29: Precious Gift
"Kanina pa litaw na litaw 'yang ngiti sa mukha mo, ah. Ano'ng mayroon sa mga ngiting 'yan bukod sa birthday mo ngayon?" tanong ni Annara habang ngingisi-ngising pinagmamasdan si Wicker na nagmamaneho.
He put his eyes on Annara. "Because you came." Hindi talaga inaasahan ni Wicker na darating ito ngayong gabi.
Napangiti si Annara nang marinig niya ito mula kay Wicker. Na-touch siya sa sinabi nito.
"Pauwi na talaga ako kanina. Buong araw kitang hinintay sa loob ng library at inasahang na papasok ka. You told me that celebrating the school festival was fun. Tapos ikaw pala 'tong hindi a-attend."
"I was about to, just so you know. Hindi lang talaga umabot, pasensya na."
"It's fine. Ang mahalaga ay naririto ka na. Maiba ako, kung mamarapatin mo, I haven't seen you in a while, ano'ng pinagkaabalahan mo nitong mga nakaraang araw?"
Napatigil si Annara sa tanong na iyon. "Nagkasakit ako," she confessed. "And I have to rest my mind and my body from the collapse."
Wicker suddenly pulled up the car near the sidewalk. Huminto ito at nag-aalalang tumingin sa kanya. "Collapse? How are you now? I will never drive you anywhere if you're not fine yet. Halika, iuuwi na kita." Ikinambiyo ni Wicker ang manibela pabalik. Aligaga ito. He got worried after hearing why Annara suddenly got nowhere to be found these past days. Baka ay kung napaano ito.
"Wicker . . ." she stares to his eyes while holding the back of his hand on the lever. "Calm down, okay. Everything's fine. Okay na okay na ang kalagayan ko ngayon. Isipin mo na lang ay ice-celebrate natin ang birthday mo."
Hindi pa rin mawala ang pag-aalala kay Wicker. Annara saw a twinkle in his eyes as he's staring back at her with a small smile. "Seryoso ka, ah. Don't mind my birthday or anything about me right now. Kung sumasama ang pakiramdam mo, sabihan mo lang ako at ihahatid agad kita pauwi para makapagpahinga ka na sa inyo."
"I'm really okay. Sige na, magmaneho ka na."
Napalagay naman si Wicker matapos ipagtapat sa kanya ni Annara ang nangyari nang panandalian itong nawala nitong mga nakaraang araw. She said she got burnout from the stress. Hindi na raw kinaya ng katawan nito kaya't nagkasakit siya at nawalan ng malay. Nagpatingin na rin ito sa doktor at pagod din ang nakita nitong sanhi kaya ito nag-collapse.
Hindi naman nagsisinungaling si Annara dahil mapapansin naman dito ang kagiliwan at kakulitan, na maayos na talaga ang kalagayan niya. Kaya't walang dapat ipagalala si Wicker sa kanya.
"I thought we're having a dinner? Bakit sa hotel tayo nagpunta?" Annara asked as soon as they got into the hotel's parking area.
Ihininto ni Wicker ang kanyang kotse at ipinarada ito. "I want to show you something?" may pa-surpresa sa tono ng boses nito.
"Are you checking me in?" Nag-aalangan si Annara kay Wicker. She shouldn't thinking about that. Ang dapat na isipin niya ngayon ay i-celebrate ang kaarawan nito.
"Do you want me to reserve a room? Gusto mo na bang magpahinga? Ipadadala ko na lang sa k'warto ang mga pagkain para hindi ka na gaanong mapagod."
"Don't mind me. Birthday mo ngayon, hindi dapat ako ang nasusunod. We're going to the restaurant."
Wicker just nod at her as she clarifies.
As soon as they both got out of the car, they immediately walk inside the hotel's entrance. Bumungad agad sa kanila ang isang magandang steakhouse sa loob niyon.
Cruz's Steakhouse
"Welcome to Cruz's! Good evening, sir Wicker. Good evening, ma'am!" Salubong sa kanila ng isang lalaking staff na nag-aayos ng reservation sa bukana ng steakhouse.
"Where are our reserved seats?" agad na tanong ni Wicker dito.
May iilang customers ang nasa loob. Mamahalin ang steakhouse na iyon, hindi lang dahil sa kalidad ng mga sangkap na ginagamit at pagkaing inihahanda rito, dahil na rin sa kilalang pangalan nito.
"A seat for four, right Sir?" the staff confirming.
Nagsalubong ang kilay ni Wicker. "A seat for four? Dalawa lang kaming alam kong kakain dito." Hindi niya maintindihan kung ano ang sinasabi nito. "Please double check the reservation list. Baka nagkakamali ka lang."
"Everything's right, Sir. Miss Catherine and Mister Anton will arrive in ten minutes," the reservation staff confidently said with a smile.
Napapikit si Wicker at napasinghap. He tsked as he thought.
Lumapit si Annara sa kanya. "Wicker, may problema ba?"
"No. Nothing. Everything's alright," tugon niya rito at muling bumaling sa staff. "Lead us the way, please."
Agad silang ihinatid ng staff papasok sa loob ng steakhouse. Doon pa lang ay amoy na amoy na ang halimuyak ng nilulutong karne.
Wicker pulled the chair and helped Annara in. "Have a seat. Saglit lang, mag-aayos lang ako. Be right back."
Tumango lang si Annara sa kanya habang inililibot ang paningin sa paligid. The whole place were comfortable and inviting. The ambiance and interior design of the steakhouse were eye-attracting and more of an abstract concept.
The atmosphere served equally, with the music, furnishing, decors, vibe and the dress code of the servers are uniquely beautiful. Hinihintay pa ni Annara kung matutumbasan ng expectations niya ang food presentation table mamaya kapag naihain na ang mga pagkain.
Pinagmasdan niya rin ang ilang kumakain doon. Makikita sa mga pananamit at mga kilos nito ang kanilang estado sa buhay. She later checked the box in her bag. Iyong regalong ibibigay niya para dito.
Wicker went back to her with a well-suited black slim blazer and black inside longsleeves shirt. Kumpleto na ito hanggang pang-ibaba na itim na slacks at black shoes.
He groomed and fix his own hair–it was pushed back with a masculine smell lingering around him. He's very fine. She never thought she would see him as decent and as pleasant as he was.
Napatagal pa yata ang pagtitig niya rito.
Wicker clears his throat as he noticed Annara was staring at him long enough. Agad namang nag-iwas ito ng tingin sa kanya nang mapagtantong napapatagal na ang pagtitig niya rito.
"How was the place?" he asked her while sitting on the chair next to her.
Nailang si Annara sa kanya. Masyado yata siyang naaapektuhan dito lalo pa nang tumabi na ito sa kanya. "This place is great. Makukumpleto ang evaluation ko kapag natikman ko na ang mga pagkain dito."
Nakatingin lang si Annara sa isang banda. Ayaw niyang muling tumingin kay Wicker baka ay mahuli ulit siya nitong tumitingin dito.
"This is my father's."
Lumingon si Annara sa kanya. "Kayo ang may-ari ng steakhouse na ito?" She never think of it since this is Cruz's Steakhouse. Maraming apelyidong Cruz sa mundo.
"Yeah. This business is still running in its tenth year. Kaya kita dinala rito para matikman mo ang mga pagkain pati na ang personal recipe ng Mom ko."
"Mukhang hindi mo na kailangang patunayan. Mukha namang masasarap ang inihahandang pagkain dito. Sa amoy pa lang ay nakatatakam na. One more thing, this steakhouse wouldn't made it here in this hotel if something's off about the food and the service. But still I'll tell you my review later." Ngumisi siya kay Wicker.
"Happy birthday, babe!"
Napalingon silang dalawa nang dumating si Catherine habang nakabuntot si Anton sa likuran nito.
She kissed him on the cheeks. "Kanina pa kayo nandito?" tanong niya.
"We're here about thirty minutes now."
Bumati sa kanya si Anton at nakipagkamay. Kasunod niyon ay nagdatingan na rin ang mga pagkain nila. The servers served the bestsellers and the newly made recipes. Pati ang drinks doon ay sariwang-sariwa mula pa sa mga fruits and juices.
Nagkalat ang mga lutong karne sa malaking lamesa nila. Pati na ang ilang putahe na seafood at pasta. Kumpleto rin sa mga sinabawang gulay at isda.
"How are you, babe? How's your special day?" Catherine starting up the conversation. Inihain na sa mga pinggan nila ang kanilang kakainin.
Tahimik lang si Anton na katabi ni Catherine at maging si Annara ay patuloy na umiiwas ng tingin.
"Doing good. Had a great time on the school festival before arriving here," Wicker answered. "You, how's your botique?"
"Doing great," sagot ni Anton.
"I'm not talking to you," Wicker told himself quietly. "That's good to hear!" he said it louder than what he thought first.
Catherine looked at Annara while chewing. "You're so beautiful in that dress, Annara. I like your accessories too. You had the taste for picking clothes that are look good on you. Never knew you had the fashion sense I was grew up on. I really like your ideas," Catherine praised her.
"Thanks!" Annara said smiling.
She doesn't want to feel uncomfortable. Mas lalo lang mawawala ang composure niya at confidence sa sarili kung maiilang siya sa harap ni Catherine.
"Have tried and matched it first on me before wearing. Para lang manyika na dinadamitan, ang kaso sa sarili ko ginagawa," she added with a glimpse of smile and such confidence.
"It matched perfectly! You looked gorgeous not gonna lie," Catherine praised her more.
Pinagmasdan ni Annara ang suot ni Catherine. It was a black vintage above the knee night dress, matching with crystal earrings and necklace. Hati ang unat na unat na nakalugay nitong buhok. She's wearing an evening make up, faded eyeshadow and a side wingliner on her eyes. Her lips had the combination of color faded red and purple with gloss.
Tumingin si Wicker nang ipaghiwa ni Anton si Catherine ng steak at inilagay sa plato nito.
Wicker clears his throat to claim the attention of all. Napatingin sa kanya si Anton.
"By the way, Anton . . ."
Anton looked at him. "Yes?"
Wicker managed to remain cool and composed. Hiniwa niya ang steak sa plato niya at tumikhim. "Ano pa ang pinagkakaabalahan mo bukod sa pagiging isang supplier nitong girlfriend ko?" His voice sounds saucy than what poured in the steak.
"Aside from handling business franchises and being a supplier to your girlfriend . . . nagtuturo din ako bilang isang professor sa Bellmoral," Anton said confidently.
"What do you teach?" agad na tanong ni Wicker. He just wanna know more about him.
"He teaches history," sabad ni Catherine. "Anton's parents also had a coal fired power plants and he has two little sisters. What are their names? Livvy and Hera, right?" she said looking at Anton.
Tumango si Anton. "Yeah. You're right."
Wicker brows furrowed. Parang kilalang-kilala na ni Catherine ang lalaking ito. Mas lalo tuloy siyang nagtataka rito.
"Seems that you two were so close," patutsada ni Wicker.
"And it's normal for a business owner and its supplier. Considering business partners, hindi ba dapat ay makilala namin ang isa't isa?" ani Catherine.
Sumang-ayon si Wicker. "Yes, yes. Of course."
Mayamaya ay bumaling naman ng tingin si Catherine kay Annara na tahimik lang sa isang banda.
"Ikaw Annara, kumusta naman itong si Wicker? Mukhang palagi kayong nagkakasama these days. Nagkaayos na ba kayong dalawa?" siya naman ang nagtanong.
Annara lowering her eyes. "It's just a misunderstanding." She's slicing the steak in her plate. "Nagkaayos na kami at napag-usapan ang bagay na 'yon. And if you're asking me what about him . . . he's a good friend."
"How about his admirers in your school? Minsan nakakaselos 'yong mga admirer niya, para bang gusto mo siyang ipagdamot sa kanila." Catherine chuckled with ease. "Kidding aside, kahit sino naman nagsasabing good friend itong si Wicker. Mabait kasing tao and a good driver. Kung hindi siguro sila nahuli ng pulis ni Olly noon, malamang hindi siya pinadala rito sa Fawnbrook at hindi kayo nagkakilala—"
Wicker eyes widened. "Catherine," he interferes. Ngumisi ito kay Annara at Anton. "That was a while back. We were just caught overspeeding," he added to defend and save his face.
Ganoon ba dapat ang pinag-uusapan nila ngayong birthday niya? Ang mga kamaliang nagawa niya sa nakaraan? Catherine should never speak it to them. Imbes na maging masaya lang ang dinner ay nagkakaroon pa ng ilangan sa pagitan nila.
Mabuti naman at nailihis ang usapan mula sa mga current activities na ginagawa ng isa't isa. Mas naging interesting ang conversation at naging casual lang ang kumustahan at tanungan. All are good to be considered.
"By the way, babe, before you blow your candle. Here's my gift." Agad na iniabot ni Catherine ang kahon na may taling ribbon sa gitna.
Kasunod niyon ay nagbigay rin si Anton ng maliit na kahon para sa kanya. He thanked them.
"Why don't you open it? Para malaman at makita namin ang reaksiyon mo?" Catherine said in excitement, clapping her hands quietly.
Wicker opened Anton's gift first.
Black Tough Watch. Isang mamahaling relo ang tumambad sa kanya. Agad niya itong isinuot at isinukat. Bagay na bagay naman ito na nakapagbigay ng ngiti sa kanyang mga labi. Agad din siyang nagpasalamat dito.
Sunod niyang kinuha ang regalo ni Catherine mula sa kahong may katamtamang laki. Isang limited edition shoes ang laman ng kahon na iyon. Kamukhang-kamukha ng iniregalo sa kanya ni Olly. Kaya hindi gaanong nasurpresa si Wicker sa regalong ito.
He still have to smile and thank Catherine with a kiss on the cheek. "Thanks babe, this is beautiful."
"I know. Para naman ganahan ka na ulit mag-basketball at 'yan dapat ang isusuot mo, 'kay?"
Tumango lang si Wicker dito.
Ilang sandali pa ay tumingin na si Wicker kay Annara na tahimik lang sa gilid niya. She looked back at him.
"It's okay if you don't have one. Hindi naman required na dapat lahat ay magbibigay ng regalo para sa—"
Pinutol ni Annara sasabihin ni Wicker nang ibigay nito ang regalo niya para dito. "This is the least I can give you. Wala na kasi akong ibang maisip na iregalo sa 'yo," she said with a little smile.
Ang regalong ito ay hindi kalakihan kumpara sa regalo ni Catherine. Hindi alam ni Annara kung matutuwa ba si Wicker sa regalo niyang ito. Mas mabuti na ang mayroon kaysa sa wala.
"Holy fuck! E-chariot red?!" Halos napasigaw na si Wicker nang makita niya ang laruang kotse na iniregalo ni Annara. Agad siyang tumingin dito. "Where did you get this? What the—" Hindi makapaniwala si Wicker na hawak-hawak na niya ang laruang kukumpleto sa pinakapaborito niyang koleksiyon.
"I found it in an antique shop. Garrison ang pangalan ng shop na 'yon. Nagustuhan mo ba?"
"I really liked it so much, Annara! Thank you for this!" Hindi na napigilan ni Wicker ang yakapin ito sa sobrang saya.
Nailang si Annara sa ginawa ni Wicker na pagyakap sa kanya. Napatingin siya kay Catherine na naglaho ang ngiti sa mga labi nito habang pinanonood sila. Hindi alam ni Annara kung ano ang nararamdaman nito ngayon.
Catherine felt so embarrassed. Bakas na bakas iyon sa pagmumukha niya. Wicker had so much reaction in a toy rather than a limited edition shoes? Paano nangyari 'yon? Hindi siya makapaniwala.
Maya't maya ang titig ni Wicker sa laruang iyon. Para bang batang ayaw nang pakawalan sa mga kamay nito.
"Best birthday and gift ever . . ." hindi pa natatapos ang sayang nadarama ni Wicker mula sa regalong iyon ni Annara. He'll considered it as a precious gift he'd ever received.
Simula nang mas daigin ng regalo ni Annara ang kung ano'ng regalo ni Catherine para kay Wicker, hindi na nagbago ang mukha nito sa pagkaseryoso. Ni hindi na ito nagawang ngumiting muli o kahit na sandali.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro