27: Overgrown Vines
Masaya ang ngiting nagmumula sa mga labi ni Annara. It's just, she woke up feeling so happy and lightweight with a natural beam shining in her face.
Binuksan niya ang bintana mula sa kanyang k'warto. It was a misty morning. She let the breeze of cold air go inside her room. Napayakap siya sa magkabila niyang mga braso at napapikit saka lumanghap ng hangin. Hindi alintana ang lamig na kanyang nararamdaman dulot nito.
She just can't forget how Wicker didn't mind about her overreaction towards him. Mabuti na lang at hindi ganoong klaseng tao si Wicker para pahabain pa ang maliit nilang hindi pagkakaintindihan.
Ngayon ay araw ng Sabado. Kahapon pa lang ay naisipan na ni Annara na magpunta sa saltbox house kung saan sila madalas ni Adrian noon. It was the place she always remember when she's missing Adrian or have a lot of stuff to talk about when something happened on her at the moment. Sa t'wing nagpupunta kasi siya sa lugar na iyon, kumukunekta agad at nararamdaman niya ang presensiya ni Adrian doon.
Kapag naroroon siya, pakiwari niya'y kasama niya si Adrian kahit pa ay isa lamang itong balintataw.
She made herself a breakfast and had some coffee while taking care of his disabled dad. Inalalayan niya itong makaupo sa wheelchair at iginala saglit sa bakuran nila.
She didn't wake up Thea to take her breakfast. Napansin niya kasing nakabukas ang ilaw ng k'warto nito magdamag, baka ay puyat ito sa pag-aaral.
"Papa, lalagyan kita ng blanket, ah. Masyado pang mahamog. Mayamaya rin ay lalabas na ang araw."
Ganoon ang payo ng doktor, kahit pa sa isang banda lang ito nakatingin at hindi nagsasalita, mas maiging kausapin ito minsan dahil naririnig nito ang mga boses sa paligid. Makatutulong ito para dito.
Sinikipan niya ang bonet na suot nito at humalik sa noo.
Tumayo si Annara sa tapat ng kanyang ama. Nakangiti siya habang pinagmamasdan ito. Ilang saglit lang ay biglang naglaho ang ngiti sa kanyang mga labi. Lumungkot ang mukha niya at namuo ang mainit na luha sa kanyang mga mata.
Ayaw na ayaw niya talagang pinagmamasdan ang kanyang ama. Mas lalo lang siyang nalulungkot at naaawa sa kalagayan nito. Her father was like a stone, like a sculptured man. Hindi ito makasagot sa kanya at nananatili lang itong nakatigil doon.
She wiped her tears immediately before it falls from her eyes. She's blinking them away. She doesn't want him to see her crying in front. Baka ay malungkot din ito. She then lowered her eyes and slightly bow her head. She sniffed and compose herself back.
Pinagmasdan na lang ni Annara ang mga puno mula roon habang unti-unti nang lumalabas ang ilang sinag ng araw mula roon. Mahamog pa rin sa ilang bahagi ng bakuran nila, ngunit mababanaag na ang luntiang kapaligiran. Sariwa ang mga dahon na mamasa-masa dulot ng hamog.
Kasunod noon ay iginala niya pa ang kanyang ama mula sa bukana ng compound nila. Nang makarating, agad na bumungad dito ang apartment na pinauupahan nila noon.
Nakatayo si Annara sa gilid ng kanyang ama habang kap'wa nila pinagmamasdan ang bakanteng gusaling iyon. Walang nakatira at halos pinamumugaran na ng agiw sa kalumaan at tagal na hindi napakikinabangan.
"Papa, hindi ba't plano mong ipaayos ito dati? Nakalulungkot lang na baka matagalan pa bago matupad ang plano mong iyon. Kapag nagkapagtapos na ako, nakapag-trabaho at nagkaroon na ng sapat na kita . . . ito agad ang ipaaayos ko para sa 'yo. Sa ngayon, kailangan ko munang gamitin ang kakaunting kinikita ko at pensiyon mo para na rin sa gamot mo,
"Kung naririto lang siguro si Adrian, hindi no'n hahayaan na hindi nagagamit ang apartment na 'to. Kaya bilib na bilib ka sa taong 'yon, parang walang imposible sa kanya. Basta't kaya ng katawan niya, lahat ng plano niya ay magagawa niya. Ma-prinsipyo kasi siyang tao at may isang salita. Minsan nga, mas nagkakasundo pa kayong dalawa kaysa sa akin. Wala naman akong dapat ikagalit o ika-inggit doon. He's good and dedicated for everything he's doing. Lahat nakakaya niyang gawin. It's so evident that he's better than I am."
Napapangiti si Annara habang nagku-k'wento sa tabi ng kanyang ama.
She sniffled. Hot tears forming in her eyes again. "Siya lang ang nagpapalakas ng loob ko kapag pakiramdam ko ay mabibigo ako sa isang bagay. He's comforting me for the rest of his life. Siya ang nagtatanggol kapag may nang-bu-bully sa akin sa eskwelahan, inaako niya minsan ang mga kasalanang ako naman talaga ang may sala, ibinibigay niya ang lahat para sa akin kahit pa wala nang matira para sa kanya. Why of all people? Why his courageousness, resourcefulness and generosity exchange him to be gone? Ganoon ba talaga kapag mabait kang tao? May kapalit ang kabaitang ginagawa mo? Isn't it unfair, 'Pa?"
She sobbed. "Kaya rin siguro nahihirapan ako ngayong wala siya. Mali ko rin na sinanay ko ang sarili ko sa tabi niya, sinanay ko itong puso kong palagi siyang kasama. Pagkakamali ba ang ginawa ko kung kamahal-mahal naman talaga siya?"
She later put her eyes on her father who's now crying too. Pinunasan niya ang luha na gumapang sa pisngi nito at humingi ng paumanhin. She didn't want to make him feel sad, it's too early for the drama. Hindi lang niya napigilang mag-k'wento rito. Adrian really means a lot to them, especially to her who had been part of her life and probably her existence.
ıllıllııllıllı
Kinabukasan ay maagang umalis si Annara ng bahay. Ipinagbilin na niya kay Thea ang ama gabi pa lang. She had to go somewhere she wasn't tell her where. Ganoon pa rin ang ayos niya at pananamit sa t'wing magpupunta siya sa old saltbox house. Nakaputing bestida, manipis na make-up sa mukha, kumikinang na mga porselas at hikaw at sandals para bagayan ang suot niya. Hindi gaanong mapula ang kanyang mga labi, ngunit ang buhok niya ay unat at malinis na nakapusod.
Nang makababa siya ng bus ay pinagmasdan niya ang kabilang kalsada sa katapat niyang pedestrian lane. Naghihintay siyang umilaw ang red light bago siya tuluyang naglakad. Sa kalagitnaan ng kanyang paglalakad ay nilingon niya ang matandang katabi niya kanina na nakaupo sa wheelchair, tila ba kanina pa ito naghihintay roon at may balak ding tumawid. Siya lang ang bukod tanging binalikan ang matanda mula sa iba pa niyang kasamang nauna nang tumawid.
She walked back to the old woman. "Gusto n'yo ho bang tulungan ko kayong makatawid sa kabilang kalsada?" she asked her, lending a help. Naalala niya kasi ang ama niya rito.
The old woman smiled cheeky at her. "Kung maaari lang sana, hija. Kanina pa kasi ako naghihintay rito. Hindi ko naman matawagan ang anak ko para sunduin ako rito dahil naiwan ko ang telepono ko," k'wento niya habang gagap-gagap ang kamay ni Annara.
"Wala hong problema." Nagtungo na si Annara sa likod at itinulak na ang wheelchair kung saan lulan ang matanda. Madalas siyang tumulong sa iba dahil iyon ang palagi niyang nakikita kay Adrian noon. Marespeto at magalang lalo na sa nakatatanda. Tutulong kung kinakailangan at sa abot ng makakaya nito.
"Hija, dalhin mo lang ako roon." Itinuro ng matanda ang isang antique shop na tinutumbok nila.
Annara looked at it and read the name of the shop.
Garrison Antique Shop.
"Kayo ho ba ang may-ari ng shop na iyon?" tanong ni Annara habang maingat na itinutulak ang wheelchair nito.
"Oo, hija. Ngayon, ang anak ko na ang nagpapatakbo ng shop na 'yan. Hindi na rin kasi kaya ng katawan ko ang asikasuhin ito. Pabisi-bisita na lang ako. Isa pa, iyan na lang ang natitira sa akin na maaari kong ipamana sa nag-iisa kong anak."
Nakikinig lang si Annara sa mga k'wento ng matanda. Garrison pala ang pangalan ng shop na iyon na madalas niyang makita katabi ng lumang rentahan ng mga damit. She always had an eye from this shop. Parang magaganda kasi ang mga lumang gamit na naka-display at ibinibenta roon. Most of the antique things from that shop were collectors and limited edition items.
The bell chimed when Annara opened the antique shop's door. She heard some vintage records playing inside on its lower volume. The atmosphere feels like ninety's and the whole place smells like combination of oil paint and old wood.
"Mama, bakit hindi n'yo po ako tinawagan?" Aligagang pinuntahan sila ng babaeng nagbabantay roon. Natitiyak ni Annara na nasa early thirty's na ang babae at ito siguro ang anak na ikinukuwento ng matanda kanina.
"Naiwanan ko kasi ang telepono ko sa bahay, Caroll." Inalalayan na niya ito papasok.
"Kanina pa po ba kayo naghihintay sa may pedestrian? Tingnan n'yo at pawis na pawis na po kayo." Inaasikaso nito maigi ang ina.
Annara can't contain her smile when she sees how the daughter of the old woman taking care of her. Pinupunasan nito ang pawis ng matanda gamit ang malambot na bimpo.
Inilibot ni Annara ang mga mata sa paligid. The whole place makes her feel of some old stuff as though from the movies she watches. From the vintage welcome shop, to the narrow walking aisles and from the other side, the sunlight peeking from the spaces of the curtain.
Oil paintings hanging on the wall–along with old desilvered mirrors and carvings. The wooden antique cabinets are filled with dainty figurines, collectible plates, vintage designed cups, cutlery and thimble collections.
She wandered further for more to see. There are a lot of handmade floor rugs from display clips and glittering chandeliers and lamps dangling overhead. There are also statues, classic designed jewelry boxes, sewing machines and handicrafts. These are the items that were old but it has still its own value for the collectors.
Mayroon ding mga limited edition na laruan doon na tila mahal ang presyo.
"Siya ang babaeng tumulong sa akin kanina."
Subalit ang nakapukaw ng pansin ni Annara ay ang laruang kotse na naroroon. Pinagmasdan niya iyon nang mabuti. Naalala niya bigla si Wicker kaya naman ay hindi niya maiwasang suriin itong maigi. Nagawa pa niyang basahin ang pangalan ng pulang laruang kotseng nakakahon na natipuhan niya.
E-chariot.
"Maraming salamat sa pagtulong mo sa mama ko." Napalingon siya sa babaeng nagsalita sa gilid niya. "Kung hindi dahil sa tulong mo ay baka naghihintay pa rin siya sa pedestrian lane hanggang ngayon. Ang usapan kasi namin kanina ay tatawagan niya ako para ako mismo ang susundo sa kanya. Hindi ko naman aakalaing maiiwan niya ang telepono niya. Maraming salamat, ha."
A smile curved on Annara's lips. "Walang anuman po. Kahit sino naman po ay gagawin ang pagtulong na ginawa ko," tugon niya.
"Nagustuhan mo ba ang laruang kotse na 'yan?" tanong naman ng matanda sa gilid nito mula sa wheelchair.
"Oho, naalala ko kasi ang kaibigan ko sa laruang ito." She remembered how nice Wicker that day. Noong ibinigay niya ang binili niyang laruang kotse para tumahan na ang batang umiiyak noong nagpunta sila sa mall.
"If you want it, you can take it for free," the old woman said without having second thoughts. Base pa lang sa mukha nito, mababanaag na ang kabaitan.
Umiling siya at kumaway para tanggihan ito. "Hindi na ho kailangan. Nakakahiya naman ho."
"Tanggapin mo na. Ganyan talaga kabait ang mama ko. She appreciates your help that's why she'll give you something in return. Saglit lang, ibabalot ko na ang laruang 'yan para sa 'yo." Saka umalis ang babae at kinuha na ang item na ibinigay sa kanya ng matanda.
The old woman hardly roll the wheel to get through her. She held Annara's hand. "Maraming salamat, hija. Tanggapin mo na iyong munting regalo ko para sa iyo kapalit ng pagtulong mo sa akin." Malapad itong ngumiti sa kanya.
She beamed to the old woman and caressed her curled skin hands. "Maraming salamat ho."
Hindi na nag-ikot pa si Annara sa loob ng antique shop na iyon dahil nahihiya siya na baka muli siyang bigyan ng matanda sa kung ano ang makikita niya roon.
Lumabas siyang bitbit ang laruang kotse. Wala naman siyang paggagamitan nito. Talagang nakalaan ito para kay Wicker, ngunit kailan niya kaya ito ibibigay?
Nang makarating na siya sa loob ng pribadong lote ay dumiretso na agad siya sa loob ng saltbox house. She opened up the windows to gain light from the outside. She lighted a plant scented candle to moisturize her smell from dust and isolated odor.
Naglakad-lakad siya roon habang kinakausap si Adrian. Kinumusta niya ito. Kinuwentuhan at kinatahan ng ilang kantang nagustuhan niya. She's thankful for not hearing strange voices right now. Ilang araw na rin siyang palagay dahil hindi na muli siyang nakarinig ng mga nakakikilabot na mga boses na ito.
"Adrian, did you read my letters?" she asked him, but nobody responded. "Nabasa mo siguro iyon kaya bumubulong-bulong ka sa akin noong nakaraan, ano?" Ngingisi-ngisi siya.
She took the jar of pieces of papers from the table. She opened it and read what she wrote for Adrian. Honestly, it's too weird for her to read what's in it. Dahil ang lahat ng k'wento at tulang isinulat niya roon ay patungkol sa isang lalaking nakilala niya. Tungkol sa isang lalaking naging kaibigan niya. Tungkol sa isang lalaking palagi niyang kasama. Tungkol sa isang lalaking kamukhang-kamukha niya.
Those letters are from Wicker. Paano ba naman, palagi silang magkasama nitong mga nagdaang buwan.
"You know what Adrian, I felt angry when Wicker accepted the offer for the photoshoot. Baka kasi matulad lang din siya sa nangyari sa 'yo dati. Na baka maging busy din siya katulad mo, na baka pagkaguluhan na siya ng maraming babae katulad mo, na baka mawalan na siya ng oras para sa akin. I admitted that I am being so selfish that time. Bakit ba hindi na lang ako matuwa sa mga opportunities na nangyayari sa iba? Kaya minsan hindi tayo magkasundo, kasi ikaw selfless ako naman selfish. Ikaw, iniisip mo ang kapakanan at ikabubuti ng mga tao sa paligid mo . . . samantalang ako, ikaw lang ang iniisip ko na baka sa susunod ay mawala ka na sa tabi ko,
"I'm really sorry, Adrian. For everything. We haven't talked since you were gone. I haven't tell you something I definitely should've told you. All I wanted to say is sorry and I have to apologize for the things I've been keeping up for myself. Tama ka, hindi lahat ng panahon ay makakasama kita kahit pa itinaga ko na sa sarili ko na habangbuhay na tayong dalawa. That is why it is so hard for me to let you go even you are nowhere to be found now. Nasaan ka na ba? Babalik ka pa ba?"
Annara starts crying. Hot tears leaked from her eyes. Agad siyang napalingon sa bintana dahil kasunod ng pagluha niya ay ang pagbuhos naman ng malakas na ulan.
She smiled lippy. "Is it your response? Umiiyak ka rin ba dahil nakikita mo akong malungkot at umiiyak?" Bahagya siyang naglakad patungo sa nakabukas na bintana.
She spreads her palms outside to catch the rain. Naramdaman niya agad ang lamig dahil agad nitong binasa ang palad niya ng malakas na ulan.
"Kung naririto ka pa, malamang ay sobrang abala ka na siguro ngayon sa pag-aaral. Hindi ba't gustong-gusto mong maging engineer tapos ang sabi mo sa akin noon na doktor naman ang kuhanin ko. Dahil iyon ang pangarap mo at pangarap sa akin ni papa. Kahit alam mo namang mahina ako, lalo na pagdating sa pag-a-analisa sa mga bagay-bagay. Alam ko namang bilib ka sa akin, na kakayanin ko kahit na mahirap. Pero ang sabi ko sa 'yo noon na gusto kong maging guro, kasi mahilig ako sa mga bata at tiyak ay magiging masaya ako na turuan ang mga batang estudyante. Pero ano ang magagawa ko, parehas kayo ni Papa na pagiging doktor ang kuhanin ko, kaya kahit na alam kong mahihirapan ako ay tutuparin ko pa rin ang mga pangarap n'yo. It's not about how hard it is, dahil makatutulong din naman ito para gamutin ko ang sakit ni Papa at para alagaan ko rin si Thea pati ang sarili ko. Nakalulungkot lang dahil hindi ka na kabilang sa mga taong aalagaan ko kung sakaling maging doktor na ako,
"Adrian, kung inaalala mo si Thea . . . maayos na maayos siya at napakagaling niyang bata. Magkapatid nga talaga kayo. Parehas kayong masinop at dedicated sa mga bagay na gusto n'yo. Ginagawan lahat ng paraan kahit minsan ay nahihirapan. Iyon ang wala ako na mayroon kayo, iyong fighting spirit na matagal ko nang gustong subukan pero natatakot ako at naduduwag. Kaya nahirapan talaga ako simula nang mawala ka, inasa ko na siguro ang lahat sa iyo. Kaya tuloy para akong punong matutumba dahil wala na ang suporta mo,
"Tungkol naman sa lalaking laman ng mga sulat ko? Si Wicker? Alam mo ba Adrian, kamukhang-kamukha mo siya. I always see you from him. Kaya nga minsan nalilito na ako. Madalas kitang makita sa kanya, minsan sa kilos, minsan sa reaksyon at pananalita. Minsan naman nararamdaman ko rin iyong pakiramdam na sa 'yo ko lang naramdaman noon. Normal pa ba 'yon? O kaya lang ako nagkakaganito sa kanya kasi magkamukha kayo? Kasi minsan naaalala kita sa kanya, sobra."
"Tulungan mo ako . . ."
Mariing napapikit si Annara nang sumagi sa isipan niya ang pamilyar na boses na iyon. The voice is haunting her. Like he's somewhere near but she doesn't know where it comes from for her to find.
"Ilabas mo ako rito. Ayoko na sa lugar na 'to . . ."
Lumabas si Annara sa saltbox house. Sinagupa niya ang malakas na ulan. Basang-basa ang mga damo at ang mga punong naliligiran ng lugar na iyon. Tumakbo siya patungo sa kahabaan ng lugar.
Hanggang sa napadpad na siya sa maliit na kakahuyan malapit lang din doon. Basa ang lupa, maputik at maalimuom.
She heard crickets chirping, but the rain is so loud to defeat the sound.
"Adrian!" she cried.
Paikot-ikot siya at sinusundan ang boses nito kahit pa wala itong ibinibigay na direksiyon para sundan niya. Her knees weakened. Napahinuhod siya sa putikang lupa. Umiiyak mula sa kakarampot na boses na iyon. Tila nagdadalamhati sa wala.
"Gusto mong tulungan kita? Pero paano ko naman gagawin 'yon?" tanong niya sa kung kanino man. After hearing his voice earlier, nothing comes again. Tanging buhos na lang ng malakas na ulan ang naririnig niya.
She felt weak and drained. Napaupo lang siya habang yakap-yakap ang mga tuhod dahil sa lamig at basa niyang katawan.
Napasandal siya sa malaking punong katabi niya. Her vision got blurry because of the rain and or her tears.
Kinusot niya ang kanyang mga mata at malinaw na nakita ang isang abandonadong cabin hindi kalayuan na nasisipat ng paningin niya.
Her brows crinkled. The cabin covered with crawling plants. An overgrown vines almost devoured the entirety of it.
Pinilit niyang tumayo at lapitan ang cabin na ito. She remembered something as she sees it clearly. She scratches the vines with her fingers as though as claws to remove it from covering the door.
She's been here once. She opened it once and never have the guts to reopen it again. Her heart beating so loud. Parang gusto na nitong kumawala sa dibdib niya.
She wanted to open the door but she got no energy or strength almost, nothing to push it. Nanghihina siya. Nanlalambot. Parang bibigay na ang katawan niya.
Importante ba ang nasa loob ng cabin na iyon o nag-iilusyon na naman siya dahil sobra na niyang nami-miss si Adrian?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro