Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

14: The Secret Race

"Dude, napakahirap namang hanapin niyang huling E-chariot sa collections mo. My connections don't have any idea where are the rest. Isang piraso na lang daw 'yan na mahahanap sa antique or vintage shops anywhere in the city. I don't know which city. Masyadong malaki ang syudad ng Bellmoral at Windercoln. Saka kung pupuntahan ko pa ang probinsya ng Chrisford, baka mamaya ay abutin na ako ng siyam-siyam," reklamo ni Olly sa kabilang linya ng telepono. "The only code they had given me is red and Garrison. Paano ko mahahanap 'yan? Should I hire a detective or what?"

"Dude, your connections are bad at this time. I mean, yes, I admitted that the red one from the set is too hard to find. Mostly kasi nasa collector's room or curator's museum ang red E-chariot na 'yon. Ako na ang bahalang maglibot dito sa Fawnbrook. Thanks Olly!"

Hinithit ni Wicker ang sigarilyo na nakaipit sa pagitan ng kanyang daliri. Naroroon siya ngayon sa bakuran nila habang nilalaro-laro ang bola ng soccer sa paanan niya.

"I'll update you if anything comes. Napakahirap mong maging kaibigan sa totoo lang. Ang dami mong gusto at kailangan laging kasama ako. Umamin ka nga sa akin, Wick, may gusto ka ba sa akin?" Olly said with so much teasing in his voice.

"Ulol, gago! Dude, ano ba 'yang pinagsasasabi mo? Nag-aadik ka na yata, eh."

"Palagi na lang akong dawit sa lahat ng gusto mong gawin sa buhay mo."

"Oo, kaya nga naririto ako ngayon at nagdudusa dahil sa katangahan mo. You dumbass!" Huminga siya ng malalim. "You and Migo were my childhood friend. Sabay tayong lumaki at palaging magkakasama. Ikaw lang ang nag-iisip ng ganyan. Dude, baka ikaw ang may gusto sa akin, ah!"

"Aaminin ko na ba sa 'yo, Wick? Ito na ba ang oras at pagkakataon para agawin kita kay Catherine?" nauutal at halatang nagpipigil ng pagtawa na pagbibiro nito kay Wicker.

Alam na alam ni Olly kung paano buwisitin ang kaibigan niyang ito. Sa kanilang tatlo kasi, si Wicker ang pinaka-asar talo at madaling mapikon kaya palagi niya itong niloloko.

"Speaking of Catherine, kumusta na siya?" pag-iiba niya.

"Thank god, she finally stopped bugging me. As far as I know, she open up an online business. An apparel online shop specifically. Alam mo namang 'yong girlfriend mo, mahilig manamit ng kung ano-ano. She can trend any fabric she has. Kahit na bilhan mo lang 'yon ng mga ukay na damit ay kaya niyang gawin 'yon na parang mamahalin through her own idea and creativity. Add it up that she has a huge number of social media followers. Malaki ang impluwensya niya lalo na sa mga babae. Hindi mo ba alam dude na famous 'yang girlfriend mo?"

"I know she has an incredible fashion sense. Mabuti na rin at may pinagkakaabalahan siyang ibang bagay ngayon. Mas okay kasi na ako ang pupunta sa kanya kaysa na siya ang pupunta sa akin dito. Basta kapag may balita ka about sa red E-chariot, you know what to do. My line is always open."

"Ayan, mas mahalaga pa 'yang mga collections mo kaysa sa amin. Hindi mo man lang ba ako kukumustahin? Ayaw mo bang malaman kung ano ang nangyayari kay Migo?"

Wicker's brows furrowed and became more curious. "Migo? What about him?" he said, cluelessly.

"I never thought this can happen. Migo and Giant had this called 'secret race'. Madalas siyang makipagpustahan dito. Gustung-gusto niyang talunin si Giant na hindi mangyari-yari. We knew how courageous Migo was and he always wanted a win. He never wanted a losing streak. Hangga't hindi niya natatalo si Giant, hindi siya titigil."

Pinatalas ni Wicker ang pandinig niya habang nakikinig sa balita ni Olly. The race should be held once or twice a year only. Migo is eighteen, if they got caught by the cops, he will suffer behind cold bars. Ayaw na ayaw pa naman ng mga magulang nito na nasasangkot siya sa mga gulo. Masyadong strict ang mga ito pagdating sa ganitong bagay.

"That's why he always missing in action these past months. Palagi siyang wala sa mga lakad at clubbing natin. Kaya nagtataka na rin ako nitong mga nakalipas na araw na bakit ikaw lang ang nakabibisita sa akin dito sa Fawnbrook. Wala na ba siyang pakialam sa atin?"

"Nalaman ko lang ang balita sa mga alumni ng school. They're betting for Giant, 'cause it's an instant win. Hanggang sa lumobo na nang lumobo ang pagkakautang ni Migo rito."

"What? Pagkakautang kay Giant? Paano nangyari 'yon?"

"According to them, halos linggo-linggo ang race. Migo sold his car and loaned in an agent. Hindi siya nangutang sa bangko, maybe because tito Darius could detect his finances and bank expenses. Mabubuking agad siya sa pinaggagagawa niya. He sold his car over two million and losing it in just a night. Gustung-gusto raw bumawi ni Migo mula sa pagkakatalo. He wanted a revenge but he never gets it. He have to get his car back. Kaso palagi siyang natatalo at nababaon lang siya ng husto. Mananalo minsan pero mababawi lang din agad ng kalaban. Kapag gusto ko siyang kausapin, palagi na lang akong iniiwasan. Palaging galit at seryoso. Parang hindi ko na siya kilala."

Wicker couldn't process everything he have heard from Olly. Parang may buffering sa utak niya o hindi lang talaga siya makapaniwala sa nasasagap na k'wento mula sa kaibigan?

Hindi ganito ang Migo na nakilala niya. Pero kapag sa emosyon at pagkatalo, alam nilang matibay at malakas ang loob nitong lalaban at babawi.

"I can't think of anything else, dude. Seryoso bang milyon-milyon na ang talo ni Migo kay Giant?" Tumikhim siya at umiling. " I just can't believe it. Who would've thought that he will end up losing that massive amount? Parang hindi nag-iisip! Kapag nalaman ni tito Darius ang pinaggagagawa niya, tiyak malilintikan na!"

"Iyan din ang iniisip ko, Wick. He's into it! Masyado na siyang nilamon ng race at galit kay Giant. Hindi na rin siya makausap nang maayos at hindi man lang matawagan. Nakakapanibago lang 'yong mga ikinikilos ni Migo. I can't believe it too that he'll going to be like that."

Narinig ni Wicker ang malalim na paghinga ni Olly mula sa kabilang linya. Kahit siya ay mapapabuntong-hininga rin sa nalaman niya tungkol sa kabigan.

"Kailangan ni Migo na may tutulong sa kanya at walang iba kung hindi tayong mga kaibigan niya. Kakausapin muna natin siya at pagsasabihan kung kinakailangan. Ayokong tuluyan nang lamunin si Migo ng galit at pagkatalo. Kailangan niya tayo ngayon," Wicker said with so much concern and courage. Wala na siyang ibang maisip na paraan kung hindi ang puntahan ang kaibigan niya.

"You really wanted us to help him? Ano ang plano mo?"

"Go here and take me to Migo." Buo na ang loob ni Wicker sa naiisip niyang plano. "He needs us!" he assured.

ıllıllııllıllı

Pinagmamasdan ni Wicker at Olly si Migo mula sa labas ng basketball court ng eskwelahan nila. It was covered with high chain link fences. Hindi lang pakikipaglaro ang laban na ito, may kaakibat din na pera at pusta.

Kakaunti lang ang mga tao na naroroon. Nakasuot pa sila ng uniporme at mas malaki ang kalaban ni Migo kaysa sa kanya. It's one versus one basketball half court match.

Migo is in grade eight while he's battling with a grade ten student named Kiko.

They're playing the same one on one basketball rules. One point for inside the arc and two points for an outside shot. The game will be to nine points or five minutes long. A quick bet play.

"Go Kiko!" sigaw ng dalawang babae na naroroon sa loob ng court. Nakaupo sila sa katabing bakal na bleachers.

Nagsimula na ang pagtalbog ng bola sa loob habang pinag-uusapan nila kung kanino mapupunta ang unang bola.

Sikat si Kiko Miramontes sa buong campus. Matangkad ito at hindi mababanaag sa hitsura ang kayabangan. Guwapo, palangiti, matangkad at A-lister kaya maraming babae ang nagkakagusto.

Si Migo ang naghamon dito na makipaglaban para mapatunayan ang galing niya mula sa isang 'to.

Kiko has been playing quite a while. Isa rin kasi ito sa varsity players ng school. Magta-try out pa lang si Migo at susubukan kung makapasok sa school basketball team.

Maraming paaralan para sa high school ang Bellmoral kaya't marami ring mga sikat at magagaling na schools pagdating sa larangan ng sports.

For Kiko it is a friendly game, but it isn't for Migo. May pusta ito at para sa kanya, dapat siyang manalo.

May dalawang lalaki pa ang sumunod na dumating at pumasok sa court habang naglalaban sila. Mula sa labas ay pumasok na rin si Wicker at Olly sa loob.

"Ito 'yong sinasabi sa akin ni Migo last time. Makikipaglaban siya kay Kiko Miramontes," bulong ni Olly habang naglalakad sila papunta sa bleacher.

"Mahilig talagang manghamon 'tong si Migo kahit pa alam niyang dehado siya. Look at his opponent, he's pretty much taller than him."

Nilingon nila si Migo habang pinanonood na ang laban. Maliksi ito sa loob ng court, subalit porsyento si Kiko kapag tumitira mula sa labas ng arko.

Pumalatak si Olly dahil alam na niya ang kahihinatnan ng laban. Kahit pa lumamang siya noong una ay alam pa rin niya ang magiging dulo nito.

Even when they're tied of score at six, a three point run for Kiko boosted the game and ended him losing the match. Nine six ang huling score at natalo si Migo. They're soaked in sweat.

He kicked the air in embarrassment. It was evident in his face that he's really pissed of.

"Hey, Wick, saan ka pupunta?" Walang ideya si Olly nang tumayo si Wicker at pinuntahan ang mga ito sa gitna ng court.

Nagulat si Migo nang sumabad si Wicker sa pag-uusap nila para sa mapapanalunang pusta.

"Wait up!" pagpigil niya nang magkakaabutan na ng pera. "I'll double the bet. Can we have a three-man match up?" he said and looking at Kiko. Ngumiti lang ito sa kanya at tila gusto rin muling lumaban.

Ang dalawang dumating na lalaki kanina ay sumali na rin sa laro para maging kakampi ni Kiko.

Wicker and Kiko has the same height, mukhang lamang lang si Kiko rito ng kaunti. Kaya alam ni Wicker na makakaya nilang matalo ito sa pangalawang laban.

Lumingon siya kay Olly at sinenyasan itong maglaro. They were playing basketball since they were kids. Palagi kasi silang isinasali sa mga youth basketball tournament. Kaya kahit papaano ay marunong silang maglaro.

Naghubad na ng polo sina Olly at Wicker para makapaglaro sila ng maayos. Pumayag naman agad ang kampo ni Kiko at sinimulan ang laban.

They are both competitive in the first points of the game. Mas nakakapagod ang laro dahil whole court ang agreement nila. Pero habang tumatagal ay lalo silang natatambakan. They released so much effort, energy and sweats. Hanggang sa natapos ang laban at natalo sila.

"Ang lakas mong makipag-rematch talo naman pala!" asik ni Migo at sabay-sabay silang nagtatawanan habang naglalakad palabas ng campus.

"At least we've tried, 'di ba Olly?" Tumingin si Wicker kay Olly at saka sila naghagikgikan.

"Paanong hindi matatalo, puro mga nasa basketball team 'yong mga nakalaban natin kanina," reklamo naman ni Olly.

Natalo sila sa laban pero hindi sila gaanong naapektuhan. Sabay-sabay silang umuwi at sama-samang pinagtawanan ang laban pati na ang pagkatalo nila.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro