga puta ka!" Sigaw ni Makoto nang pinakyuhan niya ito.
"Ulol gago bitch ang dami mong dada manahimik ka!" Nag pakyu rin si Hakkai sakaniya at nag hair flip... kahit kalbo.
"Manahimik nga kayong dalawa! Baka kayo pa magkatuluyan eh! YIEEEE!" Pang aasar ng Section B sakanila.
"Baka MAKOKAI yan! Onti nalang magiging kokak, palaka yarn."
"Yuck!" Halos masuka naman sina Hakkai at Makoto.
"Anyway, beh! Sama ka na sige na!" Patuloy lang si Hakkai sa pangungulit sayo.
"Eh," You scrunched your nose in disgust, "I don't want to see that Ran."
"Sige na!" Iyak ni Hakkai na tumatalon pa sa gilid mo at nagmamakaawa na, palaka na nga.
"Fine..." You sighed, "I guess I have no choice but to avoid Ran."
"Ang baho! Hoy!"
Sigaw nina Makoto nang pumasok sila sa boys' c.r. at mala hazardous naman ito sa sobrang baho. Alam niyo yung mga typical c.r ng boys sa school? Lalo na yung mga hindi pa nalilinis at akala mo tapunan ng tae sa sobrang baho.
Tapos, yung girls' c.r naman ay halos maging hazardous na rin, ang toxins nga lang ay mababara ilong mo sa sobrang daming perfume that's permeating around the room, as if you'll enter a new realm.
"Sinong tumatae?! Gago! Ambaho! HAHAHAHA!" Lakas na tawa nina Yamagushi nang binuksan ang pintuan ng each cubicle sa c.r.
*Plok*
"Hoy! Kung sino ka man na tumatae, lumabas ka diyaan! Napaka baho!" Katok nila sa pintuan.
"Oy oy tol silipin mo nga yung ilalim ng pintuan, tignan mo kung kaninong sapatos yung tumatae." Sabi ni Makoto.
"Gege tol." Nagpa uto naman agad si Yamagushi at sumilip sa ilalim ng pintuan.
"Hoy gago! Si Baltazar yung nasa loob!"
"Hoy! Tangina niyo!" Sigaw ni Benkei Baltazar nang tinapakan niya ang kamay ni Yamagushi sa ilalim ng pintuan.
"Aray!"
"Puta kayo tumatae nang mapayapa yung tao eh!" Dagdag nito, "Baka naman o! Baka pati pagtatae ako hindi niyo ako tatantanan!"
"BENKEI BILAT BALTAZAR AMBAHO NG TAE MO!"
Patuloy naman ang pag-aasar ng mga lalaki sa kawawang taeo na gusto lang tumae ng mapayapa.
"Nangangamoy sagad sa utak gago! Imburnal ba yan?! Hindi 'to Jollibee ah! Hindi 'to langhap sarap, langhap baho 'to!"
"Putangina niyo ang ingay niyo pahid ko sa mukha niyo tae ko eh." Bigla naman bumukas ang pintuan at lumabas na si Benkei sa cubicle nang matapos na tumae.
"Ha pukenangina niyo ha," Onti nalang manununtok na si Benkei, "Kingina niyo hindi niyo ako pinapatae ng mapayapa gago!"
"Ewww!"
Napatingin naman ang mga lalaki sa labas ng c.r, at nakita sina (Y/N), Yuzuha, Akane, Yumi, at Hakkai na akala mo mean girls bully.
"So baho!" Akane told at napatakip ng ilong.
"So true." Dagdag ni Hakkai with hair flip.
"Muntanga, ginagawa niyo HAHAHAHA!" Tawa nina Makoto.
"Bitch shut the fawk up." Pag susungit ni Hakkai.
"Ayan nanaman ang Makokai! Yieee!" Asar nina Yamagushi.
"Anyway," Yuzuha cleared her throat, "Alam niyo ba kung pwede pumasok sa court?"
"Court? Ahh, oo nga pala. Yung mga basketball varsities." Yamagishi nodded.
"Bakit? Papanoorin ni (Y/N) si Ran?" Dagdag ni Akkun.
"What? No," Deny mo, "Si Hakkai ang manonood kay Ran, not me."
"Anyway, hoy! Hakkai! Dapat dito ka nag c-c.r ah! Ba't mo kasama mga babae?"
"Pake mo ba, bitch ang peke! Ang dami mong dada! Isampal ko kaya ang suso ko sa iyong mukha!" Nag roll eyes nalang ito at sinundan sina Yuzuha.
"Ay meron yun?"
Pumasok naman kayo sa c.r at nagsimulang mag make-up ang mga babae, kasama na rin si Hakkai.
"Mwamwa lips mo beh." Sabi ni Akane nang nilalagyan ng lipstick si Yumi na napilitan nanaman.
"Hoy! Ate, palagay nga ako ng kilay." Sabi ni Hakkai.
"(Y/N) biiiitch, ano gusto mo shade ng blush?" Tanong naman sayo ni Hakkai, "Lagyan kita beh bilis."
"Oh." You scratched your head, and just quietly muttered, "Ok."
And there, nilagyan ka naman ni Hakkai ng make-up sa mukha habang si Yuzuha ay inaayos ang buhok mo. Si Yumi naman ay naglalagay ng accessories sayo habang si Akane ay naglalagay ng lip gloss at kilay, "Haha... court ba punta natin o mall..."
"Hindi naman mare, pero andoon si Ran eh." Sagot ni Hakkai.
"I don't like him, okay?"
"O talaga ba?"
"We're mad at each other nga eh." You added.
"Oo beh alam namin, yung dahilan ay naghabulan kayo sa hallway dahil si Ran ay pinicturan ka sa phone niya tapos gumanti ka in a way na vinideohan mo siya habang nags-sigarilyo sa c.r. so nagtuloy yun and then nag dismissal pero hindi mo naabutan yung last subjects so nagalit ka kay Ran and boom!" Kwento nina Hakkai at Akane... shuta mga marites!
"Saan mo nakuha yan?! And, what?!" Nagulat ka naman sa thoroughly complete detailed with matching proof at incontrovertible evidence pa.
"Bitch don't doubt us, duh?" Sabi ni Hakkai, "Alam namin ni mareng Akane ang mga tea rito."
"Plus, halata naman na crush ka ni Ran eh." Dagdag nila.
"Doesn't he treat others like that? And I swear... wala talaga akong gusto sakaniya..."
Napatawa nalang sila at napailing, "Sige lang (Y/N), keep telling that to yourself."
"Break time! Break time!"
A loud whistle from the basketball coach echoed through the whole court as he announced a break time for the first tiring day of training. Nag hand stack muna ang mga players bago mag break, at nakasanayan na nila itong gawin, na parang tradisyonal thing na rin.
"Ran! Go! Go! Kaya mo yan! AHHH!" Sigaw ng mga cheerleaders at babae sa bench nang inaabangan ang isang team captain habang break time nila.
Ran Haitani only winked at them and nagpa pogi, tinaas pa ang jersey niya on purpose para ipakita ang abs, kunwari nagpupunas daw ng pawis.
Napaupo naman si Ran sa mga player's bench kung saan naka upo ang mga iba pang players, at napasandal ito habang uminom ng tubig at nagpunas ng pawis. Nagpahinga muna nang saglit dahil sa sobrang pagod bago tinawagan nina Kakucho.
"Yo, bro. One game pa?"
"Chill ka muna, break time pa." Ran groaned at sinandal ang elbows sa benches nang nag lean back.
There, Yuzuha, Akane, Yumi, Hakkai, and (Y/N) went inside the court na akala mo one of the cheerleaders, "RAAAAAN!" Sigaw ni Hakkai, pero agad ka naman nag tago sa likod nina Yuzuha.
Napalingon si Ran sa sumisigaw, at nag wave lang ito kay Hakkai.
"AHHHHH!" Napatalon si Hakkai nang pinagsasampal sampal at sinasabunot pa kayo sa kilig.
"Aray! Hoy! Hakkai tigil tigilan mo ako!" Sabi ni Yuzuha.
"'To nemen se ate pereng shere."
"Ang daming pogi." Bulong ni Akane kay Hakkai... oo, itong dalawa na ito ay yung tinatawag na pogi hunters.
Nakalipas ang ilang minuto, natapos ang break time ng mga players at bumalik na ulit sa pagt-training sa court.
"Ran Haitani and Kakucho Hitto! Come here." Tawag ni Coach Smith.
"Yes, coach?"
"Use the extra balls on the rack doon, scold your team if ever na may mag iingay. Baka matamaan niyo rin yung mga nanonood sa bench." Sabi ni coach.
"And also, Ran and Kakucho, pakibuhat yung mga racks doon malapit sa benches. Dalhin niyo malapit sa net." Utos pa nito.
"HOOOY!" At sumigaw naman ang mga nanonood sa benches nang papalapit ang dalawang lalaki, "AHUDHUAOGOUH"
"May kukunin lang kami, excuse." Kakucho told at hinila ang rack.
Nanlaki naman ang mga mata mo dahil nasa harapan mo lang si Ran, at agad kang yumuko at tinakpan ng libro ang ulo mo.
After seconds, binaba mo ang libro to see that wala na sila and nasa center na sila ng court. Yup... hanggang ngayon talaga, walang pansinan ang dalawa.
"Gab!" Tawag ni Ran nang hinagisan niya ng bola, "Fix your stance, nag warm-up kana ba?"
Si Ran naman ay patuloy lang na sinusupervise ang mga teammates niya, at tinutulungan kapag may problema. He thought, maybe sa first day magiging maluwag muna siya, itabi na muna ang pagiging strict captain nito, ayaw din ma-badtrip eh.
"Gab? You doin' good?" Tanong ni Ran nang inakbayan niya si Gab, he is one of Ran's teammates at halos manlambot ang mga kamay kakadribble ng bola.
"Nah, hindi ko na magawa yung dribble tapos ipapasa under the leg then may biglaang crossover."
"It's easy, ganito lang. Give me the ball." Ran told as he demonstrated it, at ginawa niya ito smoothly na akala mo nagbabato lang ng bola. He swiftly passed the ball to his left hand from his right hand as he bent slightly, then nag crossover ito at na shoot naman kaagad ang bola sa net... halos three points pa ito.
"ANG GALEEEENG! RAWRAWRRAWR!" Sigaw nina Hakkai at ang mga fans ni Ran sa bench.
"See? The technique here is easy, just dribble between your leg. Then underhand pass sunod, you can use this if your opponent trapped you in a corner." Explain ni Ran, then effortlessly tossed the ball back to Gab.
"Ahh, sige sige. Salamat, kuya Ran." Sagot naman ni Gab at kinuha ang bola, parang kuya niya na rin ang captain niya.
"Gagiiii, angas bro." Nagk-kwentuhan lang sa gilid sina Ran at ang mga barkada nito habang iniikot ang bola sa daliri niya. Kung sa classroom ballpen, sa court ay bola naman.
Si Ran din yung tipong iniikot ang bench na panyo sa daliri niya, tapos kinakagat pa niya ito at sinasabit sa leeg niya. Noong bata pa kasi, sobrang hyper at siya yung tipong lagi mong makakalaro sa takbuhan, habulan, any sports, at sobrang likot din.
"Damn it." Inigo, also a basketball player, is starting to get irritated for some reasons. Kung hindi niyo naalala, siya yung isa sa mga bullies sa Ivory, yung nakipag suntukan kina Ran at Mitsuya sa hallway.
Well, what if nalang, same team sila ni Ran from Section B.
"Tangina, wag niyo nga ipakita sa'kin yan. Kairita sa mata, apaka yabang." Imik ni Inigo na halos mabutas na ang sahig ng court sa lakas ng dribble niya. 99% dribble 1% galit.
Then, tumayo si Inigo at nilapitan si Ran.
"Pst, Ran," Tawag ni Inigo kay Ran nang siniko niya ito sa likod, kunwari napalakas daw, "Ay, sorry."
Napataas naman ng kilay si Ran nang lumingon ito sa likod, "Problema mo?"
"One match, G?" Ngisi ni Inigo nang pinasahan niya si Ran ng bola sa dibdib.
Unang day palang, may nanghahamon na agad kay Ran Haitani.
Napatawa nalang si Ran at tinanggap ang bola, "Aight, G."
"Uy, mukhang may 1v1 yata," Bulong ng mga nanonood, "Hala! May humahamon kay Ran!"
Pumwesto na ang dalawang lalaki sa court, at si Kakucho ang naging coach ng dalawa. Tinaas niya ang kamay niya sa gitna nina Ran at Inigo kung saan nakahawak ang bola, and there, he tossed it upwards.
Si Ran ang unang nakahablot ng bola at agad na tumakbo papuntang net.
Ikaw naman ay pinapanood lang si Ran sa bench, you hate to admit it, but you're amazed by his skills.
Nang nakaabot na si Ran sa net, agad naman humarang si Inigo para kunin ang bola.
Pero hindi agad 'to sinukuan ni Ran, tumalikod muna siya at nagtyempo ng oras para lagpasan si Inigo. Ran quickly dribbled as he passed the ball from his right to left hand, at tuluyan nang na cross over si Inigo... then shoot. One point for Ran Haitani!
"WOOOOH!" Cheer ng mga nanonood.
"Tuloy lang ang laro, Ran." Sabi ni Inigo nang nilagpasan niya ito at agad na nakuha ang bola.
Ran only glared at him as he chased Inigo on the court to the next net. Hinarangan ni Ran si Inigo from shooting the ball, an act of defense. Si Inigo ay nag overhand pass move para i-shoot ang bola sa net nang deretso, pero matangkad din si Ran at tinalunan niya lang ito para hablutin ang bola sa kamay niya.
"Go! Go! Go!" Continue na pag c-cheer nila.
As Ran is running through the next net, napalingon siya sa mga benches, and his eyes met with one of the audiences... si (Y/N).
Nanlaki ang mga mata niya as his hearts beats rapidly, at tuluyan na nga na distract nang hindi niya na napansin na nakuha ni Inigo ang bola sakanya.
"Weak shit." Bulong ni Inigo, at siya naman ang naka score ngayon nang na shoot niya ang bola.
You also felt nervous at hindi mo alam ang gagawin mo since his eyes are really locked with yours. Though binawi mo ito at umiwas sa eye contact niyong dalawa, then you just continued talking with Hakkai and the others.
"Mukhang na distract si kuya ah." Sabi ni Rindou habang kumakain ng popcorn, at nanonood din sa benches.
Ran immediately clicked back to his senses and went back to focus, he just clicked his tongue in annoyance since nakakahalata na siya sa mga galawan ni Inigo.
"Oh this motherfucker is testing me." Ran groaned.
Inigo was about to shoot, until Ran came in front of him to steal the ball.
"Gotcha." Ran smirked as he cornered Inigo.
The opponent's eyes widen as he was caught up, sinubukan niyang i-cross over dribble si Ran, pero agad itong nahuli ni Ran at kinuha ang bola... then nag slam dunk pa ito sa net. Another point for Ran!
"Hoy! Shet! AHHH!" Sigaw ng mga fans na onti nalang magwawala na.
"Fuck it." Inigo grunted as he glared at Ran.
"Rematch nalang sa susunod na training," Sabi ni Inigo nang nag walk out at bumalik sa benches, "Yeah, nice G." Still, halatang halata ang pagiging plastic sa boses nito.
After the training and match, nagtakbuhan ang mga fans ni Ran sakanya, at pinalibutan nila si Ran sa labas ng court na, "Ang galing mo talaga, Ran! Gusto mo bilhan kita ng tubig?! Pawis na pawis ka na o!"
Hindi rin alam ni Ran kung bakit sa sobrang daming babae sa harapan niya, mukhang may hinahanap parin ito sa crowd nang tinataas ang ulo para matagpuan.
"Ran! Andito lang kami sa harapan mo! Ran! Tubig o! Towel na rin!" His fans tried to get his attention.
"O, so tara na?" You sighed as you faced Hakkai and the others, "Since tapos naman na ang match."
"Teka," Napahinto sina Hakkai, "Pinagkukumpulan si Ran sa labas ng court o, tara! Punta tayo roon!" Sigaw ni Hakkai at hinila ka naman niya palabas ng court.
"Hoy! Hakkai! Hey! Let me go!" Sigaw mo sakaniya habang inaatras ang paa mo, and trying to pry your wrist away from him, "Ayoko pumunta!"
"Hello, Ran!" Nang nakapunta na kayo sa crowd of fans ni Ran, kumaway si Hakkai, pero naka yuko ka lang at naka tingin sa sahig all the time to avoid Ran.
Ran stopped for a moment, and he looked at you. Yeah... bakit ka nga ba raw niya kakausapin, galit parin kayo sa isa't isa, diba?
"I'll go now." Ran cleared his throat as he walked away.
"Ran!" Then sinusundan parin siya ng fans niya.
Meanwhile, sa loob ng court, ang natira ay si Inigo at ang mga kaibigan niya na hanggang ngayon ay naglalaro at nagk-kwentuhan parin.
"Tangina ni Ran, kapikon, pre." Inis na sabi ni Inigo habang nakasandal sa pader at pinaglalaruan ang bola.
"Inigo, calm the fuck down bro. Masyado kang init na init dun sa Ran eh, captain yun alangan, syempre mahirap yun ipatumba." Sabi ng barkada ni Inigo.
"Pasikat kasi yun, napaka gago." Inigo hurled the ball at the wall as he clicked his tongue.
"O? Edi ano plano mo kay Ran? Pre, nasa Tier One Tigers ka, at si Ran parin ang captain mo."
Tumawa nalang si Inigo at nag walk out sa court, "Wala akong pake sa captain captain na yan."
"Abangan niyo, babasagin ko mukha niyan."
"Sige! Bye-bye! See y'all ulit bukas!"
Paalam nina Hakkai, Yuzuha, Akane, at Yumi nang naghiwalay na kayo ng mga routes sa school, since some are bus riders, fetchers, nagc-commute, o nagd-drive mag isa.
Ikaw naman ay wala pa ang sundo mo, at paiba iba ka rin. Minsan sinusundo ka parin ng tatay mo, driver niyo, o kaya nagp-practice ka na rin mag commute.
But now, you decided to use public transport, though you're heading to the classroom first to get your things.
Pumasok ka na sa silid aralan, pero napahinto ka as you saw Ran also inside the room! Mukhang kayong dalawa lang ang nasa loob.
Ran just briefly glanced at you as he continued doing his business, which is stuffing his things back inside his bag from basketball training. You also did the same, and it's bitterly quiet... ang awkward!
Buti nalang agad mong natapos ang pagp-pack ng mga gamit mo, kaya't agad ka naman naglakad sa pintuan ng classroom pala tuluyan nang lumabas.
"Huh?" But you started to panic... bakit ayaw bumukas ng pinto? Ilang beses mo rin inikot ikot ang doorknob pero wala parin, "A-ayaw bumukas ng pinto."
"What?" Ran muttered as he walked to the door as well, and he tried to twist the doorknob, even push and kick the door... but it doesn't want to open.
"Sira ba 'to?" Inis na sabi mo while trying to push and twist it, but any force that you two exert, it's still useless.
Your eyes just widened and you started to panic, "No... this can't be! So you're telling me that I'm going to be trapped with Ran?!"
"Damn it," Ran sighed, "It's fucking locked."
"Bro, that game a while ago was shit."
Nagk-kwentuhan naman sina Rindou, Sanzu, and Koko sa hallway na kakagaling lang din sa court para manood ng basketball training nina Kakucho at Ran.
"Napaka yabang nung Inigo Go na yun eh, dapat pangalan nun Inigo Gago! HAHAHA!"
"Anyway, saan si Ran?" Tanong ni Sanzu.
"Ewan ko, naka uwi na yata," Rindou shrugged, "Tanong mo kay Kaku, kasama niya sa training kanina eh."
"Yo." Kakucho walked out of the locker room at nakasabay niya ang tatlo sa hallway.
"O, ayan na pala si Kaku," Sabi nina Sanzu, "Saan si Ran? Diba kasabay mo sa training?"
"Huh? No, nauna na ako kay Ran na lumabas ng court since may ginawa muna siya," Kakucho shrugged, "I don't know where he is."
"For real? I didn't saw Ran went out of the court though." Koko told.
"Baka umuwi na nga. Lahat ng classrooms sa building ay closed na eh. Nakita ko rin yung mga guards and janitors na nagclearance kanina, plus it's past 4 p.m. na rin." Sabi ni Rindou.
"Sabi pa naman ni kuya pupunta tayo dun sa sinasabi niyang resto." Dagdag nito.
"Sa susunod nalang siguro, sige. Uwi na ako, baka nauna na si kuya na umuwi sa bahay." Sabi ni Rindou, at tuluyan nang lumabas ang mga lalaki sa school campus.
Umuwi na rin ang mga ibang estudyante, and what everyone doesn't know ay may dalawang estudyante na naiwan sa isang classroom.
"It doesn't want to fucking open."
Hanggang ngayon ay trapped parin ang dalawa sa classroom.
"Ano ba, Samahan mo nga akong buksan 'to!" Inis na sabi mo while desperately trying to twist the doorknob, in hopes of opening this door, "Hello! Is someone there?! There are still two students here!" Sigaw mo.
Si Ran naman ay naka sandal lang sa pader habang naka cross ang arms. Halatang badtrip din ito dahil pagod galing sa training, kaya't he's just ignoring your whines.
"Asking for help is useless, you just can't open that door. It's totally locked, and past 4 p.m. na, nag clearance na ang mga guard." Ran yawned.
"O talaga ba? Kwento mo sa hangin. Kaya nga sinusubukan kong buksan diba? At least help me too." You rolled your eyes.
"Keep trying." Reply ni Ran at inirapan ka rin.
"Alam mo, bahala ka jan." You rolled your eyes at him and sat on one of the chairs. Sumuko ka na rin kakabukas ng pinto since it's useless.
"Ugh, I hate you." You muttered at nag sungit.
Si Ran ay nakatayo sa likod ng classroom, habang ikaw naman ay nasa harapan ng classroom... ayaw daw nila magkatabi. Kahit talaga in such situations pataasan parin ng pride.
You opened your bag to get your phone to call someone. You pressed the call button, pero walang signal! And wala ka rin data, "Kung mamalasin ba naman ako..."
"Can you at least contact someone on your phone to get help?!" You shouted across the classroom since nasa dulo si Ran.
"Low bat ako." Simpleng sagot ni Ran.
"Ano?!"
"What? Hindi kita marinig?"
"Ha?!"
"Ha?!"
"What?!"
Tanong nila sa mga sarili nila, bakit hindi nalang sila magtabi para magkaintindihan nang maayos?! Pero whatever daw, nagtatampo parin sila sa isa't isa.
"Damn it, I even left my cigarette pack in my bag outside." Ran groaned as he pushed his head back and umupo nalang sa mga upuan.
You were so bored and don't know what to do except walk across the classroom repeatedly to relieve your boredom and annoyance to him. Sinusubukan mo rin i-check ang mga bintana kung sakaling may pwedeng talunan, pero wala parin. The doors, windows, and everything are locked. Talagang na trap kayo and has no choice but to wait.
"You're smoking," You whispered, "Right."
"Talking about it, delete the video." Ran commanded.
"No, pasalamat ka hindi ko pa yun sinesend sa admins ng school. I'll use that as blackmail if you ever bully me."
"Whatever, ayaw mo siguro i-delete dahil ang pogi ko roon." He cockily smirked.
"Ew! Can you shut up?" You told at binatuhan siya ng libro.
"Smoking is just my stress reliever. I don't plan on making it my hobby," Ran said, "Tho' It's so fucking addicting, but I need to stop soon."
"We have some addictions," You muttered while your gaze is on your keychain since pinaglalaruan mo 'to dahil wala kang magawa, "I also have."
"Ano yun?"
"Ba't ko naman sasabihin sayo?"
"Sinabi mo eh."
You just rolled your eyes and continued playing with the keychain.
"You're not that talkative, aren't you?" Ran just continued the conversation.
"I don't talk to uninteresting people." You replied.
"Oh?" Ran just chuckled, "But we're talking though."
"Doesn't mean that we're talking ay bati na agad tayo or we're friends."
"Wala naman akong sinabi na bati na tayo." Ran whistled na mapang asar.
"Okay, then don't talk to me. Harapin mo yung pader sa tabi mo."
"But I'm bored!" Ran whined.
"Then talk to the wall."
"The wall isn't replying to me though."
"Then just face the wall."
"It's plain white, it's boring. I'm bored nga diba."
"Then just talk with one of your chicks on your phone, madami ka namang babae diba? Playboy."
"Wala akong chicks noh, and wow, you think of me so ignoble!" Ran pouted as he rolled his eyes, "And my phone is low bat nga."
"Edi tumambling ka nang paikot-ikot sa classroom, puta! Tignan natin kung hindi ka mab-bored." You fumed out.
"I have no energy left, kakagaling ko lang sa training." Sagot nito.
Onti nalang sasabog ni si (Y/N) sa inis, at hindi niya nalang ito napansin.
After at least an hour, hindi niyo na napansin ni Ran ang oras... and nagiging madilim na rin since it's almost night time.
"May ilaw ba diyan?" You asked Ran as you roamed around the classroom, checking the cabinets and shelves to find any source of light, "It's too dark."
"Wala." Simpleng imik ni Ran.
"Whatever, I'm sleepy." You whispered nang humiga ka sa sahig at ginamit ang bag mo bilang unan.
Si Ran ay naka upo lang sa upuan ng dulo ng classroom, nakasandal lang sa upuan at nakapatong ang paa sa mga upuan, pa chill chill lang daw.
Pipikit ka na sana para tuluyang matulog, pero halos mapatalon ka sa gulat nang narinig mo ang malakas na kidlat sa labas.
"Umuulan nang malakas." Ran walked to the window as he moved the curtains to the side to open it.
Oh shit, this is what you hate a lot! You hate loud thunders, kaya't nag pretend ka nalang na tulog to avoid showing na natatakot ka sa kidlat, baka asarin ka pa ni Ran. You covered your ears using your notebooks and forcefully closed your eyes to sleep.
Then, meron nanamang malakas na kidlat! And you flinched as your eyes shot open.
"Ano ba! Can you close the curtains and blinds?!" You irritatingly told Ran as you sat up.
"No."
"At bakit, ha?" Tinaasan mo siya ng kilay.
"It's hot. Huwag mo akong hintayin na mag hubad." Ran told habang pinapaypayan ang sarili.
"Pake ko ba kung maghuhubad ka? Parang titingin naman ako, ew." Sinungitan mo lang siya at humiga ulit para matulog.
"Tsaka it's not even hot, ang lamig kaya." Dagdag mo while you're curled up into a ball and hugging yourself on the floor. Malamig talaga dahil sa malakas na ulan at hangin, but wala kang dalang jacket.
"Bahala ka, I'm not closing the blinds." Sabi ni Ran.
"You're such a jerk! I said close it!"
"Ayoko."
"Close it!"
"No."
"Close it!"
"Ayoko nga."
"Close it!"
"Kiss muna."
"What?!"
"Wala."
"Ano ba!" Tumayo ka naman sa sahig as you stomped to him para isara ang kurtina at blinds sa bintana.
"Hey! Don't!" Angal ni Ran nang tumayo sa upuan para pigilan ka na isara ito, grabbing your wrists.
"Let go! Close it nga!" Laban mo naman habang sinusubukan na abutin ang bintana, pero dahil matangkad si Ran, hinaharangan ka niya.
"Mainit nga! No!" Inis na sabi ni Ran.
"Malamig nga, bwiset! Tabi!"
"Mainit!"
"Malamig!"
Parang aso't pusa talaga ang dalawa, onti nalang magrarambulan na sa classroom eh, mag wrestling na rin.
Sinampal sampal mo lang si Ran at suntok, sinasabunutan mo na rin, pero iniiwasan lang ni Ran at dinododge ka... nag away na talaga ang dalawa dahil lang sa bintana.
"I said it close it— AHH!" Hindi na natuloy ang sinasabi mo nang biglang kumidlat sa labas lang ng bintana, and napatakip ka sa tainga mo at yumuko.
Napahinto naman si Ran as he looked at you, "You're scared?"
"No!" You faced him pero nakatakip parin ang tainga mo, "I-I said close it!"
Ran finally closed the curtains and blinds as he slides them, tinakpan din ang mga gaps sa bintana to at least muffle the thunder noises.
Bumalik ka naman sa higaan mo sa sahig para bumalik sa tulog.
You curled and hugged yourself to stop yourself from shaking dahil sa sobrang lamig, at halos mangisay ka na sa sahig while covering your ears.
You were about to turn around, but naramdaman mo na may bumalot na jacket sa katawan mo.
Napamulat ka naman, and you saw Ran taking out his extra jerseys and jacket para balutin ka.
"U-uh, t-thanks, I guess..." Sabi mo, hindi mo rin alam kung bakit hindi mo magawang sabihin yun, but you still did anyway.
Ran just sat beside you, at nagulat ka nalang as he laid your head on his lap, then pulled his jacket to cover your shaking body.
Inaantok din si Ran, kaya't he just rested his head on the wall and looked up on the ceiling. You were surprised, he isn't talking that much.
Nilalamig ka parin, at hindi mo rin alam kung bakit masakit ang ulo mo at inuubo ka.
Patuloy lang ang pag ubo mo, at halos hilain mo na yung jacket sa katawan mo just to seek heat.
But then... nagulat ka nalang as you feel someone wrap their arms around you, hugging you from the cold.
Hindi mo nalang ito pinansin and laid your head on his chest dahil sobrang nilalamig ka talaga.
Ran furrowed his brows when his skin made contact with yours, and he puts the back of his hand on your forehead to check, "Shit, you have a fever."
Patuloy lang ang pag ubo mo and you feel your throat getting hoarse, nose getting clogged too.
"U-um," Ran doesn't know what to do, so he quickly placed your head on the bags at tumayo siya para kunin ang bagong bili niya na water bottle at towel kanina sa training. He carefully poured water sa towel and dampened it.
Bumalik si Ran sayo as he placed the towel on your forehead. He used the extra ones to wipe it on your neck and face gently.
"Malinis 'to ah, baka kung ano isipin mo. Kakabili ko lang nito sa canteen kanina." Sabi ni Ran.
"S-shut up," Umubo ka, and you're barely conscious since you can still feel your headache, "Hindi naman ako maarte."
"U-um," Ran paused for a moment to think na he has to unbutton the upper part of your uniform to wipe your chest, "How the fuck will I say this without being awkward."
"Puta! Ano sasabihin ko, maghubad ka? Wait no, I sound like a pervert! Edi ano, um, tanggalin mo uniform mo, wait no— that sounds so fucking weird." Halos mag panic naman si Ran kakaisip.
"U-uhh, (Y/N)." He called.
"Hm?" You only hummed while laying on his chest since you don't have the energy to open your eyes or even talk.
"C-can— Can I button your uniform to ano— ano diba umm..."
"Huh?"
"I'll unbutton the upper part of your uniform to wipe your chest, pero kung ayaw mo edi wag." Bilis na sinabi ni Ran, at mukhang sapilitan pa ang tono, pinigilan mo nalang ang tawa mo.
"Whatever." Tipid mong reply, and you just let him take care of your fever.
"I'm not looking, k?" Ran closed his eyes while doing it, "Mag blindfold pa ako eh. Wow ano 'to, sahig?"
"Ang tagalog ba ng holy shit ay banal na tae?" Sabi ni Ran habang naka pikit at dinidistract ang sarili niya.
Sa sobrang walang makita ni Ran, yung mukha mo na pala yung kinukuskos niya.
"Sige, burahin mo na rin yung mukha ko." Sabi mo.
To be honest, Ran is the type of person who doesn't like pampering someone, he doesn't like taking care of a person and he couldn't care less about them, but maybe this time... he'll consider you.
Wala ng pakielam si Ran kung kailan kayo makakalabas ng classroom, and he doesn't mind it now. What's important is he's taking care of your sick form.
"Damn it, am I really doing this for this girl? What the hell is happening to me? Don't we hate each other? Isn't she just my target?"
Tanong ni Ran sa sarili niya, and nakakaramdam na rin siya ng antok, kaya he had no choice but to just lay his head on your shoulder, and there, he also drifted to sleep while you two are hugging each other.
Well, I suppose that there's still a sweet flavor left in Strawberries and Cigarettes.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro