Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

22: Opal Brown Eyes

Nang makilala ni Annara si Catherine bilang girlfriend ni Wicker, mas naging aware na siya kapag kasama ito. Wala namang nagbago sa samahan nilang dalawa, tulad pa rin nang dati, subalit mas naging maingat na lang siya dahil ayaw niyang pag-isipan siya ni Catherine ng masama.

Apat na libro ang yakap-yakap niya habang papatungo sa maliit na stock room ng library. Nakabuyangyang pa roon ang ilang old issues ng school magazine at newspaper nila.

Napapaisip siya, ano naman kaya ang magiging tema ng susunod na issue ng mga ito? Mas maaga ba sa sasapit na school festival o kapag natapos na ito?

She arranged the books properly. Inayos na rin niya ang lumang mga libro na para sa donation. Itinali niya ang kanyang nakalugay na buhok saka itinulak papasok ang ilang kahon doon na sumasakop ng espasyo.

Nang muli siyang bumalik sa information counter ay sumalubong sa kanya si Miss Georgette.

"Annara, kamukhang-kamukha niya talaga si Adrian, ano?" tanong nito habang pinagmamasdan nila si Wicker na nakaupo mula sa mahabang table 'di kalayuan. May katabi itong libro habang nakatutok ang mga mata sa laptop nito.

Annara smiled nostalgically. Tumango siya at sumang-ayon dito.

"Hindi mo ba lalong nami-miss si Adrian kapag kasama siya? I mean, look at him, he's getting popular now in this school likewise Adrian when he was still here."

Nanatiling pinagmamasdan ni Annara si Wicker. She really loved Adrian. In her mind, there's always a comparison between them. Sino ba naman siya para hindi ikumpara ang halos pinagbiyak na hitsura ng mga ito? She's always doing it all the time, but not to blurt it out to him. Miski siya ay hindi niya pa alam kung kilala na ba nito si Adrian.

Sa tagal nang pagtitig niya rito ay hindi niya napansin na nakatingin na pala sa kanya ito pabalik. Natawa na lang siya sa sarili, nahiya nang kaunti at ngumiti rito.

Naalala niya bigla ang tungkol kay Adrian noong tumititig siya rito. Adrian was part of the student council before. He wasn't just any of the members, he was the student body president. He's so hands-on and dedicated of what he's doing. Napagsasabay niya ang pag-aaral at pagiging isang student council president. He joined the basketball varsity before, but he didn't end up being one. Masyado na kasing hassle para dito ang pagsabay-sabayin ang mga ito. Kaya't nag-focus na lang siya sa school council at pag-aaral.

Laging laman ng balita at papuri si Adrian noon. He has the charm and the wit. Napakasipag at masinop sa lahat ng priorities nito. Goal-oriented and passionate. A full scholar student and role model. Kaya nga't lalong lumalim ang pagtingin ni Annara dito habang ipinamamalas nito ang angking galing at abilidad sa isang tipo ng lalaking magugustuhan niya.

Adrian is far above from her ideal man, wala na siyang hahanapin pa . . . sobra-sobra na.

Sumapit na ang alas singko ng hapon at nag-ayos na si Annara ng gamit para umuwi. Nagpaalam na siya sa mga librarian doon at nagsimulang maglakad palabas.

"Hey," Wicker approached her. "Uuwi ka na?" tanong nito at isinarado ang kanyang laptop at iniligpit ang mga libro sa mesa.

Tumango si Annara at ngumiti. "Ikaw, hindi ka pa ba uuwi? Seems you're busy, kanina ka pa rito."

He carried his bag and walked with her heading out the library. "Not so. I am just doing an advance reading and waiting for you."

Napatingin siya rito. "Waiting for me? Bakit, gusto mo na naman ba akong ihatid pauwi? Alam mo namang tatanggihan kita kapag ganyan."

"No. It's not that. I have a good news for you. Well, I mean, am I going to take it or not?"

Annara's brows crinkled. "Take what?" She paused and take a glimpse to him.

"Mister Policiano talked to me a while ago. The school council is offering me to be part of the school magazine and advertisement. Not to become a member but to be their model. I don't know if I am going to take it or not."

Parang nabingi si Annara sa narinig niya. Pumasok ito sa kanyang tainga at lumabas sa kabila. Seems she heard it before. The offer. The advertisement. The student model. Adrian was once part of it. Of all students, why did they offer Wicker who looked like him? Nananadya ba sila?

Hinihintay ni Wicker ang reaksyon niya sa magandang balitang ito. Subalit nanatiling tahimik si Annara sa tabi nito.

"Take it," matabang niyang sagot. "It's a good exposure for you. Maganda ang maging parte ng school magazine at advertisement. You'll definitely have to take it." She faked a smile.

Nagsimula na siyang maglakad.

"Do you want me to take it? Bakit parang hindi ka naman masaya?"

"Gaano ba dapat ako kasaya?" she frankly asked him, rating her happiness.

Nabigla si Wicker sa ganoong tanong ni Annara. He didn't expect it coming. Parang may laman ang patutsada niyang iyon. May nasabi ba siyang hindi maganda para tumabang nang ganoon ang pakikitungo nito?

Annara walked out for no exact reason. Walang reaksyon ang mababanaag sa mukha niya. Mas mahirap itong basahin. Galit ba siya o may nais na iparating sa kanya?

Naiwan na lang si Wicker doon habang nakatayo at pinag-iisipan kung ano ang naging mali sa sinabi niya.

Was it about the offer?

ıllıllııllıllı

"Ate Annara, okay ka lang?"

Napalingon siya nang dumating si Thea at umupo sa tabi niya.

Kanina pa pinagmamasdan ni Annara ang liwanag ng buwan mula sa bakuran nila. Nakaupo silang dalawa sa malamig na bench mula roon.

"Thea," she said with a smile. "Gabi na, bakit hindi ka pa natutulog?" tanong niya.

"Hindi ako makatulog. Ikaw ate, kanina ko pa napapansin na parang ang tahimik mo. May problema ba?"

Pinihit ni Annara ang ulo niya kay Thea. "Ako?" Umiling siya. "Wala. May iniisip lang ako."

"Si kuya Adrian na naman ba ang iniisip mo?"

Huminga si Annara nang malalim. "Miss na miss ko na siya," malungkot na tugon niya. Hot tears formed in her eyes. She tried to blink them away.

"Sino ba'ng hindi nami-miss si kuya. Lahat naman tayo, ate. Kahit siguro si papa ay nami-miss na siya. Nasaan na kaya siya ngayon, ano?" Kahit ang tono ng pagsasalita ni Thea ay nag-iba. Kapuwa nila pinagmamasdan ang mga bituin sa madilim na langit.

Kapag talaga pinag-uusapan nila si Adrian, nagiging emosyonal na lang sila bigla-bigla.

"Madalas ka pa rin bang makarinig ng mga ungol? Madalas ka pa rin bang managinip, ate?"

Annara shook her head. "Hindi na gaano," sagot niya. "Pero sa t'wing makaririnig ako at mananaginip, mas malinaw at mas naiintindihan ko na . . ."

"Itinuloy mo na ba ulit ang pag-inom ng gamot?"

"Isang taon ko nang itinigil ang pag-inom ng gamot. Naging okay na naman ang pakiramdam ko. Ayoko lang dumagdag pa sa gamot na binibili natin para kay papa. Kaya ko naman."

"Basta ate, palagi kang mag-iingat," paalala ni Thea at maliit na ngumiti. Her precious deep smile.

"Sorry Thea, ah. Napapadalas ang pag-uwi ko nang gabi nitong mga nakaraang araw. Ikaw na lang lagi ang nag-aasikaso kay papa na dapat sa pag-aaral mo lang ikaw nakatutok. Promise, babawi ako."

Thea tapped her shoulders. "No need, ate. Kaya ko namang alagaan si papa at itinuturing ko na rin naman siyang tunay na ama ko. Kailangan niya ang alaga natin kaya ibinibigay ko lang iyon sa kanya." She curved a beautiful smile.

Marami silang naaalala kapag nakatingin sa madilim na langit. A clear night sky. Maliwanag ang bilog na buwan at kumikinang ang mga bituin sa paligid nito. Kay gandang pagmasdan.

"Ate, naalala mo 'yong pangako ni kuya Adrian sa 'yo?"

"Pangako? Pangakong ano?"

"Na pagdating ng eighteenth birthday mo ay dadalhin ka niya sa pinakamagandang lawa na nakita niya rito sa Fawnbrook. Palagi niyang ikinuk'wento 'yon sa akin dati. Alam na alam niyang magugustuhan mo ang tagong lawang nadiskubre niya. Lalo na kapag gabi, maraming mga alitaptap ang pumapaligid sa lawang iyon."

Napapangiti si Annara sa kuwento ni Thea. Adrian never fails to take her to the place he knows she would like. Kabisado na nito ang mga lugar na gustong puntahan ni Annara. Madalas kasi itong manood ng mga discovery channel noon, kaya't alam nitong tunay niyang magugustuhan ang isang lugar kapag nakita na ito ng dalawa niyang mga mata. She could've been more happy if it happens. Ang kaso, wala si Adrian, paano na matutupad ang pangako niyang ito?

One day, she'll be going to a place where Adrian promised to take her.

ıllıllııllıllı

Nabalitaan na lang ni Annara na tinanggap ni Wicker ang offer sa kanya ng school council. Halos dalawang araw niya rin itong hindi nakita. Naging busy siguro ito sa mga bagay-bagay. Sana hindi naging dahilan iyong inasal niya noong nakaraang araw para layuan siya nito.

Today is Wicker's photoshoot. Gagawin siyang modelo para sa school cover magazine issue at ilang enrollment advertisement brochure. She should've been prouder for him, but it ain't what her face says.

There's a pile of students waiting outside the audio visual room. Doon kasi ginaganap ang photoshoot. Ipinagtataka ni Annara kung ano ang nangyayari sa loob niyon at bakit ganoon na lang karaming estudyante ang naghahangad na makapasok doon.

"Ang unfair naman, sila lang ang nakakakita sa photoshoot ni Wicker!"

"Kamukhang-kamukha talaga niya si Adrian, ano? Kahit saang anggulo mo tignan."

"Hoy, magkaiba kaya sila ng mga mata. But both are gorgeous man."

Maingay sa labas ng audio visual room. Parang palengke. Kanya-kanyang opinion ang umaalingawngaw sa lugar na iyon.

Nabigla si Annara dahil totoo nga ang sinabi ni Miss Georgette sa kanya. He's getting more popular than before. Mas lalo pa itong makikilala dahil malaking exposure ang maging modelo ng buong eskwelahan.

"Annara, what are you doing there. Halika, kailangang may library representative sa loob." Napatingin siya kay Miss Georgette nang lumingon ito sa kanya.

Nakipagsiksikan sila sa dami ng estudyanteng naroroon. Kailangan sila roon dahil mayroon ding library candid shot para sa montage ng mga brochure. Hindi lamang ito, maging sa canteen, studio room at center stages. Lahat ng magagandang lugar sa buong campus ay dapat kuhanan ng litrato at i-highlight.

Mayroon ding ibang mga estudyante ang ico-cover up doon para sa ilang segment ng magazine. Subalit si Wicker ang ilalagay sa main cover nito. Siya ang magiging mukha ng paparating na issue.

Lumapit pa sila roon, sa tabi ng mga camera na nakatutok kay Wicker. Maraming ilaw ang nakapaligid sa kanya, lumiliwanag siya lalo.

He looks so young and decent. He's wearing a well-pressed school uniform. His hair cut clean. His skin glowing than ever. The line, the shape, the texture, even the form of his face mattered most. He's so photogenic and linear. Kahit ano'ng anggulo, kahit saan mo tingnan, guwapo ito. Mas lalo niyang napansin ang bawat parte ng mukha nito. Kahit pa palagi silang magkasama, the camera focusing to the features of his face. It highlighted his every details. She never knew she would feel such heart-stopping sensation when she's watching him taken in every angle.

Nagmomodelo na ba ito dati? Seems he acts casual and normal. Hindi mo makikita sa postura nito na first time niya ang maging modelo at kuhanan ng sandamakmak na litrato. Tila sanay siya sa harap ng camera. From the movement, the rhythm, the emphasis and his scale to the screen. It was all balanced.

"Ang guwapo niya, ano?" Narinig niya ang boses ni Miss Georgette.

Sumang-ayon siya rito habang pinanonood si Wicker sa malaking screen ng camera. May grid ang screen at saktong-sakto ang mukha nitong nakalapat sa gitna niyon.

He soon changes his stance, his pose. He put his hands into his pockets and look straight to the camera. His half-lidded eyes worked to everything alone. Paano pa kapag ngumiti siya? Paano kapag ipinakita niya ang kanyang perfect smile? Ano na lang ang mangyayari?

Matagal nang nakatitig si Wicker sa camera habang pinaliliguan siya ng mga flash nito. Ang titig na iyon ay tila tumagos patungo kay Annara. Pinanonood niya lang si Wicker sa screen ng camera, subalit parang ang titig nito ay sapul sa kanya.

Pinagmasdan niya ito nang mabuti. There was a strong hue in his opal brown eyes that can take her breath away. It gleamed stellarly. She pictures him in an unimaginable slow-motion. Her heart starting to race. Iba ang epekto ni Wicker sa kanya, lalo nang mga titig niyang ito.

Mayamaya pa ay ngumiti ito nang labas ang magagandang mga ipin. Naghiyawan ang mga estudyante sa loob na pinanonood ang pictorial niya.

Napahawak siya sa kanyang dibdib. Why doesn't she think of Adrian now while watching him? Bakit buong-buo na Wicker lang ang nakikita niya. She can't compare them now. She just know Wicker's pictorial is remarkable to her. No judgement, just staring at the facts that Wicker is incomparable to anyone.

He has his own style and stop-motion effect to the eyes of everyone.

There's an impact in her heart that she can't exactly define.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro