Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

9: Broken Stone Wall

Adrian is waiting for Annara ouside their school. Doon siya palaging naghihintay sa may garden cafe katabi lang din ng paaralang pinapasukan nila.

He's holding both of his backpack's straps while tiptoeing up and down. May pagkakataon pang sumisipol ito para hindi mabagot sa paghihintay.

"Diane, tignan mo . . . si Adrian 'yon 'di ba?"

"Oo, si Adrian nga. Palagi siyang naririto, baka naman hinihintay ka niya, Diane. Sabi ko naman kasi sa 'yo . . . umamin ka na kaya? Matagal mo na siyang crush hindi ba?"

Nahihiya si Diane kasama ang dalawa pa nitong kaklase na walang ibang ginawa kung hindi ipilit ito kay Adrian.

Adrian did know Diane. Naging magkaklase na sila noong grade four. He's sweet and dedicated that is why girls in their room are having a crush on him. He also has looks to catch girls' eyes and charm them in his natural tamed smile.

Isang taon lang ang agwat ni Adrian kay Diane. Nakapareha na niya ito sa isang activity at nakakasabay ring maglinis kapag natapos na ang klase. Those were the days why Diane has a love connection over Adrian.

"Lapitan mo na kasi! Palagi ka na lang kinakabahan. Pa'no kung crush ka rin niya—"

"Paano kung hindi?" agad na sagot niya rito, ngunguso-nguso.

Diane has the feeling that it is one sided. Ganoon naman talaga kapag mga bata. Maaari silang magkagusto sa kap'wa nila kaklase dahil sa hitsura, sa talino o kaya ay sa pakikitungo nito sa kanila. Kumbaga hindi malalim na pagtingin, they tend to just get impressed and having an overwhelmed feelings. Hindi pa nila iyon tunay na naiintindihan, basta na lang nilang nararamdaman.

"Pa'no mo malalaman kung hindi mo itatanong? 'Di ba magkaklase kayo niyan ni Adrian dati, palagi kayong magkasama at magkagrupo sa activities dati. Baka naman crush ka rin niya."

Her friends giving her high hopes. Imbes na umatras si Diane ay mukhang lumalakas pa ang loob nito dahil sa pangsusulsol ng mga kaibigan niya.

"Sige na, puntahan mo na," pagpipilit ng isa niyang kabigan at bahagyang itinutulak pa ito, saka sila naghagikgikan at kinikilig.

Nakaramdam si Diane ng kaba. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Itutuloy niya ba ang planong ito o aatras na naman siya?

Naglakad pa siya ilang metro mula rito. Adrian doesn't know she's walking to him. She's not in his line of sight. Abala lang ito na nakatingin sa dagsa ng mga estudyanteng naglalakad at walang kaalam-alam sa plano niya.

Nahihiya siya, pero susubukan niya.

"Uhm, Adrian . . ."

"Adrian!"

Napalingon siya sa batang babaeng isinigaw ang pangalan ni Adrian. Imbes na ang mahinang boses niya ang narinig, nasapawan iyon nang sigaw.

Diane looked at this girl with a pretty smile in the face. She'd known her. She had always have an eye on this girl. Palagi kasi silang magkasama ni Adrian. Hindi niya ito gaanong nakakasama dahil lamang siya ng dalawang baitang dito. She's a graduating elementary student and so was Adrian and soon they will be stepping on a higher and harder year of their school lives.

"Annara!" Bumaling naman ng tingin si Diane kay Adrian. "Kanina pa ako naghihintay rito."

Lumapit si Annara at sumilay ang ngiti sa mga labi ni Adrian. Pinanonood niya lang ang dalawa. Her heart still throbbing, but not what it was earlier. There's an ache watching them from afar. It feels like she have lost the battle that isn't started yet.

"Halika na? Uwi na tayo?"

Pinagmamasdan lang niya ang dalawa habang unti-unti nang naglalakad ito papalayo sa kanya. She left there with tightened heart. She felt abandoned and left alone. There's a compression feeling in her chest, a reaction she's feeling over what she have seen.

She's standing there like no one's around, like it is only between her, Adrian and that girl. The disappointment and pain really comes along as she closed her eyes with full of emotions.

ıllıllııllıllı

Annara and Adrian usually walking for about a kilometer away from school to their houses. Hindi na sila sumasakay dahil mas okay ang nilalakad na lang nila kaysa gumastos pa ng pamasahe. Yes, a little time consuming in their part but it's way more convenient and beneficial to them.

"Oo nga pala Adrian, malapit na ang birthday ko. Ano pala ang regalo mo?" Annara said with a bit excitement in her voice. Hindi ba ma-pressure itong si Adrian sa ginagawa niya?

Adrian looked up while touching his chin with his fingers. "Hmm . . ."

"Ano? Dali!" hindi makapaghintay niyang sambit.

"Hindi ko alam." Bumagsak ang balikat ni Annara nang iyon ang isagot niya. "Wala akong maisip. Saka isa pa, kung sasabihin ko sa 'yo kung ano ang ireregalo ko, hindi ka na masusurpresa. Gusto mo ba 'yon?"

Ngumuso si Annara sa kanya. "Sus, sinasabi mo lang 'yan kasi wala ka naman talagang maisip na ireregalo sa akin. Pero sige, para masurpresa ako, hihintayin ko na lang 'yong regalo mo sa birthday ko."

Naglalakad sila sa tabi ng kalsada. Madaraanan nila ang malawak na taniman ng palay at mais. Doon din sila madalas dumaan sa kabilang kalsada papasok sa maliit na kakahuyan kung saan makikita roon ang mababa at hindi natapos na pader.

It's a broken stone wall. Tumuntong si Annara doon at nagsimulang maglakad sa itaas ng pader na may taas lang na isang metro.

"Annara, bumaba ka r'yan. Baka mahulog ka." Hindi mapagkakaila ang pag-aalala ni Adrian kay Annara. May katigasan din kasi ang ulo nito pagdating sa ganitong mga bagay. Hindi makuha sa isang saway lang.

She spread her arms. Tumawa ito at nagbalanse habang patuloy na naglalakad. "Hindi naman ako mahuhulog dito. Tignan mo, ang baba-baba lang ng babagsakan ko. Huwag ka ngang masyadong maalalahanin d'yan!"

Bahagyang lumapit si Adrian sa kanya at alalay-alalay siya. Hawak-hawak nito ang kanan niyang kamay habang sabay silang naglalakad.

"Tignan mo Adrian, mas matangkad na ako sa 'yo."

"Oo na! Matangkad ka na."

Ilang saglit pa ay pumalibot sa kanila ang katahimikan. Naglalakad lang sila at walang nagsasalita.

"Adrian, ilang buwan na lang at graduation n'yo na. Hindi na tayo madalas na magkikita, hindi na tayo magkakasabay na umuwi." Lumungkot bigla ang mukha ni Annara.

Adrian inclined his eyes to her. "Ano naman, kapitbahay pa rin kita. Magkikita pa rin tayo, ikaw lang 'tong kung ano-ano ang iniisip."

"Malapit ka na mag-high school. Paano kung lumipat kayo ng bahay, 'yong bahay na malapit sa eskwelahan na papasukan mo. Edi iiwanan mo na ako?"

He smiled of what Annara's thinking. Gano'n na ka-optimistic ang isipan niya para sa mga ganoong bagay.

"Hindi kami aalis. Walang maiiwanan." The smile in his face gave her hope.

"Totoo? Promise?"

Adrian raised his little finger for pinky swear. "Totoo. Promise!" he confidently said.

"Sabi mo yan, ah."

Nakatingin lang si Annara kay Adrian habang naglalakad siya roon sa itaas ng pader. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay bigla siyang nahulog nang hindi mapansin ang biyak sa nilalakaran niya.

Bumagsak siya at napaupo sa lupa. She winced and held her right foot. Mukhang naituon niya ang paa niyang 'yon mula sa pagkakahulog.

"Annara, ayos ka lang? Sabi ko naman sa 'yo na baka mahulog ka. Ang tigas kasi ng ulo mo," pangaral niya, subalit mas mababanaag mo sa kanya ang matinding pag-aalala para sa kaibigan.

Sinuri ni Adrian ang paa niya na napuruhan. Hahawakan niya sana ito—

Tinapik nito ang kamay niya. "Huwag mong hawakan, masakit!"

Mapapansin kay Annara na nasaktan talaga ito sa pagkakahulog, ngunit hindi ito umiyak. She had a brave heart.

"Halika, pumasan ka sa akin," alok ni Adrian at lumuhod ng nakatalikod sa harap niya. "Sumampa ka na para makauwi na tayo."

Pinagmamasdan niya ang likod na bahagi ni Adrian at hindi niya maiwasang napangiti. He's gentleman with a helping hand.

Ilang saglit pa ay sumampa na siya sa likuran ni Adrian. Nakapasan siya habang nakapatong ang baba niya sa balikat nito.

"Ayan ang napapala ng matitigas ang ulo. Tignan mo, napilayan ka pa." Hindi pa tapos ang sermon ni Adrian sa kanya.

Pero imbes na mainis siya rito, pati na sa mga sinasabi nito, nakatuon lang siya sa posisyon kung nasaan siya ngayon. Iyong naka-angkla ang magkabila niyang braso sa leeg ni Adrian. Para niyang yakap-yakap ito patalikod.

She smells the sweat in the fabric of his uniform. Hindi na niya inintindi kung ano-ano ang sinasabi ni Adrian. Basta't ang alam niya, masaya siya habang nakapasan dito.

Nang makauwi sila ay agad na nagtungo sila sa loob ng bahay. Walang tao roon dahil nasa trabaho ang mga magulang nila.

"Umupo ka r'yan, ikukuha kita ng yelo para sa pilay mo." Nagmamadali si Adrian na nagtungo sa kusina.

"Hindi na kailangan, Adrian. Okay na ako!" Tumayo ito at naglakad papunta sa kanya. She's not hurt. It's just all an act of her. "Joke lang!" Saka ito tumawa nang malakas.

Naningkit ang mata ni Adrian dito. "Annara naman. Palagi mo na lang akong niloloko." Sumimangot ang mukha nito at tumalikod sa kanya. He felt slightly embarrassed. Palagi na lang kasi itong niloloko ni Annara.

"Biro lang 'yon, huwag ka na magtampo. Sa totoo lang, hindi talaga masakit ang paa ko. Gusto ko lang talagang magpapasan sa 'yo," aniya saka bumungisngis. She's bubbly and annoying sometimes.

"Sa susunod kapag nahulog ka ulit, iiwanan na talaga kita," pagbabanta nito. He sighed in relief. Nag-aalala siya kanina para dito tapos acting lang pala ang lahat.

"Sorry na. Huwag ka na magalit . . ." Pinagsalikop niya ang palad at humingi ng tawad dito.

"Bahala ka," tugon nito at umismid sa kanya saka naglakad papasok ng kusina.

"Adrian, sorry na! Hoy, bati na tayo. Dali na!" Nilapitan niya ito at niyugyog-yugyog ang braso para pilitin siyang hindi na mainis dito.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro