Chapter-39 (Day-14)
(Sam)
"Hala paano ako nakapunta dito?" Nag tatakang tanong ko saaking sarili paano naman kasi nasa higaan na ba ako.
Ang alam ko kasi nasa labas kami ni nicko tas umiyak a-ako? Sa kanya? Tama ba....Pero papaano nga ba ako napapunta dito?
Bumangon na ako para tignan kung ako nalang ba ang nandito sa loob, At oo nga ako lang pala. mukhang maaga sila nagising ah. Makaligo na nga para deretsyong kain na ako sa baba.
Mukhang maganda ang pakiramdam ko ngayon ah. Hindi ko nga alam kung bakit?
------------------------------
(Ranz)
Pagkababa ko ng hagdanan ay pumunta ako sa kusina para uminom ng makita ko si nicko na mag isa nakaupo.
"Huy bat ka nandiyan?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Ha?! Ano?" Lutang nanaman ang kanyang utak kanina pa yan eh.
Hindi ko nga alam kung bakit siya nag kakaganan.
Kumuha na ako ng tubig sa may refrigerator ng bigla naman dumating si sam.
"Uy! Ranz bat pala nasa kwarto ako?" Tanong niya saakin.
Ano daw?
"Ano?" Nagtatakang tanong ko sa kanya abay hindi ko naman naintindihan yung tanong niya eh.
"Sabi ko bat nasa kwarto ako sino nag dala saakin duon"
"Bakit nasaan kaba kahapon?"
Bigla naman tumayo si nicko sa kanyang upuan at umalis na.
Ah.....Alam ko na.
"Ah yun ba tanong mo kay nicko baka alam niya" Matatawa sana ako buti nalang at napigilan ko.
"Ah ganon ba sige" Sabi niya saakin at hinabol niya si nicko.
Hahhahahaha saka ko lang naalala yung nangyari kagabi. Paano naman kasi umuwi silang dalawa na nasa likod ni nicko si sam at buhat buhat. Kaya nagulat kami kung ano nangyari kay sam yun pala nakatulog daw ha!
Kaya kagabi napatingin ako kay eightan kung ano ba ang expretion niya pero parang wala lang sa kanya. kaya nakakapag taka naman yung halik na hindi naman ginusto ni sam at dahil yun kay eightan pero bakit nga niya ginawa iyon. Nehhh.....Mulay ko sa kanila. Bahala sila sa mga buhay nila.
-----------------------------
(Miko)
Hindi ko masyado na subaybayan ang mga kinilos ni eightan kahapon paano naman kasi kung nasaan si sam nanduon siya kaya yun kinukuha niya yung mga pinapautos kay sam noong iba tas bigay naman saakin ni eightan napaka galing ay.
Ganan ba yung pagliligaw.
Oo alam namin na nililigawan ni eightan si sam paano naman kasi namin nalaman eh kung nasaan si sam at pag nanduon kami lagi sinasabi ni eightan kay sam na liligawan niya daw ito. Pero anong klaseng ligaw yung ginagawa niya.
Kagabi nga ni hindi manlang siya nagalit o nag tampo manlang kay sam. Kaya may kakaiba sa kanya dahil hindi ganon ang mga taong nanliligaw sa isang babae.
Kaya positive ako na may kakaiba sa kanyang mga kinikilos.
-------------------------
(Sam)
Nasa 4rth floor na kami at magtatanghali na pero eto parin ako at kinukulit si nicko kung paano ba ako napapunta sa higaan.
Ayaw kasi niyang sabihin kung paano ako napapunta sa higaan. Ang sinabi lang niya ay Ah......Eh..... kulang nalang ay kompletuhin na niya yung ah eh ih oh uh eh......Hahahhaha.
okay fine ayoko na mangulit pagod na ako kaya mag prapractice nalang ako kung ayaw niyang sabihin edi wag.
Okay lang saakin ang mahalaga ay nandito parin ako.
"May sasabihin ako" Sabi saamin ni jaycob.
"Pagkabalik ni jayson mamaya ay aalis na tayo bukas ng madaling araw kaya kaylangan na ninyo mag imis na ng mga gamit ninyo. para sa madaling araw ay ilalagay nalang natin ang mga bag natin sa sasakyan" Ano last day nanamin to ang daya naman. Hahahhaha para ako bata nito ay na- . Nako masasabi ko nanaman ang salitang iyon buti nalang at napigilan ko yung sarili ko.
"Pati kaylangan na din mag practice ng panlaban ng black rose 9 ng prince si prince sed whoooooo!!!!" Sigaw naman ni nicko.
"Wag masyadong oa nicko napaghahalataan ka niyan eh. Hindi lang naman si sed ang mag papracpractice pati si jayson at si jiro. Kasala sila, Kaya maari hindi tayo makapag practice bukas at sa susunod na araw eh pagkatapos na araw na iyon ay acquaintance party na natin kaya kaylangan natin ibuhos lahat ngayon ang pagprapractice natin kahit kulang tayo ng isa" Derederetsyong sabi niya saamin.
---------------------
(Nicko)
Gising nicko!!!.
Gumising ka nga para kang tanga ay gising gumising ka sa katotohanan nicko!!!!!
Magkaiba kayong dalawa siya yung lupa ikaw yung langit. Ha.....Ano Nababaliw na ata ako. Ano ba ito iniisip ko makainom na nga lang ng tubig.
Habang nainom ako ng tubig ay may lumapit saakin kaya napabuga ko yung tubig na nasabunganga ko kay ranz.
"Ano ba ha! Kidiri kanaman nicko ay!" Maarteng sabi niya sa akin abat bakla ba itong isang to. kung maka react wagas ay.
"A-ayos kalang nicko?" Tanong niya sa akin. Sino edi yung may kasalanan kung bakit ko nabugahan ng tubig si ranz, Si suplada lang naman.
"Oh? Ano ba yun!" Naiinis na sabi ko sa kanya.
"Galit?!"
"Hindi. Ano ba kasi yun?"
"Kanina kapa kasi tinatawag ni jaycob sa first floor"
"Bakit niya daw ako tawag?"
"Aba malay ko. Ang alam ko eh may sasabihin ata sayo mahalagang bagay" Sabi niya saakin kaya pumunta naman ako sa first floor para hanapin si jaycob.
---------------------------------------
(Sam)
Hinintay namin bumalik yung dalawa at saka kami mag uumpisa ulit mag practice. sino tinutukoy ko si nicko at si jaycob.
Sobrang tahimik dito sa 4rth floor parang may kakaiba. Hindi ko nga alam kung magkakagalit ba sila paano naman kasi mag kakahiwalay ba este ang lalayo ng kanilang agwat.
Naalala ko tuloy yung text saakin ni ian. Hindi ko parin nasusubukan tawagan siya.
Ilang minuto ang lumipas ay saka sila nag pakita na mga sersyoso ang mga mukha nila. So ano ang pinagusapan nila?
"Game na tayo guys para makapag pahinga na tayong lahat" Sabi saamin ni jaycob kaya pumunta na kami saaming pwesto.
Hindi ko alam pero may kakaiba sinabi si jaycob kay nicko dahil sa kinikilos ni nicko ngayon.
----------------------
Sa wakas natapos na din.
Humiga ako saakin higaan at napapikit nalang.
Ang bilis ng oras hindi ko aakalain na matatapos namin ito at hindi ko aakalain na makakasali ako sa kanilang banda.
"ANO BA EIGHTAN SABIHIN MO NA KASI YUNG TOTOO!" Nagulat ako ng may biglang sumigaw buti nalang at hindi ako gumagalaw kung hindi mabubuking ako.
"ANO PROBLEMA MO HA!" So baka si eightan naman yung sumigaw ngayon sino naman yung isa. Hindi ko pwede imulat ang mata ko baka akalain nila ay nakikinig ako. Eh ano nga ba ginagawa ko diba nakikinig na nga ako sa usapan nila hahahhaha.
"ANO BA KASI YUNG PINAPLANO MO. SANA NAMAN KUNG ANO YAN. HINDI YAN MAKAKASIRA NI ISA SA ATIN!"
"HA? ANO BANG PINAG SASABI MO NA PINAPLANO HA? HINDI KITA MAINTINDIHAN MIKO!" Eh si miko an kausap niya. Bakit sila nag aaway. ano naman ang pinag sasabi ni miko na pinaplano ni eightan na hindi dapat makakasira ni isa sa atin ano yun?
So ano bang gagawin mo sam makikiawat ko o hihiga ka nalang na ganito ha?
Babangon na sana ako ng bigla naman sila lumabas. Paano ko nasabi naramdaman ko hehehehe.
----------------------
Nagimis na ako ng aking gamit. Kahit na masyadong maaga pa eh kaylangan eh para hindi kagulo mamaya. Para duon ako sa may bintana bukas hahahha isang takbuhan lang pababa hehehehe.
Miss ko na si ate Y huhuhuhu........ Gusto ko ikwento sa kanya yung mga nangyari saakin.
Pagkatapos ko magayos ng gamit ay bumaba na ako para kumain. Gutom na gutom na kasi ako sana nga may pagkain nang luto.
Hmm.....Saka lang sumagi saaking isipan kung sino nga pala nag himpil kahapon? Neh.....
Pagkapunta ko sa kusina ay hatdog lang ang ulam kaya keri na yan.
Pagkakuha ko ng pagkain ko ay umupo na ako.
Nakailang subo na ako ng bigla may dumating.
"Sam!" Napatingin naman ako sa kanya.
"Bakit?!" Naiinis na sabi ko sa kanya. Paano naman kasi last na subo ko na eh biglang may eepal.
"Bukas mag sisimula na ang panliligaw ko sayo. For sure you will be mine" Ano daw?
May for sure pa talaga siyang nalalaman.
"Bahala ka sa buhay mo kung yan ang gusto mo" Sabi ko kay eightan at saka ko kinain yung last na subo ko.
Tsk siya mag seseryoso sa isang tulad ko. Tama na yung ginawa niya saakin sa may elevator alam ko na isa lang yun malaking kalokohan. Kaya kahit anong gawin niya hindi niya ako maloloko at mapapaniwala sa mga katangahan na gagawin niya. Makapag himpil na at makatulog na para maaga ako makagising.
To be continue.......
--------------
Vote and comment
April 18 18
PAALALA:
SORRY KUNG MAY MALING SPELLING O MALING TYPE AKO I EEDIT KO NALANG PAG NATAPOS KO NA ANG STORY.
NO TO COPY WRITING!
ENJOY READING MGA READERSSSS
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro