Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

special chapter: flare


(⌒▽⌒)

Simula bata pa ay malupit na ang mundo kay Flare. Well, except no'ng panahong wala pa siyang kamuwang-muwang sa mundo, no'ng ang problema palang niya ay ang paano makakatakas at makakapaglaro nang matagal kasama ang pinsan niyang si Kyzia nang hindi pinapagalitan ng mommy at daddy niya.

Ngunit simula no'ng magkamalay at pumasok sa eskwela ay tila hindi na siya tinantanan ng kalupitan. She was often bullied by her classmates and even some of their teachers were indifferent to her. No'ng una ay hindi niya maintindihan kung bakit, ngunit kalaunan ay naunawaan na rin niya.

It's because of her parents. Dahil anak siya ng mga cheaters.

Both her father and mother cheated on their previous partners. Parehong may mga may asawa't anak na ang mga magulang niya nang mabuo siya. She's the product of infidelity.

Dahil sa sama ng loob, palagi niyang hinihiling noon na sana ay hindi na lamang siya ipinanganak o 'di sana ay ipinalaglag nalang siya ng mommy niya. But whenever she see how happy her father and mother whenever they're together ay tila hindi niya makayang magalit. They were good parents to her, they were very loving, ramdam na ramdam niya ang pagmamahal ng mga magulang niya. Ngunit sa kabila ng lahat ay hindi pa rin maaalis ang katotohanang ang kapalit ng kasiyahan nila ay pagkakaroon ng mga taong nasaktan dahil sa pagkakamaling ginawa.

Her parents loves each other so much, ngunit mali pa rin sila. Kung kaya't habang lumalaki siya ay tinanggap nalang niya at tiniis ang pangungutya ng mga tao sa kanya.

Flare's father died when she's ten years old and her mother fell into depression. Ni hindi na halos lumalabas ng kwarto at kumakain which made her ill. Labis siyang naapektuhan ng pagkamatay ng asawa. And it wasn't long after that when she passed away, and Flare was left alone.

Ang kanyang tito, ang daddy ni Kyzia, na kapatid ng kanyang ina, ang kumupkop sa kanya. Ngunit sa pagtira sa kanila ay naramdaman naman niyang ayaw siya ng asawa nito. Kung kaya't kahit na mahirap ay sinubukan niyang bumukod no'ng tumuntong ng highschool. Sinuportahan naman siya ng kanyang tito at nangakong bibigyan siya ng allowance.

Hiyang-hiya na siya dahil sa dami ng naitulong nila sa kanya but she really didn't have a choice back then, dahil kahit nagpapart-time pa siya ay hindi pa rin sapat ang kinikita niya para sa pang araw-araw na gastusin.

Everyday's like survival for her, at sa eskwela ay kailangan pa niyang pagtiisan ang mga kaklaseng nambubully at gumagawa ng tsismis tungkol sa kanya.

She was in grade 9 when she met her first love, Eren Dela Cruz, ang anak ng principal na ipinagtanggol siya sa mga bullies no'ng isang beses na macorner siya. She was so thankful with his kindness at dahil mabait at carefree ang lalaki ay mabilis siyang naging kumportable rito. Simula no'n ay lagi na siyang sinasamahan nito, pinagtatanggol, and he seemed to not care about her reputation, which made her happy. And it wasn't long after that when he confessed that he loves her. She also feels the same kaya naging sila rin kalaunan.

They were lovers for a year, hanggang sa magtapos sila ng junior highschool. They were happy. Eren was able to fill the gaps in her heart. He was always there to hold her hand whenever she misses her parents and hug her whenever she feels alone. She let herself be vulnerable in front of him because he loves her at ramdam naman niyang mahal siya nito.

But just like they say, good things often come to an end. Their relationship wasn't a secret, so Eren's parents found out about it after they completed junior high school. They were against Flare, dahil para sa kanila ay hindi makakabuti sa reputasyon ng anak ang batang babae dahil sa mga magulang nito. So they asked their son to break up with her.

Flare's young heart hoped for her lover to fight for their relationship, but he didn't. He was so sorry, pero ano nga ba ang magagawa ng sorry kung iiwan naman siya nito?

It was her first heartbreak and she had to deal with it alone dahil wala naman siyang kaibigan, maliban sa kanyang pinsan na minsan nalang niya malapitan dahil nahihiya siya. Baka kasi pati ito ay madamay pa sa pangit niyang reputasyon.

Eren's parent's sent him to Europe after that at simula no'n ay wala na siyang naging balita sa lalaki.

Mahirap man at malungkot, Flare had no choice but to continue. Nagsumikap siyang makapagtapos ng senior high school kahit na pakiramdam niya ay pagod na siya sa lahat. That's also the time when she found comfort in watching anime movies and series again. Simula no'ng mamatay ang mga magulang ay hindi na siya nakakanood. Because everytime she watches, naaalala niya ang ina. Because she's a fan of anime at sila ang magkasamang manood no'ng maliit pa siya.

Kahit na nagkamali ay mahal na mahal niya ang ina, kaya kahit mahirap ay pipilitin niyang makapagtapos ng college, dahil alam niyang gusto nitong maging successful siya.

Hindi katulad ni Kyzia, Flare stayed in their province kahit na inalok siya ng tito na sumama sa pinsan at mag-aral sa La Salle. Hiyang-hiya na kasi siya dahil sobrang dami na nilang naitulong sa kanya at hindi na niya alam kung paano pa makakabayad.

She stayed in their province for college, and there, she met Xian when she's in third year. Magkatabi sila ng unit kung kaya't lagi silang nagkikita. She was distant at first dahil wala pa siyang balak mag entertain ng lalaki, busy pa kasi siya sa acads. But Xian always makes ways to get her attention, at isa na roon ang pagbibigay nito madalas ng pagkain sa kanya.

He's kind and caring, magaan ding kausap, at madalas makulit. Naiinis siya no'ng una ngunit kalaunan ay hinayaan nalang niya ang lalaki. Sa dalas nilang magkita at magkasama ay hindi niya napigilang magkagusto rito. Niligawan siya nito at naging sila naman matapos ang dalawang buwan. They were happy kahit na hindi sila lumalabas para mag date, medyo private person raw kasi ang lalaki. Paniwalang-paniwala naman siya, na agad naman niyang pinagsisihan.

Isang araw ay bigla na lamang may sumugod sa unit niya at sinabunutan siya. The girl introduced herself as Xian's wife, which made her world crumble. Hindi agarang nag sink-in sa utak niya na pinaglaruan siya.

Pinaniwala siyang mahal siya at siya lang, pero may asawa pala. Hindi pa nakuntento ang asawa sa pambubugbog sa kanya at dinala pa sa facebook ang issue, which made her trending. At pagkatapos no'n ay hindi na halos siya makalabas at makapasok ng school dahil sa mga tsismosa at bullies na nagkakalat sa paligid.

She was a victim too, pero hindi na siya nag abalang ipaliwanag pa ang sarili dahil tila hindi na rin naman mababago pa ang paningin ng tao sa kanya. Masama pa rin siya sa kanila kahit anong gawin niya and she's already so tired.

"Come here, dito ka nalang mag-aral. Please?"

Napatayo siya no'ng marinig ang sinabi ng pinsan, bigla kasi itong tumawag sa kanya. She was already so close to giving up dahil pagod na pagod na, pero ang galing nga namang tumayming ni Kyzia.

"Bakit?"

"Ayaw mo bang mag change environment? Maayos din naman dito sa Maynila, explore ka muna. Saan bang school gusto mo? Uhm, dito sana sa DLSU kaso ang hirap magprocess ng transferees..."

They talked for hours after that. Kyzia convinced her na lumipat ng school at sa huli ay pumayag nalang siya dahil wala na siyang mahanap na rason para tumanggi.

"Sige, sa UE, maganda raw doon. Send mo sa 'kin requirements mo, Pleng, ha?"

"Okay, I will."

She sighed after the phone call.

New place, new life, huh?

Alam niyang hindi naman talaga nangyayari iyon, pero baka sakali... mangyari.

And it did, because of him, the stranger he met on omegle.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro