Chapter 14
The following day ay agad na ngang inasikaso ni Cassandra lahat ng mga kakailanganin niyang papeles at requirements for Gavin's medical treatment and she also talked to the oncologist na siyang magsasagawa ng sessions of chemotherapy. It will be a hard and challenging battle for her and Gavin but she needs to be strong tulad nga ng paalala ng daddy niya. Una munang isasailalim ang anak niya sa series of test and bone marrow biopsy to make sure na hindi aabot sa buto ang cancer cells before nila umpisahan ang blood transfusion and then to be followed by chemotherapy. Naroon siya sa silid kung saan inilipat si Gavin. He's still asleep due to the drugs na itinurok ng mga doctor dito last night at para raw hindi nito maramdaman ang sakit dahil sa pagkabit ng mga dextrox at iba pang medical aparatus sa katawan nito. Nakatitig siya sa mukha nito at inaalala ang mga panahong kay sigla at kulit nito. She held his hand and kiss it. "Anak, balik ka na ulit sa pagiging makulit at palatanong mo. Miss na miss ka na ni mommy. H-hindi ako sanay na makita kang ganito." Umpisa niyang pakikipag-usap kay Gavin as if he could hear her. Dinama niya ang noo nito at hinaplos ang pisngi and then look at him lovingly. "I'm so sorry to disappoint you again, mahirap talaga kasing hanapin ang taong ayaw ng magpahanap. But mommy really tried to find your dad Gav.--- she added while sobbing. "Basta gumaling ka lang anak, and I promise magiging mabuting mommy at daddy ako para sa'yo and I will do everything para maibigay ang lahat ng pangangailangan mo. Please my baby 'wag mo akong iiwan ha." She told him still bursting into tears. After awhile ay nagising na rin ang anak niya at nakatingin lamang ito sa kanya na may pagtatakang nakaguhit sa anyo nito. "M-mommy, what is going on?" Tanong agad nitong nakatingin na sa mga dextross at swero na nakakabit sa kamay nito. He even raise and show it to her. Mabilis niya itong nilapitan at niyakap. "Ahmm anak, your here at the hospital right now and they need to put that para gumaling ka. Like to kill the bad cells that is there inside your body." She briefly explained sa paraang maiintindihan nito. Gavin's face wrinkled, that means naguguluhan pa rin ito. And she had to be more careful in telling him about his illness. "Do you remember why you fainted last time?" She asked him. Tumango ito as a response and waited for her to continue. "Lolo and lola rush you here in the hospital to asked the doctors why you passed out a-and they said you have a problem in your blood. But don't worry because they will do everything for you to get better." Saad niyang hindi alam kung ano pa ang sasabihin. He was so young to understand what is going on. He's supposed to be outside enjoying his childhood but unfortunately he is here fighting for his own dear life. "Am I going to die mom? Just like in the movies?" Diretso nitong tanong na naging dahilan ng panlalamig niya. Certainly she wasn't expecting that kind of question from a 4 year old boy. "No! You are not going to die Gav. What the hell are you talking about?" She said almost hysterical. "Because you said I might loose a lot of blood, so if I don't have it I'm going to die." Muli nitong litanya sa inosenteng tinig. "That's why Captain America is here to help you, he will give you blood Gav." Aniya na naalala si Dylan na siyang magiging blood donor nito. "Really mom? You mean you ask him to give me his blood so I won't die?" Hirit muli nito and this time he's tone is so hopeful. Cassandra nodded and smiled at her son sweetly. "Just be brave okay? We have to stay here for quite long son but don't be scared 'coz mommy and your grandparents will be here to help you." Pagpapatatag niya sa loob ng anak but she couldn't help herself na magpakita ng vulnerability in front of the child. "Is it going to be painful mom?" Tanong muli nito na bumalik na sa pagiging makulit and that's gives her hopes. "Sort of Gav but I know your a brave little boy. Just think that it is like the bite of the ants and it's not too painful." Aniya pa sa bata saka ito muling niyapos ng mahigpit. "Don't cry mommy, I will be okay." Gavin said na dahilan para mas lalo siyang maiyak dahil sa nakikita niyang katapangan ng anak niya. "Okay Gav--- mommy will not cry anymore." She answered sabay pahid sa luha niya gamit ang palad.
The day after ay binigyan na sila ng doctor ng schedule para sa blood transfusion kaya naisip niyang kontakin si Dylan sa number na iniwan mismo nito sa kanya kahapon.
She's a little bit hesitant pa to make an early call dahil alas-syete pa lamang ng umaga but she had to para ma-confirm na maari itong makapunta.
Cassandra waited for him to answer subalit medyo kinakabahan siya dahil baka may mahalaga rin itong gagawin sa araw na iyon. At sa wakas after a few rings ay narinig na niya ang baritonong tinig nito mula sa kabilang linya. "Yes hello." He answered na parang kagigising pa lamang base sa boses nito. "Ahmm-- G-good morning Dylan, it's Cassandra." Nahihiya niyang turan while biting her own finger. "Oh G-good morning Cass-- I'm sorry kagigising ko lang kasi, So can I help you?" He responded na nagising na nang tuluyan ang diwa. "Ah-- K-kasi ngayon ang schedule ni Gav sa blood transfusion, a-are you free today?" Tanong niya. "Y-yeah, I remember that but could we atleast wait for like a couple of hours until I get my blood clear. Napainom kasi ako last night with my cousin and unfortunately it's too late nang ma-realize kong hindi pala dapat ako uminom ng alcohol but I took a 2 shots already." He explained to her about his consumption of alcohol last night. Napatampal naman si Cassandra sa kanyang noo dahil sa sinabi ng binata, pero wala naman siya sa posisyon para magalit rito. "O-okay I understand, If you can't make it baka may iba pa kaming mahanap na donor." Aniya na lamang. Subalit hindi maitago sa tinig niya ang matinding disappointment. "No Cassandra, I'm willling to help. Pupuntahan kita, I'm really just so stupid to forgot about the blood transfusion. Maybe we could talk to the doctor and ask what's best to do." He told her saka na ito nagpaalam para raw makapagbihis pagkatapos ay pupunta na sa hospital na kinaroroonan nila. And about two hours ay dumating na nga si Dylan sa hospital at halatang nagmadali talaga ito. "Hi Cassandra--- How's your son?" Bungad na bati at tanong nito when he saw her at the corridor. "Hi Dylan, He's already awake. D-do you wanna meet him?" She said na bahagya pang ngumiti sa bagong dating na binata. Dylan nodded but he felt a little bit of hesitation. Cassandra then walk through the door papasok sa isang silid saka niya pinihit ang seradura para mabuksan ang pinto. "Come inside." Paanyaya nito sa binatang parang nadikit naman ang paa sa sahig at hindi makakilos. Napakunot pa ng noo si Cassy when she notice na parang hindi tuminag ang lalaki. "Hey are you gonna come in?" Untag na niyang turan na dahilan para tumalima ang binata. Pagkapasok ay naabutan nilang nakaupo si Gavin at nilalaro ang robot na bigay ng tiyuhin nitong si Leo. "Gav, Uhmm I want you to meet someone." Agaw niya sa atensyon ng kanyang anak na noon ay mabilis namang nagbaling ng tingin sa kanila partikular kay Dylan. "Hi are you my dad?" Diretsong tanong ng bata na ewan niya kung bakit iyon ang naisip nito. Natigilan si Dylan at pinakatitigan ang anak ni Cassandra. "No Gav, he's a friend of mine-- and he's the guy I'm telling you who saves my life and most probably yours." Aniya na noon ay nilapitan pa ang bata. "He's Captain America mommy?" Muli nitong tanong but his eyes is sparkling with amusement. Binalingan naman ni Dylan ng nagtatanong na tingin si Cassandra because he's wondering why the kid call him Captain America. "Ow, nakwento kasi kita sa kanya a-and I happen to give a hero name to describe you. I hope you don't mind." Mabilis niyang paliwanag kay Dylan to clarify why Gav called him that. "Okay-- Hey buddy how'd you doin?" Baling ng lalaki sa batang nakatingin sa kanila. "Mommy said I need to stay in this hospital for awhile and I need blood from you." He replied innocently while smiling that shows off his teeth. He looks so friendly and reluctant to meet Dylan. He walk near his bedside at ginulo ang buhok nito while smiling at the kid. "Yes, that's why I'm here-- Do you want my blood inside your body?" Natatawa niyang turan na noon ay naaliw na sa batang kausap. "Yes I like it, I want to be brave and strong like you." He replied na parang nakakita ng kakampi sa buhay. Cassandra couldn't help herself na lihim na mapangiti dahil sa nakikita niyang positibong pananaw ni Gavin despite of the situation he have right now at sobra siyang proud for raising a child like him.
*to be continued*
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro