Chapter 17
❝ LOVE TALE OF A DOUBLE STRAWBERRY ❞
17
"Tumawag nga kayo sa bahay, now!"
Utos ni Rochelle sakaniyang mga empleyado sa opisina. She's currently in Makati, in her office inside her firm's building.
"Ba't ba ang bagal?!" Dagdag pa ni Rochelle.
"E-eto na po, madame..." Kabadong sabi ng kaniyang empleyado nang binigay ang telepono sa kaniya.
Hinablot naman ni Rochelle ang telepono sa kamay niya at agad tumawag sa mga kasambahay at their home.
"Hello? Yaya, may I talk to Ran and Rindou?" Rochelle sternly said.
"Wala po sila sa bahay, madame." Sagot nito.
"What?!" Her brows furrowed as if there was a blazing scorch in her aura from behind. Hindi parin natatanggal sa kaniyang isip ang mga sinagot ni Ran kagabi sakaniya, kaya't nagdulot naman ito nang malaking galit para kay Rochelle. "Sa'n sila nagpunta?"
"U-uh–" Nagdalawang isip naman ang katulong, dahil naalala niya ang binanggit ni Ran sakaniya.
"No matter what happens, don't tell mom that I'm going to Baguio," Ran said to their servants before driving away.
"Madame, hindi ko po alam, e..." Nerbyosong sagot ng katulong.
"Sigurado ka?" Rochelle rasied a brow.
"O-opo, madame."
"Sasabihin mo sa 'kin o tatanggalin kita sa trabaho?"
With the words that Rochelle uttered, the servant began to sweat profusely.
Tiwala ng alaga o trabaho para sa pamilya?
"...Sa Baguio po..."
"Sa'n mo muna gustong pumunta?"
Ran asked habang nasa hotel kayo. Ngayon palang, nagiisip na kayo kung ano ang mga gagawin niyo at kung saan kayo pupunta since nakapagpahinga na rin naman kayo nang ilang oras. Sina Rindou, Ran, Kakucho, at Koko ay nakacheck in din sa same hotel, ngunit different rooms.
"Hmm... How about these swan boats? They look cute, o." You said while scrolling through the browser.
"Sige, tara na."
"Huh? Ngayon agad?"
"Yeah? Baka gabihin pa tayo."
"Alright. Bihis lang ako." Banggit mo nang naglakad papuntang banyo.
"Magpapalit ka ulit? Nako, si Elsa talaga 'to." Tawa ni Ran.
"Oo, tas ikaw si Olaf." Pagsusungit mo nang pumasok na ng banyo.
Suddenly, may kumatok sa kwarto niyo. Tumayo naman si Ran para buksan ito, at as usual, ang bumungad, ay sina Rindou at Sanzu.
"Yo! What's up, bro!" Syempre, tumityempo muna si Rindou.
"Ano nanaman balak mo?" Ran raised a brow as he leaned against the doorframe.
"Aalis ba kayo ni (Y/N)? Hehe..." Tanong ni Sanzu.
"Oo, bakit?"
"Pwedeng ano... U-uhm... Sumama, hehe..."
Ran's eyes just dropped then rolled his eyes. "Oo na."
"Ran–" Tawag mo nang pagkalabas mo ng banyo, at since medyo malapit lang ito sa pintuan, nakita mo sina Rindou.
Nanlaki naman ang mga mata nina Rindou at Sanzu nang nakita kang kakalabas lang ng banyo at parang may dala dalang mga damit at towel.
"Gagi!" Rindou gasped.
"Mukhang may na-distrub yata kami. Haha... Enjoy sainyong dalawa! Tuloy niyo lang!" Sigaw nina Rindou at Sanzu nang tumakbo papuntang room nila.
"What the fuck?!" Ran's eyes widened. "Hoy! What the hell do you mean?!"
"Huh?" You cluelessly stood there.
"Nothing. Sorry sakanila. Hindi talaga mapigilan mga bibig." Ran cleared his throat and also went to the bathroom para magbihis na rin.
"Ito po, kuya."
Sabi mo nang inabot ang bayad sa nagtitinda. Bago kayo sumakay sa mga boats, bumili muna kayo ng mga gamit sa mga tindahan sa gilid. May mga keychains dito, cap, wallets, at iba pa.
"Naks, suotin mo nga 'to, Sanzu! HAHAHAHA! Mukha kang tanga gago." Sabi ni Rindou nang pinasuot ang strawberry shaped sunglasses kay Sanzu.
"Ran, look, o!" You said you pulled him papunta sa mga nakita mo. "Vintage cameras! Rare lang makakita nito. I didn't know they still existed."
"Do you want to buy it?" Ran asked you as he also checked them.
"Yeah, sure. Can we?"
"Tinatanong pa ba 'yan," Ran scoffed. "Anything you want."
Akala mo isa lang ang bibilhin niyong camera, ngunit mukhang naparami dahil halos lahat yata ay tinesting niyo ni Ran. Naka-ilang stolen shots ka na rin sakanya, kaya't napipilitan na rin kayong bumili.
Then, may nagflash naman sa harap ng mukha mo, and nakita mo si Ran na tumatawa.
"Akin na 'yan!" Sabi mo nang inabot ito, ngunit tinaas ito ni Ran sa kamay niya.
"Asa ka. As if aabutin ko 'yan. Ano? Tatalon ako?" Pagsusungit mo nang umalis.
"Luh! Eto na! Uy!" Nagpipigil ng tawa si Ran nang sinundan ka habang dala dala ang mga vintage cameras na binili niyo.
"Mga bata talaga..." Ngiti ng isang matanda na nagbebenta ng vintage cameras.
Pagkatapos niyong bumili ay pumunta na rin kayo sa mga boats. Sumakay din sina Rindou, at magkahiwalay na boat kayo ni Ran.
Habang kayo ni Ran ay nagpipicture gamit ang mga vintage cameras, sina Sanzu at Rindou ay nagsisigawan dahil muntik nang lumubog ang boat nila.
Sina Koko at Kakucho naman ay tahimik lang sa gilid, pero mukhang nagtitimpi ng galit dahil sa dalawa nilang kaibigan.
Kakucho is just quietly taking pictures of the beautiful view and scenery, pero behind the camera, may dalawang malikot sa boat, at ito ay sina Rindou at Sanzu.
"AHHH! AHHH! BABA NIYO AKO!" Putang ina mo, Sanzu! 'Wag kang malikot! Tutulak kita, sige!" Sigaw ni Rindou habang nakakapit na sa poles.
Si Sanzu naman ay inaasar ang tatlo dahil tumatalon-talon siya sa boat at umaalog na ang boat nila.
"Kapag lumubog 'to, remake natin 'yung sa titanic." Asar pa ni Sanzu.
"Pakyu ka. Lumilibog na nga 'yung bangka." Sabi ni Rindou.
"Ha?"
"Lumulubog pala. Ewan."
Habang ang bangka naman nila ay halos lumubog na, kayo naman ni Ran ay nasa gilid lang at tinitignan ang mga litratong kinuha niyo sa vintage cameras.
"I honestly want these more than polaroids," you said.
"Akin na. I"ll take a picture of you." Ran said.
"Sus. Baka puro stolen shots kunin mo. Tapos ang papangit pa ng mga angles." You replied.
"Hindi, ah. Galing ko kaya kumuha ng pic. Akin na." He insisted as he reached for the camera.
(Y/N) gave him his camera, and posed on the boat, with her warm smile and squinted eyes. She smiled directly at the camera, but it felt like she's smiling at him instead, this was what Ran felt, and hindi niya na rin napigilan na ngumiti.
"Wait lang," sabi ni Ran at kunwaring umubo, nagtaka ka naman dahil mukhang tinatago niya ang ngiti niya.
"Done?" you asked.
"Uh, yeah. Here. Just check it." He said as he handed you the camera back.
You checked the photos that Ran took, and surprisingly, maaayos ang mga ito.
"See? Wala pa talagang tiwala sa 'kin." Ran chuckled.
"Oo na," you sighed.
"I mean if you want..." Ran said as he grabbed the camera again, then took another picture of you.
"I can be your photographer, anytime."
"Huy!"
Hakkai gasped nang nakita niya ang post niyo ni Ran, at ang location. "Oh my gosh! Nagdate sila! AHHHH! Kailangan ko 'tong i-broadcast sa buong mundo."
Ang Facebook post na 'yon ay isang picture ni (Y/N) na kumukuha ng litrato sa gilid ng boat gamit ang vintage camera. Mukha rin itong stolen shot, at si Ran ang kumuha nito.
With a caption na... she's like a vintage camera
"AHHHH!" Sigaw ni Hakkai, taking a screenshot at sinend sa GC nila.
Section Burat
Hakkai sent an attachment
: PinakaSexyNiyongClassmate
ANO NAAAA MHIE
@Y/N @Ran
Agad naman nagseen ang mga kaklase niyo at 'yung iba ay nagrereact ng heart. May mga pumunta naman sa post niyo para i-like ito at magcomment ng kung ano ano.
Comments
Makoto Suzuki D==8
UYUYUYUY
@Y/N tulak mo si ran sa tubig
(Y/N) Ashanti (L/N)
OMGGGG
HAVE FUN BB @Y/N ILY MWA
Yumi Mori
cutieeee <3
Izana Kurokawa
Uy baguio
Peh Peh Yan
Baguio? So suspended?
Yamagishi replied to Peh
bobo ka bobo ka
Shinichiro Sano
Enge pasalubong ah
Emma Sano
GANDA MO
Sanzu Haruchiyo
Naks naman (kunwari wala rin kami jan)
Hanma Shuji (School Acct.)
Baka may shokoy sa tubig jan ah
Ehem ehem @Pah Chin
Pah Chin
Putanginamo
School account amputa
Hanma Shuji (School Acct.)
Taenamo may kababalghan ung alt acc ko
Banal ako sa acc nato eh
Chifuyu Matsuno
Banal? Sa lagay na yan?
Keisuke Baji
Binudburan ng budhi ni satanas
"Pinost mo 'yun?!" You gasped at halos sumabog ang notifications mo nang nakakuha ka na ng signal.
"Yeah. Ang ayos kaya. Have you ever seen their comments?" Ran said nang nasa kotse kayo and on the way to the next stop.
"I mean, you're not wrong." You lightly laughed while reading some comments. You're kind of relieved dahil wala nang nang-aapi sa comments tulad ng dati.
"But anyway, maayos naman pagkakuha mo." Dagdag mo pa.
"Maayos naman talaga. Wala ka lang tiwala sa 'kin, e." Ran replied.
"Excuse me, wala akong sinabi, 'noh?" You scoffed. "Anyway, ano 'tong caption? 'Vintage camera'?"
"Oo, vintage, kasi matanda– Aray!" Ngunit hindi na natuloy ang sinabi niya nang hinampas mo. "Joke lang!"
"Okay," you rolled your eyes and crossed your arms nang humarap ka sa bintana at hindi na pinansin si Ran.
"Nagtampo na nga ulit." Tawa ni Ran. "Uy! Joke lang!"
"K."
Ran stopped the car at the sideroad. Nagside-eye ka naman, pero inirapan mo rin siya, hindi na rin siya makapag pigil ng tawa.
"O? Ba't ka tumatawa?" Pagsusungit mong tanong.
"Luh!" Sabi ni Ran. "Anong nagpipipigil ng tawa?" Sabi niya ngunit halata na pinipigilan nga ang tawa dahil nanginginig ang pagkasabi niya nito.
"K."
"'Ba naman 'yan. Ba't huminto?" Tanong ni Rindou na nakasunod lang sa likod ng kotse nila.
"Ewan," Sanzu said, ang driver din nila.
"Alam niyo ba 'yung daan?" Tanong ni Kakucho.
"Gumamit kayo Waze." Sabi ni Koko. "Y'all are so bobo."
"Ay wow ha!" Tawa ni Sanzu, pero pahigop 'yung tawa nito. Ewan ko kung ano 'yon pero oo.
"Ask Ran, dumb shits. Rindou, go and ask him!" Koko commanded.
"Putang ina mo. Ano ka, boss?" Rindou scoffed.
"Powtanginuhmow! Are you gago-ing me?" Koko retorted.
"Ito na nga. Bababa na." Bulong ni Rindou.
"Sorry na!" Sa kabilang kotse naman, ay may isang lalaki na may sinusuyong babae na daig pa ang tigre at pusa sa pagiging masungit.
"Babe, sorry na. Bati na tayo, please?" Ran pleaded.
Nanlaki naman ang mga mata mo. The sides of your lips twitched a bit, pero inikutan mo nalang siya ng mata at humarap ulit sa bintana.
"Okay, hindi 'yun gumana." Napakamot nalang sa ulo si Ran.
"How about this?" Ran put both of his hands on the side of your cheeks and then made you face him while squeezing your cheeks that made your lips pout habang nakasimangot.
"Sorry, sorry, sorry, sorry," Ran repeatedly said as he kissed your cheeks and then forehead every sorry.
Nagulat ka naman dahil dito, pink hue creeping across your cheeks. "Bahala ka nga diyan." You said as you faced the other direction.
"Am I forgiven?" Ran asked as he leaned closer to you, habang suot ang kaniyang mapang-asar na ngiti.
"Oo na!" You shouted and tinulak mo siya sa mukha papalayo.
"Oy!" But then, nagulat naman kayo nang may kumatok sa bintana ng kotse, or more like padabog na katok.
"Putang–" Bulong ni Ran.
"Kuya!" Katok ni Rindou sa labas ng bintana.
"May batang namamalimos, o, patawad po." Sabi ni Ran nang binaba ang bintana.
"Tang ina mo, narinig ko 'yon. Pakyu ka." Sambit ni Rindou na pinakyuhan nalang ito. "Ba't kayo huminto? May iihi ba?"
"Wala. Ba't ba?"
"Wala lang. Akala ko kasi ano."
"Ano?"
"Ano?"
"Ano? Wala. Baka kasi maligaw kami. Oo na. Babalik na 'ko sa kotse." Pilit na tawa ni Rindou nang umalis na at sumakay sa kabilang kotse.
"Parang tanga rin 'yon, 'noh?" Ran muttered.
"Oo. I mean, look, magkapatid kayo, so mana sa kuya." You said.
Ran gasped. "K."
"Anyway, saan pala tayo pupunta?" Tanong mo at nakalimutan naman ni Ran na dapat pala siyang magtampo.
"O ba't ka nagtatanong?" Ran mumbled at tinuloy ang pagd-drive.
"Luh, okay." You rolled your eyes.
"Wala bang suyo diyan..." Bulong ni Ran na para bang nagpaparinig.
"Asa ka."
"K."
Ilang minuto ang nakalipas at hindi na rin nagsasalita si Ran, napa-side-eye ka naman at mukhang nagtampo nga rin. He has a stoic face while driving.
"Galit ka?" You asked, nagpipigil ng tawa.
Hindi ka pinansin ni Ran and continued driving.
"Okay...?" You murmured.
Naghintay ka ng ilang segundo, ngunit hindi ka parin talaga pinapansin ni Ran.
"Pst," you called him. "U-uh... K, sorry na."
Ran just nodded, but deep inside, nagpipigil ito ng ngiti at tawa.
"Sorry na, uy," ulit mo pa.
"So, saan daw tayo pupunta?" Tanong ni Sanzu na nakasunod parin sa kotse niyo.
"Ewan. Hindi sinabi." Rindou shrugged while scrolling through his phone.
Then suddenly, Sanzu stepped on the brake and halos matanggal si Rindou sa upuan niya. "Uy– Puta! Dahan dahan ka kaya magdrive, 'noh? Gusto mo bang sumapul mukha ko sa windshield ng kotse, ha?"
"Eh, bigla kasing huminto kotse nina Ran!" Reklamo ni Sanzu. "Ano gusto mo? Banggain ko sila?"
"Ba't ba kasi hinto nang hinto 'yung dalawa?" Bulong ni Rindou nang napansin na huminto nanaman ang kotse ni Ran kung saan kayong dalawa nakasakay.
"Ano bang ginagawa ng dalawang 'yon?"
"Uy!"
Tawag nina Rindou nang nakarating na sila sakanilang destinasyon. Nagpark na rin ang dalawang kotse, at lumabas na rin kayong dalawa ni Ran.
"An'yare kay (Y/N)?" Tanong nina Sanzu kay Ran dahil napansin nila na parang namumula ka.
Ran just held a smirk on his face then walked away. "Ano? Sasama ka?" Ran asked you nang lumingon pa ulit ito, at sinungitan mo siya, as usual, pero sumunod din sakaniya.
Nagtinginan nalang ang mga kaibigan ni Ran, cluelessly.
Ilang segundo ang nakalipas, at napansin mo na rin kung saan kayo, and your eyes widened as you saw the familiar place.
It's the strawberry farm.
"See?" Ran said beside you as he saw how your face lit up with excitement.
Pumasok na rin kayo, and kumuha ng baskets. Sakto ang pagpunta niyo at dahil pwede kayong magpitas ng strawberries.
"Kuya, pwede po ba kainin pati 'yung halaman?" Tanong ni Sanzu sa naga-assist sakanilang farmer, at nagpigil nalang ng tawa sina Koko.
"Bobo mo, p're." Bulong ni Rindou nang nagpipigil ng tawa.
"Look, o, Ran, I already picked a lot," pagiinggit mo pa nang pinakita mo ang basket mo. "Sa'yo, ang onti."
"Nakawin ko 'yung sa'yo, e." Pagbabanta ni Ran.
You bent down to pick the strawberries from the bottom, but a particular one caught your attention.
"A double strawberry?" You mumbled and picked it from its branch.
Hinati mo ang double strawberry at nilagay mo ang other half nito sa basket mo. You looked at the other half, thinking, what will you do with it?
"Ran!" You called him.
"Ano?" He replied and walked towards you. He also bent down and saw what you were giving him.
"Ano 'to? Akin nalang?" Ran asked, baffled, then casually received the other half of the double strawberry.
"Yeah," you said, busy picking more strawberries as Ran furrowed his brows as if remembering something.
"Double strawberry... Double strawberry..." Nag-isip si Ran nang malalim.
Why is it so familiar?
"Iho," suddenly, may kumalabit at tumawag kay Ran kaya't napalingon ito, at mukha itong matanda na farmer.
Tumayo naman si Ran. "Po?"
"Ikaw ba ang kasama ng dalagang iyon? Si (Y/N)?" Tanong nito.
"...Opo," Ran nodded, slightly raising his brow. "Bakit po?"
"Ah, sabi na nga ba," napangiti nang saglit ang matanda. "Naku, hindi ko alam na dadalo pala si (Y/N) dito sa Baguio."
"Ah, opo," Ran awkwardly laughed. "Kakilala niyo po si (Y/N)?"
"Oo. Ako ang kapatid ng lolo ni (Y/N). Dito namin pinapatakbo ang aming negosyo, ngunit nasa abroad ngayon ang lolo niya." Kwento ng matanda. "Hindi ba naikwento sa'yo 'yan ni (Y/N)?"
"Ahh... Hindi po, e. Ngayon ko lang po nalaman na may kamag-anak din po pala siya sa Baguio." Ran said.
"Oo nga pala, anong pangalan mo?" Tanong ng matanda parang inoobserbahan si Ran.
"Ran Haitani po,"
"Hmm... Isang makisig na binatana. Ka-ano ano ka ni (Y/N)? Boyfriend? Ang tangkad mo naman, iho. Taga saan ka? Lungsod ng Maynila?" Tanong pa nito, at dali dali na nga na naging masayahin ang matanda. "Naku! Dapat malaman ito ng kan'yang lolo!"
"Ay, thank you po, pero hindi pa po," nginitian nalang ito ni Ran– "at opo, I'm from Manila po."
"Ran–" Tawag mo sakaniya, at napalingon naman ang dalawa sa 'yo. Your eyes squinted, then quickly recognizing the old man.
"Lolo Ralf!" Ngiting bati mo sakaniya.
"Hindi mo naman sinabi sa akin na may nobyo ka na. Hindi mo pinakilala sa amin. Alam na ba 'yan ng nanay at tatay mo?" Asar na tanong pa niya.
Napatingin na naman kay Ran at nilakihan ito ng mata threatingly. "Anong sinabi mo sakaniya?" Pabulong mong tanong na may diin kay Ran.
Ran just shrugged and smiled innocently. Mukhang nang-aasar din ito.
"Ah, hindi ko po siya boyfriend, lo..." Agad mong explain.
"Hmm... Manliligaw?" Hula pa ng lolo mo.
"...Opo," you answered.
"Sabi na nga ba," tawa ng matanda. "Iniimbitahan ko kayo sa bahay namin. Siguradong matutuwa ang mga bata lalo't nang hinihintay ka roon, (Y/N)! Isama mo na rin si Ran."
"Ate (Y/N)!"
Sa ganitong layong distansiya pa lamang, ay naririnig mo na ang boses ng mga bata na taga rito sa Baguio. Kilala ka nila dahil sa tuwing pumupunta rito, sila ang nakakalaro mo at tinuturing mo na rin na kapatid. Nakakainip din kasi sa bahay dahil only child ka, kaya't kapag pumupunta rito ang mga magulang mo, ay kinukuha mo na ang opportunity.
"Ba't parang takot 'yung mga bata sa 'tin?" Bulong na tanong ni Sanzu na sumama rin sainyo.
"Gagsti, Different creature ka raw. Mukhang asong ulol." Sagot ni Rindou at naglakad paalis.
"Luh. Tang ina mo! Ikaw nga mukhang paa ng kalabaw, e."
"Na-miss ko kayo!" Sabi mo nang niyakap mo sila, at binuhat ang mga iba nang inuwian mo rin sila ng mga pasalubong.
"Ate... Sino 'yung mga 'yan?" Mahiyaing tanong ng bata nang nakita ang limang lalaki sa likod mo.
"Uyyy! Kuya Pogi!" Tawag ng isang lalaking bata na si Junior kay Ran.
"Ako, pogi ba?" Pagyayabang na tanong ni Sanzu.
"'Yung buhok mo kuya mukhang Barbie." Sagot ng mga bata.
"Anak ng–"
"Kalmahan mo, Sanzu, bata lang mga 'yan." Sabi ni Rindou na nagpipigil ng tawa.
"Ikaw naman kuya mukhang ube 'yung buhok, tulad ni kuya pogi. Mukha kayong magkambal na higad."
"Ha–?!" Napatingin naman ang dalawang magkapatid sa mga bata.
Then, lumipat ng tingin ang mga bata kina Koko at Kakucho, and the two are holding a cold, dreadful stare, kaya't hindi na inasar ng mga bata.
"Delikado 'tong dalawa." Bulong ng isang bata. "May hawak yata ni itak."
"Ano ba kayo!" Narinig niyo naman ang boses ni Lolo Ralf at pinagsabihin ang mga alaga niyang bata. "Hays, pagpasensyahan niyo na ang mga alaga ko, ha? Makukulit talaga."
"Ah, okay lang po." Ngiti ni Ran.
"Mukhang masaya naman po sila kasama..." Anghel na ngiti ni Sanzu– "at mukhang masaya ring paiyakin."
"Hindi pa ba kayo gutom?" Tanong ni Lolo Ralf. "Pasok lang kayo sa bahay kapag gutom kayo, ah? Maraming pagkain do'n. Kunin niyo kahit ano. Magpakabusog kayo." Alalang sabi nito bago pumasok sa bahay, at mukhang rest house ito na bahay kubo ngunit may halong pagka-modern dahil ang ibang parte ng bahay ay gawa ng bamboo at iba naman ay semento at glass door. May palayan din sa harap at patio kung saan pwedeng tambayan. Malawak ito kaya't dito muna kayo nagstay at naglaro kasama ang mga bata na babantayin niyo rin.
"Halika rito! MWAHAHAHAHA!" Demonyong tawa ni Sanzu na hinahabol sa damuhan at tinatakot ang pinaiyak niyang bata na nang-asar sakaniya.
"WaAaAaaAaH~! Lolo Ralf! Ate (Y/N)!" Iyak ng bata.
Si Rindou naman ay naka-abang sa dulo, at hinablot ang bata na mas lalo pang umiyak. "'Kala mo, ah! Ipapakain ka namin sa kambing." Sabi ni Rindou nang binuhat ang bata at tinakbo.
"Ano po pangalan niyo? Kuya Koko? Koko crunch!" Sabi naman ng ilang mga bata sa isang gilid.
"Kuya Kakucho! Nahihirapan kami sa multiplication table." Sa isang sulok naman, ay nandoon si Kakucho na kasama ang ibang mga bata at mukhang naging tutor na nila si Kakucho.
Kayong dalawa naman ni Ran ay nakaupo sa patio at pinapanood nalang sila. May mga bata rin na nagtatakbuhan malapit sainyo.
"Hindi mo sinabi na may kamag-anak ka pala rito sa Baguio. Ngayon ko lang nalaman, ah." Sabi ni Ran sa 'yo.
"Ah, sorry. I forgot to tell." You awkwardly laughed. "Since pupunta rin naman tayo ng Baguio."
"Akala ko kanina kung sino 'yun. Bigla akong in-approach." Ran laughed. "I didn't know you were related to him. Dito raw pinapatakbo negosyo niyo, e. May mga kinwento rin siya kanina nung wala ka."
"Marami talagang kinekwento 'yang si Lolo Ralf, but opposite siya ng kapatid niya which is 'yung lolo ko. My mother's father. At... oo, they run their business here."
"What's your business?"
"I'm not sure, but my grandfather owns five hectares here.Nakapangalan sakaniya halos lahat ng lupa in this area. I think they're centralized on farming and planting, then transporting it to sectors... which would cause... millions, I think? They prefer the 'traditional' way." You explained.
"Traditional way business? Siguro mas gugustuhin ko pa 'yan kaysa sa business ng parents ko." Ran chuckled.
"Why?"
"I don't know. Siguro mas makikita ko parents ko kapag ganito business nila. See how those children are close to you? As if you're their older sister. Your family's business and my family's business... are very different, but I want the business your family has." Ran said.
"Edi dito ka sa family ko. I mean, welcome ka naman palagi sa bahay. Tignan mo nga, napabago mo isip ni dad." You laughed.
"Diyan ako sa family mo?" Ran smirked. "Sige, be with my family as well. 'Di ba, (Y/N) Haitani?"
Napatingin ka naman sakaniya then scoffed. "Bahala ka nga diyan."
"Ate (Y/N)!" Tawag sa 'yo ng mga batang babae nang tumakbo papunta sainyong dalawa ni Ran at may dala dala silang basket na laman ay mga pinitas nilang mga bulaklak.
"Jewel, Mara, ano 'to?" Your lips pursed as you looked at the inside.
"Ate, gumawa kami ng flower crown!" Sabi nila sa 'yo. "Suotin mo, ateee!"
"Suotin mo raw, o," tawa ni Ran. "Lugi kayo sa Ate (Y/N) niyo, ayaw suotin. Nako, sayang naman 'yang ginawa niyo."
"A-ah, sige... Oo na," you muttered, then wore it. Natuwa ka naman sa gawa at effort nila.
"Mukha kang princess, ate! Kaya ka siguro nagustuhan ni kuya!" Sigaw nila at tinuro si Ran.
Si Ran naman ay secretly nagthumbs up na parang binubudol pa ang mga bata. Nagpigil ito ng tawa nang humarap ka sakaniya.
"O? See? Children never lie." Ran said with a pretend clueless shrug.
"Pati talaga mga bata dinadamay mo," you rolled your eyes.
"Kuyaaaa!" Then, may mga lalaking bata na pumunta rin kay Ran. "Ikaw po ba 'yung basketball player?"
"Uy," nanlaki naman ang mga mata ni Ran. "From Tier One Tigers?"
"Opo! Idol po kita!" Sabi ng mga bata na may dala ring bola.
"Wow, kilala ka nila, ha." You chuckled. "Ngayon mo sabihin na nang-iiscam ka ng bata."
"Tss... 'Wag kayong makinig sa Ate (Y/N) niyo, aagawin ko kayo sakaniya. Tara, basketball?" Aya ni Ran sa mga bata.
"Wow ha?!" You gasped.
"Opo!" Sagot ng mga bata, at pumunta na rin sila sa isang maliit na court habang ikaw naman ay naiwan.
"Mukhang may bago na silang kalaro," natuwa ka nalang nang nakita mong nag-eenjoy na naglalaro ang mga bata kasama si Ran.
Nakalipas ang ilang minuto...
"Isang round pa?" Tanong ni Ran sa mga bata na mukhang na-wili rin yata sa kakalaro kasama ang mga bata.
"Isa pa! Gusto ko talunin si Kuya Ran!" Sabi ng isang bata.
Ran just continued playing with them, and even pretending to do a mistake so that the children can win.
"Nice! Nag-iimprove ka na. Natatalo niyo na ako, ah." Sabi ni Ran nang finist bump ang bawat kalaro niya. "Pahinga muna kayo."
"Pagyayabang ko sa mga kaibigan ko na nakalaro ko si Kuya Ran!" Masayahing sabi nila.
Ran's heart softened with them as if he didn't hate children and toddlers before since he finds them pesky, but now, he sees them differently and even found himself enjoying with them.
Then, just outside the court, ay nakita ka niya na nakikipaghabulan sa mga bata habang suot ang flower crown. Mukhang nagpalit ka na rin ng damit, and you're wearing those simple dresses you see in provinces.
"Kita niyo 'yon?" Tanong ni Ran sa mga bata nang tinuro ka.
"Saan?"
"The one with the messy bun. Wearing a white dress." Ran said to them.
"Ah... Si Ate (Y/N)," sabi nila.
"Oo. Ganda niya, 'noh?" Sabi pa ni Ran.
"Crush mo ba si ate?!" They gasped. "O kaya girlfriend...?! Hala! May crush si Kuya Ran! Ayieeee!" Asar ng mga bata sakaniya.
"'Di ba dati niyo pang kilala si Ate (Y/N) niyo?" Tanong pa ni Ran sa mga bata.
"Opo."
Ran can't help but feel his heart flutter from his own anticipation as he looked at the woman running across the field. That one particular girl beams so brightly that not even the vibrant flowers can compare. It's as if the sun is shining directly on her. He kept his eyes the whole time at her.
"Sa tingin niyo, sasagutin ba ako ng Ate (Y/N) niyo?"
A/N: I'm excited 🥰
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro