36: Somehow Enticing
"Wala na kami," balita ni Wicker kay Annara nang kap'wa sila umupo sa bench malapit sa main building ng campus.
Ikinuwento nito ang nangyari sa kanila ni Catherine. They broke up. They had their conversation. They ended well.
Natigilan si Annara sa sinabi nito matapos niya itong kumustahin sa kanyang pagbabalik.
She can't believe it.
"Was it because of me?" Annara asked him thinking she was the reason of their break up.
Lumingon si Wicker sa kanya at umiling. "It's not you. I think, it's me. I told her that I am just into somebody else . . ."
Annara held her breath. Kung malalaman niyang siya ang dahilan ng paghihiwalay nila, magagalit talaga siya sa sarili niya.
"Ikaw, kumusta ka?" si Wicker naman ang nagtanong sa kanya.
Sumandal si Annara sa backrest ng bench at huminga. "Medyo nakakapanibago. I've always had a great time and little conversations with you. Lalo na kapag sabay tayong kakain at magkasamang uuwi. Medyo malungkot, pero okay lang." She shrugged and smile.
"Na-mi-miss mo siguro ako kaya ka naninibago nang ganyan," ani Wicker, nagpapaandar ng kung ano-ano.
Annara looked at him, puzzled. "What?" She cocked a brow. Hindi ito makapaniwala na magsasalita si Wicker ng ganoon.
"Sorry. Okay lang kahit 'di mo ako na-miss," he chuckled. "Kidding aside, gusto mong mag-dinner mamaya? I want to catch up things with you. Pakiramdam ko marami kang iku-k'wento sa akin."
Ngumisi si Annara. "Not at all. Gusto mo bang i-share ko sa 'yo ang boring na nangyari sa akin nitong mga nakaraang linggo?"
Tumawa si Wicker. "Kahit boring pa 'yan, makikinig pa rin ako."
Maliwanag sa lugar kung saan sila naroroon. Ang lilim lang ng puno ang nagsisilbing payong nila sa sinag ng araw.
Mas nakikita ni Annara ang mukha ni Wicker lalo na't malapit sila sa isa't isa.
"Baka antukin ka lang, Wicker," aniya.
"E 'di matutulog ako," he joked.
Wicker bend forward and fix his shoelace. Napansin kasi niyang tanggal na ang kaliwang sintas ng black shoes niya.
Annara noticed something in his nape. Naalala niya bigla noong araw na napansin niya rin ang tato na nasa batok nito paibaba sa kanyang likod.
She wanted to see it. Curious lang talaga siya.
"Magpupunta ako mamaya sa faculty. Kakausapin ako ng mga teacher para sa activities at tests na na-miss out ko. Mukhang marami-rami akong gagawin nito."
Pinagmamasdan lang ni Annara ang lalaking ngayon niya lang ulit nakita. She admitted to herself, she missed everything about Wicker. Sa boses niya, sa mga ngiti at titig, pati na ang maamo nitong mukha at magaan na presensya. Mas lalo tuloy nalalagay sa alanganin ang pagtibok ng puso niya. Normal pa ba itong nararamdaman niya para dito?
Kahit sinong babae ay muling lilingunin si Wicker kapag nakita nila ito. Hindi sapat ang unang tingin lang. Imposible namang hindi gagana sa kanya ang kakisigan nito lalo na't kaharap pa niya ito at nakikita ng mga mata niya ang bawat sulok ng mukha nitong malapitan.
Hindi lang naiilang ang nararamdaman niya, kung hindi ay naaapektuhan na siya rito.
Sumapit pa ang ilang linggo ay mas nagiging masayahin na ulit si Wicker tulad ng dati. Annara is happy for him. He's being bubbly. Mukhang nagiging okay na ito ngayon kumpara nang araw na maghiwalay sila ng dati niyang kasintahan na si Catherine.
Madalas na silang muling magkasama. They were happy most of the time. They had plans and talking about this coming summer. They had almost every dinner night out. Nagpupunta sila kung saan-saan. They sometimes take Thea with them, kaya ay mas nakilala ni Wicker ang kapatid ni Adrian.
One thing that didn't tackle about in their conversations was talking about Adrian. Annara didn't open up about him, even Thea. Kahit gustong magtanong ni Wicker sa kanila tungkol kay Adrian, iwinawalang-kibo na lang niya ito. He doesn't want to ruin the moment.
They also accepted tenants on the apartment. Kaya mas nagiging maingay na roon. Tatlong pamilya ang lumipat sa kanila, may ilang batang naglalaro sa labas at halos nagagamit na ang buong compound nila dahil sa mga pamilyang ito.
Iba ang sayang masisilayan sa mukha ng ama nila. Hindi man gaano itong nakangingiti ay mababanaag naman na talagang natutuwa ito lalo na't naroroon si Wicker sa kanila at maging sa apartment na pinapangarap nito noon.
Wicker's driving Annara home. Gusto na kasing magpahinga ni Annara dahil napagod siya kanina sa pag-aayos ng mga libro sa mga estante sa library. There are so many books on the return section. She must be tired assisting the students and lifting books around.
Wicker pulled the car when they arrived at Annara's place. Bago bumaba si Annara ng kotse ay lumingon muna siya kay Wicker para magpasalamat sa paghatid sa kanya.
"Uhm, Annara . . ."
Lumingon si Annara nang tawagin siya ni Wicker. "Yes? May naiisip ka na naman bang lugar na pupuntahan natin this weekend?" nakangiti niyang tanong.
They usually hangout every weekend. Halos linggo-linggo na lang ay parang bakasyon sa kanila, aside from doing their school works.
Wicker shook his head. "Iimbitahan sana kita," wika niya.
"Iimbitahan saan?" Annara cluelessly said.
"Come over my place. Have a dinner with us. Gusto kang makilala ni mom at dad."
Annara paused for a while. Parang biglang pinag-isipan niya ang alok ni Wicker.
"Kung okay lang naman sa 'yo. Also fine if you don't want to." Hindi siya pipilitin ni Wicker kung hindi man ang isasagot nito.
What's about declining it? Ipapakilala lang naman siya sa mga magulang nito at kakain sila ng sabay. Wala namang kakaiba roon.
"Y-yeah, sure," she finally decided.
ıllıllııllıllı
Annara brought a cake and a pie for the dinner.
It's past seven in the evening.
She anxiously looking at Wicker while driving. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman niya. Tila ba susuot siya sa maliit na butas ng karayom na hindi niya maintindihan.
"You okay?" Wicker's checking her when he takes a glance at her. Kapansin-pansin kasi ang pagiging hindi komportable nito.
Tumango siya at muli na namang inayos ang dress na suot niya. Tila ba ayaw niya itong malukot. She fixes her bracelets and took a deep breath. She wanted to be presentable in front of Wicker's parents.
Palingon-lingon siya sa bintana at sumusulyap sa labas. The streetlights are nothing to her eyes, hindi lang talaga siya mapirmi. Gusto niya lang aliwin ang sarili sa ibang bagay kahit pa hindi ito nakatutulong.
Pakiramdam niya, namamanhikan siya dahil sa kaba sa dibdib niya. Why doesn't she think it's just a dinner and that is all?
"Napapansin ko na parang kanina ka pa hindi mapakali. Sigurado ka bang okay ka lang?" Tinapik-tapik ni Wicker ang likod ng kamay nito.
"Kinakabahan lang ako," saad niya.
Kumunot ang noo ni Wicker. "Kinakabahan saan? Annara, it's just a dinner. My parents won't hurt you," natatawang sabi nito habang nagmamaneho.
Alinlangan ang ngiting umukit sa mga labi nito. Bakit nga ba siya kinakabahan? Kakain lang naman sila, kaunting k'wentuhan at maaari na siyang umuwi. Ano ba ang kakaba-kaba roon?
She's thinking about surviving the dinner. Hindi naman pala-salita si Annara lalo na sa mga taong ngayon niya lang makikita at makikilala. She has that attitude towards people she never met. Pero kung kasama naman niya si Wicker, titiyakin nitong magiging okay ang lahat.
Ipinarada na ni Wicker ang kanyang kotse sa loob ng bahay nila. Nabighani agad si Annara nang makita ang laki at lawak na nasasakupan ng bahay nito.
"Annara, chill, everything is under control. Kasama mo ako." Pinalalakas ni Wicker ang loob niya saka kinuha ang dala-dala nitong cake at pie.
Lumabas sila nang kotse at nagtungo papasok. Wicker held her hand.
"Mom, Dad . . ." he called his parents as soon as they got in to the door.
"Hi, honey." Sumalubong agad ang kanyang ina at humalik sa pisngi nito.
Nanatiling nakatayo si Annara sa likod ni Wicker. Nakangiti siyang pinagmamasdan ang ina nito. Wicker got his eyes in his mother. They both had that half-lidded eyes.
"You must be Annara?" Lumapit ito sa kanya at agad na ginagap ang mga kamay niya. "Nice meeting you," she greeted with a smile.
"Good evening Mrs. Cruz," she said in undertone. "I brought a cake and a pie," she added, smiling pleasantly.
Ayaw niyang ipahalata rito na kinakabahan siya.
"Thank you for these." Kinuha na nito kay Wicker ang dala ni Annara para sa dinner. "Come on in." Wicker's mother held her hand and lead her to the kitchen.
"Dad, Annara's here," Wicker told his father while carrying a big pot and put it on the table. He immediately removed his apron and cooking mittens.
"What a beautiful young lady," papuri nito nang makita niya si Annara na hindi na pinakakawalan ng ina ni Wicker. Inaasikaso na siyang mabuti nito.
Maya't maya ang ngiti ni Annara sa mga ito. Napapalagay na agad siya dahil mababait at palangiti ang mga ito kaya hindi niya magawang mahiya ng todo.
Napansin niya ang malaking pagkakahawig ni Wicker at ng ama nito. Lalo na iyong kakisigan nitong taglay. His father also looks like Adrian in his fifty's behind her eyes.
Nang makumpleto ang mga pagkain ay sabay-sabay silang kumain at naghapunan doon.
Nahihiya si Annara. Wicker's parents are in front of her, while Wicker himself is beside her. Iyon ang p'westo para hindi siya mailang lalo sa mga ito.
"So, Annara, what do you do?" Mr. Cruz asked her while slicing the steak.
Annara looked at him. "Nag-aaral po ako sa Fawnbrook High School at isang library assistant doon, Mr. Cruz."
"Wicker, she's so beautiful, isn't she?" Kanina pa ang papuri ng kanyang ina nang dumating si Annara.
Si Annara ang tipo ng babae na simple lang, mas lalong lumilitaw ang ganda kapag naaayusan. Maganda magdala ng damit at bagay ang manipis lang na make up dito.
"Wicker always telling us about you. Kaya gustung-gusto ka naming ma-meet. And thank you for hanging with us tonight," saad ng ina ni Wicker habang ipinagsasandok si Annara ng chicken stew. "You should try this, Annara. I made this new recipe for you."
Iniabot na nito ang mangkok na may chicken stew at agad na tinikman ni Annara.
Ninamnam niya ang stew na iyon.
Ngumiti siya. "It's good, Mrs. Cruz," sambit niya. Kung hindi man masarap ang lasa nito ay magsisinungaling siya, subalit tunay ang sarap na nalalasahan niya sa luto nito.
"Hindi ba maalat?"
"It's perfect, mom," sabad ni Wicker.
"Wicker, you should take her to our restaurant. Para matikman niya roon ang mga personal recipe ng mom mo," his father jolted in.
"We've been there, Dad. Inimbitahan ko siya noong birthday ko."
"At masasarap po ang lahat ng pagkain," ani Annara.
Matapos nilang pag-usapan ang tungkol sa pagkain at new recipes ng ina ni Wicker ay napadpad sila sa usapang nakaraan.
Wicker's parents talk about him when he was a kid. Hindi rin alam ni Wicker kung bakit napunta roon ang usapan.
"Masyado kasing mahilingin itong si Wicker noon. Gusto niya kung saan-saan pumupunta. Kaya dinala siya ng dad niya sa isang perya rito sa Fawnbrook way back a decade ago. . ."
Nakikinig lang si Annara sa k'wento ng ina ni Wicker. Palagay na siya sa mga ito habang tumatagal.
"Gustung-gusto niya ang perya, marami kasi siyang nakikitang mga tao at stalls na maaari siyang maglaro. Maraming pailaw at rides kaya pasado sa mga bata ang peryahan," k'wento naman ng ama nito.
"And you know what Annara? Wicker got lost," Mrs. Cruz said. "Masyado kasing malikot na bata. He released his hands into his father's that's why he quickly got lost. Marami pa namang tao noong nagpunta sila sa peryahan. Kaya natabunan na siya ng mga ito at agad na nawala."
"Mom, that was way back a decade ago. I was too naive and allured by the stalls and lights," pagtatanggol niya sa sarili niya.
"Mabuti na lang at may batang babaeng tumulong sa iyo noong nawala ka," Mr. Cruz said, telling Annara.
Natigilan si Annara. Buo ang atensyon niyang nakikinig sa k'wento nila. She's quiet when she's into the conversation.
"Yes. I am thankful for her. I found her in Aquilla Lighthouse. Tinulungan niya akong makabalik sa perya para makitang muli si dad. I didn't get her name or even thanked her for what she had done for helping me," Wicker continues the story.
Annara held her breath. Totoo ba itong k'wentong pinakikinggan niya? Her heart starting to pump faster. Habang lumalalim ang k'wento ay nabubuo ang rebelasyon. Ang k'wento na noo'y hinahanapan niya rin ng kasagutan.
Wicker softly chuckled. "Pati na 'yong aviator hat na pinahiram ko ay naiwan na sa kanya—"
Annara sucked her breath in shock. Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ni Wicker. Ang tungkol sa batang nawala noon, sa Aquilla Lighthouse, ang perya, ang aviator hat. Lahat iyon ay tugma sa nangyari sa kanya noon kasama ang isang batang umiiyak at nawawala rin gaya sa k'wento nila.
Nagtinginan ang mga ito kay Annara dahil sa naging reaksyon niya.
"Annara, are you alright?" Mrs. Cruz asked her, worried.
Napansin nila ang pagkatulala ni Annara dahil sa k'wentong iyon. Wicker must be that kid from decade ago. Siya itong batang nawawala, siya iyong batang umiiyak at hinahanap ang ama nito. Siya iyong batang nagma-may-ari ng aviator hat na nasa kanya pa.
Siya iyong batang minsan pa ring napanagiginipan niya.
Pumikit siya at bahagyang kinagat ang ilalim ng kanyang labi.
"Are you really okay, Annara? Gusto mo na bang umuwi?"
Nag-aalala na ang mga magulang ni Wicker kay Annara dahil bigla-bigla na lang siyang nagkakaganoon.
"No. I'm fine. Sorry po," she apologized.
"Kung gusto mo nang umuwi, ihahatid na kita," alok ni Wicker sa kanya.
She just can't get affected by the story where she was also in. Hindi ito ang tamang oras para umuwi agad. Minsan lang ang dinner na ito kasama ang mga magulang ni Wicker. She just have to compose herself and get back to the conversation.
"Okay lang ako," bulong niya at muling ngumiti sa mga magulang nito sa harap niya.
They had small talk. Talking about the cottagecore and some stuffs related to music and future goals.
Naging okay na ang pakiramdam ni Annara nang uminom siya ng tubig. She admitted, she had fun having a dinner with Wicker's parents. Masaya itong kausap at interesting minsan ng kanilang pinag-uusapan.
Nang matapos ang dinner ay agad na nagtungo ang ina ni Wicker upang hugasan ang kanilang pinagkainan.
"Annara, it's okay. Ako na ang bahala rito. Hindi ka pa ba uuwi?" tanong nito.
"Tutulungan ko na po kayo Mrs. Cruz. Para mas mabilis pong matapos," she volunteered smiling at her.
"O sige, kung 'yan ang gusto mo. But usually, I am not allowing visitors to wash dishes with me. Ikaw pa lang ang pinapayagan ko, because you say so."
Nagtawanan silang dalawa roon.
Sa kalagitnaan ng pagtutulungan nilang mahugasan ang lahat ng pinggan ay may ilang usapan silang napaku-kuwentuhan doon.
"Sigurado ka bang hindi ka girlfriend ng anak ko?" biglang tanong nito.
Nagulat at napatigil si Annara sa naging tanong nito. Hindi niya inaasahan iyon.
She awkwardly shook her head.
"Ikaw pa lang ang kauna-unahang babaeng ipinakilala niya sa amin. Wicker usually bring his childhood friends here and hanging out with us sometimes. Si Olly at Migo, bukod sa kanilang dalawa wala na siyang ibang dinadala rito kung hindi ikaw pa lang."
Nang malaman ni Annara ang tungkol sa bagay na iyon, she felt special. Kahit ba si Catherine ay hindi pa naipapakilala ni Wicker sa mga magulang niya? That's impossible.
"Sorry for making you uncomfortable with my questions. Hindi lang talaga ako makapaniwala. And I had a great time meeting you," nakangiting sabi ni Mrs. Cruz habang inaabot sa kanya ang mga pinggan na nahugasan.
Mayamaya pa ay napansin ni Annara na nakabihis ang mga magulang ni Wicker at nagsusuot ng makakapal na coat mula sa tabi ng pinto.
"Saan sila pupunta?" tanong ni Annara kay Wicker habang busy ito sa panonood ng TV. Magkatabi silang dalawa sa couch sa living room.
"Dad's driving her to Bellmoral. May sarili rin kaming bahay roon at doon din ang working place ni mom."
Napatango-tango si Annara sa kanya at nagpaalam na ang mga magulang ni Wicker sa kanila.
"Ikaw, hindi ka pa ba uuwi?" tanong ni Wicker na lumingon sa kanya.
Sasapit na ang alas diyes ng gabi.
She's staring at Wicker. Naalala na naman niya ang k'wento nito kanina. Tungkol sa batang nawala noon. She had his aviator hat. Wicker will recognize her if she give it to him.
"Hindi ba sabi mo kanina habang hinahatid mo ako papunta rito na ipapakita mo sa akin 'yong car toy collections mo?" paalala ni Annara.
"Oo nga, bago ko malimutan. Halika, naroroon lahat ng collections ko sa k'warto ko."
Annara followed him upstairs.
Nang buksan ni Wicker ang pinto ng k'warto niya ay bumungad agad kay Annara ang samu't saring mga laruang kotse. Mula sa pinakamaliit at pinakamalaking uri nito.
She had a gaming computer, string lights that shines his gaming room. Nakita niya rin doon ang laruang niregalo niya noong birthday nito.
"These are a lot. . ." she muttered in awe.
She wandered around. Wicker has a good set of collections. Kahit hindi ka mahilig sa mga laruang kotse ay magugustuhan at bubusugin ang mga mata mo makita lang ang mga ito.
"And thank you for this." Itinuro ni Wicker ang iniregalo sa kanya ni Annara noon na E-chariot red toy car. "Ito ang pinakapaborito kong set of collections. Mas lalo ko pang naging paborito dahil ikaw ang nagbigay para makumpleto ito. This means so special to me."
Napangiti si Annara sa kanya. Alam na alam na niya ngayon kung ano ang tunay na makapagpapasaya kay Wicker. Hindi lang ito basta laruang kotse kung nakapagbibigay ito ng saya at ngiti sa mga labi.
"Wicker, p'wede ko bang makita 'yon?" Itinuro ni Annara ang laruang kotseng nagustuhan niya mula sa pinakamataas na estante kung saan ito nakapatong.
Pilit niya iyong inaabot at halos paglaruin na niya ang kanyang mga daliri maabot lang ito.
Nagulat na lang siya nang maramdaman niya sa kanyang likod ang dibdib ni Wicker at makita ang braso nitong tinulungan siya para abutin ang kotseng gusto niyang makita.
Humarap siya rito at nagtama ang mga mata nila. They could feel each other's breathing.
The tension immediately weigh in.
Her heart jumping out against her chest. They are inch closer. Too close. Nakikita niya si Wicker na pinapayungan siya mula sa liwanag ng ilaw mula sa kisame.
He's tall, almost devouring her height.
Nakatitig lang silang dalawa sa isa't isa. Wicker can't bear seeing her in the eye, but this time, he has the confidence to stare at her that long.
His stare is somehow enticing. Parang may ipinahihiwatig na hindi niya maintindihan. That stare melting her down, her knees got weaker because of Wicker.
Tahimik ang buong k'warto. Masyadong malakas ang tibok ng puso ni Annara at nananalangin siyang hindi ito naririnig ni Wicker. Her heart pours out looking at him. Nagtatambol. Malakas.
Ilang sandali lang ay inilapit na ni Wicker ang labi nito sa kanya.
He dives in without any hesitation herein. The flutter only intensified.
He tasted her lips.
Nabato siya, dilat na dilat ang mga mata. He's not a God from mythology to stone what he kisses. He's not a spellcaster to simply stone-cursed what his lips touching. Wala siyang kapangyarihan, ngunit bakit parang iyon ang pakiramdam ni Annara. It was as though striking a nerve so she wasn't able to move.
Everything felt new. Like the feeling that she have never been kissed before.
Unti-unti siyang pinapapikit ng malalambot na labi ni Wicker. Adrian kissed her before, thoroughly and passionately. But when Wicker kissed her, it was foreign, something very rare from the feeling she was being kissed back then.
It was surreal, hooking and almost tempting to kiss him back.
Her heart pounding so much.
He brushes his lips. Annara couldn't do anything about it. Kung ayaw niya man, kanina pa lang ay itinulak na niya si Wicker. Subalit tila nahihipnotismo siya ng mga halik nito.
Wicker touching her soul from the outside making her the feeling of out of this world like it was her first time.
The desired anticipation goes higher enough for Annara to fight back that kiss.
Until she realized it's not something she wanted, it's her lips controlling itself to fight back from being slaved by Wicker's.
Inihinto ni Wicker ang mainit na paghalik nito sa kanya.
"I'm sorry. I shouldn't have done that." Napailing ito at tumalikod sa kanya.
Nanatiling napasandal si Annara sa dingding na iyon malapit sa estante ng mga collections. Nailagay niya ang kanyang daliri sa mga labi at hindi makapaniwalang hinalikan siya ni Wicker at atubiling gantihan niya ito ng halik.
This wasn't a product of her imagination or a dream in her sleep. It's all real.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro