Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 75

"Ha? ano? papaano mo nasabi?" nagtatakang tanong niya sa akin.

"Pamula ng marinig ko ang pangalan na sam hindi na to umalis sa aking isipan hanggang dumating sa puntong napapanaginipan ko na ang tawag sa akin ay sam at iba yung mukha ko"

"Kuya tulungan mo ako alamin kung sino ba talaga si sam. Baka si sam ay a-ako" Hindi ko napansin na umiiyak nanaman ako. Biglang tumayo si kuya at nilapitan ako para punasan ang luha ko.

"Oo naman tutulungan kita" Nakangiti niyang sabi sa ain kaya tumayo ako para yapusin ko siya.

--------------------

"Saan ba tayo pupunta kuya?" tanong ko sa kanya dahil ginising niya ako ng napaka aga.

"Ipapakita ko lang sana sayo kung saan ka unang nakita ni mommy" Bigla ako nakaramdam ng iba't ibang emotion dahil sa sinabi ni kuya.

Handa na ba ako makita ang lugar na iyon? May maalala kaya ako kung makikita ko yun? Pero papaano kung may maalala ako?

"Uy Alexa! Tayo na!" Natauhan naman ako dahil sa sigaw ni kuya kaya sinundan ko na siya.

-------

Pabalik na kami ng bahay. Nakita ko ang lugar kung saan ako nakita ni mommy. Wala akong naramdaman at wala rin ako naalala.

"Oh! Nandiyan lang pala kayong dalawa eh. Kakain na, kaya pumasok na kayo" Salubong saamin ni jiro.

"Bilisan ninyo mukhang masarap yung nilutong umagahan ni miko eh hehehe" Natutuwang sabi ni jiro saaming dalawa.

-----

Complete na kaming lahat dito sa hapagkainan hinihintay nalang namin si miko sa kanyang nilutong ulam.

"Ang bagal naman" Pagrereklano ulit ni jiro. kanina pa kasi siya nag wawala dahil ang bagal daw ni miko.

"Oo na eto na oh!" Napatingin kami kay miko na may daladala at mukhang yun ang ulam namin.

Inilagay niya ito sa lamesa at dahil sa gutom na gutom na ata si jiro ay siya na ang nag bukas nito kaya umalingawngaw ang amoy nito pagkabukas ni jiro. Ang bago naman.

"Ano yan hipon?" Nagtatakang tanong ni april.

Parang may naalala ako sa salitang hipon.

Ano kaya yun

"Pft... Hahahahha" Nasa kalagitnaan na kami ng aming pagkain ng biglang tumawa si miko na aming naman ikinagulat.

"Pare baka may sakit kana ha! Dalhin na kaya namin ikaw sa mental kasi kahapon nag panggap kang nalason dahil sa niluto mo ngayon naman natawa ka magisa okay ka lang ba?" Nag tatakang tanong ng aking kapatid kay miko.

"Hahahhahaha so-sorry guys ha!" Natatawang sabi niya saamin.

"May naalala lang kasi ako dito sa kinakain natin hahahha. That face!" Natatawa nanaman niyang sabi saamin.

"Ano naman naalala mo?" TAnong ni jiro sa kanya.

"Hahahahaha kayo ni sam" Dahil sa sinabi ni miko ay nasamid si jiro. Bakit naman siya nasamid anong meron?

"What? d ko gets" Biglang sabi ni kuya kay miko.

"Ano kasi gan-" Naputol ang sasabihin ni miko dahil biglang nag salita si jiro.

"Wag mo nang ikwento sa kanila!" Sigaw ni jiro kay miko.

"Magandang alam rin nila yun. Eto kasi yun nag bakasyon kasi kami noong grade 9 kami so last year yun sa kadahilanan na kaylangan ng grupo namin na mag practice at kami yung mga grupo except sa dalawang babae na iyan tas kasama yung kabilang section at yun yung mga taong nasa hospital yung tumulong ba sayo alexa. Edi sa isang bahay kami natulog para sa dalawang linggo, sa bahay ninda jayson yun" Pagkwekwento ni miko saamin ng biglang umepal si eightan.

"Hindi ba kinda jaycob yun? hindi kinda jayson" Sabi ni eightan. hmmm... Jayson para narinig ko na ang pangalan na yun ah. Saan ko ba yun narinig.

"Basta! sa kanilang dalawa yun magkapatid sila ah! Balik na nga lang sa kwento ko. Hindi pa kami ganon katagal sa bahay nila ng biglang may ginawang kabaliwan si sam hahahhaha hindi namin alam kung bakit nag kaganon siya noong araw na yun na parang lasing at kung ano anong sinabi saamin. Ang hindi ko talaga makakalimutan eh yung tinawag na hilon ni sam si jiro tas eto pa heheheheh" Natatawang sabi niya saamin at tumigil siya sa pagkwekwento. Tumingin siya kay nickol kaya nag taka naman kaming mga hindi pa nakakaalam noong kinukwento ni miko.

"Wag kang magagalit ha!" Sabi ni miko kay nickol kaya pinagtaka ni nickol ang sinabi sa kanya ni miko.

"What?"

"Noong araw kasing yun duon na kiss ni sam si jiro hahahhaha yung mukha nga ni jiro noon hindi maipinta diring diri na ewan" Pagtatapos niya sa kanyang kwento. What the! seryoso ba siya na hinalikan ni sam si jiro? Hipon??? Bakit niyang tinawag na hipon si jiro anong meron? hindi naman siya pangit para tawaging hipon diba?

"Itikom no na nga lang yag bunganga mo baka ikaw pa ang dahilan kung bakit kami mag bebreak ulit ni nickol eh!" Sigaw niya kay miko. Ulit? Anong ibigsabihin niya sa salitang ulit?

"Mga nasa utak mo talaga miko. Naalala ko tuloy eh hahahahha" Natatawang sabi naman ni eightan. Kawawang jiro pinagtutulungan ng dalawa niyang magaling na kaibigan.

Si kuya naman mukhang hindi siya natuwa duon sa kwento ni miko dahil hindi manlang siya tumawa. Napatingin naman siya saakin.

"Bakit?" tanong ko sa kanya.

"Wa-wala" Yan lang ang nasabi niya saakin.

Nagpatuloy nalang ako sa aking kinakain.

-----------

(Alex)

Bakit ganon parang may kulang at ano iyon?

--------

(Alexa)

Umaga na kaya napagisipan ko mag walis sa labas tutuusin naman wala naman akong gagawin ngayong umaga.

Habang abala ako sa pagwawalis ay bigla kong naalala ang pangalang jayson at hipon na binanggit ni miko kagabi noong nakain kaming lahat ng hapunan.

Diba siya yung....

-------

"Kuya!" Sigaw ko sa kaniyang pangalan. Nasa likod siya ng bahay at mukhang nag iimis ng kalat.

"Oh? Bakit?" Tanong niya saakin.

"Si jayson. Kilala ko siya, nakilala ko siya noong pumunta ako sa school pero wala namang pasok. Tinanong niya saakin kung kilala ko daw si sam o kung nakita ko ba daw siya, hindi kaya may alam siya tungkol kay sam?" Sabi ko kay kuya.

"Ha? Ano?" Nagtatakang tanong ni kuya. Ano talaga kuya nakikinig ba siya.

"Malay mo kilala ni jayson si sam if ever si samantha lim ang sam na tinutukoy niya hindi ko kasi alam ang full name niya. Kaya pwede tayo kumuha ng impormasyon sa kanya kung si sam nga talaga ang tinutukoy niya" Pagpapaliwanag ko kay kuya.

"Hindi nga natin kilala yung tao pati saan ba yun nakatira, Bakit alam mo ba?" Tanong saakin ni kuya kaya umiling lang ako.

"Edi mag tanong tayo. Kay miko tayo magtanong alam naman niya eh hindi ko ba narinig pumunta daw sila dati sa bahay ni jayson ah"

"Edi tanungin na natin ngayon"

"Eh tapusin muna kaya natin ang pagiimis" Sabi ko sa kanya. Dahil hindi pa naman talaga ako tapos sa pagwawalis dahil sa kadahilanan na naalala ko kung sino si jayson at kung saan ko siya nakita, pati din naman siya hindi pa tapos sa pagiimis niya.

Napapansin ko na parang ang bilis magkakalat dito, anong meron hahahha.

-----

(Eightan)

Tatawagin ko sana si alex para tanungin kung saan ba nakalagay yung kanyang charger heheramin ko sana pero hindi ko na siya tinawag pa ng makita ko siyang kasama si alexaat narinig ko lamang ang kanilang pinaguusapan.

Bakit hinahanap nila si sam? Impormasyon tungkol sa kanya bakit?

Bumalik nalang ako sa loob ng bahay para uminom ng tubig gumugulo ngayon saaking isipan ang mga narinig ko kanina.

-------

(Alexa)

Apat na araw na ang lumipas ng makarating kami dito at bukas na kami uuwi last day na namin ngayon araw dito pero wala parin akong naalala mukhang hindi naman ata mahalaga ang lugar na ito saakin kung ako nga talaga si sam.

Naitanong na din namin kay miko kung saan nakatira si jayson kaya pagkauwi namin bukas ni kuya ay agad kami pupunta sa bahay niya.

Nagtaka nga siya saamin dahil bakit daw namin iyon tinatanong. Sasabihin ko sana sa kanya yung totoo dahilan ng pigilin ako ni kuya at ibang dahilan ang kanyang sinabi.

Pagkatapos noon ang sabi saakin ni kuya ay wag ko muna daw sabihin na kahit sino kung ano ba ang pakay namin kung bakit tinatanong namin kung sino ba talaga si sam baka daw kasi totoo ang hinala ko na ako nga si sam. At kaylangan muna daw namin malaman kung bakit nawala si sam bago namin sabihin sa iba yung dahilan.

"Kung ikaw nga si sam edi ibig sabihin may naging kaaway ka noon dahil sa natamo mong mga sugat na halos hindi na makilala ang mukha mo tas may sugat sugat kapa sa katawan" Sabi saakin ni kuya.

Nandito kami ngayon ni kuya sa kwarto ko at pinaguusapan namin ang tungkol kay sam, na ako ata.

"Ano bang nangyari sayo noon. Kinuwento saakin kasi ni mommy kung anong itsura daw ng una ka daw niyang nakita. Gusto mo bang talagang malaman kung sino ka noon? Hindi naman sa ayaw kong malaman mo ang totoong ikaw noon. Para kasi... Hindi ko maipaliwanag" Sabi saakin ni kuya.

"Hindi ko alam kuya. Nalilito ako gusto ko na malaman ko kung sino ba talaga ako eh may naalala nga namanako kaso kulang kulang naman. Hay nalilito ako kuya. Siguro kung may maalala naman ako sa nangyari talaga saakin, kung bakit ako nagkaroon ng malakis sugat saaking mukha" Sabi ko sa kanya.

Sinabi na din saakin ni kuya yung about sa mga sugat na natamo ko noong una daw ako nakita ni mommy syempre sabi ni kuya wag daw akong magugulat sasasabihin niya tas kung gusto ko ba daw malaman kaya sinabi ko sa kanya oo gusto kong malaman hindi naman habang buhay ganito ako syempre malalaman ko din ang mga ganang bagay.

Gusto ko nang umuwi para maitanong ko na kay jayson kung anong nangyari kay sam kung sino ba talaga si sam.

------ To be Continue.....

January 3 2019

Hi sorry kung ngayon nalang ulit ako naka ud wahahhaha nalito ako ng kaunti duon ah nakalimutan ko na kasi masyado yung story pero promise tatapusin ko na din ito.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro