16: Magic Hour
Sometimes, we are at our calmest minds until it got ruined by pesky chaotic thoughts.
Bahagyang huminto si Annara sa paglalakad nang maalala niya kung ano ang nangyari kahapon. It was all about Adrian. Her memories of him is hunting her. Gusto man niyang balikan ang mga alaalang iyon, gusto man niyang mabuhay kasama ng mga pangyayaring iyon ay hindi niya maatim na subukan. Mas lalo lang nalalagay sa alanganin ang puso niya. Mas lalo lang siyang nasasaktan. Mas ipinamumukha lang nito ang reyalidad na kailanman ay hindi na mangyayari pa ang mga bagay na iyon.
Her heart never stops from beating fast. It was racing as if she'd ran miles. Parang gusto nitong kumawala sa kanyang dibdib. Adrian seems her world before. Tama lang talaga na hindi ginagawang mundo ang isang tao. It's her fault, herself is the only person who to blame. She can't deny having bad times reminiscing her past. Dahil ang mga ito ay tila karugtong at parte na ng kanyang buhay.
Kung hindi man ang mga nakakikilabot na ingay sa paligid ang naririnig niya ay itong mga alaala naman ang pumipeste sa utak niya. She seems more flustered this time. It looks like her thoughts are disturbing her afternoon peace.
Maaga siyang umuwi. She didn't attend her last hour duty at the library. Nagpaalam siya kay Miss Georgette noong nakaraan pa. Pagtapos ng huling klase niya ay uuwi na agad siya.
She wears her earphones first before she continue walking. Gusto niyang talunin ng malakas na tugtog ang kung ano mang gumugulo sa isipan niya ngayon. The beat of the drums, the sound of the strings, the reverberated of mixed instruments and the distortions of audio are making her alright–almost but not totally. Subalit hindi nito binubuo kung gaano kapagod sa pag-iisip ang utak niya.
Overthinking sucks. Nakakawala sa focus at nakasisira ng araw ang palagi na lang gano'n. Adrian is rent free living in her mind. He's living through her. Kahit pa masaya ang mga alaalang iyon ay dagdag sakit naman pagdating sa kanya. Happiness sometimes felt someone lonely if it pertains to memories. A token of love they can never repeat.
Habang naglalakad siya mula sa makipot na sidewalk patungo sa intersection ng kalsada ay hindi na napigilan ng kanyang mga mata ang lumuha. She can't hold it anymore. Sumasabog ang puso niya dahil kay Adrian. She missed him so much. What else she could do to make it stop? She's so tired.
She felt the lift in her soul out of her body. Baka kung sakaling bigyan siya ng pagkakataong makasama ito sa loob ng isang araw ay susulitin niya iyon. Gagawin niya ang lahat para makasama ito sa bawat segundo ng pagkakataong iyon. Ngunit kahit ano'ng gawin niya, kahit ano'ng isipin niya ay hindi na iyon mangyayari pa. Adrian was only a part of his past. And she have to accept that . . . but until when? When will she be able to focus on herself now?
Halo-halo ang mga tanong at alaala sa isipan niya. Wala siyang ideya na ang susunod na paghakbang niya ay tatapakan na niya ang pedestrian lane mula sa intersection. The streetlight hasn't hit the stop sign, but she's still on her way with rapid cars waving the road.
Napalingon siya sa kanyang kaliwa nang marindi siya sa mahabang busina ng isang humaharurot na kotse.
She closed her eyes tightly with muffled scream. Her feet are frozen. She couldn't try to make a move to dodge it. Napako na siya sa paghakbang na iyon. Wala na siyang pagkakataong iwasan pa ang paparating na kotse sa bilis nang pagtakbo nito. It's a matter of time. A life and death scenario.
Ang buong akala niya ay mahahagip siya ng kotseng iyon. Tinanggap na niya sa sarili niya ang kapalarang iyon, ang aksidenteng sasalubong sa kanya.
Not until fast seconds after. Somebody secured her waist and pulled her back to the sidewalk. She twirled, her hair flew in the air and her feet gets twisted. He held her so close to his body. She pressed her palms against his chest. Ramdam na ramdam niya ang mahigpit na pagkapit nito sa kanyang baywang. She breathed raggedly, catching her breath to death.
Nang bahagya niyang buksan ang mga mata niya, tumambad sa kanya ang lalaking hawig na hawig ni Adrian. It was Wicker with worry in his eyes.
"Are you hurt?" tanong nito habang kasalukuyan pa rin sila sa ganoong sitwasyon. Annara couldn't find a way to stood up properly. Takot na takot siya dahil muntik na siyang mabangga ng kotse. And he came to save her life.
Umiling siya. Nakatitig lang siya sa magandang mga mata nito. She held her breath. He's too gorgeous to handle. She can't deny the masculinity in this man's aura. In his familiar pure and deep soft voice. She got lost in his twinkling opal eyes. Somebody has to pinch her. Somebody has to tell her she's not in her wildest dreams.
Umalalay si Wicker sa kanya at tinulungan siyang makatayo. "That was close," he breathed.
She can't take her eyes off of him. Ilang sandali lang ay napagtanto niyang nailang ito sa titig niya kaya naman ay nag-iwas ito ng tingin.
Tumalikod si Annara. Hot tears blurred her vision. Umiiyak siya. She's sobbing quietly. Gusto niyang sumabog ng iyak doon, ngunit ayaw niyang ipakita rito na takot na takot siya. If it wasn't for him, she'll be dead by now.
"Are you really okay? May malapit na hospital d'yan. I could take you there to checked you physically."
She sniffles. "There's no need," tanging sagot nito.
ıllıllııllıllı
After the incident, Wicker took her to the nearest playground. It was near the bay. Sumisilip ang sinag ng papalubog na araw sa gawing iyon. Umalis lang ito sandali para bumili. He brought a flavored milk drink when he returned and sat with her.
"Do you feel good now?" nag-aalalang tanong nito at sinipat si Annara saka inalok ang milk drink na dala niya.
Hindi lumingon si Annara dahil nakatitig lang ito sa mga batang naglalaro sa swing. "I feel better now. Thank you." She smiled and took what Wicker gave her.
Tinusok nito ang straw at simimsim.
"Ang ganda rito kapag ganitong oras, ano?" Wicker couldn't keep what he's seeing in that afternoon. Totoo naman napakaganda ng sinag ng araw noong hapong iyon. Parang kulay ginto ang langit.
"Golden hour is the best part of daytime. Palagi akong nanonood ng mga discovery channel dati, lalo na kapag tungkol sa mga hayop. Cinematographers usually called it magic hour. Hindi masakit sa mata ang liwanag ng araw kapag ganitong oras. It was redder and softer not like if the sun is higher in the sky. Unfortunately, it will lasts twenty to thirty minutes only," paliwanag niya habang pinagmamasdan ang nagtatakbuhang mga bata.
From that bench they were sitting, Wicker kept his distance to her. Nakapatong ang magkabilang niyang siko sa kanyang hita. Matamis ang flavored milk drink na iniinom niya. His dad usually bought this for him when he fetches him after school.
"Mahilig ka pa lang manood ng mga discoveries?"
"Oo," sambit nito. "Pero simula noong nasira ulit 'yong TV namin, sa mga libro na lang ako tumitingin at nagbabasa."
Hindi nito nililingon si Wicker. Kap'wa lang sila nakatitig sa mga batang naroroon.
Nakangiti lang sila roon. Maraming bata na naglalaro. They're smiling and reminiscing their childhood memories. Kung mananatili na lang sanang mga bata ang lahat ng tao, e 'di sana walang problema ang mundo.
"Bakit mo pala naisipang dalhin ako rito?" biglang naitanong ni Annara sa kanya.
"Dito? I mean, this is a good place to stay in at this moment. My dad used to bring me in a place like this when I was a kid. Masyado kasi akong mailap sa mga tao noon, kaya sa t'wing sabado o linggo, dinadala niya ako sa lugar tulad nito. Iyong maraming bata na makakalaro. Well, I have to thank him for doing that, medyo na-overcome ko 'yong social anxiety na mayroon ako noon."
Annara put a smile in her face. She looked at him with a grin. "You're thanking your dad? Akala ko ba kinaiinisan mo siya?"
"Yeah, I am very annoyed with him. But we're catching up lately. I guess I was wrong thinking bad things at him."
"That's good to here. Mabuti naman at medyo nagkakaayos na kayo ng daddy mo. Mahirap tumira sa iisang bahay ng may kinikimkim kang hinanakit sa isang tao, lalo na't daddy mo pa 'yon. At the end of the day, he's still your father and you have to show the love in between you two."
Napatango-tango lang si Wicker sa sinabi nito. Annara have a point. Iyon pa rin ang ama niya kahit pa pagbalik-baliktarin niya ang mundo. Kahit ito pa ang pinakakinaaayawan niyang tao.
Halos dumidilim na nang lumipas ang ilang sandali. Nagsiuwian na rin ang mga batang naroroon kasama ang mga magulang nito.
Wicker didn't ask her about what happened earlier. Alam niyang may problema si Annara simula noong nakita niya itong naglalakad mula sa kabilang sidewalk. Umiiyak ito at tila malalim ang iniisip. Ayaw niyang mangyari muli ang nangyari noong nakaraan. He doesn't want to intrude and ask things again.
"Kanina ko pa napapansin 'yang mga ngiti mo. Mahilig ka sa mga bata?" Wicker asked. Naglalakad sila ngayon patungo sa pinakamalapit na bus stop.
Tumango si Annara. "Hindi ko rin alam kung bakit ang saya-saya ko kapag nakakakita ng mga bata. Lalo na noong nagpunta at tinuruan namin 'yong mga bata sa isang orphanage dito sa Fawnbrook. Iyon ang unang beses na naging masaya ako tulad ngayon. It's like children were my happy pill."
Lumapad ang ngiti sa labi ni Wicker. Palagay na siya na maayos ang kalagayan nito kumapara kanina. Totoo ang saya at ngiting namumutawi sa mukha nito. She looked gleaming with those welcoming eyes and genuine smiles.
"Wicker, matanong ko lang, bakit hindi ka pumapasok sa klase nitong nakaraang linggo. I've been always wanting to see you."
"See me?" pagtataka nito.
"Yup, gusto ko sanang ibalik sa iyo 'yong scarf mo. Matagal na sa akin 'yon. And thank you rin pala roon, I felt so warm when it was around my neck." Ngumisi ito. Matapos nitong tumingin sa kanya ay nag-iwas ito ng tingin pababa. "At pasensya pala noong nakaraan . . ."
"It's fine. If you don't want to talk about it, I understand."
"No. I've been rude and weird that day. Siguro pagod lang talaga ako kaya ganoon ang inasal ko sa 'yo. Sorry talaga."
Tumigil silang dalawa sa paglalakad. Wicker shook his head. "Don't be. It's really fine." he answered with a glimpse of a smile.
"No, it's not fine. Gusto ko sanang makabawi sa 'yo, pero hindi ko alam kung paano," she said with a long face.
"Hindi na kailangan. But if you insist, then let's have dinner after the school festival," suhestyon ni Wicker.
"School festival? How'd you know there's an upcoming school festival?"
He chucked. "You are the one who told me to read the student handbook. Nakita ko sa school calendar doon lahat ng events and activities ng school. Remember when we'd ran two laps around the track? Noong na-late at nasaraduhan tayo ng gate?"
Humalakhak si Annara at nasapo niya ang kanyang noo. "Oo nga, naalala ko. I felt so embarrassed that day." Hindi maitatanggi ang kahihiyan na naramdaman niya noong mga oras na 'yon kasama ito.
Kap'wa sila tumawa nang maalala iyon.
"So, is it a yes? Dinner after school festival?"
"Kung iyon ang paraan para makabawi ako sa 'yo, then I guess it is a yes?" Hindi pa ito sigurado pero alam niyang doon din siya babagsak sa alok nito.
They both smiled facing each other. Kahit sa ganitong mga pangyayari lang ay nakikilala nila ang bawat isa.
They seemed more compatible and comfortable this time.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro