Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

26: Somewhere Near

"Thank you for your time, Wicker. Hoping, maybe next time, we could talk longer." Jed tapped Wicker's shoulder as soon as they got out of the studio room.

Nagpaalam na ito sa kanya dahil may aasikasuhin pa itong ibang bagay at maging si Wicker ay may klase na sa mga oras na ito.

Jed rushed to the Fawnbrook Highschool as soon as he got his copy of the newly released school magazine. Hindi niya rin maitatangging hawig na hawig ni Adrian si Wicker kaya naman ay hindi siya nagdalawang isip na kapanayamin ito kahit na sa maikling oras lamang na mayroon siya.

Mas lumalim tuloy ang pag-aasam ni Wicker na malaman at makilala ang taong nasa likod ng pangalang Adrian. He have heard a lot of things about him. He got more curious about him of having close to his name. Sino nga ba talaga ang lalaking ito? Ano ang koneksiyon o kaugnayan nito sa kanya? Bakit palaging nadadawit siya sa kung ano'ng mayroon dito?

They'd talk privately. Sa maikling oras na iyon ay naitanong lang kay Wicker ang basic information niya at kung saan ang previous school na pinapasukan niya noon. But everything went way far. Ang inaasam ni Jed sa kanya ay makakalap ng importanteng impormasyon, ngunit malayo ang pag-aakala niya sa mga sagot ni Wicker.

He doesn't know anything about Adrian. Mas nalilito lang ito nang tuluyan.

Jed didn't say anything for Wicker to fully understand the situation or to think what's going on about the interview–where in fact he have the right to know the whole story. It's just he's giving him questions Wicker doesn't know anything about. Bitin at kulang ang panayam na iyon dahil naghahabol sila ng oras. Panay lang tungkol kay Adrian ang laman ng mga tanong matapos nitong makipagkilala sa kanya.

But Wicker highlighted one thing in that short interview; Jed said Adrian looks like him and he could probably somewhere near. Aside from that, he completely doesn't know what is all about.

These past days, Wicker didn't bother Annara ever again after hearing her that she doesn't need anyone but a peace of mind.

Ayaw niyang pilitin ang kanyang sarili sa mga taong ayaw naman siyang makasama. Itinuon na lamang niya ang kanyang atensyon sa paparating na mga pagsusulit sa mga susunod na linggo. Pinaghahandaan na rin niya ang pagdating ng school festival na idadaos sa kanilang eskwelahan.

Once he gets avoided by someone, he surely never disturb them again.

Hindi siya galit kay Annara o kung ano man. Noong una ay nagkaroon siya ng tampo rito, ngunit ano ang karapatan niya para maramdaman ito? Siguro nga ay ganoon talaga, he must've respect her. Kung ayaw niya, hindi na ipagsisiksikan ni Wicker ang sarili niya.

Madalas makita ni Wicker si Annara, ngunit hindi nila magawang mag-usap o kumustahin ang isa't isa. Their eyes sometimes meet, yet it was quick. Dahil sa t'wing mahuhuli ni Wicker si Annara na nakatingin sa kanya, bigla itong iiwas ng tingin. She pretends that he's not existing, yet she always have her eye on him.

Maging noong binisita ni Catherine si Wicker sa eskwelahan nito. Mula sa parking lot habang magkatabi silang dalawa. Nakita ni Wicker kung paano sila pinagmamasdan ni Annara sa malayo. He doesn't know if she wants to say something or she's just keeping her eyes on Wicker. Kung may sasabihin man ito, bakit hindi ito maglakas-loob na lapitan siya?

Nakatuon lang ang atensiyon ni Wicker sa kalsada habang nagmamaneho. He's with Catherine sitting on the passenger seat.

"Babe, magkaaway ba kayong dalawa ni Annara?"

Natigilan si Wicker nang magtanong ito sa kanya. He swallowed a lump sudden formed in his throat.

Agad siyang umiling. "No. Why'd you say that?" Saglit na sumulyap ito sa kasintahan niya at pilit na ngumiti.

Catherine cocked a brow. "Nothing? Napansin ko lang na hindi kayo nagpapansinan pero madalas kayong nagkakatinginan. Dahil ba napapadalas na ang pagbisita ko sa 'yo kaya umiiwas siya kapag magkasama tayo?"

"Siguro nga, baka naiilang 'yong tao since alam niyang ikaw ang girlfriend ko," pagsisinungaling niya. Hindi talaga iyon ang rason kung bakit hindi sila gaanong nagkakausap ni Annara.

"Why would she be? To be honest, I never felt any jealousy around her. Mukhang mabait naman si Annara. You deserve a friend like her. Isa pa, sinabi mo na siya ang una mong naging kaibigan dito sa Fawnbrook. For me, she has characteristics of a good friend. I want her to be my friend also."

"I'll introduce you to her in time. Sa ngayon, mukhang malabo."

Kumunot ang noo ni Catherine. "Malabo? Why is that?"

"Baka maging busy na siya dahil malapit na ang exams. Even me, so you don't have to visit me here frequently. I also have to prepare myself for the upcoming exams. Mahirap na, kapag bumaba uli ang grades ko ay baka bawiin ni mom si Midnight."

"Midnight? Who's Midnight?" Walang ideya si Catherine kung sino'ng Midnight na tinutukoy nito. Halatang wala itong alam dito.

"Midnight. Itong kotse ko. I named it, Midnight. Isn't it cool?"

Catherine smiled awkwardly. "Uh, ito ba si Midnight? I didn't know you're naming your cars. You're getting weirder na talaga, babe. But yeah, sounds cool." Umiwas ito ng tingin kay Wicker saka nag-make face. "By the way, babe, kailan mo ba ako ipapakilala sa parents mo?"

Wicker never introduced Catherine to his parents. Hindi lang talaga ito nagdadala ng kasalukuyan niyang kasintahan sa bahay at pormal na ipapakilala ito sa mga magulang niya. He just didn't like the idea of it.

"Soon, babe, you know how busy they are right now," alibi pa niya.

Catherine just pouted her lips. She knew Wicker can't take her to his parents. At ito pa rin ang dahilan niya para tanggihan ito.

Later on, Wicker pulled up the car. "Are you sure you're fine here?"

He dropped Catherine off on the near suburb. Maaari naman niya itong ihatid hanggang Bellmoral, ngunit tila may iba pa itong pupuntahan kahit pa gabi na.

"You can go, babe. I'm just meeting my friend here." She kissed him on the cheek and slightly slammed the car door to close it.

"Sigurado ka? Masyado nang madilim, oh."

"I'm alright, babe. Don't worry about me. Go ahead, drive safely, okay?"

Minaneho na ni Wicker ang kanyang sasakyan nang may katanungan sa isipan niya.

Catherine said a while ago, she wanted to drove by him to her newly opened botique and now she's changing her plans. He doesn't want to leave her, pero kung magpupumilit siya tiyak ay pag-aawayan lang nila iyon.

ıllıllııllıllı

Sumingkit ang mga mata ni Wicker nang hithitin niya ang sigarilyong nakapasak sa pagitan ng mga labi niya.

Naroroon siya ngayon sa parking lot at nakatago sa likod ng makapal na halaman. Labag sa school rules ang ginagawa niyang paninigarilyo, ngunit hindi siya makatiis kaya sumubok siya ng isang stick. If he got caught, he'll cry about it later.

"Hindi mo ba alam na bawal ang paninigarilyo sa loob ng campus?"

Nanlaki ang mga mata ni Wicker. He almost had a mini heart attack. He caught smoking. Ano na ang gagawin niya?

Lumingon siya. "I'm sorry, I didn't— uh, Annara?"

She wavered a smile at him. "Hi," she greeted shyly.

Maging si Wicker ay hindi inaasahang lalapitan siya ni Annara nang ganoon. Kahit siya ay hindi alam ang isasagot niya rito.

Itinaas niya ang kanyang kaliwang palad. "Hi?" Bigla siyang kinabahan at hindi niya alam ang dahilan.

"For you." Annara held him a small box with a ribbon. "I'm sorry for overreacting and for avoiding you. I just can't control my emotions sometimes." She grinned.

Tinanggap ni Wicker ang kahon na iyon. "You don't have to give me something and don't apologize. Hindi naman ako galit sa 'yo. You said you don't need anyone that is why I let you on your own. Baka lalo pa nating pag-awayan kung ipipilit ko ang sarili ko sa taong ayaw naman sa akin."

Annara sighed. "No, it's not that. Siguro gusto ko lang mapag-isa noong mga oras na 'yon. I didn't mean to offend you or anything. I have a short cake for you, sana tanggapin mo kasama ng sorry ko." Pinagsalikop niya ang kanyang mga palad. "Okay na tayo?" she pleased him.

Tumawa si Wicker. "Okay naman talaga tayo. Gusto mong kainin na natin 'tong binili mo? Sakto, nagugutom na rin ako." Saka initsa niya ang sigarilyo sa kalapit na basurahan.

Annara nodded with a smile. "Sure. Open it."

Binuksan ni Wicker ang kahon na iyon na may laman na mango flavored shortcake. May mga sliced mango sa ibabaw nito at napapaligiran ng makakapal na icing ang buong cake.

May kasama na iyong plastic slicer sa gilid at ipinaghiwa nila ang isa't isa.

"This taste good. The sweetness blended well." Wicker commented as he tasted the cake.

"Thank god, you liked it."

Maya't maya ang ngisi nilang dalawa sa t'wing nagkakatinginan sila. There's still awkwardness in between them like they're talking for the first time again.

Habang kinakain nila roon ang cake ay hindi nila maiwasan ang pagpuri doon. Matamis iyon, masarap at malinamnam.

Annara had the chance to talk to Wicker, and this is the right time. She had to step up to him now than never.

Mali ang akala niya rito, hindi talaga ito nagalit sa kanya. Siya lang naman itong kung ano-ano ang iniisip. She's being negative. Mabuti na lang at maayos na ulit sila. Hindi rin mapalagay si Annara sa t'wing magkikita sila at may ilangang namamagitan sa kanila.

"Annara, look!" Itinuro ni Wicker ang halos dumidilim nang langit.

Annara looked up to the sky. "Saan?"

Sumundot si Wicker ng icing mula sa kanyang hintuturo at hinintay na lumingon si Annara pabalik sa kanya.

"Saan, anong mayro'n—" pagkalingon niya pa lang ay dumapo na sa ilong niya ang malagkit na icing. "Wicker!" sigaw niya. Sumimangot ito sa kanya.

Humagalpak ang tawa ni Wicker nang halos matakpan na ng puting icing ang ilong ni Annara. Ngumuso lang ito sa kanya at sumeryoso

"Why did you do that? Huwag mong hintaying gumanti ako sa 'yo, hindi mo iyon magugustuhan!" pagbabanta nito.

Dumistansya si Wicker palayo sa kanya. "E 'di gumanti ka. Iyon ay kung mahahabol mo ako," he teases her.

"Ah, gano'n ah!"

Kinayod ni Annara ang kanyang hintuturo sa icing at saka hinabol si Wicker. They are like kids playing and running through the parking lot. Umalingawngaw ang mga tawanan nila at bakas na bakas ang saya sa kanilang mga labi. Wala silang pakialam kahit pa pinagtitinginan na sila ng mga estudyanteng dumaraan doon.

Hindi mahabol ni Annara si Wicker dahil sa bilis nitong tumakbo. Hanggang sa napagod na lang si Annara at napaupo sa kalapit na parking column.

Wicker walked and sat near her. He bring his face closer to her. "Ayan na, gumanti ka na." He allows her to take her revenge.

Ngumuso si Annara sa kanya at saka ipinahid ang icing sa pisngi nito. "Now, we're even. Ikaw naman kasi, ano ba ang naisipan mo at pinahiran mo ako ng icing sa ilong?"

"I just wanna play and have fun with you. Masyado ka kasing seryoso. Uhm, honestly, I missed you." He chuckled. Ilang saglit lang ay natigilan si Wicker sa sinabi niya. "I mean, I missed being with you. Wala na akong ibang kasama simula nang layuan at iwasan mo ako," pag-iiba niya ng ibig sabihin nito.

"I'm sorry for being so cocky and overreacting. Never thought I am having fun this afternoon with you too. Pati ba naman 'yong cake na binili ko, ginawa mo pang rason para d'yan sa kalokohan mo." And then they laughed at each other.

Wicker held his handkerchief and wipe it to her nose. Habang nililinis niya ang ilong ni Annara ay napapatingin siya sa iba pang parte ng mukha nito. He's now realizing some things about her face. As he's staring longer to her face, he thought of the same face he have seen before.

Umiwas siya nang tingin dito bago pa nito mahuli ang matagal na pagtitig niya rito. "Ayan, malinis na."

Nailang nang bahagya si Annara sa ginawa niya. Pero nakukuha pa rin niyang ngumiti rito.

"Salamat ha, kasi hindi ko talaga inaasahan na mangyayari 'to. Buong akala ko ay galit ka sa akin dahil sa mga nasabi ko noong nakaraan."

"Forget about it. Ang mahalaga okay na tayong dalawa ngayon. Pauwi ka na ba?"

Tumango siya. "Dapat kanina pa. Pinaghandaan ko talaga ang araw na 'to para mag-sorry sa 'yo."

"So you're preparing it and attempting so many times? Palagi kasi kitang nakikita and I really have thought you're going to me and say something. Pero sa t'wing makikita mong nakatingin ako sa 'yo, umiiwas ka na agad. If not, I think it's about Catherine. Baka naiilang kang lumapit sa akin kapag nar'yan siya."

"Yeah. Ayoko lang na pag-isipan niya tayo nang masama."

Malakas at malamig ang hanging tumatama sa kanila mula roon. Wicker noticed Annara's excess hair falling on her face and he immediately tucked it behind her ear.

Annara just smiled at him when he does it.

"Catherine would never think of you about that. Siya pa mismo ang nagsabi sa akin na gusto ka niyang makilala at maging kaibigan niya."

Tumingin siya kay Wicker. "Talaga? She really wanted to be friend with me?"

Wicker bowed. "Yes. Tiyak na matutuwa 'yon kapag nalaman niyang ipapakilala na kita sa kanya."

"I am looking forward to it." Sumilay ang saya sa mga labi ni Annara.

"Halika na." Tumayo si Wicker. "I'll drive you home and don't you even dare to decline my offer. Magagalit na talaga ako sa 'yo kapag tinanggihan mo pa ako."

Sinungitan siya ni Annara. "Okay, okay!"

Saka sila sabay na nagtawanang dalawa.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro