Chapter 72
So sino siya?
Ngumisi naman yung mga kaybigan ng kapatid ko except kay liza na masama lang ang tingin na parang natatakot siya, Napansin ko din yung bagong dating na babae ay kay liza agad siya tumingin at hindi ako sure sa nakita ko kung ngumisi nga siya pero ang bilis ng pangyayari eh.
"Oh tignan ninyo kung sino ang dumating!" Sabi ni nicko.
"Ano naman ginagawa mo dito? Mukhang naligaw ka ata ah!" sabi naman ni ranz
"Shut up okay! I am just here because of my bf sister okay" Maarteng sabi niya. Pambihira na babaeng to liit na liit ang arte ay.
"Kayo nga dapat tanungin ko eh bakit kayo nandito?" Hindi ba siya na inform na kami tumulong duon sa babae ha!
"Bago namin sagutin yan, Nasaan si sam!" Duon ako biglang naging seryeso dahil sa sinabi ni sed.
Napansin ko nagulat yung kasamahan noong babae at pati siya ay nagulat.
"A-ano?" Nauutal na tanong niya sa mga kaybigan ni liam.
"Wag nga kami April alam namin yung totoo, pati eightan kala mo makakatakas ka" Sabi ng kapatid ko sa kanila. Ano ba alam mo liam na hindi mo sa akin sinasabi tungkol kay sam?
Napansin ko nanaman si april na tumingin ng masama kay liza ngayon hindi na mabilis kundi mabagal na at kitang kita ng dalawa kong mata.
"Ano bang mga pinagsasabi ninyo ha!" Sigaw naman noong kapatid noong babae na tinulungan namin.
"Hayaan mo muna sila wag ka muna makielam!" sabi ng kaybigan niya sa kanya.
"Pero..." Hindi na din siya umimik pa, parang gusto rin niya malaman ang totoo kaya tumahimik nalang siya.
"Magandang malaman natin ang katutuhanan na kompleto tayon hindi yung kulang kulang lang, pati ano ginawa ninyo kay ian? Ang tagal ko nang nag hahanap ng pagkakataon kung kaylan ko sasabihin sa inyo at ngayon dumating na yung araw" Sabi ng kapatid ko.
Bakit hindi mo manlang sinabi liam? Bakit mo ba ako pinauwi? Pero saglit nga lang sino ba si ian?
"Ha? Nag papatawa ba kayo? ano bang kalokohan yang mga sinasabi ninyo? Alex maniniwala kaba sa sinasabi ng mga yan ha?" Tanong niya duon sa kapatid ng babae na tinulungan namin.
Parang gusto niyang lumapit duon sa babae pero pinipigilan siya ng isa niyang kaybigan na lalaki.
"A-ano bang pinagsasabi nila na tungkol sayo? pati sayo din eightan? Ano ba ang hindi ko nalalaman ha?" Sigaw niya sa dalawa niyang kaybigan.
Kanina pang walang kibo yung lalaki na ang pangalan ay eightan.
Saglit ang katahimikan at naghihintay sa isasagot nila at sa wakas umimik na yung lalaki.
"Ano totoo niya-" Naputol ang kanyang sasabihin ng pigla siyang pinatigil noong babae. Nagulat naman ako ng biglang sugudin ni liam si eightan at kinuwelyuhan niya ito.
"Sabihin mo na kasi yung totoo!!" nanggagalaiting sabi ng kapatid ko sa lalaki. Pinigilan silang dalawa ng mga kaybigan nila.
"Hindi kaba naawa sa ginawa ninyo kay sam ha!" Naiiyak na sabi ng kapatid ko, ngayon ko lag muli siyang nakita na naiyak ng ganito pero ngayon dahil sa babae. Hindi ko alam pero kusng gumalawa ang aking paa apunta sa kanya at niyapos ko siya para siya ay tumahan.
"Shhhh..... Liam tahan na, okay langyan" Kitang kita ko sa kanya ang bumabalot na galit at puot. Napansin ko naman si liza na parang nanginginig at duon nalang siya nawalan ng malay kaya agad naman siya pinuntahan ng mga kaybigan nila pero si liam hindi niyang kayang puntahan si liza dahil siguro sa panghihina.
At duon na biglang tumakbo palabas si april pero yung lalaki na ang pangalan ay eightan ay naiwan lang at nakatungo, narinig namin ang pagbulong niya sa salitang sorry.
-------------
(Alexa)
"Musta kana?" Tanong sa akin ng babae na hindi ko naman kilala. Hmmmm. Siya nanaman yung babae na nasa panaginip ko wag mong sabihin na nananaginip ako.
"Ano bang kaylangan mo?" Agad na tanong ko sa kanya, baka bigla nanaman siyang umalis. Katulad lang ng dati wala parin siyang mukha.
"Hmmmmmm..... Kilala mo ba kung sino ka talaga?" Tanong niya sa akin.
"Oo" Hindi pa ako nag dalawang isip.
"Hindi ako naniniwala sa sagot mo" Sabi niya at bigla nalang siya nawala.
Pero biglang napalitang ang paligid ko ng ibat ibang kulay, parang........... Alam ko to ah............hmm............... Saan ko ba to nakita............... Sumasakit lang ang ulo ko kapagpinipilit ko maalala pero gusto ko malaman kung saan ko ba itonakita.
"Hay nanaginip nanaman ako" Bulong ko sa aking sarili.
Nasaan ba ako? Ang nakikita ko lang kasi anay puti tas tv sa unahan ko tas saright side ko ay pintuan tas sa left side ko naman ay bintana.
Bakit ba ako nakahiga?
Bumangon na ako at lalabas na sana ako ng may marinig ako na nagsisigawan sa labas at narinig ko nanaman yung pangalan ni sam.
Sino ba talaga siya.
Hindi muna ako lumabas at nakinig lang ako sa kanila.
----------------
Hindi ko alam pero para nanigas ako sa aking kinauupuan habang pinapakinggan ko sila.
Parang ma-may naalala ako, pero hi-hindi malinaw. Hindi ko naramdaman na tumulo na pala ang mga luha ko. Ba-bakit ba ako naiyak?
BAKIT!!!!
---------------
(Alex)
Hindi ko alam ang kanilang pinag sasabi. gusto ko malaman kung ano ba yung mga pinaguusapan nila.
Hindi ko naman aakalain na magkakaganito eh kung hindi ko sana sila pinapunta dito edi sana hindi magkakagulo.
Ang totoo kasi niyan hindi ko nakita si alexa sa school kaya nag patulong ako sa mga kaybigan ko na hanapin siya tas may biglang nag ring sa cp ko at yun nga yung tao tumulong kay alexa, tas sinabi ko sa kanila kung ano nangyari kay alexa at kung nasaan siya. Kahit sabi kong ako nalang ang pupunta ay gusto parin nila pumunta tas ang sunod na nangyari noon ay nagkagulona yung mga kaybigan noong lalaki tumulong sa kapatid ko at yung mga kaybigan ko.
Bigla naman sila nag kagulo yung mga kaybigan noong lalaki na tumulong sa kapatid ko dahil bigla nahimatay yung kaybigan nilang babae.
Ano paba ginagawa ko dito kumawala na ako sa pagkakahawak sa akin ni miko. Kanina pa niya kasi ako pinipigilan eh. Si april bigla nalang umalis pero mas mahalaga si alexa, pero walang sumunod sa kanya.
Kung tama ako eto yung room niya binuksan ko na yung pintuan pero walang tao nakahiga sa kama. Ng may marinig ako na parang may naiyak ay napatingin ako sa gilid ko kung saan galing ang naiyak.
"A-alexa?" Nagtatakang tanong ko.
Agad ko siyang nilapitan.
"Okay ka lang ba? Anong nangyari sayo? Mayginawa ba silang masama sayo?" natatarantang tanong ko sa kanya. Umiling lang siya at bigla niya ako niyapos.
"Ku-kuya parang ma-may naalala na ako" Naiiyak na sabi nia sa akin. Hindi ko maintindihana ang kanyang sinasabi.
-------------------
(Eightan)
Matapos ang nangyari kanina sa ospital ay sabay sabay na kami umuwi except kay alex na kasama ang kanyang kapatid.
Hindi ko alam kung ano gagawin ko ng sabihin ni liam yun saamin pa-paano niya nalaman? may nag sabi ba sa kanya? pero..........
Gulong gulo ang aking utak dahil sa mga nangyayari.
"Eightan okay lang yan alam naman namin na wala kang ginawang masama" Bigla ako napatingin sa akin katabi na si miko. Hindi ko ba alam kung matutuwa ba ako sa sinabi niya.
-----
Dumaan ako sa bahay ni april. May gusto ako itanong sa kanya. Bakit kaya siya nadamay? Pero saglit lang hindi ko naman kasalanan ang pagkawala ni sam ah? Ang alam ko na may nag utos sa akin noon, noon ng biglang mawala si sam.
May nag utos sa akin ng gabing iyon na tawagin si sam at papuntahin sa lugar na iyon hindi ko alam kung bakit ko ba siya sinunod at dumating ang sumunod na mga araw ay saka namin nalaman na nawawala na si sam.
Pero wala namang patunay na kasalanan ko, eh kung hindi ko siya pinapunta sa lugar na iyon sa araw na iyon siguro buhay pa siya pero wala pa naman nakakakita sa katawan niya pamula nang araw na iyon kaya may pagasa pa na buhay pa siya pero nasaan na ba talaga siya?
Kainis gulong gulo na ako.
Nasa tapat na ako ng bahay ni april kakatok na sana ako ng bigla ito mag bukas at nakita ko kaagad si april na wala ka emoemotion ang kanyang mukha.
To be continue...........
-------------------
November 3 18
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro