Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

3: Through the Night

"Dito sa garage? Do you want me to sleep here?" hindi makapaniwalang untag ni Wicker nang ipakita ni Annara ang lugar na paglilipasan niya ng gabi.

Tumango ito sa kanya. "Yup, this is honestly the least I can do to help you," tugon niya. "Bakit, ayaw mo ba?"

Napakamot ng ulo si Wicker habang pinagmamasdan ang mga lumang gamit at sirang sasakyan na naroroon sa garahe. Nakapuwesto ang garaheng ito hiwalay sa gawing likod ng bahay nila. Sa pagitan ng maliit bakuran.

May malaking espasyo ang garaheng iyon para sa kanya.

"It ain't like that, I mean . . . hindi ba masyadong malaki itong garahe ninyo para sa akin?"

Umiling si Annara. "Mukhang hindi naman. Kasyang-kasya ka rito. Pagtiyagaan mo na lang munang makatabi ang lumang mga gamit na naririto."

Bakas sa mukha ni Wicker ang alinlangan sa nakikita niya sa paligid. Hindi niya lubos maisip na makakatabi niya ngayong gabi ang mga nakatambak na gamit at sirang sasakyan na naroroon. Hindi niya magawang maging komportable.

Ngumiti ito ng pilit kay Annara. Hindi ngayon ang tamang oras para mamili siya ng matutulugan. Mabuti nga itong may tumutulong sa kanya ngayong gabi, mas pipiliin naman siguro niya ang matulog dito kumpara sa lansangan. He will have to survive the night, and that is all.

Lumabas lang sandali si Annara at bumalik itong may dala nang malambot na duvet bedding na ilalagtag niya para mahigaan. Sunod niyang inilabas ang comforter doon panlaban sa lamig.

An uneasiness feeling was slightly evident in Wicker's face as he's fixing the duvet on the ground. Maalikabok din kasi ang sahig na iyon.

"Pagpasensiyahan mo na talaga at ito lang ang alam kong lugar na matutulugan mo."

"It's totally fine. I asked you for a favor and you did all you can to help me. Okay na ako rito, hindi ko lang ma-imagine na matutulog ako sa garahe. You know, first time kong matulog sa ganitong environment and I think it is better for some experience though." Mahina itong tumawa.

Nakangiti lang si Annara habang pinagmamasdan siya. "Sige na, matulog ka na."

Isasarado na sana ni Annara ang pinto ngunit biglang nagsalita si Wicker para magpasalamat sa kanya. Ngiti lang ang itinugon niya rito saka siya nagtangkang umalis—

"May malapit bang convenience store dito o kahit bilihan man lang?"

Napatigil si Annara at nilingon siya.

"Malayo pa ang susunod na convenience store mula rito. Ano pa ba ang kailangan mo?"

Nakatingin lang si Annara sa kanya habang nakahakbang na ang isang paa niya sa labas ng pinto.

"I don't think you can give me what I want. Naninigarilyo kasi ako, hindi ako mapalagay 'pag walang usok na dumaloy sa sistema ko."

Wicker started smoking cigarettes a year ago. Siguro'y dulot na rin ng mga kaibigan nitong palagi niyang nakakasama. He once hated the smell of cigar smoke. Para sa kanya, para itong usok mula sa tambutso ng isang kotse. Mabaho at hindi maganda sa kalusugan. He tried it one time and cursed it. Ngunit nang nagtagal ay nagustuhan na niya ang usok na ito, lalo na kapag dumaloy na ito sa kabuuan ng kanyang baga.

"Naninigarilyo ka pala?" hindi makapaniwalang tanong ni Annara.

She saw his lips earlier, noong natamaan ito ng liwanag ng ilaw pagpasok nila sa garahe, mapupula ang mga labi nito at halatang hindi bisyo ang paninigarilyo. Kung hindi pa ito naghanap, iisipin niyang hindi ito naninigarilyo.

"I can take four sticks a day. Hindi pa ako naninigarilyo simula nang makabangga kita kanina. Paniguradong hindi ako makakatulog nito, hahanap-hanapin ko lang 'yon magdamag."

Hindi alam ni Annara kung saan siya hahagilap ng sigarilyong ipantatapal sa bibig ng lalaking ito para mapunan ang hinahanap-hanap nitong bisyo. His father used to smoke before, pero ilang buwan na iyong tumigil dahil sa pagkakasakit. May natira pa kaya para dito?

"Susubukan kong maghanap," aniya, saka dahan-dahang isinara ang pinto.

"Sandali lang!" muling awat nito. "Iiwanan mo ako rito?"

"Gagawa ako ng paraan na makahanap ng sigarilyo mo. Mas mabuti nang maghintay ka na lang—"

"I wanna go outside to inhale fresh air. Sariwang-sariwa pala ang hangin dito sa Fawnbrook kumpara sa Bellmoral, ano?"

Atubili itong lumapit sa kanya at sabay na silang lumabas ng garahe. Naglakad sila ng sabay sa bakuran at hindi inaasahan ni Annara na magiging ganito kadaldal ang lalaking ito.

She's like sleeping in the middle of a good dream. Adrian's presence lingers on this man. Ang sarap lang ng feeling niyang kasama nito habang binabalot sila ng mahinang pagaspas ng malamig na hangin.

"Matagal na kayong nakatira dito, uhm . . ." napahinto ito sa pagsasalita nang hindi madugtungan ang pangalan nito.

"Annara, 'yon ang pangalan ko."

"What a good name!" he praised her. "I'm Wicker by the way. It's so funny to think how we been together earlier at ngayon lang tayo nagkapalitan ng pangalan. Well, magpapakilala rin naman ako sa 'yo kanina sa bus kaso ang tahimik mo kanina sa biyahe, nahihiya akong kausapin ka."

Hindi mapigilan ni Annara na mapangiti at kiligin ng kaunti sa mga patutsada ng lalaking ito. Wicker has an interesting talkativeness if it pertains to new people he really wants to be friend with. Ganito rin siya noong nagkakilala sila ng girlfriend niyang si Catherine, hanggang sa nahulog na ito sa kaniya nang tuluyan.

Mayamaya pa ay nakarating na sila sa loob ng bahay. Naroroon ang ama ni Annara na nakamasid sa labas ng bintana. Nakaupo ito sa wheelchair at hindi gumagalaw.

"Uh . . .Wicker, ito ang papa ko," pagpapakilala niya.

Bahagya niyang ihinarap ito para makita ni Wicker. Tulala lang ito sa isang banda at paralisado.

"Good evening po," bati niya rito at maliit na tumango. Bumaling siya kay Annara at bumulong, "What happened to him?"

"He had a localized paralysis. Nangyari ito noong na-stroke siya a few months ago. It's a mild stroke. He can't even speak. May ilang parte lang ng katawan niya ang paralisado tulad ng mukha, mga kamay at hita. Mabuti na lang at naibubuka at naigagalaw niya nang kaunti ang kanyang bibig para makakain."

"Is he good here? I mean, okay lang ba siyang nakaupo riyan magdamag? He should have been taking a full bed rest."

"Sa tingin ko okay lang si papa. Mayamaya lang ay ipapasok ko na siya sa kuwarto niya. He seems happy and still while he's in front of that wide window. Mahilig kasing magmuni-muni si papa noon lalo na kapag malakas ang hangin sa labas habang pinanonood niyang sumasayaw ang mga puno."

Naglakad na si Annara papasok sa kusina nila. Nagsimula na itong maghagilap ng sigarilyo.

Pinagmasdan lang ni Wicker ang matandang nakaupo sa wheelchair. Napansin niyang bahagyang tumaas ang gilid ng labi nito na tila sinusubukang ngumiti. Nangungusap ang mga mata nito, kaya't kahit pa sa isang banda lang ang tingin nito . . . alam niyang may nais ipahiwatig ang mga titig at ngiting iyon.

"You're lucky we have three sticks left," anunsiyo ni Annara at iniitsa niya kay Wicker ang kaha ng sigarilyong may laman pang tatlong piraso.

"This is actually enough for me to survive the night. Maraming salamat!" He gently smiled.

"Gusto mo bang kumain?" alok ni Annara dito.

"Gusto ko sanang tanggihan ka kasi nahihiya na ako. You'd helped me so much. I don't know how to pay you back for now. Pero nagugutom na rin kasi ako, so . . ."

"Then, let's have dinner together."

ıllıllııllıllı

Annara couldn't tell that there's something about this man. He has so many similarities of Adrian. Who could've thought that she'd spend the night with him–of all guys in Fawnbrook? Isa pa, hindi taga-Fawnbrook ang isang 'to. Ang ibig lang sabihin nito, may koneksiyon at halong tadhana ang pagkikita nilang dalawa.

They met at the crossroads of fate. Could it be a true forge of destiny?

"Ikaw ba ang nagluto ng chicken soup na kinain natin kanina?" biglang tanong ni Wicker habang naglalakad sila pabalik sa garahe.

Annara nodded. "Paborito kasi ni Thea ang chicken soup lalo na't malamig dito sa Fawnbrook. Bakit, hindi mo ba nagustuhan?"

"I really like how tasty it was. Isa pa, tamang-tama talaga ang mainit na sabaw sa klima ng probinsyang ito. I feel a lot warmer now." He rubbed his tummy with satisfaction.

She couldn't help but smile.

"Mabuti at nagustuhan mo kahit na wala nang gaanong laman 'yong chicken soup," she said, slightly rubbing her shoulders because of the breeze of cold air. "Hindi mo pa ba susubukang tawagan ang mga kaibigan mo? Baka matulungan ka na nila ngayon at masundo na agad dito."

Wicker shook his head. "There's no need. Gagawan ko na lang ng paraan bukas. Nakakahiya naman kung kailan tinulungan mo na ako, saka pa ako aalis . . . and thanks pala sa food. I'll make it all up to you 'pag bumalik ako rito or nagkita ulit tayo."

"Okay lang. Hindi mo namang kailangang bumawi. I am happy to help." Sumilay ang ngiti sa mga labi niya.

"I saw a dark two-storey apartment building over there. May mga occupant ba roon?"

Napatigil sila at itinuro ni Wicker ang direksyon ng apartment na napansin niya kanina.

"Ah, iyong apartment ba na bungad pagpasok sa compound na 'to? Oo, walang occupants doon. Sa amin ang apartment na 'yon, since hindi na namin naipaayos ang buong building dahil sa gastos at gamot ni papa . . . matagal na ring hindi napakikinabangan 'yon," paliwanag niya.

"Sayang naman," panghihinayang ni Wicker. "Can we go there? Gusto ko lang makita."

Pumihit ng tingin si Annara sa kanya. "Madilim doon, hindi ka ba natatakot?"

He met her gaze. "Why would I be? Unless na lang kung may nagpapakita talaga roon, tiyak matatakot talaga ako." Idinaan na lang nito sa tawa ang k'wentuhan.

"Nagbibiro lang ako. Halika."

Walang alinlangan na hinawakan ni Annara ang kamay niya at hinila ito patungo sa apartment na binabanggit nito.

Wicker didn't bother on how she held his hand tightly. He felt the cold in her palm as she's leading him the way. Pinagmasdan niya lang itong hinihila siya.

Annara uses her phone's light to defeat the darkened apartment.

"Nakakatakot nga rito," komento ni Wicker. Naglakad-lakad sila sa corridor ng ground floor. "Mukhang madali lang namang ayusin ang iba rito, sayang naman kasi kung ganito na lang at hindi mapakikinabangan," dagdag niya, palinga-linga at pinupuna ang iilang nasirang pinto at bintana ng mga k'warto roon.

"Gusto ko ring ipaayos itong apartment para muling matirhan, kaso gipit talaga kami ngayon. Iyong pension na nakukuha ni papa ay sapat lang sa gamot niya. I had to work while studying to help and pay for our daily expenses."

Napatango-tango si Wicker sa k'wento ni Annara. She has a braveheart. Iyon ang maganda sa kanya, malakas ang loob pagdating sa pamilya. Magsasakripisyo siya alang-alang sa mga ito.

Nagtungo pa sila sa second floor at dumantay sa mahabang balustrade, mula sa corridor. Kap'wa nila pinagmasdan ang view mula sa ibaba. Kitang-kita rin ang liwanag ng buwan sa madilim na kalangitan mula roon.

"Can I?" Ipinakita ni Wicker ang sigarilyo sa kanya. He's asking for her permission.

She nodded. "Sure. I wouldn't mind," pagpayag niya.

Wicker then lit his cigarette.

Sanay na si Annara sa amoy ng usok ng sigarilyo, since mayroon siyang ama na naninigarilyo.

"Matagal na kayo rito?" tanong ni Wicker at bahagyang nagbaga ang dulo ng sigarilyong hinihithit niya.

A string of smoke flowing above the tip of his cigarette. When he blows, another inhaled smoke shrouded around them.

"Since I was a kid, dito na kami nakatira . . ."

Nasa malayo lang ang tingin ni Annara habang isa-isang rumirehistro sa isipan niya ang naging mga alaala niya sa lugar na ito. Pati na rin ang mga masasayang nangyari noong bata pa siya. Noong kasa-kasama niya pa si Adrian.

Adrian has a huge place in her heart. Kitang-kita naman iyon dahil halos ilang taon na itong hindi niya nakakasama, tila sariwa pa rin ang alaalang iniwan nito sa kanya.

Way back decade ago, in the garden, they used to play wooden swords as if they were battling for a crown. They were sometimes play prince and princess and dreaming of a happy ending. Minsan naman nagtatayo sila ng maliit na bahay na gawa sa makapal na tela, naglalaro at nagpapanggap bilang isang pamilya.

Bigla tuloy bumilis ang tibok ng puso niya habang inaalala ang mga masasayang bagay na iyon. Those were the days she would be living for if she was only granted a wish.

Kung nabubuhay lang sana si Adrian ngayon, tiyak ang puso niya ang pinakamasaya sa lahat.

Adrian is such a good influence on her. Mabuti itong bata noon, palaging iniisip ang makabubuti sa iba kumpara sa sariling kapakanan. Kailanman hindi ito naging masamang dulot sa kanya. Even if they had a fight for petty things, they still don't want it to become bigger.

All she had was fun with him. Iyon ang mga alaalang baon-baon niya kahit saan man siya magpunta. But those were just memories, but what about the moment she's living now?

"Annara?"

Nanatiling tulala si Annara, malayo ang tingin at malalim ang iniisip. Napansin na ni Wicker ito kanina pa nang tumigil siyang magk'wento.

"Are you okay, Annara?"

Dahan-dahang humarap si Annara sa kanya. Mabilis na mabilis pa rin ang tibok ng puso niyang pinagmamasdan ito. Kahit na madilim na ang paligid, nakikita pa rin niya ang mukha nito dulot ng liwanag ng buwan.

Sumasabog na ang kanyang damdamin dahil sa mga alaalang ito.

Her right hand slowly landed on Wicker's face, caressing thoroughly . . . gently, as if it was the important thing in the world. It was smooth and delicate. His half-lidded eyes capture her heart. Para niyang pinagmamasdan si Adrian ng harapan. Ganitong-ganito ang hitsura nito, hindi mapagkakailang hawig na hawig siya nito.

Natutunaw ang puso niya habang dahan-dahang humahaplos ang palad niya sa init ng pisngi nito. His bare face was warm and soft and glistening. Bumaba ang tingin niya sa mga malalambot nitong labi. Hindi na rin niya napigilang idampi ang kanyang hinlalaki mula roon.

May pag-aasam ang damping iyon. She missed him so much. She couldn't ask for more aside from this very moment.

In her eyes, she's in front of Adrian. The man she poured all her love before. Naguguluhan ang isip niya, nalilito, tila may komosyon. Miss na miss na niya ang lalaking iyon, ang lalaking sa mga alaala na lang niya makakasama.

Hinawakan ni Wicker ang kamay niya sa pisngi nito. "Hey, Annara . . ." pinagmasdan din niya ito, nag-aalala, "are you alright?"

Nang matauhan si Annara ay agad niyang hinila pabalik sa kanya ang mga kamay niya.

"I'm sorry." Saka siya mabilis na umiwas kay Wicker.

For her, she shouldn't have done that. He's not Adrian.

Bakit niya ba nagawa ang bagay na iyon? She doesn't know how to react properly in front of this man.

Hot tears blurred her vision. He reminds her of Adrian so much, she can't help but cry and walk away.

Parang tinatambol ang puso niya. Gusto nitong kumawala sa kanyang dibdib. Halo-halo ang emosyon, ayaw siyang tantanan ng pagmamalabis na ito.

Hindi alam ni Wicker kung bakit biglang nagkaganoon si Annara. He followed and stop her.

He frowned and had no idea. "Annara, what's the matter?" tanong nito, may pag-aalala sa kanyang mukha. There's a tear on the side of her face.

Iniwas ni Annara ang mukha niya sa harap ng lalaking ito. Ayaw niyang makita ang mga luhang patuloy na bumabagsak sa mga mata niya. "Nothing. Sige na, magpahinga ka na," she softly said, sobbing.

Tuluyan na itong naglakad palayo sa kanya.

Naiwan doon si Wicker na hindi man lang nalaman ang dahilan kung bakit siya naging ganoon ka-emosyonal bigla.

He left there with a big question mark in his head.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro