Epilogue: Maybe One Day
Memories can't move forward, but it can make one's life happier by making more.
Four years later . . .
Sa bawat taon na lilipas, marami ang maaaring magbago.
Kung noong nakaraang taon ay pulos kalungkutan, baka sakaling ngayong taon ay doble na ang ligayang matagal nang hinihiling.
Everything will change as time goes by not just the way you wanted it, but the way it has to be.
Maraming nangyari sa buhay ni Wicker nang makalipas ang apat na taon. He graduated Business Management and taking his own experience through working in their company and taking care of his own line of business. Magsisimula siya sa pinakamaliit na negosyo at papalawigin ang nalalaman para mapalago ito nang mag-isa.
He has always been wanting some challenges in life. He knows his parents could help him, but he can manage himself to supervise his own business. Mas lalo siyang naging dedicated habang tumatanda. The maturity in him is still growing.
Minamaneho ni Wicker ang bago niyang kotse–graduation gift ng ama niya. He called him Daylight. Midnight should be jealous right now. Sinasanay lang ni Wicker na manenuhin ang bago niyang kotse. Iyon lang 'yon. He loved both of them.
Nakapasak sa bibig niya ang matamis na lollipop habang nagmamaneho. Kapagkuwan ay binuksan ni Wicker ang glovebox ng kotse upang kuhanin ang kanyang itim na shades dahil maliwanag ang kalangitan noong mga oras na 'yon.
Medyo nasisilaw siya. Lalo na sa daang tinatahak niya mula sa kahabaan ng sea side area ng Fawnbrook. He had so much memories while driving in this place.
Isinuot niya ang itim na shades at sumilip sa rear view mirror scoffing. He looked great wearing it.
Mayamaya'y napansin niya ang maliit na binoculars nang isarado niya ang glovebox.
Dinampot niya iyon.
He remembered the camouflage designed binoculars. Iniregalo ito sa kanya ng ama niya noong bata pa siya. Hindi niya maiwasang mapangiti dahil doon.
Mabilis niyang pinatatakbo ang kotse. Nadaanan niya ang Aquilla Lighthouse na tanaw na tanaw niya kahit pa nasa sea shoal ito, sa likod na bahagi ng maliit na kakahuyan.
Muli siyang bumalik doon nang makalampas. Hindi naman siguro siya magtatagal doon kung sakaling puntahan niya. Maaga naman siyang umalis para magtungo sa isa sa mga good and potential investors niya, sasaglit lang siya roon. Sisilip lang.
Ipinarada niya ang kanyang kotse mula sa dating parking area ng peryahan. Wala nang peryahan doon. Naging isang malaking sea side parking space na lang ang dating peryahan. Nakalulungkot man na hindi na niya ito nakita roon, pero ganoon talaga ang buhay. Hindi lahat ay permanente, lahat ay maaaring magbago habang lumilipas ang panahon.
Bumaba siya sa kanyang kotse at naglakad patungong lighthouse habang dala-dala ang maliit na binoculars niya.
He's wearing a navy blue coat and inside longsleeve with tie. Nakaayos siya dahil sa meeting na pupuntahan niya mamaya.
Malakas ang hangin na sumalubong sa kanya nang malampasan niya ang maliit na kakahuyan bago tuluyang makarating sa shoal.
Napakaganda pa rin ng buong lugar. Kahit na ilang beses na niyang napuntahan ito noon, hindi pa rin niya maiwasang mamangha. Lalo na sa tayog ng parola mula roon.
Malakas ang alon sa dagat, maraming seagull ang lumilipad sa gitna niyon.
Naalala niya bigla si Annara.
Ganitong mga tanawin ang gustung-gusto ng babaeng iyon. Mamamangha 'yon panigurado kung magkasama silang dalawa ngayon.
Sinilip niya ito mula sa binoculars na dala niya. Umukit agad ang ngiti sa kanyang mga labi nang makita niya ito nang malapitan. Lalo na nang masaksihan niya kung paano nakadagit ang isang seagull ng maliit na isda nang bumulusok ito nang langoy sa ilalim ng tubig.
"It's been a while . . ."
Tinanggal ni Wicker ang lollipop sa kanyang bibig at nilingon ang nagsalita sa likuran niya.
He paused, half surprised.
"A-annara?" he stammered, putting down the binoculars over his eyes.
Pinagmasdan niya si Annara na nakatayo sa likuran niya. Nakasuot ito ng puting bestida at doll shoes. Maikli na rin ang buhok nito na may habang hanggang balikat. She looked slightly matured, yet she's still beautiful than she ever was.
"Hi," she greeted with a pleasant smile.
There has been an awkward silence between them. Bigla silang nagkahiyaan nang muling magkita.
Hindi lang makapaniwala si Wicker na makikita niya si Annara sa pagkakataong ito. He's been waiting for here for almost a year when the time she disappeared.
Hindi niya inaasahan na makikita niya ito ngayon kahit na minsan na lang siyang magpunta sa lugar na 'yon.
"I can't believe it. You're actually here!" Namimilog ang mga mata niyang nasusurpresa.
Naglakad si Wicker na dala-dala ang malapad na ngiti na lumalapit kay Annara.
"You looked great! Saan ka pupunta?" tanong ni Annara, pinupuri ang kasuotan niya. He looked so professional young man.
"Me? I am going in a meeting with a potential investor. Ikaw, ano'ng ginagawa mo rito? Kumusta ka na?" Labas ang mga ipin nitong ngumiti kay Annara.
"I'm okay. Life has been different now. Madalas akong magpunta rito at nagbabaka-sakaling makita kita. I wanted to say sorry for everything and leaving you behind."
Tila may kumurot sa puso ni Wicker nang sabihin ni Annara ang tungkol sa bagay na 'yon. Bigla-bigla niyang naalala ang kanyang nakaraan nang mawala si Annara.
Noon galit siya rito, subalit naglaho na iyon habang lumilipas ang panahon.
"It's fine. Ang mahalaga ngayon ay maayos na ang lahat."
"Naduwag lang talaga ako kaya hindi ko na nagawang makapagpaalam sa 'yo. I should have faced everything I've done. Hindi rin pala okay 'yong basta mo na lang tinalikuran ang lahat. Papatayin ka pa rin ng mga bagay na tinakbuhan mo."
"Sometimes, it's okay to disappear until you found yourself and be you again without anything holding you back." Suminghap si Wicker. "Facing your fears isn't always the right thing you have to do. Running away is sometimes the bravest thing you'll ever do."
"I ran from darkness and still hides in the dark. It's just the same thing." Lumungkot ang mukha niya.
"And it is still a courage to run away from everything if it makes you miserable."
Ngumiti ito sa kanya nang bahagya. "Words are not enough to thanked you for all the things we've been through. Amidst of chaos in my head, strange voices in my ears and the never-ending guilt in my eyes . . . You've been there, you're always been my aegis for everything." Malalim siyang huminga. "There was always you."
Wicker looked at her. He doesn't want to turn everything emotional. He lightly tapped her shoulder and looking straight in her eyes with a smile.
"Just forget about it. Ang importante ay okay ka na ngayon. Kumusta na pala sina Thea at ang papa mo?"
Annara forced a smile. "Namatay si Papa isang taon ang lumipas matapos kaming umalis. Nagkaroon ng komplikasyon ang sakit niya sa puso at hindi na niya kinaya 'yon. Mas lumala lang ang sakit na naramdaman ko noong nangyari 'yon. But I know he's in a better place now. At least hindi na siya naghihirap ngayon." Her voice sounded relieved.
Alam ni Wicker na okay na si Annara ngayon. Like she healed in time. He feels like she fully grieved her losses and continuing her life.
Wicker didn't asked futher about her father. Mas minabuti na lang niyang ibahin ang usapan.
"How about Thea?"
"Thea's doing well. College na siya ngayon at kinuha niya rin ang kursong kinuha ko. Parehas kaming gustong maging guro. Parehas kaming mahilig at madaling mapamahal sa mga bata. I am teaching grade four students in a public school at Chrisford. Simula nang umalis kami, doon na kami tumira dahil may tumulong sa amin. Isang babaeng ka-trabaho ni Papa noon."
Annara's telling stories. Masaya silang pinag-uusapan ang mga bagay na nangyari noon. Noong panahon na hindi na sila nagkikitang dalawa.
"It's good to hear that you're happy now."
"I know I sounded cheerful and smiling all the time. As long as kaya ko, gusto ko na lang maging masaya at hindi na isipin pa ang mga nangyari noon," she said. "I don't need a complete happiness, I just wanted a little less pain for my heart."
"Everything will get better in time. At halata naman sa 'yo na masayang-masaya ka na. I think you're fully healed and I am happy for you. You deserve to smile like that!"
Kapuwa nila pinagmamasdan ang hampas ng alon sa malaking rock formation sa dulong bahagi ng shoal. Masarap din sa tainga ang alon na gumagapang sa pampang.
"And if you're wondering about my condition? I am really doing great now. I consulted a psychiatrist and follow all what I have to do to finally cope up with Adrian. Been a year since I got to feel better. I don't hear voices, I sleep every night without having any nightmares. Minsan naaalala kita at gusto ko talagang magpasalamat sa 'yo. I prayed for this day to come, and thank God . . . We meet again." Bumwelo siya at huminga. "Thank you for everything!"
Ngumisi si Wicker. His heart beats healthily. Nararamdaman niya ang mga sinasabi ni Annara. Ito rin ang matagal na niyang hinihintay. Na magkita silang muli at pag-usapan ang mga bagay na gusto nilang sabihin sa isa't isa bago sila tuluyang maghiwalay.
Ang tibok ng puso ni Wicker ay iba ang ibig sabihin kumpara noon kapag kasama niya si Annara. A satisfying and relieving heartbeat and nothing more than that.
"Ano pala 'yang hawak mo? Binoculars?" tanong ni Annara nang mapansin niya ang hawak ni Wicker.
"Do you remember when we got here when we were kids? Noong nawala ako at tinulungan mo akong mahanap ang dad ko? 'Di ba ikaw ang may hawak ng binoculars noon dahil gusto mong panoorin ang mga seagull sa dagat?"
Tumango si Annara. "Oo. Natatawa nga ako kapag naaalala ko 'yon. Those were the good old days."
Annara letting herself to feel the full weights of her joys. Her heart is filled with so much happiness.
Wicker lend the binoculars to her. "You should try it again this time."
Annara smiled and shook her head. "I'm okay," tanggi niya. "Ikaw, subukan mo ulit."
Muling sinilip ni Wicker ang binoculars na hawak niya at kinukwento kay Annara kung ano ang nakikita niya. Humakbang pa siya nang kaunti palapit sa pampang.
Habang lumilipas pa ang mga minuto ay nagiging madaldal na si Wicker.
Nasa likuran niya lang si Annara habang hindi maubusan ang k'wento niya rito.
Iba ang saya nito nang muli silang magkita.
"One day, I hope you'll be living your life with so much happiness you once prayed for," wika ni Wicker habang nakasilip pa rin sa binoculars mula sa dagat.
Hanggang sa napapansin niyang hindi na sumasagot si Annara kaya nagsimula na siyang magtaka.
Nang lumingon siya, wala na ito. She's gone with the wind.
"Annara?" Kunot ang noo niyang luminga-linga sa paligid.
She's literally gone without leaving any trace behind.
Hindi man lang makita ni Wicker ang bakas ng mga yapak nito sa bungahin upang sundan.
"Love!"
Nag-angat siya nang tingin sa babaeng dumating at nakangiting kumakaway ito sa ere.
"Nicole?" Lumapit ito sa kanya. "Love, what are you doing here?" tanong ni Wicker nang mahigpit itong yumakap sa kanya.
"I know you're here! Nakita ko si Daylight sa may parking space malapit dito. Pinanonood mo na naman ba ang mga seagull sa dagat?"
Wicker kissed her in the lips. "Yes. Gusto mong subukan?" Iniabot nito kay Nicole ang binoculars.
"Kahit pa ilang beses mo na 'tong pinagagawa sa 'kin, 'di ko pa rin magawang magsawa."
Ilang saglit lang ay muling yumakap ito sa kanya. "Love you," Nicole said kissing Wicker's cheeks.
She's so joyful and bubbly.
Tumitig si Wicker sa mga mata ng girlfriend niyang si Nicole. Maganda iyon, kumikinang lalo na sa liwanag ng kalangitan.
"I love you too!" He then kissed her on the lips, wind in their hairs and that is somehow romantic.
They had a day in the sun beneath the sky.
Wicker is still thinking if he had a real conversation with Annara a while ago or was it just a pigment of his wild imaginations? If so, he's still open to talk to her again and have another good interesting conversation.
And maybe one day . . . they will meet again.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro