Chapter 2
Philippines...
Cordova's Mansion
"Bro, how's your flight today?" June ask his younger brother Dylan that evening habang magkakasalo sila sa hapag-kainan kasama ng kanilang mga magulang sa mansyon ng mga Cordova sa bayan ng Naic. Their family is one of the wealthiest in their province sa Laguna mayroon silang sariling Airline company at ilan pang shipping and Cargo company na nag-ooperate sa iba't-ibang lugar sa Pilipinas at kamakailan lang ay nagkaroon na rin ng expansion sa ibang bansa dahil sa pagiging hard-working at dedication ng kanilang mga magulang particularly their father na si Senior Augusto Cordova. Dylan stare at his brother while silently chewing his food. His face is formal at walang mababakas na pagkagiliw sa mga kaharap lalo na sa kanilang ama na sadyang hindi masyadong masalita. A man with few words nga ang madalas na descpription ng mga tao rito and he seems to inherit his personality. "It was good kuya." Tipid na tugon niya and continued eating. "You should stop flying airplanes from now on iho, much better na magfocus ka na lang sa pagpapatakbo ng mga negosyo natin and stay in the office." Sabat ng mommy nilang si Mrs. Anastacia Cordova na dating beauty queen and still gorgeous kahit na may edad na rin ito. Dalawa lamang silang magkapatid ng kanyang kuya Junemar na ngayon ay mayroon na ring sariling pamilya at the age of 38, he's been married for 10 years sa long term girlfriend nitong si ate Mina and they have two children already na sila Simon at Natashia na nasa edad siyam at 7 years old na rin. Nabaling ang atensyon ng ama nila sa kanya sa tinurang iyon ng mommy nila. Maybe he wanted to see his reaction. "I love my job mom at wala pa akong balak magretire for being a Pilot." He answered sa tinig na matatag at punong-puno ng determinasyon. They've been urging him to quit flying eversince lalo na ang daddy nila because he wanted him to follow his footstep na isang magaling na negosyante but he always refuse to be like him. Bukod sa hindi niya linya ang business ay masyadong plain at hindi adventurous iyon para sa kanya na mahilig sa challenges. He loves outdoor sports like paragliding, hiking, scuba diving and biking. Kaya noong mag-college siya ay alam na niya kung anong kurso ang gusto niyang kunin. He took up Aviation course and went to a training para maging isang ganap na piloto. His dad never meddle about his decision na iyon ang kuhaning kurso since their business is in line with it but he told him once na kailangan pa rin niyang maging knowledgeable in running their business in the future and so he took a major in BA after he went into that Aviation school in New York USA. And now 8 years na siyang piloto at kamakailan lamang ay nagsabi na ang kanilang ama about his retirement being the CEO a year from now at siya ang gusto nitong pumalit sa posisyon nito sa kanilang Airline company. His brother Junemar is currently running their Shipping and Cargo Business at nagsabi itong hindi na kakayanin ang pamahalaan pati ang Airline kaya ngayon he was being pressured. Ipinilig niya ang ulo at kumuha ng baso saka sinalinan ng tubig para inumin. Sinalubong niya ang tingin ng daddy nilang si Augusto. "I still need to learn everything in the Airline mom and if ever I decided to took over ay gusto ko munang magbakasyon." He utter. He needed a break from everyone specially his dad. "Don't make your decision too long Dylan, kailangan buo ang loob at isip mo kapag nag-take over ka. You can have a year break if you want besides I can still manage to run our company but I'm telling you to be completely ready when the due comes." His father told him firmly. His words are very powerful at kapag may sinabi ito ay kailangang masunod or else ay hindi mo magugustuhan ang magiging consequence kapag nabali ang mga salitang binitiwan. At doon siya nai-intimidate dito, his not the controlling type of a father but he is very discreet and strict sa lahat ng bagay lalo sa paggawa ng desisyon. And he was not yet ready para bitiwan ang pagpapalipad ng eroplano but he doesn't have any choice now. He's now 34 years old and still single subalit mayroon siyang karelasyon ngayong isang International model si Lucile. Their relationship is now 2 years and he's about to propose but she told him recently na ayaw pa nitong magpakasal dahil nasa peak pa raw ito ng kanyang career and that she's still young at the age of 27. Pitong taon ang agwat ng edad nila ng babae. He nodded his head as a response sa sinaad ng kanyang ama and never commented anymore. "Are you and Lucile already have plans to get married anak?" Muling usisang tanong ng mommy niyang parang gusto na siyang mag-asawa. Mas lalo tuloy siyang nakaramdam ng matinding pressure. "We haven't talk about that mom."Sagot niya na hindi na nagbigay pa ng ibang detail. He doesn't want to tell them he already thought of proposing dahil baka mas lalo lamang maging komplikado lalo at may pagka-pakialamera ang mommy niya pagdating sa relasyon nila ni Lucile. She's been very vocal that she liked Lucile for him kaya ito ang masyadong aligaga na mag-propose na siya sa dalaga. "I will discuss that to her kapag nagkita kami don't worry." Saad ng ginang sabay ngiti ng matamis sa kanya. He get the table napkin on his lap and wipe his lips. He decided to excuse himself dahil ayaw na ayaw niyang nagigisa lalo kapag mga ganitong usapin about the future. He's the type of man that wanted to live in the present at ayaw munang isipin ang mga bagay na hindi pa naman nangyayari. "Excuse me, I need to call someone." Pasintabi niya sabay tayo at lumabas ng kanilang marangyang dining room. He went straigth to the verandah at kinuha ang sigarilyo na nasa kanyang bulsa saka hinitit iyon para kahit paano ay maibsan ang stress sa usapan nila ng pamilya niya kanina. He wasn't a change smoker and rarely do it, but it subsided the pressure and stress he felt everytime. He look up at the dark sky and saw stars na parang buhanging nagkalat sa kalangitan. He took a deep breath afterwards and decided to went up his room para makapagpahinga na rin. It's been a long and tiring day for him kaya kailangan na niyang i-recharge ang kanyang isip at katawan. He will just cross the bridge when he get there. He thought.
*********
Toronto, Canada.
Cassandra is now packing their things dahil sa susunod na linggo na ang flight nila pauwi sa Pilipinas. It was actually her sister Amira's wedding, ang pangalawa sa kanila at sumunod sa kanya. She is getting married at the age of 30, She's two years older than her at nauna pang nagpakasal although may anak na naman siya kahit walang asawa. Isang buwan ang bakasyon nila but their father will come back earlier dahil two weeks lang ang ibinigay na bakasyon ng may-ari ng car repair shop dahil sa marami raw silang tanggap na trabaho. Masyadong masipag ang daddy niya kaya sobrang bilib na bilib siya rito noon pa man. Bukod sa napa-responsableng ama sa kabila ng hindi naman ito nakapagtapos ng pag-aaral ay sobrang madiskarte at mabait pa nito and her mom is so lucky to have him. That's the reason why it's difficult for her to settle sa kung sino lang dahil tinaasan ng dad niya ang standard niya pag dating sa lalaking kanyang pagkakatiwalaan ng pagmamahal. When Gavin was just two years old ay may nakilala siyang Canadian man and he courted her. Muntik na siyang makipagrelasyon dito noon buti na lamang at nakita niya earlier ang tunay nitong kulay. Narinig niya ang mga usapan nito sa isang common friend nila that he just wanted her at hindi kasama si Gavin which means ayaw nito sa anak niya. Mula noon ay hindi na niya ito pinansin pa at tuluyan ng binasted. For her mas mahalaga ang anak niya kesa sa kung sino pang lalaki riyan na sa una lang naman mabuti pero kapag lumaon ay magbabago na ang pakikitungo lalo pa at isa siyang single mom. Ibinalik niya ang isip sa kasalukuyan at isinara ang maletang nilagyan niya ng mga damit ni Gavin. "Oh tapos ka na ba riyan anak?" Ang mommy niya na may dalang baso ng juice and handed it to her. "Almost na mommy, thanks." Aniya sabay inom sa juice. "Teka tinawagan mo na ba si Amira. Kailangang kausapin niya si Kevin na ibakante ang sasakyan at 'wag ipaparenta kapag dating natin doon. Mahal na ang pamasahe ngayon sa Pinas." Sambit ng mommy niya na masyadong metikulosa pagdating sa mga bagay-bagay. Mayroon silang napundar na sasakyan at ipinaparenta nga ng pinsan nilang si Kevin at dahil apat na oras pa ang biyahe mula Manila hanggang Tanay Rizal ay kinakailangan nilang magpasundo sa sasakyan. "Alam na ni Mira 'yan ma, Nag-usap na kami. At naroon na nga rin daw iyong balikbayan box na pinadala natin pero sabi ko 'wag muna nilang bubuksan." Tugon niya sa ina. Maya-maya habang sila ay naghuhuntahang mag-ina ay dumating naman ang mag-lolong galing sa paglalaro ng basketball sa may maliit na parke sa ibaba ng apartelle nila. It was summertime ngayon sa Canada kaya pawis na pawis ang mga ito. Gavin is active at mahilig sa mga outdoor sport kesa maglaro ng online game like the most kids his age love to do. "Hey you're all sweat baby." Aniya sabay lapit at yakap sa anak na noon ay kinuhanan ng mommy niya ng tubig para ipainom. "Lolo teach me to dribble the ball mom." He said na halatang nag-enjoy sa paglalaro. "Yeah and you're a fast learner apo." Sambit naman ng daddy niyang halatang giliw na giliw kay Gavin. Mula nang ipanganak niya ito ay nakita na niya how her parents spoil his son mas ito pa nga ang naalagaan ng mga magulang kesa sa kanila noong mga bata pa silang magkakapatid. And she is very lucky to have them inspite sa mga pinagdaanan niya at pagiging disgrasyada.
Abangan ang next chapter.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro