After the pictorial, Wicker gained so much admirers. Napapansin na siya noon ng ilang kababaihan sa campus, ngunit mas tumindi ang paghanga nila rito matapos ang pictorial niya. Hindi naman kasi maitatanggi ang lakas ng karisma niya sa mga babae. Kahit noon pa, noong nag-aaral pa lang siya sa Bellmoral, lapitin na talaga siya ng mga ito. Paano pa kapag inilabas na ang mga kopya ng school magazine at brochure na ang mukha niya ang nasa cover nito?
Pumasok si Wicker sa malawak na hallway ng main building ng campus. Sinalubong agad siya roon ng mga babaeng nakapansin sa kanya. They gave him flowers and letters and chocolates, it could be the photoshoot's impact. He doesn't expect this'll come.
"Wicker, bakit hindi ka kaya sumali sa basketball team ng school. Tiyak mabubuhay na naman ang varsity team na matagal nang inaagiw!"
"No, he should've join the school dance troupe. Mukhang magaling siyang sumayaw."
"Nahihibang ka na ba? You're talking about how he's capable of dancing, didn't you know that he's had photoshoot last time? Magkaiba ang pagsasayaw sa pagiging isang modelo. Duh!"
"Then he should try to join the art club. He can unleash his hidden talents. Do you sing, Wicker? P'wede ka rin sa school choir!"
These girls are pushing him into something he's not fond of. Pagsasayaw? Pagkanta? Pagguhit? He doesn't have that kind of talents. Maybe these girls are overthinking that his looks could do everything way beyond. Masyado yata silang nag-iisip ng kung ano-anong bagay na kayang gawin ni Wicker.
"Doesn't he look like Adrian?"
"Yeah, look at him. They're both cute. Kung hindi ko siya kilala bilang Wicker, iisipin ko talagang nagbalik na si Adrian sa campus."
"Pero mas maganda ang idea na parang magkapatid at kambal silang dalawa. Their features are quite the same."
Maraming mga estudyante ang nagpa-picture sa kanya roon sa hallway. Halos pinalibutan na siya mula roon. They wanted his sign, his picture and even his hug. Hindi naman matanggihan ni Wicker dahil wala na siyang ibang magagawa kung hindi pag-bigyan ang mga ito. They cornered him and he has no way out.
Simula nang maganap ang photoshoot, napansin din niyang kaliwa't kanan ang pagkukumpara at pagbanggit ng pangalang Adrian sa kanya. Sino ba ang Adrian na ito? Minsan ay napapaisip at nahihiwagaan siya kapag nadadawit siya kasama ng pangalan ng lalaking ito.
Habang pinalilibutan si Wicker ng mga estudyante ay nakita niya si Annara na mag-isa at nakatayo mula sa dulo ng hallway habang pinagmamasdan siya. She's seriously staring at him. Pinanonood niya rin ang mga babaeng abala sa paglapit kay Wicker.
Naroroon lang ito, nakatayo sa isang banda at hindi siya magawang lapitan tulad ng mga babae sa paligid niya.
"Uhm, girls, I have to go. Have something to do. See you later," nagpaalam na siya sa mga ito at dali-dali naglakad patungo kay Annara.
Annara didn't wait for him, she immediately turned her back at him and walked away.
"Annara, wait up," he called her out.
Patuloy pa rin itong naglakad na parang walang narinig. Umakyat siya sa hagdan patungong second floor hanggang sa inabutan na siya ni Wicker.
"Haven't seen you in a while. Kumusta ka?" Sinabayan niya ito sa paglalakad.
"I did the same thing as what I was doing for the last couple of years. Study, duty, go home and go back here again," matabang na sagot nito at napasinghap. Hindi siya makatingin kay Wicker. "Anyway, I have to go, may klase pa ako," dagdag niya at nagmadali sa paglalakad.
"Klase? Sa pagkakaalam ko wala kang klase ngayon. Mamaya pang alas onse ang susunod mong klase para sa araw na 'to, hindi ba't break time mo ngayon?" Alam ni Wicker ang schedule niya, kaya kung magpapalusot siya . . . nararapat lang na galingan niya.
"I'm going to the library. May duty pa ako," pagpapalusot niya pa uli.
Hindi siya magawang tingnan nito sa mga mata. Wicker noticed it for the past days. Simula nang maging busy siya sa photoshoot, nag-iba na ang pakikitungo nito sa kanya.
Wicker held her hand. "Sandali lang, Annara. Are you avoiding me?" tanong nito nang makarating sila sa gitna ng corridor ng second floor.
She paused not having the confidence to look in his eyes. Umiling ito at lumamlam ang mga mata. "Ano ang karapatan ko para layuan ka? Wicker, I'm sorry, kailangan ko nang magpunta ng library." Naglakad na ulit ito patungo sa kabilang dulo ng corridor.
"You're making such lame excuses. Hindi ako naniniwalang hindi mo ako nilalayuan. Hindi ako naniniwalang magpupunta ka ng library." Pilit na humahabol si Wicker sa kanya. "Doon ang daan papunta sa kabilang building kung nasaan ang library. This way is not, stop pretending to go somewhere just to avoid me. Huwag mo akong niloloko."
"Wicker, please, get away from me. Baka mamaya makita tayo ng ibang estudyante, lalo na iyong mga humahanga na sa 'yo ngayon. You know how they'll feel and how they'll feed me up. Baka kung ano-ano pa ang isipin nila." Tumatak na kay Annara ang issue na tulad nito. Ayaw na niyang muli umusbong ang pangalan niya, tama na siguro iyong naranasan niya noon na paninisi at panghuhusga nila sa kanya. She's had enough.
"Is that what your reason? Kaya mo ako nilalayuan dahil baka pag-usapan ka nila? Baka pag-isipan ka nila ng masama? Ganoon ba? Well, fuck them! Kaya ka ba nagiging mailap sa iba dahil 'yan agad ang iniisip mo? Masyado mong pinangungunahan ang mga bagay-bagay. You're being paranoid!" Wicker is talking to her with all the convictions he has. "Why don't you ignore them? Let them die seeing you unbothered. You are not born for someone else's opinion of you!"
Nararamdaman ni Annara ang bawat salitang iyon na tumatagos sa dibdib niya. Ano ba ang mahalaga para sa kanya, ang isipin ang sarili niya o ang opinyon ng iba para sa kanya?
"You don't know anything about me. Kung makapagsalita ka, akala mo alam na alam mo kung ano ang mga pinagdaanan ko. I had my reasons to stay away from people if I have to. And don't tell me everything as if you'd known me very well. Huwag mong sabihin sa akin na, 'fuck them', 'let them die seeing you unbothered' and 'I am not someone else's opinion'. Kasi kahit pabayaan ko sila, kahit anong iwas ko sa kanila, kapag naririnig ko ang mga sinasabi nilang masasakit na bagay sa akin . . . nasasaktan pa rin ako. Madali lang para sa 'yong sabihing 'yan, kasi hindi naman ikaw ang tunay na nakakaramdam."
The drama goes on. Wicker can't understand where is Annara's heading at this point. Umiiyak lang ito sa harapan niya. He wants to wipe her tears and hug her, but there's something in him that he can't do on his own.
"I'm sorry, I just wanted to be here for you. A person who would care about you. Don't you want that?"
Annara bit her lower lip as the tears stream down her face. She quickly wipes the falling one from her eyes.
"I don't need anyone, I only need a peace of mind."
ıllıllııllıllı
Everything seems different now.
Adrian doesn't know that he'll becoming busy as hell when he took the offer.
From being a student council president, to the paperworks he's having, to the weekend reviews for the quiz bees he's competing and now, he took the offer to become part of the school magazine. Wala na yata siyang patay na oras, lahat ay okupado na.
Annara was super proud of him. From the achievements he's having and everything he's going through. Napakalaking experience na ang nakukuha niya para paghandaan ang pagtungtong sa kolehiyo. Adrian knows that he can use these experience and merits to become a full scholar student when he graduated from his senior year. Kumbaga kung sasabak ito ng gyera, tiyak na handang-handa na ito. He's molding himself now for future purposes and higher world betterment.
Inasahan na ni Annara na mas dodoble ang kakaining oras ni Adrian sa pagtanggap niya sa offer na ito. Halos hindi na niya ito makausap o makasabay sa pag-uwi na palagi nilang ginagawa. Malimit na rin itong umuwi ng gabing-gabi at hindi niya makakasabay sa pagpasok sa umaga.
Adrian seems preoccupied for the next coming month. Palaging mag-isa si Annara. Kung magkikita man sila, tila ipinagdadamot pa ng tadhana at saktong nakikita niya ito kasama ng mga babaeng humahanga sa kanya. He became more popular after the photoshoot. Mayroong pagseselos ang namumuo sa kanya sa t'wing nakikita niyang nilalapitan ito ng mga babae.
Magpaplano sila at kakain ng sabay, ngunit mapupurnada ito dahil sa emergency mula sa student council. Magpupunta sila sa Aquilla Lighthouse t'wing weekend, ngunit hindi rin ito natutuloy dahil sa promotional advertisement ng school kung saan kailangan si Adrian.
Minsan naiiyak na lang si Annara kapag naglalakad siyang mag-isa pauwi. Iyon ang naging mali sa kanya, masyado siyang dumipende mula sa piling ni Adrian. Ngayong hindi na ito available para sa kanya, parang may kulang na sa buhay niya.
She had thinking about Adrian everyday, but nothing comes close to Adrian. Baka nga ay hindi na siya sumasagi sa isipan nito dahil sa sobrang abala sa mga gawain sa eskwelahan.
Wala nang nagtuturo sa kanya kapag hindi niya naiintindihan ang topic sa isang subject, wala na siyang kasama kapag magpupunta sila ng palengke, mag-isa na lang siya kapag bibisita sila sa sakahan ng uncle niya at wala rin siya noong nagkasakit ito. Palagi siyang wala, kahit pa noong panahong kailangan siya ni Annara. Nalulungkot siya at natatakot na baka sa susunod ay tuluyan nang mawalan ito ng oras para sa kanya.
Halos lahat ay nagbago na. Kahit pa lumaon, kahit pa lumipas ang mga araw na mag-isa na lang siya ay hindi niya magawang masanay. Hinahanap-hanap pa rin niya ang presensya ni Adrian sa tabi niya. Masyado nang nasanay ang puso niyang kasama ito. She can't let her heart become pure again. Everything seems falling apart from her perspective. Kahit pa alam niya sa sarili niyang matatapos din ang lahat, na magkakaroon ulit ng panahon si Adrian para sa kanya.
Ito ang kinatatakot niya kapag tumuntong na si Adrian sa kolehiyo, tila ba ay pinaghahanda na siya sa mga susunod na tatahakin nito sa buhay. Kahit pa mahirap, kailangan niyang masanay.
Nagkaroon siya ng tampo kay Adrian. Kahit pa palagi siyang mag-isa, mas pinili na lang niyang mag-focus sa pag-aaral. Wala siyang magagawa kung abala na ito sa ibang bagay, ang mahalaga ay masaya ito dahil sa experiences na iyon. She had to be proud of him and of whatever he's going through.
Day by day, Annara completely knows what the fear she's forming. She felt isolated and ignored. It's an irrational fear of being alone and left behind.
She got it, 'cause she's overthinking too much lately.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro