Chapter 13
Natigilan si Dylan nang bigla na lamang siyang yakapin ni Cassandra. He doesn't know how to react but the warmth of her body against him is just too familiar. 'I need to make sure.' He told his subconscious mind at agad nakabuo ng plano. "Oppss-- S-sorry Dylan m-masyado lang akong na-overwhelm." Ani Cassy sa tinig na parang napapahiya at agad lumayo ng bahagya sa binata. "It's okay, I understand." He replied saka ngumiti ng tipid. "K-kung makiki-usap ba ako sa'yo n-na maging blood donor ni Gav, is it okay with you?" Hindi na nagpaligoy-ligoy na tanong ni Cassandra kay Dylan na noon ay napatitig sa mukha niya ng seryoso. "Yes, sure." Mabilis na sagot nito na dahilan ng pag-aliwalas ng mukha niya. "Oh God, hulog ng langit ang pagdating mo Dylan. Maraming salamat ha."Maluha-luhang pasasalamat niya sa binata dahil sa pagpayag nito na maging blood donor ni Gavin. "I have to go now Cass, babalik ako agad bukas para maisagawa na agad ang pagsasalin ng dugo for your son." Pagpapaalam nito sa kanya na agad naman niyang tinanguan. "Okay, mag-iingat ka sa pagdi-drive at salamat ulit." She said saka na ito inihatid hanggang sa may elevator pababa ng ground floor.
At habang nasa sasakyan si Dylan ay agad na niyang tinawagan ang kaibigan niyang doctor wich happens to be working in a DNA testing center para ipasuri ang blood sample nila ni Gavin ang anak ni Cassandra na lihim pa niyang ni-request sa mismong doctor nito nang magpa blood check siya kanina. Nalaman nga niyang pareho sila ng blood type ng bata na siyang nagpasidhi sa hinala niya about the woman he met in Batanes 5 years ago. Akala niya ay coincidence lang lahat ng mga nasabi at nakwento ni Cassandra noong na stranded sila about having a child and searching the father but when he's about to ask information mula rito ng pasimple ay naisip niyang imposible na ito ang babaeng nakasiping niya noon but how can he explain the memories that keeps on haunting him and her face na kahit blurd na sa alalala niya ay natatandaan pa rin niya how they made love countless times that night. Nagbalik sa kasalukuyan ang isip niya when his friend Norman answered his call.
"Yes Dylan? Napatawag ka pare?" Bungad nito ng sagutin ang tawag niya. "I badly need your help bro." Turan niya rito and feeling so desperate to know the truth. "Oh, ano namang help ang kailangan mo sa akin? Don't tell me you need a woman hahaha" Pabirong litanya pa nito na ikina tawa naman niya ng pagak. "Ulol, hindi babae ang kailangan ko. I'm on my way diyan sa clinic mo may ibibigay ako and I need a DNA examination."Diretsong saad niya na ni hindi na rin hinintay ang sagot nito. Alam naman niyang naroon ito ngayon sa Clinic nito kaya doon na siya dumiretso para ibigay ang blood sample ni Gavin na ipinakuha niya sa isang doctor kanina.
"Hey man! Your so quick nandito na ka na agad." Norman uttered smirking sabay taas ng palad para makipag highfive, dumiretso na siya sa private office room nito at ni hindi na rin kumatok. "Here. I want a result as soon as possible bro, with my DNA." He told him directly sabay abot sa hawak na blood sample. "What the fuck! Are you serious? The result may take two fuckin weeks pare." Nanlalaki ang matang turan nito sabay iiling-iling pa. "I'm willing to pay extra Norman I really wanted to know the result as soon as possible time." He told him matter of factly and urge him to priorities his request. Norman stare at him grinning but he nodded as a response. "Who would refuse the business magnates son." He even uttered sabay kamot sa bumbunan. "Thanks buddy, I owe you. I leave everything to you and please call me immediately as soon as the result is out." Aniya sa kaibigan bago saglit na nakipaghuntahan dito and leave his clinic afterwards.
He decided to just spend the night sa kanyang condominium unit sa Q.C at bukas ng maaga siya ulit babalik sa Tanay Hospital para sa gagawin niyang blood donation for Cassandra's son. He never got the chance to see the kid on his own eyes kaya hindi niya alam ang itsura nito. Nang nasa bahay na siya ay ang pinsan naman niyang investigator na si Alex ang tinawagan niya. He already told him to search for that woman the day after the plane crash accident and he wanted to know kung may nalaman ba siya sa pagpunta nito roon sa lugar na sinabi niya rito. That cottage belongs to his grandparents na sadyang ginawa niya noong hide away at doon siya nagpupunta kapag kailangan niyang magrecharge ng lakas or to get away from everyone, but they need to sell the property dahil na rin sa kagustuhan ng mommy niya at mga kapatid nito when the old folks passed away. She said that they won't be needing that property anymore kaya wala na rin siyang nagawa noon but to let it go. But that memory never leaves his mind and that woman na ngayon ay mukhang natagpuan na nga niya muli.
Pinupapunta niya si Alex sa kanyang condo para personal na makausap and after about an hour ay narinig na niyang nag doorbell ito. He hurriedly open the door at pinapasok ang pinsan na may dala pang alak.
"Hey bro." Alex greeted while smiling playfully at nakipag fist bumped pa sa kanya. "Come in, sana nagdala ka na rin ng pulutan. You know I don't have stock of food here." He said joking. "Relax pare I can order food and let them deliver here." Sagot naman nitong dinala ang alak sa kusina para agad buksan. "So tell me ano na ang balita sa ipinapahanap ko sa'yong babae?" He asked him straight at wala na ngang sinayang na sandali. "Well base sa pagtatanong-tanong ko sa mga staff ng resort na may ginanap nga noong beach wedding. It's a certain Joshua Gonzaga and Naomi Ramos ang kinasal that day. Nakuha ko din ang mga listahan ng mga guest at wala namang Fiona ang pangalan doon, kaya nga baka hindi talaga iyon ang totoong name nung babae." Paliwanag ni Alex ukol sa ginawa nitong pagkuha ng Impormasyon. Napahimas siya sa kanyang baba at nahulog sa malalim na pag-iisip. "I know that, but there's this woman na nakilala ko recently who happened to be searching for the man who get her pregnant a-and I want to find out kung ako ba ang lalaking hinahanap niya and if it's possible that I get her pregnant before." Tuliro ang isip niyang turan habang hindi pa rin makapaniwala sa mga pangyayari na posible ngang siya ang ama ng anak nito. "Whoa! Seriously pare, ibig sabihin hinahanap ka rin ng babaeng iyon at nabuntis mo pa siya noon?" Iiling-iling na balik-tanong nito sa kanya while her eyes widen in disbelief. "That's why I wanted to know the result of the DNA sa amin ng bata. Oh Christ, how stupid can I get na hindi inisip noon that I might get her pregnant." Muli niyang sambit. Kumuha si Alex ng baso at nagsalin ng alak and handed the other one to him. Agad niya iyong tinungga ng diretso while thinking of the possibilities that may occur kapag napatunayan ang hinala niya. He doesn't even know how to approach Cassandra if ever. "Bro you have to be prepared dahil kapag nagkataon malaking gulo 'yan lalo at balak mo na sanang magpropose kay Lucile." Saad pa ni Alex na lalong nagpasakit ng ulo niya. "I wish I am wrong pare. The child is going through an serious illness and I couldn't imagine how heart breaking it was i-if I was his real father." Segundang aniya sa malungkot na tinig. He felt sorry for Cassandra's son dahil sa murang edad nito ay nagkaroon na ng malubha at seryosong karamdaman.
Tinapik ni Alex ang balikat niya saka nila ipinagpatuloy ang kanilang usapan habang umiinom.
*****
Samantala ay hindi naman pumayag si Cassandra nang sabihan siya ng mga magulang niyang umuwi na muna para makapagpahinga. Ayaw niyang iwan doon ang anak niya kaya tigas siyang tumanggi. Sa halip ay ang mommy na lamang muna niya ang umuwi while her dad stays with her. Nag-angat siya ng mukha ng maramdaman niyang tinapik siya sa balikat ng dad niya. "Tatagan mo 'yang loob mo anak, alam kong labis kang nahihirapan sa sitwasyon ng anak mo but you need to be strong for him, sa'yo siya huhugot ng lakas para lumaban Cassandra kaya sana 'wag kang susuko." Her dad said that made her cry again. Mugtong-mugto na nga ang mata niya sa kaiiyak dahil sa halo-halong emosyon. She was worried, terrified, anxious and guilty all in one. Kung maari nga lamang sanang ilipat niya ang sakit ni Gavin sa kanya ay ginawa na niya. But she couldn't do that. Isinandig niya ang ulo sa balikat ng daddy niya at doon pansamantalang ipinahinga ang pagal na katawan. She closes her eyes but the tears just couldn't stop falling. "I can't forgive myself if something bad happened to my son daddy." Mahina niyang usal while still sobbing. Her dad hugged her saka tinapik-tapik ng mahina ang likod niya. "Walang masamang mangyayari sa apo ko anak, just like you sobrang tapang ni Gavin, kaya tahan na sama-sama tayong lalaban para gumaling ang anak mo." Pang-aalo pa nito that atleast calm herself down. She rest and settled in her fathers shoulder for awhile to recharge and told herself that she will not give up for her child.
*To be continued*
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro