1: Sneaking Out Late
"Hey Wick! Hurry up."
"Oo na. Sandali lang."
Olly keeps tapping on Wicker's window hurriedly. Kanina pa ito naghihintay sa maliit na balcony ng kuwarto nito. Inakyat pa niya ang ikalawang palapag ng bahay nila.
Something's up for them. It's midnight and they're sneaking out late to attend an illegal street racing. Malaki ang ipinusta nila para sa kaibigan nilang kasali rito.
Binuksan ni Wicker ang bintana paitaas at sumuot doon palabas. Hinapit niya ang kanyang denim jacket at isinuot ang black bennie. Ipinasok niya ang kanyang cell phone sa faded ripped jeans niyang suot at maingat na ihinakbang ang kanyang all star dark red converse shoes sa sahig.
"Who do you think will win? Migo must be pressured right now, imagine he's competing with Giant? Kabadong-kabado siguro ang gagong 'yon." Ngingisi-ngisi si Olly na nagku-kuwento kay Wicker habang sumasampa sila sa katabing puno.
Maingat silang bumaba roon at naglakad palabas ng bahay nila. They can't be caught or missed this race. Dahil magdadagdag pa ito ng pusta para sa karera. Lalong-lalo na't naghihintay roon si Catherine–ang girlfriend ni Wicker.
"We have 30 minutes left before the race starts. Makakaabot pa kaya tayo?" tanong ni Olly nang makapasok sila sa kotse nitong black volkswagen golf.
Malayo-layo pa ang biyahe nila para makapunta sa venue ng race. Masyadong malaki ang syudad ng Bellmoral.
"We are making it in time if you're not playing twenty questions game with me," aboridong untag ni Wicker. "Just start the freaking car, dude!"
Olly sighed. "Relax, Wick. Ako ang magmamaneho, tiyak makakarating agad tayo roon," he confidently said and threw a wink to disgust his friend even more.
Pinaandar na niya at minaneho ang kotse. Olly drove the car faster than ever. Isa rin siyang kalahok minsan doon kaya't kaya niyang paharurutin ang kotse niyang walang kaabog-abog.
That is a life of Wicker Cruz. Kung hindi ang pumusta at um-attend sa isang illegal na street racing ay tiyak nasa party siya o kaya ay nasa club. He's life of the party and he thinks that these things are the life he's living. It is what somebody like him deserves.
Ginaganap ang illegal racing na iyon isa o dalawang beses sa isang taon. It's like a traditional outside event of their school. Hindi pinangungunahan ng mga guro o principal, dahil ito ang pagkakaisa ng mga estudyante upang makalimot sa stressful na paperworks at deadlines ng school. They wanted an event like this after the stress.
Nakatulala lang si Wicker mula sa labas ng bintana habang pinagmamasdan ang mga streetlights na nadaraanan nila.
Pinatatakbo ni Olly ng mabilis ang kotse niya para umabot sila sa race. He's maximizing every speed he had.
Ilang kotse na ang nilampasan nila mula sa malapad na kalsada pagtungtong nila sa highway. Their seatbelt tucked in their chests and hanging on the ride.
Ilang saglit lang ay nakarinig sila ng sirena mula sa isang police patrol.
Mula sa bintana kung saan nakatingin si Wicker ay napansin niya ang asul at pulang ilaw na lumiliwanag sa daan.
Noong una, buong akala nila ay dumaan lang ito sa kanila, ngunit bigla itong nag-overtake at pinahinto sila.
"What's happening?" tanong ni Wicker kay Olly at kapuwa sila walang ideya sa nangyayari.
They're being pulled over. They caught over speeding.
The siren blares. Lumabas ang officer sa kotse nito habang nakasuot ng full uniform.
What now? What should they do? They got into an antomy of traffic stop.
Abot-abot na lang ang kaba sa mga dibdib nila nang katukin nito ang bintana ng kotse nila.
Olly's seventeen, underage and he's driving the car. Kung mahuhuli silang nagsisinungaling ng officer na ito, tiyak sa presinto sila babagsak.
Napalunok si Olly at pinagbuksan agad ang officer.
"P'wede bang makita ang registration ng kotseng ito? Pati na rin ang lisensiya," mahinahong giit nito habang nakasilip sa kanilang dalawa sa loob.
"Dude, gawan mo ng paraan 'to. We can't get caught. We have a race to go to," bulong ni Wicker kay Olly.
"I'll do everything I can. Malay ko bang mahuhuli tayo ng ganitong oras."
Naipakita ni Olly ang registration ng kotse niya, subalit wala siyang maipakitang lisensiya rito maliban sa student license na meron siya. Mabubuko siyang underage kung iyon ang ipapakita niya.
"Nasa'n ang lisensiya mo?" tanong ng officer.
Abalang hinahanap pa ni Olly ang lisensiya niya kahit alam niya sa kanyang sarili na wala siya nito. Sa huli ay ipinakita na niya ang kanyang student license dahil wala na silang kawala.
"Student license?" muling tanong ng officer na ipinagtataka nito. "Hindi ka maaaring magmaneho sa highway kung student license lang ang mayroon ka. Lalo na't dis oras na ng gabi. Hindi ko kayo mabibigyan ng warning lang. Mga underage kayo. Sumama kayo sa akin sa presinto." Wicker got caught too even if he's not underage, because on how he looks. Mukha silang magkasingtanda lang.
"What? Oh, come on!" He snorted in disgust. Nasapo na lang niyo ang mukha niya nang mahuli sila. Kung alam lang sana niya na mangyayari ito, hindi na sana siya tumuloy at nakibalita na lang tungkol sa race.
They will getting a warning ticket if only Wicker drove the car, but it wasn't.
ıllıllııllıllı
"Are you serious Wicker Angelo? Wala ka na ba talagang ibang gagawin bukod sa masangkot na naman sa mga ganito?"
Alam na alam ni Wicker na galit ang kanyang ina kapag binanggit nito ang buong pangalan niya.
Naroroon sila sa terrace ng bahay nila habang nasa isang banda lang ang tingin niya at sawang-sawa na sa sermon ng kanyang ina.
Naasikaso na nito ang release papers niya mula sa presintong pinaggalingan niya kasama ang kaibigang si Olly. Imbes na penalty lang ang kahaharapin nila ay napasama pa sila sa presinto dahil pareho silang underage.
"Inuubos mo talaga ang pasensiya ko. You're giving me enough reasons to sent you to your father."
Napatingin siya rito nang may gulat sa mukha.
"Mom! You can't do that! Give me another chance, I won't get involved to any of these again. I promise!" pagsusumamo nito.
Malakas ang loob nitong tumitig sa mata ng ina. Gusto nitong makuha ulit na pagbigyan siya.
"Another chance? How many chances do you want me to give you? I've had enough, Wicker. Palagi mo na lang akong binibigyan ng sakit ng ulo. Why don't you just focus on your studies? Mahirap ba 'yon, ha?"
"I won't do any thing like this ever again. Please, Mom, don't send me there! My friends are here. I have a life here. Parurusahan mo lang ako kung dadalhin mo ako sa Fawnbrook. Ayoko sa lugar na 'yon, lalong-lalo na kay Daddy!" reklamo niya.
"I am tired hearing this out over and over again. Paulit-ulit na lang tayong ganito. Magso-sorry ka at pagbibigyan kita, 'tapos ano, 'pag nagtagal ay uulitin mo na naman? You don't have any chances left. Bukas na bukas ay iimpake mo na ang mga gamit mo. I'm sending you to Fawnbrook. Ako na ang bahala sa mga gamit at transferring requirements mo sa school. Mas mabuti munang doon ka tumira kasama ang daddy mo. Take this as your lesson."
"But Mom!" aangal pa sana ito, subalit ay hindi na siya inintindi pa ng ina niya at pumasok na ito sa loob ng bahay.
ıllıllııllıllı
Bakas ang inis sa mukha ni Wicker at maya't maya ang pagpapakawala ng malalalim na buntong-hininga. Naroroon siya ngayon sa backseat ng kotse habang inihahatid siya ng personal driver nila sa probinsiya ng Fawnbrook.
Dala-dala na niya ang kanyang mga gamit. Iyong gaming computer, playstation, car toy collections at iba pa niyang mga gamit ay isusunod na lang pagdating niya.
Masama ang loob niya. Kanina pa nakausli ang nguso niya sa inis. Hindi naman niya aakalaing masasangkot siya no'ng gabing iyon. Hindi na nga siya nakapunta sa race, nasangkot pa siya sa gulo at ngayon, patungo na siyang sa lugar na pinakaaayaw niya.
Ilang beses nang tumatawag sa kanya ang mga kaibigan niya, lalong-lalo na si Catherine na alalang-alala sa kanya.
He haven't told anyone about it yet. Ayaw niyang ipaalam muna sa mga ito na sa Fawnbrook na siya titira. Marahil ay nag-iisip pa siya ng paraan para hindi ito matuloy.
Nagbabasa lang siya ng messages ng mga ito. Napag-alaman na rin ng iba ang nangyari sa kanila noong nakaraang gabi. At natalo sila sa pusta noong race. Si Giant ang nanalo at nagkaroon pa raw ng gulo matapos ang laban.
"Sir Wicker, nasa Fawnbrook na po tayo. Gusto n'yo muna bang kumain o gumamit ng banyo bago tayo dumiretso sa bahay ng daddy mo?" tanong ni Selyo, ang personal driver nila. Anim na taon at mahigit nang naninilbihan sa kanila ang lalaking ito.
Bagot na bagot na si Wicker sa halos apat na oras na biyahe mula Bellmoral patungong Fawnbrook. Wala siyang ganang kumain kanina pa. Siguro ay gagamit na lang siya ng banyo para manalamin, umihi o maghilamos para malamigan.
Selyo pulled over the car and let Wicker use the near gasoline station's comfort room.
Walang ideya ang driver na ito na hindi sa banyo didiretso si Wicker. Noong una pa lang, napag-isipan na niya ang bagay na ito.
Nang makapagtago ay lumihis agad ito ng daan at pumasok sa isang malawak na lugar. A place he never knew he'll walk into.
He's heading straight to a pavement of wide cemetery lawn.
Dala-dala niya ang kanyang bag, at para sa kanya ay kumpleto ang gamit niya.
His friends are one call away. Maaari niya itong tawagan kung kakailanganin niya ang mga tulong nito.
Kakapasok pa lamang nila ng Fawnbrook ay nag-adjust na agad ang katawan niya sa lamig ng lugar na ito. Hinapit niya ang bennie sa ulo niya, ipinasok ang magkabilang kamay sa bulsa at patuloy na naglakad.
Maya't maya rin ang tingin at suri niya sa kanyang likuran. Ibang klase si Selyo maghanap. He can find him wherever he was. Basta ang importante kay Wicker ay matakasan ito, kahit ngayon lang.
Inilabas niya ang kaniyang cell phone at tinawagan si Migo para magpasundo rito pabalik ng Bellmoral. Ang kaso, may halong kamalasan ang pagpunta niya sa sementeryong ito dahil mahina ang signal.
Napansin niya ang cemetery lawn na may mga nakabaong lapida. Mula sa kabilang banda naman ay ang mga cemetery vaults.
Malinis ang buong lugar, at napakapayapa.
Napasipa siya nang hindi niya ma-contact ang mga kaibigan niya dahil sa poor signal.
"Are you fucking serious?"
Inilibot niya ang mga mata niya. Nakaramdam siya ng kilabot nang umihip ng malakas ang hangin patungo sa kanya.
The whole place is not familiar to him. Nawawala na naman siya panigurado. Hindi niya alam kung saan na naman siya tutungo. Masyadong malawak ang lugar kung nasaan siya. Maging ang entrance na pinasukan niya kanina ay hindi na niya matandaan kung saan.
Paano siya makakalabas?
"Sir Wicker! Bumalik na po kayo sa kotse!"
Narinig niya ang sigaw ni Selyo mula sa dulo ng kabilang daan. Nasundan siya nito kaya naman ay agad siyang tumakbo palayo rito.
He's running away again like he used to do when his driver chases him. Gano'n katigas ang ulo niya. Walang nakapipigil sa gusto niyang gawin.
Maya't maya ang lingon niya kay Selyo na mabilis na tumatakbo at hinahabol siya. Sa totoo lang, hindi niya alam kung saan siya papunta. Para bang paikot-ikot na lang siya sa lugar na iyon.
"Aray!"
Bumangga siya sa babaeng hindi niya napansing sumalubong sa daan niya. Nakasuot ito ng earphones habang naglalakad.
Nakauniporme ito at halatang pauwi na galing sa eskwelahan.
"I'm sorry, Miss!" paghingi niya ng pasensiya at nagmadaling umalis. Napatitig lang ang babae sa kanya. Ngunit binalikan niya ito at humingi ng pabor. "Miss, alam mo ba ang daan palabas dito?" tanong niyang humahangos.
Natigilan lang ito habang sinusuri ang buong mukha niya. Titig na titig ang babaeng ito sa kanya. She was electrified by Wicker. At bigla nitong niyakap siya nang mahigpit.
Nagulat si Wicker sa ginawa nito. "Miss, okay ka lang?" Nagsalubong ang kilay niya habang inaalis ang yakap nito, nagtataka.
The girl literally struck by him like she have known him.
Nang matauhan ito ay agad siyang tumango dahil natitiyak nitong kabisado niya ang daan para tulungan siya.
Dumistansya si Wicker nang kaunti sa babaeng ito, subalit isinantabi niya ang pag-aalangan. Kailangan niya ang tulong nito.
"Alam mo ang daan? Great! Sige, ganito, sa ngayon ihanap mo muna ako ng maaari kong pagtaguan 'tapos saka mo ako ilabas dito. Ayos ba 'yon?" Wala nang nagawa ang babae at sumang-ayon na lang sa kanya, na titig na titig pa rin dito.
Naglakad na ang babae na hindi man lang nailang sa kanya.
"Let's go!" wika niya at sinundan na ang babae.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro