Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter-11 (TALKING TO HIM)

(SAM)

Nag madali ako pumunta sa bar ni tita.

(BAR NI TITA)

"Ha... ha......Hay tita bat po??a-ano po iyon?" Hingal na hingal na tanong ko kay tita.

"Marami tayo customer. Eh kanina pa sila nag rereklamo Kung nasaan daw si X eh kahapon pa nga siyang wala eh. Pwede bang-" Hindi ko na itinuloy ang sasabihin ni tita dahil nag salita na ako.

"Okay tita gagawin ko po" sabi ko sa kanya at pumunta na ako sa kanyang kwarto para mag palit ng damit at nag lagay ng contact leans Hindi ko nga diba sinusuot yung salamin ko gawa nang maskara.

Ng okay na ako ay umakyat na ako sa taas sa may back stage.

Ng pag kataas ko ay kitang kita sa mga mukha ng katrabaho ko ang gulat.

"Z Ikaw ba yan?" tanong ni May sa akin.

"Oo. Ano mag umpisa na tayo mukhang galit na yung mga customer natin" sabi ko sa kanya at napatango nalang siya.

Kaya binigay sa akin ni may ang microphone at saka ako pumunta sa stage.

"Hi Guys long time no see!!" sigaw ko sa mga tao napatulala sa akin.

Sandali lang ang kanilang katahimikan at saka nag hiyawan.

"Z.Z.Z.Z HOOOOO!!!!!!"

"Z. NASAAN SI KUYA X?" narinig ko tanong ng isang customer kaya isa isa na silang nag tatanong kung nasaan nga ba siya.

Sino ba si X kanina pa kasi X ng X sila.

Wala naman ako X ah ni hindi pa nga ako nag kaka bf X na kaagad d pwede nasaan si besss hahahhah de joke lang. Baka yung tinutukoy nila ay yung kumanta dito last time.

"Guy easy mamaya sasagutin ko yang mga tanong ninyo. Kakanta muna ako para sa inyo" sabi ko sa kanila at nag sigawan nanaman ulit sila.

Hinintay ko sila tumahimik saka ako kumanta.

-------

(RANZ)

sira ulo talaga tong ken na ito sabi bar oo may mga alak nga eh nasaan yung mga magagandang babae.

Nasaan!!!!.

kabarino ay ano gagawin namin dito iinom lang ng alak tsk ano ba iyan.

lumapit ako sa tenga ni ken para bumulong

"Ken nasaan yung mga babae?" tanong ko sa kanya.

"Ha! anong babae?" ay puta naman oh.

"Ah ayon ba baka mamaya mer-. eh ayan na pala eh"

Napatingin ako duon sa tinuro ni ken sa stage.

Eh putek naman bakit ganon yung suot niya tas may maskara pa siya nalalaman.

"Uy si Z" Narinig ko sabi ng katabi naming table.

"Ay oo nga si Z" sabi naman ng kasama niya.

At saka nag sigawan sila. langya naman oh artista ha artista kung makasigaw ang lala.

"Oy Ken sino ba yan nasa stage" tanong ko sa kanya na abala sa pag lalaro sa cell phone niya.

"Ewan ko ngayon lang ako pumunta dito" eh langya naman pala to eh.

-------

(NICKO)

Nag yaya nang umuwi si Ranz boring daw kasi.

Yung babae talaga kanina parang may kamukha, hindi ko lang alam kung sino pati yung boses niya ay baka wala ang ganda kasi ng boses niya. Pero parang meron talaga siyang kamukha kahit taklob yung taas ng mukha niya parang......

"Oy ang ganda noong boses ng babae no" sabi ni ken sa amin.

"Tsk ewan ko sayo" galit na sabi ni ranz kay ken.

"Okay lang" mayabang na sabi ko.

"Anong okay lang, Bakit magaling kaba kumanta ha" sabi ni ken sa akin.

"Hahahah oo ako pa. Gusto mo ba kumanta ako na-"

"Oy tayo na baka umulan pa"

"Langya ka ken sapakin kita diyan" Sabi ko sa kanya.

"Alam ko naman pre na maganda ka kumanta eh wala kasi kami dala payong kaya pwede bukas nalang" pang aasar ni ken sa akin.

Kala mo maganda yung boses niya.

--------

(SAM)

Nag palit na ako ng damit dahil mag sasarado na si tita.

Ng matapos na ako mag palit ay pumunta na ako kay tita para mag paalam.

"Tita aalis na po ako" sabi ko sa kanya.

"Ah sige ingat ka" sabi sa akin ni tita.

Umalis na ako at nag lakad na pauwi.

(BAHAY)

Mukha hindi umuwi si papa ngayon ah.

Agad ako umakyat sa kwarto ko at nagulat nanaman ako.

Hay nako po lagi nalang ako nagugulat ay.

Hanggang ngayon ba tulog parin siya.
Nilapitan ko siya at inuga uga.

"Hoy giseng hoy!!!" sigaw na sabi ko sa kanya at sa wakas nagising na din siya.

Hinanap ko ang gunting ko para putulin yung mga tali sa paa at kamay niya.

"Anong oras na" tanong niya.

"7:35 pm" sabi ko sa kanya.

Ah ayon sawakas na hanap ko na yung gunting ko agad ako lumapit sa kanya.

"Oh ano gagawin mo ha!!. Hoy ano yan ha!!" tsk ano ba yan.

"Wag ka malikot puputulin ko lang yang tali mo sa paa at kamay" Sagot ko sa kanyang tanong.

"Ah baga. Hindi mo naman agad sinabi"

Ilang minuto ang lumipas ay naputol ko nadin ang mga taling nasa paa at kamay niya.

"Oh pwede kana umalis" sabi ko sa kanya.

"Ha????"Nag tatakang tanong niya sa akin.

"Sabi ko pwede kanang umalis" Pag uulit ko sa aking sinabi.

"Ano pinag sasabi mo dito na ako ngayon titira" Joker pala tong tao na ito.

"Wala ako sa mood na makipag lokohan ha!, Kaya pwede ba umalis kana" Sabi ko sa kanya at itinataboy siya palabas ng kwarto ko.

Pero nag matigas siya at nag salita ulit siya.

"Ano nga pinag sasabi mo sabing dito na nga ako titira" Abat hindi nga nag loloko ang mokong.

"Anong pinag sasabi mo ni hindi nga kita kilala tas dito ka titira ano ka sinuswerte ha" mataray na sabi ko sa kanya.

"Kung ayaw mo umalis okay tatawag nalang ako ng pulis. Hmmmm nasaan ba yung-"Naputol ang sasabihin ko ng bigla siyang mag salita.

"Saglit lang mag papakilala ako at mag papaliwanag na ako kung bakit ako nandito" sabi niya saakin na aakma na ako tatawag ng pulis.

"Sige mag umpisa kana mag pakilala at mag paliwanag" sabi ko sa kanya.

Bago siya nag salita ay umupo muna siya sa aking higaan.

Ang kapal din ng mukha nito eh. Talagang sa higaan ko pa siya uupo.

"Ako si Ian Kakauwi ko lang dito sa lugar na ito noong monday. Nag tratrabaho ako sa bar ni tita yung pinag tratrabahuan mo" Ah bakit pala familiar yung mukha niya siya yung nakita ko.

"At Inaanak ako ng tita mo" Ah.....

"Napunta ako dito sa bahay mo dahil sabi ni ninang yung may ari ng bar"

"Bakit sabi ni tita?" tanong ko sa kanya.

"Ganto kasi yun binigay kasi ni ninang yung adress mo at number sabi niya pag nag karoon daw ako ng emergence at kung wala daw si ninang sa bar eh ikaw daw yung mapag kakatiwalan ko. Eh akala ko nga mabait ka hindi naman pala"

"Hoy hindi ko kasalanan na natali ko yang mga paa at kamay mo no ikaw ba yung bigla bigla pumasok dito sa bahay ko na walang paalam tas sa kwarto ko pa talaga ikaw natulog ha!!!" Galit na sabi ko sa kanya.

"Eh paano naman kasi iniwanan mo ba yung bahay ninyo na bukas kaya pumasok na ako buti nga hindi mag nanakaw yung pumasok"

"Eh saglit nga lang" Sabi ko sa kanya.

"Bakit ka dito titira kong ninang mo pala si tita bat hindi ka duon tumira?" tanong ko sa kanya.

"Eh paano naman kasi gabi na ako umalis duon sa condominium eh pumunta ako sa bar ni tita sarado na kaya na isipan ko na saiyo ako pumunta" Wow yaman nito ah sosyalen.

"Oh may condominium ka naman pala eh bat pumunta kapa dito?" tanong ko sa kanya.

"Pinalayas ako eh" Ow so hindi siya nag babayad hala baka isang.

"Kung ano man yang nasa isip mo hindi ako masamang tao kung masama ako edi sana kanina kapang patay no" hmmm. may point siya.

"Eh nasaan yung mga gamit mo?"

"Hehehe naiwan ko duon sa condominium eh" eh langya pinalayas tas na iwan yung gamit ano yun.

"Kanina pa tayo satsat ng sat sat pwede ba ako makikain?" Tanong niya sa akin.

"Hahah sensya ha mahirap lang ako kaya wala ako pag kain dito" sabi ko sa kanya.

"Ah may malapit ba dito kainan"

"Ah oo"

"Eh tayo na noong sang araw pa ako hindi na kain ay. Saglit nga lang may saklob ka ba diyan?" Tanong niya sa akin.

"Ah oo bakit naman. Aanhin mo?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Kakainin ko!" Pilosopong sabi niya saakin kaya tinignan ko siya ng masama.

"Seryoso kasi!" Naiinis na sabi ko sa kanya.

"Gagamitin ko kasi kaya paheram ako!" Sabi niya sa akin. Kaya pumunta ako sa kwarto ni papa para mag hanap ng saklob ng makahanap ako ay ibinigay ko na sa kanya.

"Oh ayan!" Sabi kosa kanya.

"Uy ganda ah" sabi niya sa akin at isinuot na niya ito.

"Tayo na gutom na ako eh" Sabi jiya sa akin at hinigit na niya ako palabas  ng bahay.

"Saglit lang ilalock ko lang yung bahay" pag aawat ko sa kanya at binitawan niya ako.

Ng malock ko na yung bahay ay nag umpisa na kami mag lakad.

Sa 7/11 kami pumunta dahil yun lang ang malapit sa bahay namin na makakainan.

"Oh bili ka na hanap lang ako ng upuan" utos saakin ni ian kaya pumasok na ako sa loob at bumili ng kanin.

Habang namimili ako ng kakainin ay may naalala ako nasaan ang pang bayad.

Wala nga pala ako pera.

Langya lalaki yon!, ano sa tingin niya ang gusto ko gawin ha!!!! ang mag nakaw.

Agad ako lumabas para hanapin siya.

"Hoy! lalaki wala ako pera no!!" mataray na sabi ko sa kanya.

"Ay saglit lang. Nasaan ba yung walet ko"

"Ah eto oh"

Napa nga nga ako duon sa binigay niya sa akin na pera 1000.

Lanya naman talaga to oh.

Agad ako bumili. ng makabili na ako ay binayaran ko na at dinala ko na duon sa aming upuan.

"Oh yan yung sukli mo. Tas to yung pag kain mo" Sabi ko sa kanya.

"Nasaan yung pagkain mo?" tanong niya sa akin.

"Busog ako no" sagot ko sa kanya.

"Langya karin babae no sabi mo walang pag kain tas busog kapala"

"Sa canteen ako kumain no!"

"Oh tignan mo nakakabili ka ng pag kain duon pero pag bili ng mga ulam sa bahay hindi ka makabili"

"Bigay lang yon sa akin no" Sabi ko sa kanya na abala sa pag kain niya.

"Bakit may birthdayan sa school ninyo kanina?"

"Hindi bigay lang sa akin ni manang yon"

"Ah Tita mo ba?"

"Alam mo ang rami mong tanong kumain kanalang nga diyan tanong ka ng tanong ano to ha question and answer ba ha??"

Pag rereklamo ko sa kanya.

Yan good, Nasunod din naman pala to eh.

To be continue.....

-------------

Vote and Comment 😊

October 26 17

Hi i am your ranz

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro