Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1 | Until You Met Me

That is love, son of thorns. We welcome its cruelest blows and when we bleed from them, we whisper our thanks.

"You have got to be kidding me. Who, in their right mind, would say thank you after getting hurt?" pasinghal kong sabi. "That's not love. Stupid," bulong kong dagdag matapos basahin ang parte na iyon ng libro ni Cassandra Clare, ang Lord of Shadows.

"Syd! Ano ba! Napakakupad mo talagang kumilos!" Rinig kong sigaw ni Mommy mula sa baba.

Sinarado ko na ang librong hawak at muli kong sinulyapan sa huling pagkakataon ang kwartong naging bahagi sa maraming bagay sa buhay ko. Mamimiss ko 'to. Saka ako dali-daling bumaba dahil tatalakan na naman ako ni Mommy kapag nagtagal pa ako roon.

Nang makababa ako ay nakahilera na ang limang maleta at malinis na rin ang buong bahay. Doon na naman ako muling nakaramdam ng matinding lungkot.

"Remind me again bakit kailangan nating lumipat sa Las Piñas?" 

"Dahil konti na lang ipapabarangay na tayo ng mga kapitbahay natin sa kakapakielam mo sa kanila," sabi ni Mommy habang isa-isang tinitignan ang mga cabinet sa may kusina para siguraduhing wala nang naiwan doon. 

Napairap na lang ako sa isiping 'yun.

"Kasalanan ko bang ang laki nilang istorbo? Mga insensitive sila tapos tayo pa ang mag-aadjust," sagot ko naman. 

Totoo naman. Noong isang linggo ay may nag-aaway na mag-asawa, nasa dalawang bahay ata ang pagitan mula sa amin pero rinig na rinig ko pa rin ang sigawan nila. Mainit ang ulo ko noon dahil may hindi ako matapos-tapos na presentation para sa trabaho ko kaya naman sumugod ako sa mag-asawa kesehodang nag-aaway pa sila. Sa huli ay muntik pang ako ang mabato ng vase noong babae dahil sa pakikielam ko.

Noong nakaraang araw naman ay may magkapatid na nagpaparty sa gitna ng linggo. Hindi ba iyon pwedeng gawin ng weekends para man lang hindi makaistorbo sa mga may trabaho kinabukasan? Binigyan na lang nila kami ng pakunswelong spaghetti at fried chicken. Mababawi ba ng spaghetti at fried chicken ang tulog ko!?

At kahapon ng madaling araw! Tahol nang tahol 'yong aso sa katabi naming na bahay. Buti sana ay kung sila lang ang naiistorbo pero ang lakas ng tahol noong aso at nang makita ko ay tuta lang naman iyon pero nakakarindi sa pandinig.

"Halika ka na. Anong oras na. Sana naman sa lilipatan natin ay kalamahin mo 'yang sarili mo? Hindi lahat mag-aadjust para sa'yo," sabi ni Mommy.

Hindi na ako sumagot at sumakay na lang sa sasakyan namin. Muli kong sinilip ang harapan ng luma naming bahay. Muling nangibabaw ang lungkot sa 'kin saka nagsimulang umandar ang sasakyan namin.

"Mom, milktea tayo," sabi ko habang nasa byahe kami. Dalawang oras na ang nakakalipas pero hindi pa rin kami nakakarating sa bagong bahay.

Huminto kami sa isang milktea shop saka ako bumaba at bumili. Sa tabi ng milktea shop na 'yon ay may nagtitinda ng mga prutas kaya naman napabili ako ng isang kilong strawberry. Pinakiusapan ko pa ang nagtitinda kung maaari nang hugasan para naman makain ko na ang mga iyon sa byahe. 

"Parang hindi naman ata bagay ang milktea at strawberry, anak?" sabi ni Daddy nang makabalik ako sa sasakyan.

"Why? Okay naman siya. Gusto mo try?" natatawang tanong ko.

Alas-onse na bago kami makarating sa bagong bahay kaya naman pagod na pagod kami kahit na wala naman kaming ibang ginawa sa byahe kung hindi ang umupo. Si Mommy ay nakakatulog, si Daddy naman ay panay ang kwento sa driver namin para hindi ito antukin, at ako naman ay nakikinig lang sa Spotify habang masayang umiinom ng milktea at kumakain ng strawberry.

Sa labas pa lang ng bahay ay mukhang maganda na ito at hindi ako nagkamali nang makapasok na kami. Kitang-kita mula sa kinatatayuan ko ang receiving area sa kaliwa kung saan nakalagay ang sofa namin at dining area sa kanan. Nang makapasok pa ako ng kaunti na naroon ang kusina. Kakaiba ang ambiance sa loob ng bahay na ito. May theme iyon na white at gold na hinaluan ng kaunting red oak wood accent.

Umakyat na ako sa kwartong tinuro ni Mommy na magiging kwarto ko para sa bahay na 'to. Nagulat ako nang makita ang simpleng ayos noon pero elegante pa ring tignan, sinasabayan ang theme sa baba.

Sinimulan kong libutin ang kwarto ko at isa-isang tinignan ang bawat drawer sa loob ng cabinet, binuksan ko rin ang tv, at pinaglaruan ang remote ng aircon. Para akong batang dinidiskubre ang mga gamit sa loob ng kwarto ko na akala mo ngayon lang ako nakakita at nakagamit ng mga iyon. Nang sumilip ako sa aking bintana, nakita ko ang payapang langit. Punong-puno nang mga bituin iyon at kakaiba ang liwanag na nagmumula sa buwan.

Mapayapang naglalayag ang isip ko patungo sa kung saan nang makarinig ako ng malakas na tugtog na nagmumula sa katapat naming bahay.

Wala pa nga akong isang oras sa lugar na ito ay may bago na namang susubok sa pasensya ko. Ito ata ang sisira ng buhay ko dito sa lugar na 'to. Napakunot ang noo nang makitang 12:30 na sa aking orasan. Rinig na rinig ko ang mga boses nila at ang tugtog kahit na nasa ikalawang palapag ako ng bahay namin at nakasarado ang mga bintana.

"Patience, Syd, patience. New start. Ikaw na ang mag-adjust," mahinang pangungumbinsi ko sa sarili ko habang rinig na rinig ko pa rin ang tugtog sa kaharap naming bahay.

Nagkamali ako ng isiping makakatulugan ko rin ang ingay nila dahil sa pagod ko. Ilang beses akong bumalikwas sa kama, ilang unan ang pinatong ko sa tenga ko para matakpan ang ingay na nagmumula sa kanila pero nabigo ako. Nagulat ako nang tignan ko ang orasan at nakitang alas dos na ng madaling araw.

How insensitive are you, neighbors!?

Tumayo ako at lumapit sa bintana saka pinagmasdan ang mga taong walang hiyang nagpapatugtog nang malakas. Huminga na lang ako ng malalim saka muling pinakalma ang sarili pero nang makabalik ako sa kama para humiga ay doon ko napansing mas nilakasan pa nila ang tugtog nila.

Doon ko na hindi napigilan ang sarili kong tumayo at maglakad palabas ng baha, papunta sa kapitbahay namin walang hiyang nagpapatugtog ng malakas sa dis-oras ng gabi.

Hindi na ako nag-abalang tignan pa ang damit na suot ko. Lakad-takbo akong lumabas ng bahay at tumawid patungo sa kinaroroonan nila. Nakabukas ang gate ng garahe kung nasaan ang mga maiingay na kapitbahay namin na masayang nag-iinuman at nagpapatugtog ng napakalakas kaya hindi na ako nagdoorbell.

"Excuse me!" sigaw ko sa kabila ng malakas nilang tugtog pero mukhang hindi ata nila ako narinig o ayaw lang nila akong pansinin. Tatlong lalaki at dalawang babae ang naroon pero wala ni isang lumingon sa akin. My god! Mahabang buntong hininga ang ginawa ko bago ako muling sumigaw, "Excuse me!!"

Napakalakas naman kasi ng music nila. Hindi ko alam kung ano ang pinapatugtog nila kaya mas lalong nakakairita. Pero kahit naman alam ko 'yon, nakakairita pa rin. Anong oras na tapos malakas pa sila magpatugtog. Napaka-insensitive talaga. Kailan ba 'ko magkakaroon ng kapitbahay na medyo sensitive sa mga kapitbahay nila.

Doon ko nakuha ang atensyon nilang lahat saka ko sila tinignan isa-isa. Finally! Saka nagtama ang mga mata namin noong isang lalaking naka-itim na AC/DC shirt. Kahit naka-upo ito ay kita ko ang tangkad niya, hindi gaanong kaputian pero bagay naman sa kaniya at nakatali ang buhok.

Mabilis na bumalik sa kaniya-kaniyang ginagawa ang iba habang nanatili ang paningin noong lalaki sa 'kin. Hindi ito gumalaw sa kinauupuan niya kahit ang mga mata ay nakatuon pa rin sa 'kin. Hawak-hawak niya ang baso ng alak kahit nakapatong lang naman iyon sa lamesang nasa harapan niya. May nakaipit na stick ng sigarilyo sa pagitan ng mga daliri, tamad na nakasandal sa upuan at sadyang nagtaas lamang ng dalawang kilay na para bang nagtatanong kung ano na ang susunod kong sasabihin.

Tumingin muna ako sa iba pang kasama noong lalaki pero sa kaniya pa rin bumagsak ang paningin ko kaya naman siya ang kinausap ko. Napasinghal ako kasabay ng pag-irap bago muling tumingin sa gawi niya. Ganoon na lang ang gulat ko nang makitang parang hindi niya man lang inalis ang paningin sa 'kin. Nagawa ko pa rin naman magsalita ulit matapos noon, "Your music's too loud. Anong oras na."

Doon niya lang binitawan ang basong hawak-hawak saka nilagay ang sigarilyo sa pagitan ng mga mapupula niyang labi. Para sa isang taong nagsisigarilyo, bakit masyadong mapula ang kaniya? Mula sa kinatatayuan ko ay nakita ko kung paano niya nilanghap ang usok ng sigarilyo saka ito binuga habang nakatingin lang sa gawi ko. Matapos noon ay saglit niyang inalis ang paningin sa 'kin para tignan ang relo sa palapulsuhan.

"2:08 AM," maikling sabi niya nang maibalik niya ang paningin sa 'kin saka muling niyakap ng kamay niya ang basong hawak kanina.

Pekeng tawa ang nabitawan ko habang napalingon pa sa ibang gawi dahil sa pamimilosopo nitong kausap ko, nagpipigil na gumawa ng eksena. "Stupid. That wasn't a question. That was a statement," inis na sabi ko nang maibalik ko sa kaniya ang paningin ko.

Muli akong napairap nang magkibit balikat lamang siya na para bang wala silang naiistorbo sa lakas ng tugtog nila.

"Okay," sagot niya saka binalik ang paningin sa mga kaibigang kasama niya. Saka ko tinignan ang mga kasama niya na bumalik na rin sa pagkukwentuhan at walang ginagawa para hinaan man lang ang music. Mukhang mga lasing na.

Patience, Syd, Patience.

"Can you turn your music down? Nakakaistorbo na kasi, eh," sabi ko habang binibigyang diin ang bawat salitang lumalabas sa bibig ko. Gusto ko lang naman makapagpahinga ng mapayapa.

"No," mabilis niyang sagot.

"Why?"

"'Cause I don't know you."

Muli akong napairap sa sinabi niyang iyon. Sino ba siya sa akala niya? May-ari ng buong street dito? Na pwede niyang gawin kahit na anong gusto niya? Ano? Barangay capitan ba siya na dapat lahat kilala niya?

"I'm Sydney Faye Veronica Calypso. Now, can you turn your music down?" seryoso at tuloy-tuloy na sabi ko. Konting-konti na lang ang pasensya ko at hindi ko na alam kung ano ang magagawa ko sa lalaking ito. Nawala ang antok ko at napapalitan nang pagkainis.

"I'm Cole." Tumatangong sabi niya.

"I'm not asking."

"Neither do I, lady," sabi niya saka nakakalokong ngumisi. Kumukulo ang dugo ko sa mga sinasagot sa 'kin ng lalaking ito kaya naman napapikit ako kasabay ng malalim na paghinga. Matagal niyang nilabanan ang mga tingin ko nang magdilat ako at muling magtama ang mga mata namin. "Calm down." Isang ngisi na namang ang ginawa niya.

Nang mapagtantong hindi ako titigil at aalis hangga't hindi niya hinihinaan o pinapatay ang music ay tumayo na siya papunta sa speaker at diretsong tinanggal iyon sa saksakan.

Finally! Sana kanina mo pa ginawa!

"Thanks!" sarkastikong sabi ko nang makaharap na ang lalaki sa akin para bumalik sa pwesto niya. Naging hudyat naman iyon para ako ang tumalikod upang makabalik na sa bahay kasama ang lahat ng sama ng loob ko para sa lalaking ito.

Bwiset!

"Have coffee with me," rinig kong sabi niya na nakapagpahinto sa 'kin, pinag-iisipan kung para sa 'kin ba iyon o ano. Nabigyan ako ng kasiguraduhan nang lingunin ko siya at nasa akin ang mga paningin niya.

"Smooth!"

"Speed lang, sir!"

"Lumalovelife sa malakas na music! Nice, Cole!"

"'Yon!"

Rinig ko mula sa aking kinatatayuan ang kantyawan ng mga kaibigan niya na nakapagpairap na namang muli sa akin. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong napa-irap at napabuntong hininga sa harap ng mga ito.

Unti-unti na kong nahihilo kakairap sa mga 'to.

"I don't drink coffee," nakangising sabi ko saka muling nilingon ang gawi pauwi nang bahay.

Muli kong narinig ang pang-aasar ng mga kaibigan niya.

"It's a no for her, pare," natatawang sabi ng isa.

"Awtsu!"

"Rejected ka, brother!"

"Basted ka kaagad?"

Pero sinubukan niyang muli nang marinig ko na naman siyang magsalita, "Milktea?"

Ilang segundo kong pinag-isipan ang offer niya. Bahagya ko na lang nilingon ang gawi niya saka nakangising sumagot, "Try harder."

"With strawberries?"

At doon ako muling napahinto. 

"Nice try but no," sabi ko nang nakangisi. Muli ko ring narinig ang kantyawan ng mga kaibigan niya kasabay ng paglakad ko pabalik ng bahay namin at payapang nakatulog nang gabing 'yon. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro