30: Cold Snap
Kanina pa gising si Wicker at titig na titig pa rin sa laruang kotseng iniregalo sa kanya ni Annara. He can't believe he completed the whole E-chariot collection. Kay gandang pagmasadan niyon na kumpletong naka-display sa isang estante mula sa k'warto niya.
Matagal na niya itong gustong makumpleto, ngunit dahil sold out agad ang pre-order nito noon kaya't tumagal nang tumagal ito at nahirapan na siyang kumpletuhin agad.
He's so satisfied, it's evidently imprinted in his wide smile. He's so thankful for Annara. He couldn't believe of all people, Annara will be the one who could give this kind of satisfaction to him. Not even Catherine who never had shown him the interests to this.
Mayamaya lang ay tinawagan na niya si Olly para ibalita ito.
"Dude, seriously? Annara gifted you an E-chariot red? How?" hindi makapaniwalang tugon ni Olly mula sa kabilang linya.
"She said, she found it in an old antique shop named Garrison. I've never expected her to give me something I am only wishing in my dreams." He chuckled. "At least ngayon, wala na tayong po-problemahin," Wicker added.
"That's good, Wick. Panatag na ang loob mo ngayong napasakamay mo na ang paborito mong car toy collection," masayang sambit ni Olly. "By the way, I have to apologize for something I haven't tell you yet."
"What?"
"I told Catherine that you and Annara were having a dinner together. Hindi niya kasi ako tinigilan. She's bugging me all the time if is pertaining to you. Kaya naibulalas ko sa kanya 'yong plano mo."
Napailing si Wicker. "I knew it! Kaibigan nga talaga kita, Olly." He scoffed.
"But I think it ended well. Mukhang masaya ka naman at ang tono niyang boses mo ngayon. Anyway, how about seeing Catherine and Annara in one table? Awkward? Intense? Problematic? Tell me everything. I have lots of time to listen." Naririnig ni Wicker ang pagtawa ng kaibigan.
"It really ended well, I guess. Si Anton lang ang panira sa dinner night na 'yon!"
"Anton? Iyon lalaking buntot nang buntot sa girlfriend mo? Dude, I think there's something about him. I could smell him, the way he looked at Catherine, oh God!"
"I trusted Catherine. She'll never do anything I won't like. Isa pa, ang sabi niya ay kailangan naman talagang kilalanin nila ang isa't isa since business partners sila. An owner and its supplier relationship. Catherine would never do that to me," Wicker told him and securing there's nothing going on between his girlfriend and Anton. "Ikaw, kailan ka bibisita ulit dito? Gusto kitang ipakilala kay Annara . . ."
"I would love to meet her too, but I am kinda busy these coming days, like an after class and weekend duties. Mom's with me as she's signing contracts for new business franchises. And one more thing, I'd be my Dad's assistant for a week in his clinic, nag-leave kasi 'yong assistant niya. I am not assisting like a psychiatric aide, I would just be receiving phone calls, assisting walk-in patients and schedule their appointments. Kapag iniisip kong bibisita pa lang ako dati sa clinic niya, natatakot na ako. There's a time that some of the patients screaming out of nowhere, or laugh as hard as if they going out of sane or talking so much. I salute my Dad for taking care of them mentally and physically. Ang hirap din ng trabaho niya," k'wento ni Olly.
Olly's father is a licensed psychiatrist for seven years. His mother is a branch bank manager and they had some running business up 'til this day. Kaya'y nasuporthan niyon ang pag-aaral ni Olly pati na ang pangangailangan nilang pamilya.
"Anyway, Wick. Ano pa lang iniregalo ni Catherine sa 'yo last night? Did you two hangout after dinner? Nasa hotel kayo 'di ba? Did you check her in?" Olly asked him with so much teasing in his tone. Wicker knows what he's asking about.
"After she gave me the gift likewise what I received from you, they'd left and Anton drove her home. Parang galit nga siya, eh."
"What?" hindi makapaniwalang untag ni Olly. "Dude, I know why . . ." he realizes something.
"What? Did I do something wrong?"
"Nothing. It's just Annara won last night."
"Ano namang mayroon kay Annara? There's no competition happened last night, Olly."
"You've acted a fake surprise when Catherine gave you a gift and I know it. Hindi ka na gaanong magugulat sa regalong iyon since you have received the same kind as what I gave you. Ngayon pa lang, nai-imagine ko na 'yong napakasayang reaksiyon mo sa regalo ni Annara. Wick, it's E-chariot red, matagal mo nang gustong makuha ang piece na 'yon. Kaya't alam na alam kong nanalo si Annara kagabi pagdating sa bigayan ng regalo. Is that right, isn't it?"
Wicker realized something. Napatulala siya sa isang banda. Olly's right. Ganoon nga ang nangyari kagabi. Mas natuwa siya sa regalo ni Annara kumpara sa kung ano ang ibinigay ni Catherine sa kanya.
"Dude, are you still there?"
"Y-yeah," Wicker said when he got back to his senses. Does it mean he did a mistake? He should've apologize to Catherine. Kailangan na niya itong suyuin kung nagalit man ito kagabi.
Halos alas nueve lang noong umagang iyon nang bumaba si Wicker mula sa kanyang k'warto.
He stopped as his hands still holding the stair bannister. He saw someone in their kitchen.
"Hon, tikman mo nga kung okay na itong stew," sambit ng babaeng nakatalikod mula sa kanya na nagluluto.
His dad walked to her and have a little taste. "Okay na ang lasa. Masarap. Wicker will definitely like it! Bakit parang naging mas malasa ngayon ang stew mo?"
Humarap ang babae sa dad ni Wicker. "This is my new recipe. Nagdagdag lang ako ng kaunti ingredients. And thank God, it tastes good."
Magkatabi ang dalawa mula roon. Pinagmamasdan lang ni Wicker ang mga ito na sweet na sweet.
A gratifying smile curve in his lips. He never seen his parents would be as connected and reconciled as it was before. Parang wala itong pinag-awayan dati. Parang nanumbalik ang tamis ng pagsasama ng mga ito.
His heart filled with so much joy of what his eyes are witnessing right now.
Ilang saglit lang ay napansin siya ng mom niya na nakatayo sa tabi ng hagdan.
"You're awake. Come here, eat with us," nakangiting aya nito.
"Mom . . ." he can't believe she's here. He walked to them. "Kailan ka pa nagpunta rito?"
Ipinaghahain siya nito at sinasalukan ng sabaw sa mangkok. "Last night. Want to greet you a happy birthday. Kaso nang dumating ako, tulog ka na. So I spend the remaining night with your dad." Nagtinginan ang mga ito.
His dad bowed and cock a brow. "Gigisingin sana kita so we can have a midnight dinner. Ang kaso, ayaw naman nitong mom mo. She wanted you to have a rest for an exhausting day."
"Happy birthday!" His mom greeted him with a kiss from his cheek and barely raked her hand through his hair. "What do you want this weekend? I can stay here for a week, y'know, family time!" She beamed to both of them.
"That's good to hear. I'll cancel my meetings just to catch up with you guys. Tell me when, I'll definitely be there," his dad said with an affiliative smile.
Masayang pinagmamasdan ni Wicker ang mga magulang niya. Mukhang nagkaayos na talaga ang mga ito. Pumapagitna siya sa mga ito habang hindi magkamayaw ang mga ngiting nagmumula sa mga labi nito. It's a winning kind of smile. They're looking good together. He never thought this day would happen. Mas lalo lang gumagaan ang pakiramdam niya at tumataba ang puso sa mga nakikita.
Mayamaya'y nag-ayos si Wicker dahil gusto niyang sunduin si Catherine. He texted her and she replied that she's still here in Fawnbrook. Bukas pa raw ito uuwi ng Bellmoral para asikasuhin ang botique niya roon.
"You're going out?" tanong ng kanyang ina habang hinihigpitan nito ang sintas ng kanyang boots.
Tumango siya at ngumiti rito. "Have to go somewhere. I'll be quick, babalik din agad ako," ani Wicker, saka tumayo.
He wrapped himself with a big coat, thick gloves and his beanie over his head.
"Keep this scarf on your neck. Sobrang ginaw sa labas." Inikot ng kanyang ina ang scarf sa kanyang leeg at inayos ang kanyang coat. "Umuwi ka agad. Masyadong malamig sa labas. Baka sipunin ka," paalala nito.
Wicker bowed. "I will."
He then kissed his mother onto her head.
"Careful, okay? Dahan-dahan lang sa pagmamaneho at huwag masyadong mainit ang ulo sa kalsada."
"I will. Thanks mom."
Totoo nga ang nasa news. Malamig nga talaga ngayon at sa mga susunod na araw. Iba ang lamig na hatid ng hangin kumpara noong mga nakaraang araw.
It's quite a cold snap.
Minaneho na niya ang kanyang sasakyan. He's picking Catherine from a hotel she had checked in. Kasama kaya nito si Anton?
Habang nagmamaneho ay nagawa muna niyang manigarilyo sa loob. Bigla lang niyang nagustuhang humithit ng sigarilyo upang mausukan ang kanyang baga. There's something in a cigar's smoke that satisfies him, especially with a weather like this. Para bang hindi mawala sa kanya ang bisyong ito. Parang kape sa ilan, tamang-tama sa lamig ng panahon.
He pulled up the car when he got into the hotel. She saw Catherine waving at him. Nakasuot din ito ng makapal na coat at itim na shades sa mga mata.
Binuksan nito ang kotse niya at sumakay.
"How are you? I thought Anton drove you to Bellmoral?" agad na tanong ni Wicker saka ikinambyo ang manibela.
"Sobrang lamig kagabi. I told Anton to drop me off in a hotel, saka siya umuwi." Catherine fasten her searbelt.
"Nakatulog ka naman ba ng maayos? Gusto mo bang ihatid na kita patungong Bell—"
"Naninigarilyo ka na naman?" Humarap si Catherine sa kanya saka tinanggal ang shades at maarteng tinakpan ang kanyang ilong. "You picked me up to inhale the smoke in your car?" Umagang-umaga pa lang ay iba na ang timpla nito.
"I'm sorry, babe. It's just one stick."
"May ilang investors pa akong pupuntahan. And do you want me to smell like a cigarette smoke when I've got my meeting with them? Wicker naman." She rolled her eyes and sighed in vexation.
Wicker opened the window. "I'm really sorry. I'll book you a taxi—"
"Just drop me off!" bulalas ni Catherine na halata ang pagkaaborido sa kanyang mukha at kilos. Karugtong pa rin ba nito ang nangyari kagabi?
"I just want to drive you. I am really sorry, babe—"
"Pulled up the car! Sasakay na lang ako. Ayokong mapahiya sa mga potential investors ko. I need them for the expansion of my botique."
Hindi alam ni Wicker kung paano niya pakikitunguhan ang kasintahan. Kahit ano'ng paghingi niya ng pasensya, galit lang at buntong-hininga ang isasagot nito sa kanya. Bakas na bakas na rin ang pagka-asiwa sa mukha nito.
Hindi pa man siguro nagsisimula ang buong umaga ay sira na agad ang araw ni Catherine.
"Okay, okay." Wicker pulled up the car. He dropped Catherine off. "Call me later, okay?" Sinilip niya ito nang bumaba ng kanyang kotse.
Catherine just slammed the door as her reply. Inis na inis talaga ito.
Wicker closed his eyes and scratches his head. Bakit ganoon na lang ito makitungo sa kanya? Noon, kapag humihingi siya ng sorry dito ay tinatanggap naman agad nito at nagkakaayos na sila. Ngayon, tila ba ang hirap na nitong pakisamahan. Kasalanan ba talaga niya iyon o ginagawa lang nitong rason ang mga maliliit na bagay para pag-awayan nila?
ıllıllııllıllı
"Wicker? Ano'ng ginagawa mo rito?"
Nagtungo si Wicker sa lugar nina Annara. Naghihintay siya sa labas ng gate habang pinagbubuksan siya nito.
"Nothing. I'm just visiting you," he replied. "Para sa 'yo nga pala." Iniabot niya ang kahon ng mga muffin.
Kinuha ito ni Annara. "You don't have to bring anything. Saka ano ang naisipan mo para bisitahin ako? Sobrang ginaw ngayon. You should've stayed in your room. Baka magkasakit ka pa."
"I know it's cold right now. Hindi mo ba ako papapasukin? Baka manigas na tayong dalawa rito sa lamig," he joked and they both laugh.
The coldness gave evidence because of the smoke as they breathe.
Naglakad na sila papasok.
"Annara, thank you nga pala roon sa regalo mo. That's the missing piece to complete the whole collection. Hindi talaga ako makapaniwala na sa 'yo ko pa matatanggap 'yon," said Wicker while they were walking align.
Ngumiti si Annara dito. "Noong nakita ko ang laruang kotseng 'yon sa antique shop na pinasukan ko, honestly, ikaw agad ang pumasok sa isip ko. I know you love car toys. Kaya iyon ang naisip kong iregalo sa 'yo."
Tumango-tango si Wicker sa kanya. "It made my birthday a whole lot more. I mean, more than special than it was. Matagal ko na kasing hinihiling na makumpleto ang collection na 'yon, and thank God I finally completed it of because of you."
Annara looked at him and smiled.
Ilang sandali lang ay nakarating na sila sa loob ng bahay. Agad nilang isinarado ang pinto dahil papasok ang lamig sa loob. The space heater will be worthless.
"Thea, magtimpla ka nga ng kape para sa dalawa," utos ni Annara kay Thea mula sa kusina. Agad naman niyang tinulungan si Wicker sa coat nito at isinabit sa coat rack.
Mayamaya ay pinaupo niya si Wicker sa sofa at nagpaalam muna rito sandali dahil aasikasuhin nito ang ama.
"Dalawa? May bisita ba tay—"
Na-estatwa si Thea pagsilip niya sa sala. She can't breathe. Her eyes widened as she saw Wicker there.
"Good morning!" Wicker greeted her.
Agad itong nagtago at napasandal sa pader habang hawak-hawak ang kanyang dibdib na hindi tumitigil sa pagkabog.
Mariin niyang isinarado ang mga mata.
"Kuya?" she thought.
Dahan-dahan niya ulit na nilingon ang bisita mula sa sala. Nahuli niya itong nakangiti sa kanya.
Her eyes watered. She gasps for an air. Totoo ba talaga ang nakikita ng mga mata niya?
She finally showed herself. "Kuya?"
Tumayo si Wicker mula sa pagkakaupo. "You must be Thea? Nice meeting you!" Malapad itong ngumiti sa kanya. Subalit nanatili lang sa kanyang kinatatayuan si Thea. Nabato na siya roon habang umaagos ang luha sa mga mata.
"Kuya!" she shrieked and ran to him. She quickly grabbed him with a tight hug. "Kuya . . ." humagulgol na siya ng iyak yakap-yakap si Wicker.
Nabalot si Wicker ng malaking katanungan. Kuya ang itinawag nito sa kanya? Ano ang ibig sabihin nito?
"Kuya, miss na miss na kita . . ."
Lumabas si Annara ng k'warto nang matapos niyang asikasuhin ang ama at naabutan niya si Thea na mahigpit na nakayakap kay Wicker.
Nagkatinginan silang dalawa.
Matagal din siyang niyakap ni Thea habang humihikbi ng iyak. Nang tanggalin nito ang yakap ay muli siyang pinagmasdan.
"Ikaw nga ang kuya ko—"
Lumapit si Annara at hinawakan ang braso niya. "Thea . . . hindi siya ang kuya mo," she said and Thea immediately get off her hug. "He's Wicker. He's a friend of mine," paliwanag ni Annara.
Titig na titig lang si Thea kay Wicker. Hindi siya maaaring magkamali. Kuya niya ang nakikita ng kanyang mga mata.
Malaking tanong ang pumapalibot sa isipan ni Wicker ngayon. But he managed to smile and not to look awkward.
"Magkamukha lang sila ni Adrian. Pero hindi siya ang kuya mo." Patuloy na pinaliliwanagan ni Annara si Thea patungkol kay Wicker.
Mas lalong nagiging hindi komportable si Wicker sa pagitan ng dalawa. He knows about comparing him to Adrian. Sino ba talaga ang taong ito? Is he someone connected to him?
Umiiyak pa rin si Thea na nagtungo sa kanyang k'warto.
"Wicker, pasensya ka na. Gano'n lang talaga si Thea," paghingi ni Annara ng dispensa.
"It's okay. Baka nabigla lang siya nang makita ako," naiintindihan nitong tugon sa kanya.
Sinundan ni Wicker nang tingin si Thea na nagtungo na sa k'warto nito at iniisip pa rin ang biglang naging reaksyon nito nang makita siya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro