Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9

Chapter 9: Pag-iwas


PATULOY pa rin ang pag-iyak ni Shenrey sa kaniyang kwarto hindi alintana ang kumakalam nitong sikmura.

Ngayon pa lang ay parang pinagsisihan niya na kung bakit siya umakto nang ganoon sa harap ni Uriel. Muli niyang pinahid ang luhang dunadaloy sa pisngi nito.

Pikit niyang pinapakalma ang sarili at huminga pa ito ng ilang ulit. She inhale deeply and holdnit for about a seconds and let it out. She do it multiple of times.

Nang maging kalmado ay nagpasya itong uminom ng tubig sa labas dahil uhaw na uhaw na ito tapos umiyak ng gabalde.

Naingat niyang binuksan ang pinto ng marinig na may kinakusap sa labas ang Tiya Marin niya. Dulot ng dingding ay hindi niya alam kung sino iyon kaya pinagpatuliy niya ang kuha ng tubig.

Pero sa oras na nalaman nito iung sino ang kinakausap ng tiyahin niya ay napatigil ito sa pag-inom.

"I'm sorry po, tita. Ang totoo niyan ay sumama ang loob niya sa 'kin kanina," mahinang paliwanag ni Uriel. "Dinamdam niya 'yong palagi akong late sa usapan namin."

Hindi lang naman ganoon ang dahilan kung bakit siya nagtampo. Gustong lumabas ni Shenrey at ipagsigawan iyon pero pinigilan niya ang sarili.

Mas lalong siya lumapit para mas lalong marinig angvusapan ng tiyahin niya at ni Uriel.

"Uriel, anak, alam kong wala ako karapatang panghimasukan ang namamagitan sa inyong dalawa pero sana. . .kung ano man ang pinagtalunan niyo o hindi pagkakaunawaan ni Shenrey, sana ay mapag-usapan niyo ng maayos iyon. Alam kong, alam mo na may umuusbong na pagtingin ang pamangkin ko sa 'yo. Labis-labis na ang sakit na naranasan ni Shenrey, hindi ko na kayang makitang bumalik sa ganoon ang pamangkin ko, Uriel."

"Naiintindihan ko po, tita. Sorry po talaga."

"Hindi ako ang dapat mong hingan ng tawad, Uriel. Kung gusto mong makausap si Shenrey, siguro ay bumalik ka na lang bukas. Hayaan muna natin siyang mapag-isa at makapag-isip-isip."

"Sige po, tita. Uuwi na po muna ako. Pumasok ka na po sa loob, baka magkasakit po kayo sa lamig ng hangin dito sa labas at hamog."

"Oh siya, papasok na ako. Halong ka, ha?"

"Oho."

Shenrey's eye widened at patakbong pumasok sa kwarto. Sinilip niya sa bintana kung umalis na ba si Uriel o hindi pero nasaksihan nito ang pagtitig niya sa telepono.

Tila may malalim itong iniisip kaya may parte sa puso ni Shenrey na dapat niyang alamin kung sino o ano amg tinititigan niya sa telepono nito.

Uriel place his phone near on his left ear. Maiging nakatitig ang dalaga at pilit na nilalapit ang tenga sa bintana para marinig ang sinasabi sa kabilang linya pero bigo siyang marinig iyon.

"Laureen," sambit ni Uriel. "Why are you calling me?"

Napasapo si Shenrey sa sariling bibig at pinigiilan ang sariling maiyak. Alam na alam niya ang pangalan iyon.

Sa isang iglap ay binalot ng selos at sama ng loob ang sistema ni Shenrey. Bigla niyang naisip na baka pinaglalaruan lang siya ni Uriel.

"Laureen—"

Naputol ang sasabihin ni Uriel at napatitig ito sa telepono ng ilang minuto bago pagpasyahang umalis.

"Laureen?" mahinang sambit ni Shenrey. "Mabuti pa siya alam 'yung number ni Uriel. Ako?" sarkastiko itong natawa. "Ni hindi nga niya naisip na tawagan o hingin ang numero ko," may samang loob na sambit ni Shenrey.

Bumalik ito sa pagkakahiga at nagtalukbong ng kumot. Binuhos niya ang iyak buong gabi, hindi man lang kumain ng hapunan at nagpakalunod sa sama ng loob.



○••○••○••○

KINAUMAGAHAN ay maagang nagligpit si Shenrey at naglakad-lakad sa dalampasigan. Nagmumuni-muni ang dalaga at minsanang napapaiyak kapag dumadaan sa isip nito si Uriel.

Bente singko anyos pa lang siya, marami pa siyang oras para magliwaliw sa buhay. Dapat ay huwag niyang madaliin ang sarili.

Tama! Hayaan ko muna ang sarili. Darating at darating ang tamang tao sa kaniya sa tamang oras.

Pinahid nito ang luha sa pinsgi at ngumiting napatitig sa dagat. Kailangan huwag niyang damdamin ito. Kung buhay si Ian ay baka pagalitan siya nito dahil iyak siya nang iyak.

Buo ang loob na bumalik sa bahay ng tiya niya si Shenrey. Nagtataka ang tiya nito bakit ngiting-ngiti si Shenrey pagbalik sa bahay.

"Mukhang good mood ang pamangkin ko, ah?" puna ni Marin.

"Tita, pwede po akong pumunta sa pamilihan?" nakangiting wika ni Shenrey.

"Kabisado mo ba ang daan papunta ro'n?"

"Hindi po e. Gusto ko sanang mamasyal sa plaza at mamili na rin. Saka, gusto ko ring maghanap ng trabaho rito para may pansustento ako sa kailangan natin kahit papaano."

Hinarap ni Marin ang pamangkin at tinitigan ito ng mabuti. Pilit niyang inaalam ang laman ng isip ng dalaga pero hindi niya mabasa 'to.

"Okay ka lang ba talaga, Shenrey?" alalang tanong ni Marin

Shenrey smile. "Opo! Naisip ko po kasing baka nahihirapan na kayo sa 'kin at sa panggastos sa pang-araw-araw. Nakakahiya na po."

Napabuntonghininga si Marin, kahit na nag-aalala ito ay pinagpasyahan niya pa ring pagbigyan ang  hiling ng pamangkin.

Dali-daling nag-ayos si Shenrey. Tinirintas nito ang buhok sa magkabilaang tenga nito. Sinuot niya rin ang pulay puting relo. Kinuha niya sa hanger ang kulay puting dress na hanggang tuhod. Pinaresan niya ito ng isang puting sapatos.

Napatingin siyang muli sa salamin. Nang makitang wala pang kulay ang bibig nito ay hiniram niya ang kulay pulang lipstick ng tiyahin niya. Nilagyan niya rin ng kaunting ang pisngi para huwag maging maputla ang kutis.

She's already set and ready to go. May inabot na pera ang tiyahin nito.

"Bumili ka ng mga damit mo, anak. Kung anong nais mong bilhin ay bilhin mo. Mag-iingat ka, ha? Huwag kang magpagabi," paalala ng tiyahin.

Napatango si Shenrey. "Opo, tita. Mauuna na po ako!" excited na tugon ng dalaga.

Natawa si Marin dahil amg sarap tingnan na ganoon kasigla ang ngiti ng pamangkin. "Napakaganda mo talaga, Shenrey."

"Salamat po, tita. Mauna na ako!"

"Halong ha?"

Tuwang-tuwang napangiti si Shenrey at nag-abang na ng tricycle na masasakyan. Nang makasakay ang dalaga ay manghang-mangha itong napatitig sa paligid.

Napakasarap sa ilong ang preskong hangin at ang luntiang paligid ay pinupuno ang paningin nito.

May nga nadaraanan siyang mga fish pond at iilang mga tindahan sa daan. Napapangiti na lang din siya ng may nakitang mga batang naglalaro sa gilid ng kalsada.

Sa hindi kalayuan ay may naaninaw siyang magandang mansion. Pinaghalong puti at krema ang kulay ng buong bahay hanggang sa gate nitong puro bakal.

May pamilyar na sasakyang naka-park sa gilid ng bahay at pilit niyang inisip kung saan niya pa iyon nakita.

Shenrey's eye widened when she remembered it was the same as Uriel's car. Hindi pwedeng nagkataong pareho ang kulay at disensyon ng sasakyang iyon dahil meron pagkakakilanlan ang likod ng kotse ni Uriel.

Naroon ang stuff toy na itlog na gustong-gusto niyang hingin kay Uriel pero hindi niya sinabi sa binata. Napakagat labi ang dalaga dahil sa paghanga nito sa ganda ng bahay ni Uriel.

She knows that Uriel was from a wealthy family, sa kilos pa lang at panannalita ng binata ay mababatid ng galing ito sa may kayang angkan.

Hindi naman ibig sabihin na mayaman ang binata ay iyon na ang dahilan kung bakit niya nagustuhan si Uriel. Talaga nga kasing mabilis mahulog ang loob ni Shenrey sa lalaking gentleman at mapag-alala.

"Ang ganda talaga ng mansion ng mga Verdadero, oo," pakinig niyang usal ng driver sa sandaling tumigil ito sa kabilang daan dahil may sasakay na pasahero.

Verdadero? Apelyido iyon ni Uriel, ah?

Doon mas lalong napagmasdan ni Shenrey ang bahay sa malapitan. Akmang aalisin niya na sana ang paningin ng may tumigil na pulang sasakyan sa harap ng gate nito.

Lumabas ang isang napakagandang babae sa kotse at pinindot ang doorbell ng bahay.

Mahaba ang itim na itim nitong buhok hanggang bewang. Balingkinitan at kahit malayo siya ay tumitingkad ang makinis na kutis ng dalaga.

Nasaksihan ng dalawang mata ni Shenrey ang pagbukas ng gate at niluwa no'n si Uriel. Tumambol ng husto ang puso niya ng makita si Uriel.

Halos saksakin ang puso niya sa pagkakataong niyakap ng napakagandang babae si Uriel. Hindi sadyang napabaling ang tingin ni Uriel sa tricycle na sinasakyan ni Shenrey at halos lumuwa ang mata nito ng magtagpo ang paningin nilang dalawa.

Gustong tumawa ni Shenrey dahil parang sinasadya talaga ng tadha na makita niya ang pangyayaring iyon. Pikit niyang pinakalma ang sarili para huwag umiiyak sa loob ng sinasakyan.

Siya ang unang pumutol sa titigan nilang dalawa ni Uriel. Laking pasasalamat niya sa oagkakataong iyon ay tuluyan ng umalis ang tricycle.

Shenrey bit her lower lip for her not to cry. Ayaw niyang makita ng katabi niya na umiiyak siya kaya kahit nahihirapan itong pigilan ang luha ay pinilit niya pa ring huwag maiyak.

Nang makababa si Shenrey sa tricycle ay  dali-dali itong pumunta sa plaza. Laking pasasalmat niya ngayon dahil walang tao kaya roon niya binuhos ang luha.lng pilit niyang pinipigilan.

Pinapaikot lang ba siya ni Uriel? Bakit sabi nito ay wala naman siyang girlfriend. Nag-assume lang ba siya na may pagtingin din si Uriel sa kaniya?

That girl from earlier is so sexy, walang panama ang katawan niya sa katawan ng babaeng kayakapan ni Uriel. Makinis din naman si Shenrey at maputi pero mas maputi ang babaeng iyon. Lamang na lamang din ang tindig at halatang may kaya sa buhay. E, siya? Wala ngang trabaho at palamunin pa rin sa tiyahin.

Shenrey cried evenmore. Ngayon ay sinasampal siya ng katotohanan na ang layo-layo pala talaga ng estado niya kay Uriel.

Hindi napansin ng dalaga na may umupo sa tabi niya. Patuloy pa rin siya sa pag-iyak at hindi alintana ang naupong binata.

"Tahan na. Sino ba 'yong nagpaiyak sa 'yo?"

Napatigil si Shenrey at agad na inangat ang ulo. Halos tumalon siya sa gulat ng malamang nalamang may jatabi pala siya.

"Here."  Inabot ng binata ang kulay itim na panyo sa dalaga. "Take this."

"A-ano. . ." Napasinghot si Shenrey. "H-hindi na. N-nakakahiya."

Napatitig lang sa kaniya ang binata pero halos mayulos siya sa kinauupuan nang sinulang pahiran ng bihata gamit ang panyo ang pisngi nito.

"Stop crying. Napakaganda mo pa naman para paiyakin. You can share your problem to me," malumanay na sambit ng binata. "By the way, I'm Tristo. Tristo Delgehilno," ngiting pakilala nito kay Shenrey.

Bagamat hindi pa gaanong kilala ng dalaga ang binata ay magaan na ang pakiramdam nito kay Tristo. Tuluyang napatigil sa pag-iyak si Shenrey at nahihiyang tinanggap ang kamay ni Tristo.

"Shenrey. Shenrey Claire Natividad," pakilala ng dalaga.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro